CHAPTER SIXTEEN
Sunshine's Point Of View
"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"
Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!
"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya.
"Haha. Sorry naman. Eh kasi..."
"Ano ba 'yon?"
"Nasabi ko na kay Sweety!"
"'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?
"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya."
"Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?
"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?
"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tatay na siya," kwento niya. Napangiti naman ako. Buti pa siya, nasabi na niya. 'Di naman siguro niya sinabi ang sa 'kin, 'no? Ako kaya, kailan ko balak sabihin ang totoo kay Patrick na may nabuo na rin 'yung pagmamahalan namin?
"Good for you."
"Eh ikaw, kailan mo balak sabihin sa kanya?"
tukoy niya kay Patrick.
"Hindi ko pa alam, eh. Siguro, one of these days? Ewan. 'Di ko kasi alam kung paano ko ba masasabi 'yon sa kanya nang maayos. Ayoko siyang biglain," hindi ko siguradong sagot sa kanya. Siguro nga, dapat ko na ring sabihin sa kanya ang totoo.
"Tara, shopping tayo?" aya niya bigla. "Ano namang gagawin natin do'n?"
"Duh! Eh 'di mag-sha-shopping!" Sabi ko nga. Tss. Nag-okay na lang ako sa kanya saka pa ibinaba ang tawag.
Given na 'yung matutuwa, pero maliban pa doon, ano kaya ang magiging reaksyon ni Patrick kapag nalaman na niyang magiging ama na pala siya? Geez. Kinakabahan na ako. Ha-ha!
▫▫▫🎈▫▫▫
"Ay! Ito, maganda! Cute," eksaheradang saad ni Princess sabay taas no'ng kulay pink na pambatang damit na may mukha ni Cinderella sa gitna. Pagkarating na pagkarating namin ng mall ay dito na kami agad pumunta sa bilihan ng mga damit na pambata.
"Ano ka ba naman, Princess! Hindi ka pa nga halatang buntis, ito na kaagad ang gusto mong bilhin," sabi ko sa kanya. Pili lang kasi siya nang pili. Gusto talaga yatang bumili, eh. "At saka, makapili ka naman ng may mukha ni Cinderella sa gitna, sure ka bang babae 'yang anak mo, ha?" Napapansin ko kasing puro pang-disney princess ang mga damit na itinataas niya. Adik ba siya do'n, o talagang nag-a-assume na siyang babae ang magiging anak niya?
"Walang basagan ng trip, Sunny. Kung gusto mo, pumili ka na rin," sabi na lamang niya sa akin nang hindi man lang magawang tumingin sa akin dahil abala siya sa pamimili ng damit. Napatingin na lang din ako sa mga damit.
"Ayoko nga. Hindi ko pa nga alam ang gender ng magiging anak ko, eh," sabi ko na lang. Pero ang totoo, natutuwa rin akong tingnan ang mga damit. Excited na tuloy akong lumabas si Baby para naman masuot ko na sa kanya ang mga damit na ito.
"Alam mo, itigil mo na 'yan. Kain na muna tayo, gutom na 'ko, eh!" Nagrereklamo na rin kasi ang mga dragon ko sa tiyan. Haha! Tumango lang naman siya at hinila ko na siya papunta sa food section.
"Doon tayo—ouch!" nasabi ko nang may nakabangga sa akin. Napasapo naman ako sa braso ko. Ang sakit!
"You bitch! Look at what you've done!" inis na sabi sa akin ng isang boses babae. Ugh! Ang arte ng pagkasabi niya! Pagkatingin ko sa kanya ay automatic na kumulo ang dugo ko. Kaya naman pala, eh. Ano nga ulit ang pangalan ng gagang 'to? Sheena ba 'yon? Tama, 'yon na nga!
"Oh, it's you! The one who ruined Patrick's career. You really are a bitch!" Napataas pa ang kanang kilay niya. Tiningnan niya ako from head to toe. Nakakainsulto, ha! Lalo na kung bruhang ito ang gumawa.
"Ang pangit mo na nga, ang laki mo pang tanga. Ang laki-laki ng space na puwede mong daanan, dito pa sa kung saan may mabubunggo kang diyosa?" May gesture pa siyang ginawa na parang inaayos ang buhok. Nanliit naman ang mga mata ko dahil sa narinig.
"Hey! Watch your mouth! Kaibigan ko ang sinasabihan mo ng bitch at tanga!" tanggol sa akin ni Princess.
"And so?" mataray pa rin niyang sagot. Ni hindi man lang nagagalaw ang nakataas niyang kilay. Tss. Forever na sanang nasa taas 'yan!
"So? So-so-hin ko 'yang mukha mo, makikita mo!" hinawakan ko ang kamay ni Princess para awatin siya.
"Whatever." Umirap pa ito.
"Tara na, Princess. 'Wag mo na lang siyang pansinin," sabi ko na lang kay Princess. Ayoko ng gulo. Iiwas ako hangga't maaari. Pero 'di pa man ako nakakalayo ay may nakaharang na sa daraanan ko. Lumipat ako sa kabila pero sumunod siya. Ano bang problema nito? Tiningnan ko siya.
"Oww. Look at your face. Galit ka na ba niyan, Honey?" Yuck! Ang arte niya lang talaga. Kainis!
"Ano bang problema mo?" tanong ni Princess sa kanya. Halatang naiinis na rin ito sa bruhang kaharap ko.
"Problema ko? Hmm..." Nakita kong umirap pa si Princess dahil sa ginawa ng kausap. "Actually, wala naman talaga. Pero dahil sa damage na ginawa niyo, nagkaroon na," sabi niya.
"You see this?" sabi niya sabay pakita ng frappuccino drink niya. "This frapp is very special and expensive, too! At dahil tatanga-tanga ka, natapon lang naman ang laman nito sa damit ko, which is much expensive than your dress na nabibili lang sa kanto." Sinabi niya ang lahat ng 'yon nang nakatingin sa akin. Ano bang paki ko kung mas mahal 'yung kanya kaysa sa 'kin?
At isa pa, ako lang ba ang may kasalanan kung bakit siya natapunan? Hindi naman, 'di ba?
"Ano namang paki ko kung mas mahal 'yang damit na suot mo? At isa pa, hindi lang ako ang may kasalanan dito. Hindi ka mabubunggo kung hindi ka rin tanga," diretsahang sagot ko sa kanya. Aba! Kanina pa ako hindi sumasagot, ha? Ano 'yon, papatalo na lang ako?
"Sinasabihan mo 'kong tanga?"
"Hindi, 'yung damit mo. Ang tanga. Uminom kasi." Nag-make face naman ako na siyang ikinakunot ng noo niya. Ang tanga niya rin, 'no?
"Whatever. Palibhasa kasi, pulubi ka kaya hindi mo narerecognize kung pangmayaman ba ang isang bagay o hindi. And I completely understand that. Kaya ka nga kumakapit sa boyfriend ko, 'di ba? Kasi nga, pulubi ka at nangangailangan ka ng pera sa kanya kaya gano'n." Gusto ko siyang sampalin. Promise. Pero napatigil din ako dahil sa sinabi niya. Boyfriend? Sinong boyfriend pinagsasabi niya?
"Oh! It looks like you didn't know." Mas lalo pa akong nainis nang makita ko ang nakakainis niyang ngiti. "Well, just for your information, I, Sheena Montello, and Patrick Raveno have an affair. No. I am his girlfriend. He's sweet. Pero nagbago ang lahat nang umeksena ka na. Malandi ka!" Napailing ako sa lahat ng sinabi niya at mas lalo pang kumunot ang noo ko. She's lying, right? Mahal ako ni Patrick at hindi niya magagawang lokohin ako.
"You're lying. Mahal niya ako—"
"Of course, my dear! Of course, 'yan ang sasabihin niya sa 'yo dahil ayaw ka niyang mawala. Kasi alam mo kung bakit? Because he enjoys you a lot, he is playing with you and having sex with you. Ikaw naman na tatanga-tanga, naniwala naman kaagad na mahal ka nga niya. Well, news flash! Simula nang mapikot siya sa alindog ko, iniwan ka na niya. Pinabayaan ko lang naman siyang bumalik sa 'yo kahit minsan kasi naiintindihan ko ang kalibugan niya." Hindi ko alam kung anong nangyayari pero hindi ako makapag-react kaagad. Pilit ko pang ipinapasok sa isip ko ang lahat ng sinabi niya.
"He's good in bed, by the way." And with that, hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko na siya. At sa sobrang lakas ng sampal ko, ako mismo ay nakaramdam ng sakit sa sarili kong palad. I saw her smirked.
"Ganyan ka ba ka-desperada masira lang 'yung relasyon naming dalawa ni Patrick? Gumagamit ka ng kung anu-anong kwento na hindi naman totoo at naninira pa ng ibang tao," singhal ko sa kanya.
"At ganyan ka rin ba ka-tanga para hindi paniwalaan ang isang katotohanan? Why don't you just accept the fact na ginagamit ka lang niya. Na niloloko ka lang niya. Na hindi ka naman niya talaga mahal. You're just his toy! At ako, ako ang tunay niyang mahal. Not a pathetic loser and a bitch like you."
Hindi pa man ako nakakasagot ay may dumapo na namang palad sa mukha niya. And I just realized, sinampal na rin pala siya ni Princess.
"Ang kapal! Grabe, ang kapal talaga ng balat mo sa mukha! Ang sakit, eh!" Nanliliit ang mga matang nakatingin si Sheena sa kaibigan ko. Halatang naiinis na rin si Princess sa kanya.
"Alam mo, nakakaawa ka. Doing these things, na halata namang gawa-gawa mo lang, ikaw ang nagmumukhang pathetic loser at bitch at hindi ang kaibigan ko." Kita kong galit na rin siya sa impaktang 'to. "Halika na nga, Sunny! Wag na nating sayangin ang oras natin para sa isang baliw na kagaya niya. Pwe!" hinawakan na niya ako sa kamay para sana hilahin nang magsalita na naman siya.
"You don't believe me, huh?"
Ugh! Hindi ba siya titigil? Kahit na anong gawin at sabihin niya, hindi niya ako maiisahan. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Masyado lang talaga siyang desperada na maangkin si Patrick kaya gumagawa ng kung anu-anong kwento masira lang kaming dalawa. Pwe!
"Well, I guess this is enough to convince you." Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa kanya. Ano namang ibig niyang sabihin? Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na nakataas. Kita kong may suot itong kulay silver na singsing. Ano naman kung may singsing siya? Dapat na ba akong mainggit? Tss.
Plastik na ngiti ang ibinigay niya habang naglalakad palapit sa akin. Nang makaharap ko na siya ay tinanggal niya ang singsing at ipinakita ang nakasulat sa ilalim.
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya at sa singsing. Teka. Bakit may ganito siyang singsing? Anong ibig sabihin nito?
"Ang ganda, 'di ba? Bigay niya 'to sa 'kin," sabi niya habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. Napatingin ulit ako sa singsing. Hindi ako puwedeng magkamali sa initials na nakikita ko.
P ♥ S.
Bakit may gano'n siyang singsing?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro