Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER TEN

Sunshine's Point Of View

"PRINCESS, samahan mo naman ako." aya ko sa kanya. Nandito pa rin kami ngayon sa tambayan. Mag-fo-food trip daw mamaya tapos movie marathon. Psh. Daming alam.

"Huh? Ok. Pero saan naman?"

Napatingin ako sa direksiyon ng mga boys na ngayon ay nag-vi-video games na.

"Ah, mall? Shopping? You know, it's kinda boring here, tingnan mo naman sila lang yung nag-eenjoy sa paglalaro. At saka parang may bibilhin kasi ako, eh."

"Ano naman 'yun?"

Daming tanong. Pwede namang ok na lang, eh. Haha. "Hindi ko alam, eh. Alam mo 'yun? Yung parang may naiisip ka nang bilhin pero dahil di mo rin mabigkas, nakakalimutan mo na rin kung ano 'yun." napaatras naman ang ulo niya sabay taas ng isang kilay. Magulo ba explanation ko? Napakamot na lang ako. Nasa utak ko na, eh, di ko mabigkas kaya di ko malaman kung ano talaga. Ewan! Pero may bibilhin talaga ako, promise!

"Praning ka. Gutom lang 'yan," napa-pout na lang ako. Pero nang ma-realize ko ang sinabi niya ay kaagad rin akong nagsalita.

"Alam ko na!" mali, napasigaw pala ako.

"Ay, bungi!"

"HAHAHA! A-Anong bungi ka d'yan? HAHAHA!" pinagtatawanan ko na siya. Kasi naman, eh. Napahawak siya sa dibdib niya siguro dahil yun sa gulat niya habang ako naman ay nakahawak sa tiyan, sa kakatawa sa kanya. Pero nang makita kong nag-iba ang expression ng mukha niya ay tumigil na rin ako.

"Peace," nag v-sign pa ako.

"Tsk. Bakit ka ba kasi nanggugulat?"

"Hehe sorry naman. Naalala ko na kasi kung ano yung bibilhin ko, eh." sabi ko.

"Oh? Talaga? Ano naman 'yun?"

"Diba may mga nagtitinda sa park malapit dito?" kita kong parang naguguluhan siya sa tanong ko kaya nagpatuloy na lang ako. "Bibili sana ako ng mangga, baka meron." mas lalo lang kumunot yung noo niya sa sinabi ko. Problema nito?

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Tell me, naglilihi ka ba? Are you pregnant?"

"WHAT!?" kahit wala akong kinakain ay para akong nabulunan sa tinanong niya. Ayan tuloy, napasigaw pa ako nang malakas.

"Girls? Ok lang ba kayo d'yan?" napatingin kami pareho sa tumawag. Nginitian lang namin sa Darwin saka siya bumalik sa puwesto ng barkada niya.

"Defensive? Napaghahalataan, ah?" sabi pa niya.

"Sira ka talaga! Nagpapasama lang bumili ng mangga, buntis na kaagad?" napasapo pa ako sa braso niya.

"You mean to say, hindi ka buntis?" napahagalpak ako sa tanong niya, pati na rin sa ekspresyon na pinapakita niya.

"No I'm not! Bakit mo naman nasabi?"

"Eh, yun kasi ang napapanood ko sa movies, eh. 'Pag gustong bumili o kumain ng bidang babae ng mangga or anything basta maasim, sign na iyon na buntis siya at naglilihi." paliwanag niya.

"Ako na magsasabi sa 'yo, hindi ako buntis." ngumiti lang ako sa kanya. "Ano na? Sasamahan mo ba ako o hindi?"

"Oo na! Tsk. Baka mamaya may laman pala 'yan. 'Pag di ako sumama, edi kasalanan ko pa." pag-aalburuto niya.

"Tss. Tatayo lang, ang dami pang ritwal na sinasabi." reklamo ko rin sa kanya saka ngumiti.

▫▫▫🎈▫▫▫

"Yes!" sigaw ko nang makita ko si Aleng nagtitinda ng mangga sa di kalayuan.

"Ano 'yan? Nanalo ka sa lotto, ganun?" tsk. Ang KJ naman masyado nitong kasama ko. Ito yata ang buntis, eh.

"KJ ka. Tsk. Hali ka na nga! Gusto ko nang kumain." hinila ko na siya papunta kay manang. Hindi ko alam pero parang sabik talaga akong kumain ngayon ng mangga.

"Manang, magkano po nito?" tanong ko sabay turo sa tray ng mangga. Ngumiti naman siya.

"Siete po isa, Ma'am." ang formal naman niya masyado. Puwede namang 'hija' na lang, diba? Ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Bigyan mo po ako nito, mga siete na rin. Tapos gusto ko po ng asin saka bagoong pampares dito," sabi ko habang nilibot pa ang paningin sa iba niyang paninda. May pancakes din kasi, popcorn, ice candy saka mga chichirya. Siya na negosyante.

"Sa 'yo lahat 'yan?" gulat na tanong sa akin ni Princess. And again, nakita ko na naman yung nakakatawang ekspresyon ng kanyang mukha kaya naman, napahagalpak na naman ako ng tawa.

"Palabiro ka rin, eh, noh? Siyempre hindi ko kayang ubusin 'yan. Ilan ba tayo sa tambayan? Diba, siete rin? Tig-iisa tayo," paliwanag ko. Napatango naman siya.

"Ay, ang slow ko."

"Ngayon mo lang na-realize?" pagbibiro ko sa kanya.

Pagkatapos ibigay sa amin ni manang yung mangga ko ay nagpasalamat na kami.

Saktong pagtalikod ko ay siya namang may bumunggo sa akin. Buti na lang ay mabilis si Princess kaya napigilan niya rin ang pagkaka-out balance ko sana.

"Ay, sorry Miss."

"Hindi ka naman bulag-" natahimik ako sa sasabihin ko. Sisigawan ko pa sana siya kaya lang napatigil rin ako nang makita ang taong nasa harapan ko ngayon. Unti-unting nanlalaki ang mga mata ko at parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko at di ako makapagsalita. Para akong nakakakita ngayon mg multo. Totoo ba talaga ito? Totoo bang nasa harapan ko siya ngayon? No, he's not. Namamalikmata lang siguro ako. Napapikit ako ng mata at mabilis na napailing. Pinunasan ko pa ang mga mata ko. Baka kasi nag-ha-hallucinate lang ako.

Pero nagkamali ako. Pagkatingin ko ay gano'n pa rin ang mukhang nakikita ko. Ngumiti naman siya, yung ngiting may halong pag-aalala. I really must be dreaming!

"Miss, are you ok? Nasaktan ka ba?" tanong niya na siya namang nakapagpakunot ng noo ko. Bakit parang hindi niya ako nakikilala?

"B-Bryan?" ang tanging nasambit ko lang.

"Bryan? You mean, your ex-boyfriend?" sabat naman ni Princess. Tiningnan niya muna ang kabuuan ng lalaking nasa harapan namin saka pa ulit nagsalita. "Ikaw si Bryan?"

Instead na tumango ay umiling lang siya. Eh? Parang may mali sa kanya ngayon. Hindi ko lang alam pero nakakaramdam ako ng kaba.

"Look, I don't know who is that 'Bryan' you are talking about. I've gotta go, I'm in a hurry. Sorry ulit, Miss." hingi niya ng paumanhin sabay nagmamadaling umalis. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Lutang lang ako habang nakatitig sa papalayo niyang katawan. Hindi ko talaga alam pero kinakabahan ako. May mali, eh. Papaanong hindi niya ako nakikilala? I know and I'm hundred percent sure na siya nga si Bryan-my ex. Hindi ako puwedeng magkamali. His face, his voice and all, si Bryan talaga. Pero bakit hindi man lang niya ako nakikilala? He keeps on calling me, "Miss".

"Ok ka lang ba, Sunny?" pag-aalalang tanong sa akin ni Princess sabay hinawakan ako sa braso.

"Alam ko, si Bryan 'yung naka-usap natin kanina. Hindi ako puwedeng magkamali o namamalikmata lang." sabi ko sa kanya habang naglalakad. Bakas pa rin sa pagmumukha ko yung gulat dahil sa biglaang pagpapakita niya.

"Diba nga, siya na rin ang nagsabi na hindi niya kilala si Bryan na sinasabi mo?"

"Yun din ang pinagtataka ko, eh. Bakit parang hindi niya ako nakikilala? Papaanong hindi niya ako kilala? Ano yun, nakapag-trabaho lang abroad, nagka-amnesia na? O di kaya-"

"O di kaya nagpapanggap lang siya na hindi ka niya nakikilala. Yun ba 'yun?" pagputol niya sa sasabihin ko. Sa totoo lang, hindi iyon ang sasabihin ko pero bakit may pakiramdam ako na tama ang sinabi niya? Na baka nagpapanggap nga lang si Bryan na hindi niya ako nakikilala. Pero bakit niya naman gagawin 'yun?

"Ok. Let's just say na tama ka, siya nga si Bryan. Oh, tapos? Anong gagawin mo? Hindi ka ba magagalit kasi ngayong ok ka na, biglang susulpot 'yung ex mo na pinagpalit ka sa pangarap?" natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam. Noong huling tawag niya sa akin, biglang bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero nang makita ko ang mukha niya kanina, wala akong nararamdamang galit. Feeling ko, namiss ko bigla siya. Bakit gano'n? Diba dapat sinampal ko na siya? Kasi, the last time I knew was, iniwan niya ako. Dapat magalit ako sa kanya, eh. Pero bakit parang iba yata yung nararamdaman ko? Parang nakakaramdam ako ng...awa? Ewan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Hindi ko alam. Naguguluhan ako. Gusto ko siyang sampalin... Pero gusto ko rin siyang yakapin. Ewan ko." napahawak ako saglit sa ulo ko. Ano yun? Parang nahihilo yata ako kakaisip.

Bryan, bakit nagpakita ka pa sa akin?

"Mahal mo pa ba siya?" napatigil ako sa paglalakad dahil sa tanong niya. Katulad kay Patrick, hindi rin ak kaagad nakasagot. Mahal ko pa nga ba si Bryan? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, mahal na mahal ko si Patrick at naka-move on na ako kay Bryan.

"H-Hindi ko... Hindi ko-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Nararamdaman ko na lang kasi na umiikot ang paningin ko at bumagsak ako sa isang matigas na bagay. Unti-unting nanlabo ang mga mata ko hanggang sa naging kulay itim na ang nakikita ko at narinig ko pa ang sigaw niya bago pa ako tuluyang nawalan ng malay.

"Sunny!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro