Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER THIRTEEN

Sunshine's Point Of View

MAGDAMAG akong 'di nakatulog kagabi kaiisip sa nangyari kahapon at sa nangyayari sa akin ngayon. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Anong nangyayari?

Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong siya talaga si Bryan. Sigurado na talaga ako this time. Bryan. Bryan. Peste! Anong balak mo, Bryan? Bakit nagpakita ka pa ngayon? 'Yon ba talaga ang rule mo sa buhay ko? Ang iwan ako at mawala na lang bigla? Tapos, 'pag naka-move on na ako, saka ka babalik ulit?

"Hija, may bisita ka." Napalingon ako kay Mama sa nakabukas na pintuan.

"Sino ho?" tanong ko. Pero 'di pa man siya nakakasagot ay may nakita na akong aninong palabas doon sa dingding. At pagkatapos ay iniluwa niyon ang bulto ni Patrick. Right! May kasalanan pa nga pala sa akin ang isang 'to.

"Babe." Tinalikuran ko siya. Anong akala niya, makakalimutan ko na lang 'yung paglalandian nilang dalawa no'ng babaeng 'yon? Huh! Landian talaga.

"Galit ka ba sa akin?" Aba! At tinanong pa talaga, ha? Hindi pa rin ako sumagot sa kanya kaya naman niyakap niya ako sa likuran.

"Nagtatampo?" Patuloy pa rin siya. "May kasalanan ba ako?"

"Anong ginagawa mo dito?" inis kong sabi nang hindi pa rin siya tinitingnan. Hinalikan niya lang ako nang mabilis sa labi.

"Nagtatampo ka nga. Bakit?" Sige, push mo 'yang pagiging in-denial prince mo. Ikaw na! Hinarap ko na siya. "Sinong 'di magtatampo? Eh, ilang araw kang hindi nagparamdam sa akin. Nagtetext ako sa 'yo pero 'di ka naman nagrereply. 'Pag tinatawagan, hindi sinasagot. Nagkakainis lang kasi, eh. Tapos ngayon, makikita na lang kita sa tambayan na may kalandiang babae! Nagtatawanan pa kayo. Kainis!" inis ko pa ring sabi sa kanya. Kita ko namang nagulat siya sa narinig.

"Nakita mo pala kami ni Janna—"

"So, Janna pala ang pangalan ng babae mo!" singhal ko. Pero nakakainis lang, tumawa lang kasi siya. Ano namang nakakatawa do'n?!

"Babe!" tawag niya sa pangalan ko habang natatawa pa rin. "Hindi ko babae si Janna. For Pete's sake, Janna's my cousin!"

Eh?

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano raw? Cousin niya ang babaeng 'yon? Takte! Bakit 'di ko alam?

"Hahaha! Nagseselos ka ba?" natatawa niya pa ring tanong. Huh! Hindi ba halata? Tss. Inirapan ko nga.

"Right. You're jealous. Don't worry, walang third party, okay? Wala akong iba. Ikaw lang, promise!" Itinaas pa niya ang kanang kamay pagkatapos ay kinurot niya ang pisngi ko. "Cute mo! Haha!"

"Ewan ko sa 'yo! 'Di ka pa rin nagparamdam sa akin ng ilang araw!" Singhal ko na naman sa kanya.

"Oh, 'yan..." Natahimik siya bigla kaya naman napatingin ako sa kanya. Parang ang lungkot niya. Ano kayang problema?

"May problema ba?" tanong ko.

"Na-ospital kasi si Mama, kadi-discharge niya lang kahapon. Si Papa kasi nasa ibang bansa, busy sa kanyang negosyo kaya ako na lang muna ang nagbantay kay Mama."

May sakit ang Mama niya? Bakit 'di niya sinabi sa akin?

"Sorry kung 'di ko nasasagot ang mga texts and calls mo. Masyado kasi akong puyat saka pagod din. Sorry kung 'di ko na sinabi pa sa 'yo. Alam ko kasing mag-aalala ka lang at ayokong pinag-aalala ka." All of a sudden ay biglang nawala 'yung inis na nararamdaman ko sa kanya. Naiinis na ako ngayon sa sarili ko. Bakit ba kasi napaka- wrong timing ng topak ko, eh! May pa-emote-emote pa akong nalalaman kahapon. Eh, maling akala lang naman pala 'yon.

Hay. Sabi nila, marami raw ang namamatay sa maling akala. Pero mali sila. Para kasi sa akin, maraming nagiging tanga dahil sa maling akala. Tss.

"Kumusta na ang Mama mo?" "Okay na siya."

Gusto ko pa sanang itanong kung ano bang nangyari kung bakit na-ospital ang Mama niya pero pinili ko na lang ang tumahimik. May ibang araw pa para sa bagay na 'yan. Niyakap ko na lang siya. Hinalikan niya muna ang noo ko saka pa niyakap nang mahigpit.

▫▫▫🎈▫▫▫

Nagulantang.

I don't know if that's the perfect word pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang nararamdaman ko sa oras na ito. Nanlalaki ang mga mata ko, halos 'di na ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang titig na titig ako sa screen ng cellphone ko at 'di makapaniwalang paulit-ulit na binabasa ang text message na natanggap ko.

No! This can't be true!

It was a text message from Tita Anna—Bryan's mother. Wala sa sariling tumakbo ako palabas ng bahay at nagmadaling pumara ng taxi.

I must be dreaming!

Hindi ako mapakali. Ayokong maniwala.

Nagsisinungaling lang naman siguro si Tita, 'di ba?

"No! Ayokong makita!"

Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko nang mga oras na iyon. Nang makarating na ako sa paroroonan ay 'di ko malaman kung ipagpapatuloy ko pa ba ang paghakbang palapit sa may pintuan o tatalikod na lang at bumalik sa bahay. Hindi ko talaga alam. Natatakot kasi ako.

"Sunshine..." Wala sa sariling napatingin ako sa tumawag. Sumikip ang dibdib ko nang makita ko siya. Magang-maga kasi ang magkabilang mata niya at alam kong galing siya sa matinding pag-iyak.

"Tita..." Iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Seeing her painful expression, biglang nanlambot ang mga tuhod ko at any moment ay matutumba na ako kaya dali-daling lumapit sa akin si Tita at inalalayan niya akong maglakad. Nakakapanghina talaga. Bryan...

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa pintuang iyon ay parang gusto ko na agad tumalikod at maglakad palayo. Hindi kasi ako handa. Isang kabaong ang bumungad sa dalawa kong mata. 'Yung paninikip ng dibdib ko na kanina ko pa pinipigilan ay mas lalo pang nanikip. Para na akong mamamatay sa sobrang higpit. Ang sakit!

No!

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at hinayaan ko nang tumulo ang luha sa mga mata ko. This is enough para maniwala ako sa sinabi sa akin ni Tita. Bakit?

Napatingin ako doon sa katabi ng kabaong. Isang malaking picture. It was Bryan. Naka-peace sign ang kanang kamay niya habang hawak naman ng kaliwang kamay niya ang pinaka-pabodito niyang camera na ibinigay ko pa sa kanya noong first monthsary pa lang namin. Kitang-kita ko sa mukha niya 'yung saya. Ayaw ko mang lumapit ay parang may sariling isipan ang mga paa ko at naglakad sila palapit sa kanya. Papalapit kay Bryan. Nang makalapit na ako ay nakita ko ang mukha niyang nakangiti.

"B-Bryan..." humihikbi ko pang sambit sa pangalan niya. Mabuti na lang at naroon si Tita para haplusin ang likuran ko. Umiiyak rin siya, alam ko. Kahit 'di ko siya nakikita sa ngayon dahil blurred na ang paningin ko dahil sa luha, alam kong umiiyak na rin siya.

"B-Bryan, bakit naman biglaan? Bakit 'di mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo sinabing may sakit ka pala?" Iyak lang ako nang iyak. At bawat pagbigkas ko sa mga salita ay mas lalo ko lang nararamdaman 'yung sakit. 'Yung katotohanan na wala na siya. Wala na akong pakialam kung nakikita man ako ng ibang tao sa pag-iyak ko o hindi. Gusto ko lang ilabas 'yung sakit.

"Sunshine..." basag ang boses ni Tita nang tawagin ako. Humihikbi na rin siya pero 'di ko siya magawang tingnan. Nakatitig lang ako kay Bryan na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin. Mabuti pa siya, nakangiti ngayon. Eh, kumusta naman kami nitong iniwan niya?

"Para sa 'yo ang sulat na 'yan." Napatingin muna

ako kay Tita dahil sa sinabi niya. Sulat? Anong sulat? Napatingin din ako kung saan niya itinuturo 'yung sulat at may nakita nga akong papel. Pinahid ko muna ang luhang tumutulo sa pisngi ko pagkatapos ay dahan-dahang kinuha ko na ang papel.

Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay nag- uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi. Masyado pang magulo ang isip ko ngayon para basahin ko ito. Siguro, mamaya na kapag medyo okay na ako. Inilagay ko muna ang papel sa bulsa ko at saka napatingin kay Bryan. "Nakakainis ka, Bryan! Ang daya mo. 'Yon na ba 'yun? 'Yon na ba ang closure nating dalawa? Noong dinala mo ako sa Enchanted? Iyon na ba ang way mo para magpaalam? Ang daya mo!"

Huminga muna ako nang sunod-sunod. Hindi ko mapigilan ang paghikbi at pagtulo ng mga luha ko.

"Ang daya mo, Bryan! Bakit mo 'ko iniwan?"

▫▫▫🎈▫▫▫

"Matagal na naming alam ang tungkol sa sakit niya. Gusto nga sana naming sabihin sa 'yo ang totoo pero pinigilan niya kami. Ayaw niya raw kasi na mag-alala ka pa. My son is really in love with you, Sunshine. Sana, 'wag mong kalimutan ang bagay na 'yon."

Kasalukuyan kaming nag-uusap ni Tita sa harap ni Bryan. Medyo sumasakit na ang paa ko gusto ko nang umupo pero gusto ko pang titigan si Bryan.

"'Yung totoo? Hindi talaga siya umalis ng Pilipinas. He just said it dahil ayaw ka niyang mas masaktan. Noong araw na nakipaghiwalay siya sa 'yo, 'yon din ang araw na narealize niya ang tungkol sa sakit niya. Leukemia, stage 3. Ang araw na tinanggap niya sa sarili niyang may ganoon siyang klase ng sakit." Nagsisimula na namang sumikip ang dibdib ko dahil sa pagku-kwento ni Tita.

"You know what, when he saw the face of the doctor while holding the test results, I could see his pain already. I think he was ready to hear the outcome, whatever it was. But at the same time, natatakot siya." Ngumiti pa ito nang mapait. "Natatakot siyang iwanan ka. Ayaw niyang malayo sa 'yo. Ayaw ka niyang masaktan. But then, the signs started to freak him out."

Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.

Sana, sinabi niya ito kaagad sa akin noon pa. Baka kasi may magagawa pa ako na makakatulong sa kanya. Baka sakaling gumaling pa siya. Baka sakaling... nakakasama pa siya ni Tita Anna at ng mga kapamilya niya. Baka sakaling nakikita ko pa siya... hanggang ngayon. Nakatayo, nakangiti, at buhay na buhay.

"When he realized what the doctor had said to him, naisipan niyang makipag-break sa 'yo. He left with no choice. Mas pinili niyang magsinungaling at hiwalayan ka noon kasi mas gusto niyang saktan ka habang maaga pa. Hindi 'yung masasaktan ka kasi mamamatay siya habang kayo pa." Bawat salitang lumalabas at binibigkas niya ay tagos sa puso ko. Mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko. Ang sakit talaga, eh! Hindi pala siya umalis ng bansa! Niloko niya lang pala ako! Nagsinungaling siya sa akin!

"Naiintindihan ko ang anak ko sa naging desisyon niya. At bilang ina niya, nasasaktan din ako sa nangyayari sa kanya. May mga araw na nanghihina na talaga siya. Tapos, nawawalan din ng ganang kumain. Nagsususuka pa. I feel pity for my son. Ginusto niya talagang mabuhay para sa 'yo. Kahit noong mga panahong nalaman niyang may bago ka ng minamahal, hindi pa rin siya tumigil sa pagmamahal sa 'yo. Pinilit niyang maging malakas para makasama ka, makausap ka kahit papaano. Pero wala, eh. Mukhang kailangan na lang din nating tanggapin ang naging kapalaran niya."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang lihim na humihikbi. Ang yakapin siya nang mahigpit ang tanging nagawa ko lang para sa kanya. I can feel her pain... his pain.

"I'm so sorry po. I'm really, really sorry kung wala akong alam. Hindi ko alam. Ang laki ng galit ko no'n sa kanya kasi iniwan niya ako at ipinagpalit sa pangarap niya. Pero siya pala itong dapat na magalit sa akin kasi ipinagpalit ko kaagad siya sa iba. I'm sorry." Iyak pa rin ako nang iyak at gano'n din si Tita. Niyakap niya na lang din ako at doon, nag-iyakan kami pareho habang nakayakap sa isa't isa.

▫▫▫🎈▫▫▫

Mag-isa na lang ako ngayon na nandito sa loob. Umalis na kasi ang mga bisita at maging si Tita ay may kukunin lang daw saglit. Tinititigan ko pa rin si Bryan. Hanggang ngayon kasi ay 'di pa rin ako makapaniwala sa nangyari at sa nangyayari. Hindi ko ito inasahan. Kaya ba noong una ko siyang nakita bilang Arkin, may pakiramdam na akong may mali sa kanya. Ito na ba 'yon?

Tinawagan ko sina Mama sa bahay para ipaalam ang nangyari at kung may maghahanap man sa akin, sila na ang bahalang sumagot. Pagkatapos ko silang tawagan ay in-off ko muna ang phone ko at ibinalik iyon sa bulsa. Pero may nakapa akong isang bagay doon. Inilabas ko iyon at nakita ko 'yung sulat na ibinigay sa akin kanina ni Tita. Umupo muna ako saglit saka dahan-dahang binasa iyon.

Shine. How I will miss saying those words—your name. The most beautiful name of all. Ang pangalan ng babaeng mahal na mahal ko. Thank you nga pala sa gabing iyon, ha? At least, mamamatay akong masaya kahit papaano. Alam mo bang ramdam ko na ang panghihina no'ng gabing 'yon? 'Di ko lang ipinahalata sa 'yo kasi gusto kong maging masaya at memorable ang huling araw ko dito sa mundo na kasama ka. Siguro ay nagtataka ka kung bakit alam ko ang lahat ng ito. It is because, Arkin Saavedra doesn't exist. Ako talaga ang nakabangga at nakakausap mo—si Bryan. Ang taong minahal mo noon — na siya rin namang ipinagpapasalamat ko.

Halos hindi ko na mabasa ang iba pang mga letra dahil sa nanlalabo na ang paningin ko. Ang sakit-sakit sa dibdib ng mga sinasabi niya. Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa habang hindi ko mapigilan ang paghikbi at pahagulgol ko.

Thank you nga pala sa lahat ng masasayang araw na magkasama tayo. And swear, the last time na magkasama tayo ang pinaka the best para sa 'kin. You let me kiss you. You let me hold your hand, making me smile for the last time. Sana, bilang Arkin, naiparamdam ko sa 'yo ang pagmamahal ko nang gabing iyon. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang gabing 'yon, Shine.

Hindi mo naipadama sa akin ang pagmamahal mo, Bryan. Dahil ng mga oras na iyon ay pinagulo mo lang ang utak ko. Maraming tanong na alam kongikaw lang ang makakasagot. Litong-lito ako ng mga oras na iyon. But thisletter gave me the answer to all my questions. Na ikaw at si Arkin ay iisa.Sana, 'di ka na lang nagpanggap. Sana, sinabimo na lang sa akin ang lahat. Sana, ipinaalammo sa akin. Eh 'di sana, maynagawa ako. Ang tanga ko. Wala man lang akong kaalam-alam sa nangyayari sa 'yo

Siguro, 'pag nabasa mo na 'to, wala na ako—ugh! Ang pangit naman pakinggan. Basta. Sana, masanay ka nang wala na talaga ako sa piling mo, ha? Mahalin mo na lang si Patrick. Alam ko namang mas mahal mo siya kaysa sa akin, eh. Alam ko, at kitang-kita rin naman sa mukha mo. If you're wondering kung bakit ko kilala si Patrick, I'll tell you now. Kilala ko talaga siya kahit 'di mo pa sinabi sa akin ang tungkol sa inyo. Kilala ko siya kasi palagi naman akong nakabuntot sa 'yo. I've been your stalker ever since the day that I broke up with you. Si Baby, ingatan niyo, ha? Mahalin niyong dalawa ni Patrick. Aba, dapat lang! Mumultuhin ko kayo 'pag 'di niyo ginawa 'yon. Magmahalan kayong dalawa, 'yon lang siguro ang masasabi ko.

P.S. Akalain mo 'yon? May tubig na pumatak galing sa mata ko. Hindi naman umuulan, eh. Tears of joy siguro 'to.

P.S.ULIT. Mahal na mahal kita, Shine. SUNSHINE BERNARDO. Pakitandaan lang, please? Kasi, kung kakalimutan mo, munultuhin talaga kita. Mooooo!

Iyon na ang huling nakasulat sa papel. Gusto kong matawa dahil sa pinagsasabi niya sa dulo pero mas nangibabaw pa rin 'yung lungkot at sakit na nararamdaman ko. Medyo nawawala na rin 'yung paghikbi ko at minsan na lang kung tumulo ang mga luha sa mata ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. May galit, tuwa, sakit, lungkot, at kung anu-ano pa. Nakakabaliw! Pero pinigilan ko ang lahat ng 'yon kasi sabi nga niya—bilang Arkin, 'yung baby ko ang maapektuhan kung palagi akong magiging gano'n.

"Sunshine..."

Pinahid ko muna ang huling luha na tumulo sa pisngi ko bago lumingon sa tumawag sa akin. Nakita ko sa Tita na naglalakad palapit sa akin at may hawak itong karton. Hindi iyon malaki, medyo lang. 'Yung para bang, picture frame lang ang magkakasya.

Ibinigay niya iyon sa akin at sinabing buksan ko raw. And again, another tear fell from my eyes nang makita ko ang laman niyon. It was a picture—pictures actually. Marami kasi. Pictures naming dalawa ni Bryan na magkasama. Ito 'yung mga panahon na sobrang sweet pa namin sa isa't isa. Kahit kailan, ang galing niya talagang kumuha ng mga litrato. Ako nga, 'yung iba nagiging blurred kasi medyo nanginginig ako 'pag nagpi-picture. Siya, parang wala lang. Habang iniisa-isa kong tingnan ang mga pictures at inaalala ang mga oras na iyon, 'yung ngiting dumaloy sa labi ko ay biglang nawala at napalitan ng pagkalito at kunot ng noo. Bakit may mga pictures kami ni Patrick dito? Unang tumambad sa akin ay 'yung picture na magkahalikan kaming dalawa sa bar, 'yung mga panahon na napagkamalan ko lang siya. Ibig sabihin ay nando'n siya sa lugar na 'yon? Bakit wala man lang siyang ginawa. Dahil ba sa wala naman talaga siyang magagawa?

Marami pa kaming pictures ni Patrick na magkasama. Puro stolen shots.

"Kilala ko siya kasi palagi naman akong nakabuntot sa 'yo. . I've been your stalker ever since the day that I broke up with you."

Naalala kong sabi niya sa akin sa sulat. This means everyday, saan man ako magpunta, nasa likuran ko lang siya? Sana binigyan man lang niya ako ng signs na nasa likuran ko lang pala siya. Ang buong akala ko ay iniwan niya talaga ako at pumunta ng ibang bansa para sa pangarap niya. Nagkamali pala ako, ako ang sinusundan at pinupuntahan niya, hindi ang pangarap niya.

And the last thing na nasa loob ng box was not a picture, itwas a letter... again. Pagkabukas ko niyon ay napangiti ako kahit medyo pilitlang.  

"BE HAPPY!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro