Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER NINETEEN

Sunshine's Point Of View

"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.

Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan.

"Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako.

"Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbong ko habang natatawa.

"Takutin mo siya hanggang sa maisipan niyang umalis ng bansa at 'di na bumalik kahit kailan!" How I wish na gawin nga 'yon ni Bryan para sa 'kin. Haha! Ano ba 'tong pinagsasasabi ko sa kanya. Para akong ewan.

"Pero 'di nga, seryoso na. Pumunta lang talaga ako dito para ibigay sa 'yo itong regalo ko. Sana, masarapan ka sa cake. Mahal 'yan, ha! At saka, na-miss lang talaga kita. Magparamdam ka naman sa 'kin. Ang daya mo!" Sumimangot ako. "On a second thought, 'wag na lang pala. Takot ako sa multo! Hahaha!" Tawa lang ako nang tawa ng bigla na lang humangin nang malakas.

"Kabadtrip ka, Bryan! Wala namang ganyanan."

Kwento lang ako nang kwento sa kanya tungkol sa nangyayari sa akin at sa relasyon namin ni Patrick. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Mas masaya kasi sana kung nakakasagot siya sa 'kin, eh. Kaso, walang response si Mr. Lapida kaya parang shunga ako na salita nang salita pero wala namang kausap.

"Ako pala ang unang bumisita sa 'yo, 'no?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Sige, Bryan. Mauna na 'ko. Baka kasi hanapin ako ni Patrick, hindi pa naman ako nagpaalam kung saan man ako pupunta," paalam ko sa kanya. Bago pa man ako tuluyang tumayo at umalis ay hinaplos ko muna muli ang lapida niya.

Nasa may daan na ako no'n nang biglang tumunog ang phone ko. Pagkatingin ko, si Patrick pala ang tumatawag. Mabilis ko namang sinagot 'yon.

"Hello?"

"Nasaan ka?" tanong kaagad niya nang makasagot ako.

"May pinuntahan lang isang kaibigan."

"Hmm. Baka ipinagpalit mo na ako, ha?"

pagbibiro niya.

"Lol! Hindi, ah! Lunod na 'ko sa 'yo, eh," hirit ko.

"Naks!" Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Napangiti na rin ako dahil doon. "Pauwi ka na ba? Sunduin na kita."

"'Wag na. Nandito na rin naman ako, nag-aabang ng taxi. Makakauwi na rin ako mayamaya, don't worry."

"Bilisan mo lang, ha? Miss na kasi kita, eh."

And there, tumalbog na naman ang puso ko.

Enebe, Patrick!

"Miss mo mukha mo! Nagkita pa nga tayo kahapon noong bumisita ka sa bahay, eh," sabi ko na totoo naman.

Sa ngayon kasi ay hindi pa kami nagsasama ni Patrick sa iisang bahay. Bumibisita lang siya sa 'kin sa bahay palagi. Saka na lang siguro kami bubukod kapag kasal na kaming dalawa. Napangiti na naman ako dahil sa ideyang magpapakasal kami.

"Hindi ba puwedeng mabilis lang kitang namimiss? Minu-minuto ka kasing pumapasok sa isipan ko. Gusto na ulit kitang mahawakan at mayakap ngayon." Muli na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Ano ba 'yan!

"Gano'n ba?" tanong ko sabay ngisi nang nakakaloko.

"Oo."

"Oh, sige. Dahil d'yan, hindi na lang ako uuwi ngayon! Next week na ako uuwi, magtiis ka!"

"'Wag naman!" Tumawa na rin siya.

"I love you, Babe."

"I love you too. Sige na, magsawa ka sa 'kin mamaya pagdating ko," sabi ko habang natatawa pa rin at mayamaya lang ay pinatay ko na ang tawag.

Nag-abang lang ako ng taxi for almost twenty minutes pero wala pa ring napapadaan dito sa gawi ko. Actually, meron namang napadaan kanina, may nakasakay na nga lang.

Kainis. Gusto ko na rin kasing umuwi at makita ang pinakamamahal ko. Gusto ko na rin siyang yakapin nang mahigpit. Miss ko na rin siya.

Mayamaya ay may bigla na lang pumihit na kung ano. Pagtingin ko, may isang malaki at kulay itim na van ang tumambad sa harapan ko. Pagkabukas no'n ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako. May nakita kasi agad akong mga maskuladong lalaki na nakaitim ang lumabas doon. Nang ma-realize kong parang sa akin sila pupunta ay tumakbo na ako.

"Habulin niyo!"

Mas lalo pa akong kinabahan nang dahil sa narinig. Tumakbo lang ako palayo sa kanila. Pero hindi pa man ako gaanong nakakalayo ay biglang sumakit ang tiyan ko na dahilan para mapatigil ako. Pagkatapos ay naramdaman ko na lang na may humawak sa magkabilang braso ko.

"Tatakas ka pa, ha!" sabi ng isa sa mga kidnappers. Oo, marahil ay gano'n nga sila, mga kidnappers. Sapilitan nila akong isinakay sa loob ng van. Nagsisisigaw naman ako dahil sa sobrang takot.

"Bitiwan niyo nga ako!" giit ko sa kanila pero hindi man lang nila ako pinakinggan. "Sabing bitiwan niyo 'ko, eh! Sino ba kayo? Ano ba?!"

"Tumahimik ka!" At naramdaman ko na lang bigla ang kamay niyang naglanding sa pisngi ko.

"Please... maawa kayo sa 'kin. Wala kaming pera kung sakaling 'yon ang kailangan niyo. Wala kayong mapapala sa 'kin. Pakawalan niyo na 'ko," pagmamakaawa ko sa kanila. Naramdaman ko na lang na may tumulong luha galing sa mga mata ko. Natatakot ako. Anong gagawin nila sa 'kin?

"Hindi puwede dahil 'yon ang utos," sabi no'ng isa.

Utos? Ibig sabihin, planado na 'tong pagdukot sa 'kin? Sino ang walang'yang nag-utos na 'yon?

"Sino? Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ko pero wala man lang sumagot. Tanong lang ako nang tanong pero wala talagang response. Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang panyong inilagay sa ilong ko at nang masinghot ko iyon ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Ang tapang ng amoy! At unti-unti na akong nanghina hanggang sa mawalan na ako ng malay.

▫▫▫🎈▫▫▫

Nagising ako nang sumasakit pa rin ang ulo. Grabe, ano ba 'yung inilagay nila sa panyo at sumasakit nang ganito ang ulo ko? Nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko, wala ako masyadong makita. Medyo may kadiliman kasi sa lugar na 'to na kung hindi ako nagkakamali ay isang kwarto.

Teka. Kwarto? Nasaan ako? Tatayo na sana ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Pagtingin ko sa katawan ko, doon ko lang narealize na nakagapos pala ang katawan ko sa upuan at nakatali rin sa likuran ang dalawa kong kamay. Takte! Masyadong mahigpit ang pagkakatali. "Tulungan niyo 'ko!" sigaw ko. Nasaan na 'yung mga lalaking nagdala sa 'kin dito? Bakit feeling ko, ako lang mag-isa ngayon sa kwartong 'to?

"Help! Somebody help me! Arggh! Pakawalan niyo 'ko dito!"

Ginalaw-galaw ko pa ang sariling katawan ko, nagbabaka-sakaling masira ang pagkakatali at makalabas na ako dito. Pero wala rin palang silbi. Masyado kasi talagang mahigpit ang pagkakatali sa 'kin. At kahit sigaw pa ako nang sigaw, wala rin yatang nakakarinig. Ugh! Malaman ko lang talaga kung sino ang may gawa nito. Argh!

Mayamaya lang ay may narinig akong parang bumukas. Nasa likuran ko 'yon kaya hindi ko kaagad makita kung sino man 'yung pumasok. Tumahimik sandali ang paligid at umingay lamang iyon nang magsimula na itong maglakad. At doon, narealize kong babae siya dahil sa tunog ng sandals niya. Bigla na naman akong kinabahan. Sino kaya 'to? Ito na kaya 'yung sinasabi ng kumidnap sa 'kin na nag-utos sa kanila? At ano naming dahilan niya para gawin 'to?

"Hey, bitch!"

Nangunot naman ang noo ko sa narinig. Hindi ako puwedeng magkamali. Siya lang naman ang tumatawag sa 'kin ng gano'n at sa kanyang boses lang din ako naiirita. Nang 'di pa ako makapagsalita ay humarap na siya sa 'kin. Biglang nagkaroon ng ilaw sa paligid kaya nakikita ko na ang nakangisi niyang pagmumukha. Ngiting nang-aasar.

"Gulat ka ba?" Ngumiti na naman siya nang nakakaloko. Bakit hindi ko kaagad naisip na puwede niyang gawin ang bagay na 'to? Kung sinu-sino pa ang naiisip kong gumawa sa 'kin nito, siya lang pala.

"Ano bang problema mo, Sheena? Bakit mo ginagawa 'to?"

Narinig ko na naman ang halakhak niya dahil sa tanong ko. Anong nakakatawa do'n?

"Problema?" tanong niya nang nakangisi pero bigla rin itong nawala at napalitan ng galit. "Ikaw ang problema ko!"

Natahimik ako.

"You ruined everything, Sunshine! Everything! Masaya na kaming dalawa ni Patrick. Pero nang dumating ka, nawala na rin ang kung ano mang namamagitan sa 'ming dalawa. I love him! I love him so much, and I know he loves me too!"

"You're lying. Hindi ka niya mahal!"

"You think so? Kung hindi niya ako mahal, bakit siya tumutugon sa mga halik ko? We even make love every time he's with me."

"No!" mabilis kong tanggi, napailing pa ako. Ano na naman bang kasinungalingan ang sasabihin niya sa 'kin ngayon? "You fooled me once, pero hindi na ulit 'yon mangyayari ngayon. Pinaniwala mo akong niloko lang ako ni Patrick pero ang totoo, ikaw ang manloloko! Lahat ng sinasabi mo, kabaligtaran sa nangyayari. Sinungaling ka! Bakit mo ba ginagawa ang bagay na 'to? Bakit mo pa pinapahirapan ang sarili mo?" Nanggagalaiti siyang napatingin sa 'kin. She even formed her hands into a fist.

"Shut up! Ako ang mahal niya at hindi ikaw!" Kita ko 'yung galit sa pagmumukha niya. Parang gusto niya akong sampalin. Napatawa na lang ako dahil sa kanya. Mas kumunot naman ang noo niya.

"Nakakaawa ka talaga, Sheena. Mas nakakaawa ka kung ikukumpara sa kalagayan ko ngayon, alam mo ba 'yon? Nakakaawa ka kasi ipinipilit mong ipasok d'yan sa kokote mo 'yung kasinungalingang mahal ka nga talaga ni Patrick. Nakakaawa ka kasi idinadamay mo pa ang ibang tao sa kamalasang nangyayari sa buhay mo. Nakakaawa ka kasi ako ang pinagbubuntunan mo ng galit mo dahil lang sa hindi mo makuha ang gusto mo. Nakakaawa ka kasi—"

"That's enough!"

Kasabay niyon ay ang paglapat ng kamay niya sa pisngi ko. Masakit. Sobra. Ramdam na ramdam ko 'yung galit niya sa sampal na 'yon pero napangisi lang ulit ako.

"Yes, nakakaawa nga siguro ako. Gano'n naman talaga, eh. Noon pa man ay mapait na talaga ang mundo sa 'kin. Noon pa man, hindi ko na nakukuha ang gusto ko. Pero sa lahat ng nagustuhan ko, kay Patrick lang ako na- obsess. Kaya hindi ako makakapayag na hindi ko siya makuha. He will be mine. Tandaan mo 'yan." Dinuro-duro pa niya ang noo ko. Nagpumiglas naman ako dahil sa ginagawa niya.

"I will do everything mapunta lang s'ya sa 'kin!" Natawa na naman ako dahil sa sinabi niya.

"Gano'n ba talaga ang gusto mo, Sheena? Ang mabuhay sa kalungkutan?" Napakunot ang noo niya. "Let's just say na mapunta nga sa'yo si Patrick. Then what, magiging masaya ba kayo? Hindi naman, 'di ba? Ikaw lang ang magiging masaya pero siya, hindi. Kasi kahit na kailan, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung isa lang ang nagmamahal." Pinagdiinan ko pa ang lahat ng sinabi ko. Kung hindi lang nakagapos ang mga kamay ko, baka naduro ko na rin ang kokote niyang puro hangin lang ang laman.

"Whatever you say. He will be mine." At inirapan niya ako pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko.

"Hoy, pakawalan mo 'ko dito!" sigaw ko pero tumawa lang siya. An evil laugh indeed. Para na siyang nababaliw. Ang sakit na ng kamay ko!

Bigla na namang dumilim ang paligid. Patrick, nasaan ka na?

Bakit hindi ka pa dumarating? Sana, mailabas mo 'ko sa madilim na kwartong 'to. Please. Please save me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro