CHAPTER TWELVE
Sunshine's Point Of View
"BABE, 'asan ka ngayon?" text ko kay Patrick. Ilang araw na rin siyang di nagpaparamdam sa akin. Nag-aalala na ako. Ano na kayang nangyayari dun? Nilagay ko muna sa side table ang phone ko pero wala pang limang segundo ay di pa rin iyon tumutunog. Shet. Bakit ang tagal niya magreply?
'Di ko na siya nakakausap this past few weeks. Kapag nagtetext ako sa kanya, 'di naman siya nagrereply. Kapag tatawagan naman, walang sumasagot. Pumunta ako sa bahay nila, wala rin daw siya doon. The last time na pumunta ako sa tambayan, wala ring mga tao doon. Wala rin naman siyang sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta. Nakakatampo na, ha! Dapat na ba akong kabahan? Kasi sa totoo lang, parang papunta na do'n 'yung nararamdaman ko.
Again, nakatutok pa rin ako sa phone ko at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanggap na text message galing sa kanya. This is weird. Nagmadali akong nagbihis at kinuha ang sling bag ko saka ako lumabas ng bahay. Tama, pupuntahan ko siya sa tambayan, baka nando'n na siya.
"Kainis ka, Patrick! May iba ka pa bang pinagkakaabalahan maliban sa 'kin?" nayayamot kong tanong sa sarili saka nagmamaktol na naglakad.
▫▫▫🎈▫▫▫
Wow.
Manghang sabi ko. At sa sobrang mangha ko, ang sarap manapak ng mga taong traydor! Putcha! Kararating ko lang sa tambayan and to my surprise, nakita ko lang naman si Patrick... may kausap na babae. Magkatabi silang nakaupo sa sofa at ang saya-saya nilang nag-uusap dalawa. Ang sakit lang!
Alam kong wala silang ginagawang masama. Pero kasi, nakakainis lang talaga, eh. Ilang linggo siyang 'di nagpaparamdam sa akin. Sobrang nag-aalala na nga ako para sa kanya, tapos makikita ko lang siya ngayon na tumatawa at may kasamang ibang babae? Take note, sila lang dalawa ang tao, ha? Grabe lang talaga.
Gusto kong umeksena sa kanila. Gusto kong iparating 'yung mensahe kay Patrick na may girlfriend siyang pinag-alala niya. Kaso, nakakahiya naman 'yon, 'di ba? Nakakahiya kung puputulin ko 'yung masayang usapan nila. Mga peste!
Tiim-bagang akong tumalikod sa kanila at nagmamadaling lumabas. Walang anu-ano'y tumulo na ang mga luha sa mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Peste talaga.
Ang tagal niyang hindi nagparamdam tapos ganoon pala ang ginagawa niya? May balak ba siyang umamin sa akin?
"Ouch!"
Natigil ako sa iniisip nang may nabangga akong tao. Dali-dali kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko bago harapin ang kung sino mang nakabanggaan ko.
Pero natahimik din ako nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Kita ko naman 'yung lungkot sa mga mata niya pero pinilit niya pa ring ngumiti.
"It's you again!" masayang sabi niya. "Bry—"
"Oops! Don't tell me, Bryan na naman ang babanggitin mo?" pagputol niya sa sasabihin ko. Gwapo siya, promise. Huminga muna siya nang malalim saka pa nagsalita ulit.
"Look, I'm not your friend named Bryan, okay? I don't know him either. Arkin Saavedra is my name." Nakangiti siyang inilahad ang kamay niya. Napataas naman ang kilay ko. "Just so you know," patuloy niya.
Bakit gano'n? Kahit alam ko ng hindi talaga siya si Bryan, iyon pa rin 'yung pakiramdam ko? Siguro, dahil magkamukha nga sila? Ewan.
"Sunshine," sabi ko na lang sabay kuha ng kanyang kamay at nakipag-shake hands. Pagkatapos kong gawin iyon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Bumalik na naman 'yung sakit na panandaliang nawala kanina. Patrick.
"Ang lalim."
"Ay, puta!" Napahawak pa ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Ano ba 'yan! Bakit ba siya nanggugulat? Akala ko, umalis na siya pagkatapos kong magpakilala, nakasunod lang pala.
"Ang lalim ng buntong-hininga mo, ah?" tanong niya. "Anyways, sorry nga pala kanina. Hindi kasi kita napansin, eh. Naputol pa tuloy ang drama mo." Anong akala niya sa akin, duwende para 'di makita? Ka-offend siya, ha!
"Okay lang." I feel so uneasy. Nasa likuran ko lang kasi siya at nakasunod. Parang ang awkward na 'di ko maintindihan.
"Shine..."
Nanlaki ang mga mata ko at feeling ko, lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan na dahil sa kilabot. Parang may kung anong dumaloy na kuryente sa likuran ko nang banggitin niya ang salitang iyon.
Shine. Sa dinami-rami ng kaibigan ko, hinding- hindi ko makakalimutan ang nag-iisang taong tumatawag sa akin sa ganoong pangalan. Siya lang talaga ang tumatawag sa akin ng gano'n. Si Bryan. Gaya ng nararamdaman ko tuwing tinatawag ako ni Bryan sa pangalang iyon ay ganoon din ang naramdaman ko nang tawagin ako ni Arkin sa pangalang iyon.
"Ano ka ba, Bryan! Wala ka na nga dito, ginugulo mo pa rin ako. Tigilan mo na nga ako!"
"Bakit ka natigilan?" tanong niya nang 'di na ako makagalaw. "Hey, are you alright? May nasabi ba akong 'di maganda?" pagpapatuloy pa niya. Tinapik pa niya ang balikat ko. Pero dahil 'di pa rin ako makapag-react ay nagsalita pa rin siya.
"Anyways, Shine na lang ang itatawag ko sa 'yo, ha? Masyado kasing mahaba 'yung Sunshine para sa 'kin, eh," paliwanag niya. Napatingin naman ako sa kanya bigla. 'Yung tingin na para bang nagdududa. Teka, pinagdududahan ko ba talaga siya?
"Ano namang tingin 'yan? Look. Hindi ako masamang tao, okay?" paliwanag niya saka ngumiti. At sa ngiti niyang iyon ay parang nawala bigla ang pagdududang nararamdaman ko para sa kanya.
Naibaling ko na lang ang paningin ko sa ibang bagay. How weird. Feeling ko talaga, siya si Bryan. Kasi ang dami nilang similarities, eh. Una na doon sa mukha at ngayon naman, 'yung pagkasabi niya sa pangalan ko. 'Yung totoo? Nagiging weird na rin ba ako?
"Eh kung siya nga si Bryan, ano namang gagawin mo? Sasampalin mo siya? Magagalit ka sa kanya? Akala ko ba, naka-move on ka na?" tanong sa akin ng isang maliit na taong kamukha ko. Konsensiya.
Tama siya. Ano naman ngayon kung siya nga si Bryan? May maibabalik bang relasyon? Wala naman, eh. At saka 'di ba nga, nasa America ngayon si Bryan?
Hay, nako! Ang gulo mo na, Sunshine. Will you just accept the fact na hindi nga talaga si Bryan 'yung taong kausap at kasama mo ngayon? Siya si Arkin Saavedra. Arkin! Ang layo sa Bryan.
"Hindi naman sa tsismoso ako, ha? But since magkaibigan naman na tayo... yata? Puwede ko bang itanong kung bakit ka badtrip kanina?"
Napatingin ako sa kanya. As usual, nakangiti na naman siya. Siguro, kung may pagkakaiba man silang dalawa ni Bryan, 'yon ay masyadong masiyahin itong si Arkin. Napapansin ko kasi 'yung palagi niyang pagngiti. And knowing Bryan naman, he's the serious type of guy. Minsan lang kung ngumiti.
Bryan na naman. Aish!
Nasa may kubo na kami ngayon, nakaupo. Katapat namin ay isang eskwelahan. Siguro, dito tumatambay 'yung mga estudyante kapag walang magawa. Oh, how I miss my school days.
"Si Patrick kasi," pagsisimula ko. Naalala ko na naman 'yung nakita ko kanina sa tambayan.
"Who's Patrick?"
"My boyfriend—soon to be the father of my baby, actually." Nakangiti kong hinawakan ang tiyan ko tapos ay napatingin ako sa kanya.
Wait. Did I just see how his eyes, full of pain, looked at me? Sakit ba talaga 'yung nakikita ko? Ewan. Pero 'di ko na masyadong inisip pa 'yon. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.
"Buntis kasi ako. At nakakainis lang kasi ilang linggo rin siyang 'di nagparamdam sa akin. 'Di ko siya nakakausap, ni walang text, as in wala talaga. Hindi ko siya maintindihan, eh. Sa pagkakaalam ko, wala namang problema sa amin. Hindi rin naman kami nag-away o nagkatampuhan kaya nakakainis lang isipin na 'di siya nagpaparamdam sa akin. O kung may problema man siya, dapat sabihin niya rin 'yon sa akin, 'di ba? Girlfriend niya ako kaya dapat lang na mag-open up siya sa akin. Tapos, kanina lang... Ayst! Alam mo 'yung feeling na alalang- alala ka na sa kanya, tapos makikita mo na lang siyang may kasamang iba, tapos nagtatawanan pa sila? Take note, babae 'yung kasama niya, ha? Nakakainis lang, 'di ba?" inis kong sabi sa kanya. Feeling ko, si Arkin ang pinapagalitan ko.
Pansin kong may kinuha siya sa kanyang bulsa at nang mailabas iyon ay nakita kong panyo pala iyon. Inilahad niya iyon sa 'kin. Umiiyak ba ako?
"H'wag ka ngang umiyak! 'Di kasi ako sanay na may umiiyak na babae sa harapan ko, eh. Take this. O baka gusto mo, ako pa magpunas ng luha mo? Akin na."
"H'wag! A-Ako na," putol ko sa kanya saka kinuha ang panyo. Kainis! Nakakahiya kay Arkin. Ngayon pa nga lang kami nagkakilala, dinadramahan ko na siya kaagad. Hindi ko mapigilan, eh.
"Please, don't cry." Napatingin ako sa kanya. Bakit sobrang pag-aalala ang nakikita ko ngayon sa kanya? "Makakaapekto ang pag-iyak mo sa bata. At saka, ang pangit mo 'pag umiiyak. Tumigil ka na nga!" Wow, ha! Pagkatapos kong maguluhan dahil sa nakikita kong pag- aalala sa mukha niya, ngayon naman nanlalait siya? Feeling close? Makalait, ha!
"Nasaan 'yung Patrick na 'yan? Bugbugin natin." Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. OA niya, ha? "Hehe. Joke lang," sabi pa niya sabay tawa. Nahawa ako sa tawa niya kaya namalayan ko na lang na nakikisabay na pala ako sa pagtawa sa kanya.
Tapos ay sabay rin kaming natahimik.
"May isa pa akong tanong." Ay, feeling close talaga si koya.
"Push mo na 'yan. Ano 'yon?"
"Sino ba si Bryan sa buhay mo?" Natigilan ako sa tanong niya. Bakit niya tinatanong? Napatingin naman ako sa kanya. 'Di ko magawang basahin ang nasa utak niya. 'Di ko rin ma-gets kung anong klaseng facial expression ang ipinapakita niya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, basta nalaman ko na lang na sinasagot ko na pala ang tanong niya.
"Kagaya ng narinig mo sa bibig ng bestfriend ko noong una tayong nagkita, Bryan was my ex-boyfriend." Bakit ko nga ba sinasabi ang lahat ng ito sa kanya? Ngayon ko lang naman siya nakilala. Ay, ewan.
"Alam mo 'yung feeling na akala mo, ikaw 'yung first priority niya, pero hindi pala? Akala ko, hindi darating 'yung araw na kinakatakutan ko—ang mawala siya sa akin. Pero noong mismong anniversary namin, sinabi niyang nakikipaghiwalay na raw siya. Akala ko may iba, pero hindi. Ipinagpalit niya ako sa pangarap niya. Okay lang naman sa akin 'yon, eh, ang magtrabaho siya abroad since 'yon naman talaga ang pangarap niya. Pero ang hiwalayan ako? 'Yon siguro ang hindi okay para sa akin. Para sa akin, napakababaw lang kasi ng rason niya."
Bigla ay bumalik 'yung lungkot ng ginawa ni Bryan sa akin.
"Nagalit ako, nagkulong sa kwarto noong mga oras na iyon at nagpakalasing. Then suddenly, Patrick walk into my life. That time, lasing na lasing ako, and I thought ikaw 'yon—I mean, si Bryan 'yon kaya pumayag akong may mangyari sa aming dalawa. Naging desperada na kasi ako ng mga oras na iyon. Iniisip ko kung mabubuntis ba ako, hindi na makikipaghiwalay pa sa akin si Bryan. Pero kinabukasan paggising ko, hindi pala siya si Bryan. It was a stranger na natutunan ko ring mahalin ngayon."
One thing is for sure. I have already moved on with Bryan and am now in love with Patrick, ang lalaking nagparanas sa aking maging masaya ulit.
"The last time I heard Bryan's voice was on the phone. All of a sudden ay nagparamdam siya. Hindi ko alam kung ano ang sadya niya kung bakit siya nagparamdam ulit. Narealize ba niyang mahal pa rin niya ako? Na gusto na niyang makipagbalikan ulit?"
Napasinghal ako sa na naisip. Honestly, okay na ako. Isang bagay lang ang naiisip ko sa ngayon kung bakit may bigat pa rin sa dibdib ko sa tuwing naalala ko si Bryan. Closure. Tama, iyon nga ang kailangan naming dalawa. Kailangan ko para kahit papaano ay maging panatag ako.
"I loved Bryan. But I love Patrick more. Si Patrick na ang naging buhay ko simula noong mawala si Bryan. Si Patrick at 'yung magiging baby namin ang magiging buhay ko ngayon...."
Natigilan ako sa pagsasalita nang bigla niya akong yakapin. Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Bakit ang sakit sa pakiramdam ng yakap niya?
"Mahal mo nga siya," ang tanging nasabi lang niya saka ko naramdamang parang hinalikan niya ang buhok ko. Tapos, may sinabi siyang hindi ko maintindihan pero it sounds like re? Lory? Yuri? Sorry? Ha? Bakit naman siya mag-so-sorry?
Later that night ay dinala niya ako sa Enchanted Kingdom. Ang weird nga, eh. Kasi, pumayag akong sumama sa kanya. Wala naman akong kakaibang nararamdaman sa kanya kaya sige na lang. Mabait naman siya, eh.
Masyado na akong matanda para sumakay pa sa isang carousel, pero dahil mapilit 'yung kasama ko, pumayag na rin ako. Ang saya niya kasama. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nakatayo lang siya habang tinitingnan akong nakasakay na. Iba 'yung tawa niya. Parang... parang... ewan! Mag-enjoy na nga lang ako!
▫▫▫🎈▫▫▫
"Arkin, salamat ha? Salamat, kasi pinasaya mo ako. Salamat, kasi may nakilala akong kaibigan na tulad mo. At saka salamat, kasi naiintindihan mo 'yung ka- dramahan ko kanina."
Kakatapos lang namin magsaya sa loob ng Enchanted Kingdom. Ang dami nga naming ginawa, eh. Puro kalokohan. Haha. Pero at least, kahit papaano ay nawala 'yung galit ko.
"Salamat. Hindi ko 'to makakalimutan," sabi ko pa. Promise, 'di ko talaga ito makakalimutan.
"Shine..."
Ayan na naman 'yung pagtawag niya sa pangalan ko. Feeling ko, may something talaga. Napalingon naman ako sa kanya.
And the next thing I know, magkalapat na ang mga labi namin pareho. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan. Naninigas.
"Ako ang dapat na magpasalamat sa 'yo, Shine. Salamat, kasi pinasaya mo ako kahit sa huling pagkakataon. Alam kong 'di na ulit mangyayari 'to kaya lulubos-lubusin ko na. Thank you. Hinding-hindi ko ito makakalimutan."
And that was the last words na narinig ko mula sa kanyang bibig at mabilis pa sa alas kwatro ang pag-alis niya sa harapan ko. Hindi ko magawang mag-react.
Nanatili lang akong tulala at pilit na ipinapasok sa utak ko ang nangyari.
He kissed me. At ngayon, alam ko na sa sarili ko na hindi na pagdududa ang nararamdaman ko sa kanya. Totoo talaga siya!
The way he kissed me.
Si Bryan lang ang humahalik sa akin habang magkahawak ang mga kamay namin. And Arkin did it just like how Bryan always did it to me!
I know... I know na hindi talaga siya si Arkin.
He's not Arkin because he's Bryan!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro