CHAPTER SEVEN
Sunshine's Point Of View
"GUYS, hindi na akomagtatagal, ha? Baka kasi hinahanap na ako sa 'min. 'Di pa naman ako nagpaalam kanina," paalam ko sa kanila. Nagmo-movie marathon na kami ngayon. Pasado alas diyes na kasi kaya uuwi na ako. Si Princess, kanina pa siya nakauwi pagkatapos lang din kumain.
"Sige, Sunshine! Ingat na lang sa pag-uwi." "Balik ka ulit dito!"
"Next time, magdala ka na ng chicks, ha?"
Natawa na lang ako doon sa huling nagsalita. Sino ba sa tingin niyo ang mahilig sa babae?
"Kahit kailan ka talaga, Darwin! Puro na lang babae ang laman ng utak mo," saway sa kanya ni Miko. Tumawa lang siya.
"Hatid na kita," presenta naman ni Patrick sabay lahad ng kamay. Kinuha ko naman iyon at sabay kaming naglakad.
"Hoy! Bilisan mo lang, ha? Baka kasi kung ano pang kababalag—"
"Ulol!"
Natigil lang sa pagsasalita si Darwin nang batuhin siya ng throw pillow ni Patrick sa mukha. Nailing na lang ako dahil sa kanila. Kahit ganito ang pinaggagagawa nila, natutuwa pa rin ako sa bonding nila.
"Pagpasensyahan mo na si Darwin. Gano'n lang talaga 'yon," sabi niya nang makalabas na kami ng gate.
"'Di ba, siya ang bunso niyo?" "Oo. Bakit?"
"Wala lang. Napansin ko lang, kung sino pa 'yung bunso, siya pa ang mahilig at matinik sa mga babae." Well, 'di ko rin naman kailangan pang pagdudahan pa ang bagay na iyon. Gwapo rin naman kasi si Darwin, eh.
"Hahaha. 'Yon nga ang ipinagtataka ko, eh. Paano kaya nangyaring siya 'yung matinik sa mga babae? Eh, kita namang mas lamang ang ka-gwapuhan ko kaysa sa kanya?" Napahawak pa siya sa baba niya na para bang nag-iisip. Phew! Humangin yata.
"Hindi ka mayabang, 'no?"
"Bakit, mayabang na ba ang tawag sa nagpapakatotoo? Kung gano'n, eh 'di mayabang nga ako." Eh?
"Mayabang ka nga," natatawa ko na lang na sabi sa kanya.
Inalalayan niya akong makapasok sa kotse niya bago pa siya umikot sa kabila at sumakay na rin. Hindi pa man siya nakakapagpaandar ng sasakyan ay nagsalita na ulit ako.
"Mabait naman pala sila, eh."
"I told you. Mababait talaga ang mga 'yon, topakin nga lang kung minsan," nakangiti niyang sagot at kasabay no'n ay ang pag-andar ng sasakyan.
"Babe?"
"Hmm?"
Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya. Masyado lang kasi akong nagagandahan sa tanawin sa labas ng kotse niya. Ang gaganda tingnan ng mga ilaw sa daan.
"I love you."
Bigla akong napatingin sa kanya. Pero wala sa akin ang tingin niya, nasa daan lang. Pero kita ko 'yung ngiting gumuhit sa labi niya. And with that, napangiti rin ako. Siguro, noong nagsabog ng kagwapuhan ang langit, gising na gising siya at sinalo na niya ang lahat. Kahit saang anggulo kasi tingnan, ang gwapo niya. Kahit 'yung nakatalikod lang siya, masasabi mo na agad na gwapo ang taong ito. Almost perfect. Hiyang-hiya nga 'yung balat ko sa kaputian niya, eh. Ni hindi nga yata siya nakaranas ng pimples dahil sa sobrang kinis ng mukha. 'Yung ilong, anong panama naman ng sa akin?
"I said, I love you," untag niya sa akin. Nabalik naman ako sa katinuan nang makita kong nakatingin na pala siya sa akin at naka-ngiti pa. Why so gwapo?
"M-Mahal din kita." Sheeet! Kinikilig ako! Shemay lang! 'Yung puso ko, oh! Ang lakas na naman nang pagkabog.
"Ako lang naman ang pakakasalan mo, 'di ba?" Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Takte! May iba pa ba siyang nakain ngayon maliban sa hapunan namin kanina? Bakit bigla-biglang ganito ang mga pinagsasabi niya?
"'Yung totoo? Anong nakain mo at bigla-bigla mo na lang sinasabi ang bagay na 'yan?"
"Ako lang, 'di ba?" Eh? 'Di man lang pinansin ang tanong ko? Psh.
"Oo naman. Mahal na mahal kita at ikaw lang ang lalaking pakakasalan ko, wala ng iba." Natahimik ako sa sariling sagot.
Kita ko namang napatingin siya sa akin nang saglit para ngumiti at pagkatapos ay ibinalik na ulit niya ang kanyang paningin sa daan. Ngumiti na lang din ako kahit hindi niya nakikita. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at biglaan ang kanyang tanong. Pero isa lang ang sigurado ko... may saya akong nararamdaman nang banggitin niya ang ideyang iyon. Napangiti ako.
Si Patrick na nga ba? Siya na ba ang makakasama ko habambuhay? Siya ba ang lalaking makakasama ko sa harap ng altar balang araw? Siya na ba talaga ang nakalaan para sa akin? Kung siya na nga, sobrang laki ng dapat kong ipagpasalamat kay God dahil ibinigay niya si Patrick sa akin. He's kind, sweet, caring, loveable, a perfect boyfriend-slash-husband. Ano pa bang hahanapin ko? Nasa kanya na halos lahat ng gusto ko sa isang lalaki.
"Babe? Ang lalim yata ng iniisip mo?" Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.
"Bakit, nahulog ka ba?" pagbibiro ko.
"Dati pa." Nagtawanan na lang kaming dalawa. "Babe?"
"Hmm?" Ang hilig ko na talagang mag-hmm sa tuwing tinatawag n'ya ako. Haha.
"Busy ka ba tomorrow?" "Hindi naman. Bakit?"
"Can we go out?" Natahimik ako. Shems! Is he asking me out for a date? Gosh! Okay, nagiging OA na ako. Haha. Pa'no ba naman kasi, kung date nga ang ibig sabihin no'n, first time naming dalawa mag-date!
"Ahh..."
"Are you free?"
"O-Okay," utal kong sagot. Gosh! Kanina pa 'to si Patrick, ah! Kung anu-anong pinagsasasabi, nakakagulat. Haha. Phew! Ang init tuloy.
"Shit, Babe!" Nagulat ako nang bigla niyang inapakan ang preno. Buti na lang at may suot ako na seatbelt kaya okay lang naman ako.
"Bakit?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko, bagkus ay hinalikan niya lang ako sa labi. Ano ba naman 'yan! Kahit sa daan walang patawad ang ka-adikan niya.
Anong meron sa kanya ngayon? Ang weird niya yata kanina pa.
"Anong problema? Bakit ka huminto?" tanong ko nang makalayo na siya.
"Saan huminto? Sa paghalik? O sige, kung gusto mo hahalikan na lang ulit kita." Akmang ilalapit na niya sana 'yung mukha niya pero pinigilan ko iyon, hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya.
"Oops! Maparaan ka rin, eh, 'no? Gusto mo lang maka-isa pa, eh. Sa pagda-drive ang ibig kong sabihin."
Kita ko namang napapitik pa 'yung daliri niya. 'Yung para bang gesture ng sinasabing "sayang!". Tsk. Baliw talaga.
"Baliw ka rin, eh."
"Sa 'yo lang naman ako nababaliw, eh."
Ayos makabanat ang lolo niyo! Kinikilig na naman ako. Aish! Kainis. Feeling ko, namumula pa rin ang mukha ko. Kasi naman, eh!
"Ang hot mo kasi, eh." Tapos ay hinalikan na naman niya ako, pero smack lang. Okay. Confirmed! Kiss addict po talaga si Patrick Raveno. Huhu. Kawawa lips ko sa kanya.
▫▫▫🎈▫▫▫
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ay inihinatid niya muna ako sa may gate bago umalis. Pero kasasakay niya lang sa sasakyan ay nakita ko na naman siyang bumaba at bumalik sa harapan ko. Akala ko, may kung ano siyang naiwan, hahalikan niya lang pala ako sa noo saka niyakap. Ang sarap lang sa pakiramdam ng yakap niya. Ramdam ko talagang safe ako kapag niyayakap niya ako. "I love you ulit. Good night, Babe!"
Patrick naman, eh! Palagi mo na lang akong pinapakilig.
"Good night din."
"Say babe."
"Huh?"
"Hindi pa kasi kita naririnig na tinawag ako no'n. Please?" pagmamakaawa niya. Sa tingin niya, makakatanggi ba ako sa ka-cute-an niyang 'yan?
"O-okay. Babe, good night."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay umalis na talaga siya nang tuluyan at pumasok na rin ako sa loob.
"I saw it!"
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Grabe naman itong si Mama! Makagulat, wagas.
"Ma, bakit ka naman po nanggugulat?" tanong ko habang palapit sa kinaroroonan niya at hinalikan siya sa pisngi.
"I saw him kissing you. And that's very sweet of him. Para tuloy akong bumalik sa pagkadalaga at kinikilig pa rin." Parang ewan siyang napangiti. "Ang swerte mo sa kanya, Anak. Grabe, excited na ako sa kasalang magaganap."
Gulat pa rin akong napatingin sa kanya. "Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? 'Di ba doon rin naman ang punta ng pagmamahalan niyo?" dagdag pa niya.
"H-Hindi pa po namin napag-uusapan ang bagay na 'yan." Kahit na ang totoo ay nabanggit na rin iyon sa akin ni Patrick kani-kanina lang.
"Pero wala pa bang nabubuo?"
"Ma! W-wala pa po," saway ko sa kanya.
"But you already did it, right?" Waaah! Ano ba ito? Nasa hot seat ba ako? Bakit gano'n ang mga tanong sa akin ni Mama?
"Inaantok na po ako. Sorry," paalam ko at dali-dali naman akong pumunta sa kwarto ko at napa-dive pa sa kama. Waah! Bakit gano'n si Mama? Ang kulit niya.
Nakakainis! Grabe lang talaga. Excited pa naman sana ako sa oh-so-first date namin 'kuno' pero wala. Hindi siya nagpapakita sa akin ngayon. Hindi rin siya nagpaparamdam. Kanina ko pa tinatawagan pero out of coverage. Wow lang talaga! Kainis! Nasayang lang pagpapaganda ko. Anong oras na, oh! Malapit ng mag- eight PM pero walang Patrick akong nakikita. Kainis talaga siya!
"Babe..."
I glared at the person who was calling me with our endearment. Naka-plain white v-neck shirt siya ngayon at fitted iyon sa kanya. Pinaresan naman niya 'yon ng black pants. At kahit 'yon ang kulay ng kanyang damit, litaw na litaw pa rin ang kaputian niya.
Gad! He's so damn hot! It's just a simple outfit pero kita ko pa rin 'yung kakisigan niya. I can't help myself but to stare at him. Pero bigla lang din akong nabalik sa katinuan nang maalala kong galit at naiinis nga pala ako sa kanya ngayon.
"Aba! At nagpakita ka pa talaga, ha?!" singhal ko agad sa kanya. "Sinayang mo lang itong pink dress na isinuot ko at naghintay lang pala sa wala." Pero mas nainis lang ako sa kanya nang ngumiti siya at niyakap ako.
"Tss. Lumayo ka nga sa akin! Galit ako sa 'yo!" parang batang sabi ko. Pero wala akong pakialam. Nakakainis siya, eh.
"Aww. Nagtatampo ang mahal ko." Nagpa-cute pa siya niyan. Akala niya, cute na talaga siya sa pout niyang iyon? Well... eh 'di siya na! Kainis!
"Sinong 'di magtatampo? Eh, magdamag po kaya akong naghintay sa wala. Excited pa man din ako sa first date natin pero wala rin pala. Nakakainis ka! Tinatawagan naman kita kanina pero out of coverage ka naman!" pagmamaktol ko. Pero siya? Nakangiti pa rin. Kainis lang, 'di ba?
"Hindi ka naghintay sa wala, okay? Kasi dumating naman ako, 'di ba?"
Nang hindi ko siya inimik ay hinalikan niya na lang ako sa labi. Pero mayamaya lang din ay tumigil siya at tumawa.
"Galit daw, eh tumugon naman sa halik." Pinanliitan ko lang siya ng mga mata. "Okay, I'm sorry. Sinadya kong patayin ang phone ko para 'di mo talaga ako matawagan. Para ma-miss mo naman ako. Haha." Ah, gano'n? I-miss niya mukha niya! "Ibang klase pala maka- miss ang girlfriend ko, masyadong madaldal." Tapos, tumawa ulit siya.
"Sige, pagtawanan mo pa ako. Makakatikim ka talaga sa akin," inis ko pa ring sabi.
"Ng kiss ba?"
"Ewan ko sa 'yo!"
"I'm sorry, okay? I was just busy earlier preparing for our first date."
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Busy sa pagprepare? Takte! 'Yon ba ang dahilan kaya hindi rin siya nagpapakita sa akin kanina? Aish! Bakit 'di ko man lang naisip 'yon?
"Ano, okay na ba 'yung rason ko? 'Di ka na ba galit?" nakangiti niyang tanong. All of a sudden, biglang nawala 'yung inis ko sa kanya. Naiinis na ako ngayon sa sarili ko dahil sa katangahan ko.
"Eh, bakit ba kasi 'di mo sinasabi?"
"I was planning to surprise you. Well, it's just a simple surprise. I don't even know kung magugustuhan mo ba," sabi niya. Sasagot pa sana ako nang magsalita siya ulit. "Change your dress—into white."
"Huh? Bakit naman? 'Di ba maganda 'tong pink?" "Kahit anong isuot mo, babagay pa rin 'yon sa ganda mo. Kahit naka-duster ka pa kasi buntis ka, maganda ka pa rin." Oh? Bakit pati 'yon nasali? "Pero 'wag ka ng magtanong, okay? Sumunod ka na lang." Tumango na lang ako sa kanya at dali-daling nagpalit ng damit.
"Perfect," sambit niya pagkatapos.
"Oh, tapos? Saan na ang punta natin ngayon?"
Saan kaya niya ako dadalhin ngayon? Saan kaya ang first date namin? Enchanted Kingdom? Restaurant?
"I'll bring you to where our hearts first met and began to beat."
Ha? Hindi ko siya maintindihan. Ano na naman itong ka-cheesy-han na pinagsasabi niya?
"I don't get you," sabi ko. Ngumisi lang siya sa akin at hinila na ako.
▫▫▫🎈▫▫▫
"So, this is the place you are talking about?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I don't get him. It's just a usual place. Walang pinagbago. I thought, dadalhin niya ako sa lugar na napaka-romantic tingnan. 'Yung para bang date talaga kung tawagin. Itong pinuntahan kasi namin, wala man lang akong nakikitang sign na nilagyan ito ng decoration para magmukhang romantic.
"Yes. Nagustuhan mo ba?" tanong niya sabay upo sa may upuan. Sa upuan kung saan una kaming nagkita. Yes, nandito nga kami ngayon sa Loonies Bar.
"Hindi talaga kita maintindihan. Akala ko ba, busy ka kanina sa pagpi-prepare para sa date natin?" Umupo na rin ako sa upuan.
"Actually, I lied. Hindi talaga ako naghanda. Nasa bahay lang ako kanina buong maghapon. Hinintay ko lang talaga na gumabi dahil gusto kitang dalhin sa lugar na 'to. Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya na 'di ko naman kaagad nasagot. Kita ko 'yung lungkot ngayon sa mga mata niya.
"Sorry, ha? Sorry kung iba ang ine-expect mo. Sorry kung walang mga petals and candles. Sorry kung hindi siya romantic tingnan. Hindi ko kasi pinaganda ang pwesto na ito dahil gusto ko lang siyang maging normal, maging simple. But don't worry, sabihin mo lang kung 'di mo gusto dito, lilipat na lang tayo sa iba."
Tatayo na sana siya pero kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan siya, dahilan para matigil siya sa gagawin n'ya. "Ano..." Takte! Ano bang sasabihin ko? "Alam mo ba kung bakit dito kita naisipang dalhin?" tanong niya. And again, hindi ko pa rin yata nahahanap ang dila ko. Hindi ako makapagsalita. "Kasi, ang lugar na ito ang pinaka-espesyal para sa akin. Kahit wala siyang petals sa daan or kahit naka-set man lang na table with candles, still, this is the best place na napuntahan ko, na nakita ko. Kasi dito kita unang nakita, eh. Dito tayo unang nagkita. Don't you get it?"
Senses, where are you? Bakit parang ang tagal ma- process sa utak ko ang mga sinasabi niya?
"Gusto lang naman kitang dalhin sa espesyal na lugar para sa first date natin, eh, at dito na 'yon," dagdag pa niya. "I'm sorry kung 'di mo nagustuhan." Kita ko sa mga mata niya 'yung lungkot. I feel guilty. Nakakakonsensya. Hindi ko kaagad naisip kung bakit dito kami pumunta. Ang tanga ko talaga. Napailing na lang ako at hinaplos ang mukha niya.
"No. Don't be sorry. Ako nga dapat ang nagsasabi no'n, eh. Kasi, hindi ko kaagad na-appreciate itong ginawa mong pagdala sa akin dito. I'm sorry, kasi iba ang in- expect ko. I'm sorry kung 'di ko kaagad na-gets kung bakit tayo nandito. I'm so sorry, and thank you kasi napangiti mo na naman ako." Ngumiti ako sa kanya at kasabay no'n ay ang pagpatak ng luha ko.
"Ngayon ko narealize, walang-wala pala ang restaurant o iba pang romantic places para sa first date. Kasi, mas masaya pa rin sa pakiramdam 'yung dalhin ka ng taong mahal mo sa lugar kung saan kayo unang nagkita. Thank you, Patrick. This is the best date na naranasan ko. Mahal na mahal kita," sabi ko. Nag-de-date rin naman kami noon ni Bryan pero 'yung usual lang naman na ginagawa ng mag-jowa ang palagi naming ginagawa. Pupunta ng Enchanted Kingdom, maglalaro, maglilibang hanggang sa mapuno ng tawa at saya ang araw naming dalawa. Pero 'yung ngayon, sobrang kakaiba. Malayong- malayo sa naranasan ko noon. Ang pagkakapareho lang, pareho silang masaya sa pakiramdam.
"Mahal na mahal din kita, Sunshine. I love you, Babe!"
He then hugged me at pagkatapos ay mariin niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinitigan lang ang mga mata ko. Madrama na kung madrama, pero may pumapatak na talagang luha galing sa mga mata ko. Best date ever!
"Ngayon, narealize ko na rin kung bakit pinapalitan mo 'yung damit ko ng kulay puti," nakangiti kong sabi.
"Yes. Ang damit na 'yan ang suot-suot mo nang makita kita dito. Though, hindi naman talaga iyan 'yon, pero pareho lang namang puti. And as you can remember, ito rin ang suot ko noon," nakangiti niya ring sabi. Oo, natatandaan kong kulay puti nga iyon pero 'di ko matandaan 'yung suot niya. Hay. Buti pa siya, alam niya.
"Thank you, Babe."
And with that, hinalikan na niya ako. A sweet kiss. Ramdam na ramdam ko 'yung pagmamahal niya. Déjà vu, hinalikan niya ako sa upuan na ito, but this time, hindi kami lasing at kilala na namin ang isa't isa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro