Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TWENTY

Patrick's Point Of View

KANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?

"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text.

"Can't wait? Almost there!"

Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.

'Yon nga lang ba?

Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inalalayan niya akong makatayo at maglakad. Teka, saan kami pupunta?

Nakarating kami sa hagdanan. Pupunta ba kami ngayon sa kwarto ko? Napangisi na naman ako dahil sa naiisip.

Inalalayan niya ako paakyat ng hagdan hanggang sa makapasok kami ng kwarto. Dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya nang tumigil na kami sa paglalakad. Tatanggalin ko na sana 'yung piring pero pinigilan niya ako. Napangiti na naman ako. Ito pala ang gusto niya, ha? Ang hindi ako makakita sa kung ano man ang gagawin namin. Lol! Nakaka-excite.

Mayamaya lang ay itinulak niya ako. Nagulat ako dahil sa ginawa niya pero buti na lang sa kama ako bumagsak. Naramdaman ko kaagad ang labi niyang dumampi sa labi ko. Natigilan ako saglit. Bakit gano'n? Bakit parang mas masarap yata ang mga halik niya noon kung ikukumpara ngayon?

Pero hindi ko na lang inisip pa 'yon. Tumugon na lang ako sa mga halik niya. Naramdaman ko naman ang pagiging malikot ng mga kamay niya dahil kung saan-saan na lamang ito napupunta. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang maramdaman kong tumigil ang kamay niya sa 'ano' ko at hinimas-himas pa iyon. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang gawin niya 'yon kaya hindi ko na napigilan at mahina akong napaungol.

Napaisip naman ako bigla, this is the first time na siya ang gumagawa ng action. I mean, sa tuwing nagsisisiping kasi kaming dalawa, ako ang nag-aaya at hindi siya. Ako ang mas maraming ginagawa at pinapabayaan niya lang ako. Pero ngayon, nabaliktad na. Ako itong nakapiring at siya ang unang gumagawa ng actions. Ang wild pala ni Sunshine! Ang wild ng magiging asawa ko!

"Ang wild mo pala." Hindi ko mapigilan ang sarili ko at nasambit ko 'yon. Napaungol ulit ako nang diniinan niya ang pagkakahawak sa 'ano' ko. Ipinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya hanggang sa hubarin na niya ang damit ko, sumunod naman ang pantalon ko. Itinulak pa niya ako para mapahiga ako sa kama. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko at excited na rin ito sa puwedeng mangyari. Tanging brief na lang ang natirang saplot sa katawan ko at minamasahe lang niya ang ibabaw niyon. Ilang beses akong napaungol dahil sa sensasyong nararamdaman ko.

"I can't wait, Babe. Please, let me do it," pagmamakaawa ko. Hindi na kasi ako mapakali. Excited na ako at si Jun-jun. Kung bakit ba kasi may papiring- piring pa siyang nalalaman? At ano namang trip niya? Bakit hindi siya nagsasalita? Gusto kong marinig ang boses niya... in pleasure!

Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya gumalaw na ako. Hinaplos ko kaagad ang balakang niya. Teka, bakit parang may mali yata? Ilang beses na naming ginagawa 'to ni Sunshine at halos makabisado ko na ang hugis ng katawan niya. Pero ngayong nahawakan ko ang balakang niya, feeling ko, may mali. Mali ba o sadyang pumayat lang talaga siya? Hindi ko alam. Sa pagkakaalam ko kasi, malaman itong pwetan niya, eh. O baka naman nagkakamali lang talaga ako?

"Why did you stop? What's the problem?"

Unang bigkas pa lang niya sa salita ay nanlaki na agad ang mga mata ko kahit nakapiring ako. Shit. Don't tell me...

Dali-dali kong tinaggal ang pagkakapiring sa mata ko at kahit may clue na ako kung sino siya ay nagulat pa rin ako dahil sa nakikita ko. Shit!

"What the fuck?!" sabi ko sabay tulak sa kanya palayo at kinuha ang kumot at itinakip ito sa hubad na katawan ko. 'Yung mukha niya, gulat na gulat din. Bakit? Dahil ba sa itinulak at minura ko siya? O dahil narealize niyang nagsalita siya? I know, sinet-up niya lang ang lahat.

Kaya pala nakapiring ang mga mata ko para hindi ko siya kaagad makita. Kaya pala hindi siya nagsasalita para hindi ko siya mabuking kaagad. Kaya pala parang nag-iba ang mga halik niya kanina, kasi in the first place, hindi naman pala siya si Sunshine!

Nakakadiri. Nahawakan niya ang pagkalalaki ko.

Nahawakan niya ang katawan ko. Nakakadiri siya. "Patrick..."

"What the fuck are you doing, Sheena?!" galit kong tanong sa kanya. Napataas pa ang boses ko dahil sa inis.

"Patrick, I love you!"

"And I don't!" sigaw ko. "Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na hindi kita mahal at kahit na kailan, hindi kita mamahalin?! Si Sunshine ang mahal ko at hindi ikaw. Naiintindihan mo ba? Hindi. Ikaw! Bakit ba hindi mo matanggap ang katotohang 'yon?"

"Ayokong tanggapin dahil alam ko namang nagsisinungaling ka lang!"

"You're unbelievable!"

"You love me, alam ko 'yon!" "You're crazy!"

"I love you, Patrick! Please. Please be mine!" pagmamakaawa niya. Lumapit pa siya sa akin at pilit akong niyayakap pero itinulak ko lang siya.

"Puwede ba, Sheena, umalis ka na lang! Nandidiri ako sa 'yo ngayon, alam mo ba 'yon? Nandidiri ako sa ginawa mo—" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay sinampal na niya ako kaagad. Napaawang naman ang labi ko sa sakit.

"Oh my god! I'm sorry, nabigla lang ako." "Umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko

sa 'yo."

"Patrick..."

"Umalis ka na sabi, eh! Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko't masuntok pa kita dahil sa kagaguhang pinaggagagawa mo!"

"You can't do that."

"Yes, I can," seryoso kong sabi sa kanya. Makakasapak talaga ako ng babae kapag hindi ako nakapagpigil, promise.

Tinitigan niya lang ako. Nagmamakaawa ang titig niyang 'yon. May lungkot. Para siyang nanlilimos pero hindi kailanman nabigyan.

"I'm sorry, Sheena, but I can't love you. It will never happen. Sana maintindihan mo. Please, get out."

"Patrick..."

"Get the hell out of my room!" sigaw ko sa kanya. Natigilan naman siya dahil sa biglaang pagsigaw ko. Napansin kong ikinuyom niya ang mga palad n'ya at napahinga nang malalim. Ramdam na ramdam ko doon 'yung galit at problema niya but I don't fucking care!

"You'll regret this, Patrick. Swear to God. You'll regret all of this! Pagsisisihan mong ipinagpalit mo ako sa kanya."

"Mas pagsisisihan ko pa kung ikaw ang makakasama ko, Sheena. I love Sunshine very much at hindi mo kami mapaghihiwalay. Only death can separate us. At pwede ba, 'wag mo ngang idamay ang Panginoon. Masunog ka pa sa impyerno sa pinagsasasabi mo."

"Death. Really?" Ngumiti pa siya nang nakakaloko. Itinaas niya ang kanang kilay n'ya saka ako inirapan at mabilis nang nawala sa paningin ko. Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko. Bakit gano'n? Bakit parang kinakabahan ako sa sinabi niya?

Napatingin ulit ako sa katawan kong tanging brief na lang ang naiwan.

"Bullshit!" I cursed again. Walang'ya! Gano'n na ba talaga ka-desperada ang babaeng 'yon para gawin ang bagay na ito?

▫▫▫🎈▫▫▫

Napatingin na naman ako sa phone ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin nag-te-text sa 'kin si Sunshine. Nasa'n na ba 'yon? Sabi niya kanina sa text 'almost there' na raw, pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya? Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kinakabahan na talaga ako.

"Nasaan ka na ba? Kanina pa ako nag-aalala!" text ko sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas ay nag- vibrate na agad iyon. May tumatawag! Mabilis kong sinagot ang tawag niyang 'yon.

"Babe—"

"You should be worried by now." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses niya.

"Shit ka! Bakit nasa 'yo ang phone ni Sunshine? Where is she?" kinakabahang tanong ko. Bakit nasa kanya ang gamit ni Sunshine?

"Death. I'll remember that word, honey!" Tapos ay tumawa siya na parang demonyo.

"Fuck you, Sheena! Don't you dare try to hurt her! Swear to God, and I will kill you!" puno ng pagbabantang sabi ko sa kanya. Malakas ang loob ko na hawak niya ngayon si Sunshine. Swear, malaman ko lang talaga na may gagawin siyang hindi maganda sa mag-ina ko, hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"What a sweet word, my dear. I'll take note of that." Tumawa na naman siya na parang demonyo. Magsasalita pa sana ako pero dial tone na lang ang naririnig ko. Shit! What do I do? Baka may kung anong gawin ang babaeng 'yon kay Sunshine!

"Tuluyan ka na talagang nawala sa katinuan, Sheena. Binulag ka ng pagmamahal na meron ka," sambit ko sa sarili. Ano bang nagawa ko? Bakit hindi niya matanggap na ayoko sa kanya? Na may mahal na akong iba? Bakit hindi na lang siya makontento sa buhay na meron siya? She's a professional model, and much better kung doon na lang niya ituon ang pansin niya. Bakit kailangan niya pang manggulo sa relasyon ng iba?

Hindi ako mapakali. Tinawagan ko ulit si Sunshine pero pinabayaan lang 'yon ni Sheena na mag- ring at hindi na 'yon sinagot pa. Hindi ko rin naman malaman kung saan siya dinala ni Sheena. Shit lang talaga!

▫▫▫🎈▫▫▫

Sunshine's Point Of View

Gutom na ako. Nanghihina. Siguro ay dahil kanina ko pa pinipilit ang sarili na makawala mula sa pagkakatali ng kamay ko. Gusto ko nang umuwi. Hindi ko alam kung anong oras na pero sa tingin ko ay madaling araw na.

Hindi ako makatulog nang maayos. Maliban kasi sa hindi ako sanay matulog nang nakaupo, parang namamanhid na rin ang pwetan ko at sumasakit na talaga ang katawan ko dahil sa pagkakatali. Pinipilit ko pa ring igalaw ang sarili ko para kahit papaano ay lumuwag ang pagkakatali sa 'kin pero hanggang ngayon ay bigo pa rin ako. Gustong-gusto ko na talagang umuwi. Gusto ko ng kumain. Gusto ko ng magpahinga at matulog. Pero putakte naman, oh! Hindi ako makaalis sa madilim na kwartong 'to!

Sinubukan kong ipikit muli ang mga mata ko. Sana naman this time, makatulog na 'ko. Itutulog ko na lang 'yung sakit, gutom, at pagod ko. Sana, madapuan din ng konsensya ang bruhang Sheena na 'yon at marealize niya ang ginawa niya sa 'kin. Sana, pakawalan na niya 'ko. Ano bang mapapala niya kapag ginagawa niya 'to?

Nakapikit lang ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pintuan. Umilaw na ulit ang paligid. Sigurado ako, siya na naman 'to. Wala namang ibang pumupunta dito maliban lang sa kanya, eh. At nang nasa harapan ko na siya, una kong napansin ay ang basong hawak niya na may lamang inumin.

Walang anu-ano'y bigla niya akong sinampal. Dahil sa sobrang lakas at gulat ko ay hindi ko agad magawang mag-react. Hindi pa siya nakontento at sinampal na naman n'ya ako sa kabilang pisngi ko. Namumuro na sa 'kin ang babaeng 'to, ha!

"Peste ka talagang babae ka! Peste ka sa buhay ko!" Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.

"Hindi ako magawang mahalin ni Patrick dahil sa 'yo! Bwisit ka!" At sinampal na naman niya ako sa pangatlong pagkakataon. Isang-isa na lang talaga! Kapag ako lang talaga nakakawala dito, ipapatikim ko rin sa kanya ang sampal ng isang Sunshine Bernardo!

"Bakit? Bakit ang malas-malas ko? Minsan na nga lang ako magmahal, doon pa sa hindi magiging akin! Alam mo, siguro nga dapat mawala ka na lang, eh. Nang sa ganoon ay maibaling na ni Patrick ang atensyon niya sa 'kin." Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi niya. Lumapit pa siya sa 'kin. Anong gagawin niya?

"Ano kaya kung patayin na lang kita?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at bumilis ang tibok ng puso ko. Mayamaya lang ay tumatawa na siya na parang bruha.

"Just kidding," sambit niya. "Mabait naman ako kahit papaano kaya hindi mangyayari 'yon."

Tumawa siya nang malakas sabay ikot sa bandang likuran ko at doon ay bigla na lamang niyang hinila ang buhok ko at bumulong.

"Pero tandaan mo, kung hindi man siya magiging akin, hindi rin siya magiging sa 'yo." Binitawan na niya ang buhok ko at napalakad-lakad sa harapan ko. "Pero alam mo, Sunshine, maswerte ka kasi may nagmamahal sa 'yo." Bahagya siyang nakatagilid sa 'kin nang sabihin niya 'yon. Pero kahit gano'n, kita ko pa rin sa mukha niya 'yung lungkot.

"Ang mahalin ako, 'yon lang naman ang gusto kong mangyari, eh! Pero hindi 'yon magawa-gawa ng mga taong nakapaligid sa 'kin."

"Bakit nila mamahalin ang isang kagaya mo?"

Kahit natatakot ay nagawa ko pa rin ang sumagot sa kanya. Iinom na dapat siya ng alak na hawak niya pero napatigil siya dahil sa sinabi ko. Nanliit ang mga mata niyang napatingin sa akin saka lumapit. "Sa ganyang klase ng ugaling ipinapakita mo, sa tingin mo may magmamahal pa sa 'yo? Bakit hindi mo kaya muna subukang maging mabait sa mga taong nakapaligid sa 'yo? Gusto mong mahalin? Pwes, mahalin mo muna ang sarili mo!"

Bakit ba kasi humantong siya sa ganito? Hindi naman niya kailangan na puwersahin ang taong magkagusto sa kanya.

"Sheena, bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to? Dahil ba sa hindi mo makuha si Patrick dahil ako ang mahal niya at hindi ikaw? Dahil ba hindi mo matanggap ang nangyayari? For God's sake, Sheena. Hindi lang si Patrick ang lalaki sa mundo! Maniwala ka sa 'kin. Balang araw, makakahanap ka rin ng taong mas hihigit pa kay Patrick. Makakahanap ka rin ng taong magmamahal sa 'yo kagaya ng sinasabi mo."

Nakatitig lang siya sa 'kin at ilang segundo lang ang lumipas nang humalakhak na naman siya.

"Nagpapatawa ka ba? Hindi ko sila kailangan! Si Patrick lang ang gusto ko!"

"Maawa ka naman sa sarili mo, Sheena. Hindi mo kailangang humantong sa ganito."

"At sino ka para pagsabihan ako sa kung ano ang dapat kong gawin?"

Bigla akong kinabahan nang lumakas ang boses niya. Medyo pagewang-gewang siyang naglakad palapit sa 'kin. Nang makalapit siya nang tuluyan ay dinuro niya ang dibdib ko.

"Don't you dare tell me what to do!"

Uminom ulit siya nung dala niyang alak at nang maubos ay kaagad niya itong tinapon sa kung saan, kasabay no'n ay ang pagsigaw niya.

"Patrick is mine!" Nahihibang na talaga siya.

Sinubukan kong kumawala ulit mula sa pagkakatali. Kahit medyo namamanhid na ang mga kamay ko, naramdaman kong medyo lumuluwag na siya. Hindi ko ipinapahalata, pero kahit papaano ay nakakagalaw na nang maayos ang mga kamay ko. Tamang tiyempo lang at makakatakas na rin ako sa lugar na 'to.

"You know what? Ikaw lang naman ang hadlang, eh. Kung wala ka, mababaling sa 'kin ang atensyon ni Patrick. Kung wala ka, ako ang mamahalin niya!"

Tumalikod siya sa 'kin at saka pumunta sa isang lamesa hindi kalayuan sa pwesto ko. Ginamit ko naman ang pagkakataong 'yon para tuluyang matanggal ang pagkakatali sa kamay ko at saka tumayo.

Saktong pagtakbo ko ay saka namang harap niya sa 'kin. At dahil sa may bandang unahan niya lang ang pintuan ay kailangan ko pa muna siyang madaanan sa pwesto niya para tuluyan akong makaalis. Pero kahit pakiramdam ko ay medyo lasing na siya ay nagawa niya pa ring mahila ang buhok ko, dahilan para mapasigaw ako sa sakit at mapahinto.

"Where do you think you're going?"

"Let me go, Sheena! Pakawalan mo ako!"

Buong pwersa ko siyang itinulak at akmang tatakbo na sana ulit pero bigla naman akong nadapa.

Gusto ko ng makaalis sa lugar na 'to. Nanghihina na ako.

Tatayo na sana ako nang bigla siyang dumating at hinila ang buhok ko. Nakaluhod siya nang bahagya sa 'kin. Napangiwi na lang ako dahil sa sakit ng pagsabunot niya sa 'kin.

"Masyado mo talagang inuubos ang pasensya ko, Sunshine!"

Noong mga oras na 'yon ay napaiyak na lang ako dahil sa nangyayari. Naramdaman ko na naman ang kaunting kirot sa tiyan ko at naramdaman ko ring tila may kung anong gumagapang sa hita ko. Nang tingnan ko 'yon ay gano'n na lang ang takot ko nang makita ang dugong umaagos sa hita ko papunta sa sahig kung saan ako nadapa. Mas lalo akong naiyak dahil naisip ko ang kalagayan ng magiging anak ko. Ayaw kong mawala siya sa 'kin!

"Sheena, please, nagmamakaawa na ako sa 'yo. Pakawalan mo na 'ko dito. Pakawalan mo kami dito."

Sunod-sunod na ang pagpatak ng luha ko dahil na rin sa takot sa pwedeng mangyari. Nakita kong napakunot ang noo niya.

"Kami?"

"B-Buntis ako, Sheena. P-Please, pakawalan mo na kami."

Napabitaw siya sa pagkakahawak ng buhok ko dahil sa narinig. Kita ko yung gulat sa mga mata niya. Dahan-dahan naman akong tumayo at mas lalo akong napaiyak dahil unti-unti na ring lumalala ang pagsakit ng tiyan ko.

"Shit! I... I didn't know. I–"

Nakita kong napasabunot siya sa sarili niyang buhok dahil sa nalaman. Mayamaya ay may hinalungkat siya sa phone niya at may tinawagan.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa sintido ko at medyo na out of balance ako.

"H-Hello, Patrick!"

'Yon lang ang narinig ko at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro