Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER NINE

Sunshine's Point Of View

ALMOST a month din noong huling nagparamdam sa akin si Bryan. After that call, hindi na rin siya ulit tumawag pa. Buti naman. Ok na kasi ako, eh. Ok na ako kay Patrick at ayokong bumalik pa siya sa buhay ko.

Kinabukasan lang din no'n ay nakapag-usap na ulit kami ni Patrick nang maayos—yung wala akong inis na nararamdaman. Sinabi ko sa kanya kung sino ang tumawag kaya tinanong niya ako.

"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong ng ganito at hindi ko rin alam kung ano bang isasagot ko. Ano nga bang isasagot ko?

"Hindi ko alam," tanging nasabi ko lang. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. Simula kasi nung nagparamdam siya kanina, may kung ano akong naramdaman—maliban sa galit, na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan na ewan.

"Hindi naman ako magagalit kung sasabihin mong 'Oo', eh." Napatingin ako sa kanya. "Kasi alam ko naman na ako lang ang pipiliin mo than any other guy, diba? So, wala akong dapat na ipangamba kung sasabihin mo mang mahal mo pa siya. At saka, mas lamang naman ako kasi mahal na mahal mo ako, siya mahal mo lang." Napangiti pa siya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako nang sagad sa sinabi niya, eh. Napangiti ako.

"Yes, Babe. Ikaw lang ang pipiliin ko."

▫▫▫🎈▫▫▫

"Sunshine, hija, may bisita ka!" rinig kong sigaw ni Mama. Huh? Sino naman kaya bisita ko? Tumayo ako ng kama at lumabas ng kwarto. Pagkababa ko, isang lalaking nakatalikod ang naabutan ko. Teka, parang familiar ang taong 'to.

"Darwin?" tawag ko. Di ako sigurado pero feeling ko siya nga yun. Tapos ay humarap siya. Sabi na, eh! Pero teka, what's with his face?

"Oh, ano namang masamang hangin ang nagtulak sa iyo at napunta ka pa talaga dito? At saka, pa'no mo nalaman ang bahay ko?" sunod-sunod kong tanong pero lumapit lang siya sabay hawak sa balikat ko.

"Sunshine, si Patrick..." sa tono pa lang ng pananalita niya ay kinabahan na ako bigla. Idagdag pa yung pag-aalalang nakikita ko sa mukha niya. Bakit, anong nangyari kay Patrick?

"Bakit, anong nangyari sa kanya?" kinakabahan kong tanong.

"Kailangan mong sumama sa akin," and with that, hinila na niya ako palabas ng bahay. Hindi na ako nagtanong pa at nagpahila na lang ako sa kanya. Takte! Anong bang nangyari kay Patrick? Bakit ayaw niyang sabihin? Kinakabahan na ako, eh.

"Darwin, anong ginagawa natin dito?" takang tanong ko. Akala ko kasi baka may kung anong hindi magandang nangyari kay Patrick at isinugod sa hospital. Akala ko doon ang punta namin ngayon. Pero bakit dito niya ako itinigil sa may park? Anong gagawin namin dito? Or baka naman... Baka naman niloloko lang talaga ako ni Darwin in the first place? Ayst! Bakit ba ako nagpa-uto sa lalaking 'to?

"Yeah. Yeah. You got me. Ang galing mo rin, noh? Nauto mo ako," singhal ko sa kanya. "Alam mo Darwin, kung wala kang magawa sa buhay, 'wag mo naman akong idamay sa trip mo. Lakas din ng tama mo, eh, noh?" inirapan ko pa siya. Tss. Kasi naman, feeling naman niya sobrang close na talaga namin para ganito-hin ako, eh.

"Oh, relax! Hindi ako ang may pakana nito, noh!" ano namang 'pakana' ang sinasabi nito?

"Ewan ko sa 'yo! D'yan ka na nga!" irap ko. Kasi naman, eh. Akala ko talaga may masamang nangyari na kay Patrick but it turns out na pinag-t-tripan lang niya pala ako.

"Hoy, 'wag ka magalit sa akin! Sa kanya ka magalit!" napalingon ako sa kanya. Ano naman kayang ibig sabihin nito? Nakita ko siyang may itinuturo sa bandang likuran ko kaya naman napalingon ako. At doon, nakita ko si Patrick, nakaupo sa bench. Wala namang problema sa mukha niya, ah? Ok lang naman siya. Ay, teka! Tama ba yung nakikita ko? May hawak siyang gitara? Wait, kakanta ba siya? As in? Waah! First time 'to kung gano'n.

Pagkatapos ay nakita kong ginalaw na niya ang kanyang mga daliri at nagsimula nang tumugtog. Sa simula pa lang parang alam ko na kung anong kakantahin niya.

At nagsimula na nga siyang kumanta na siyang kinamangha ko. Spell nga-nga? S-U-N-S-H-I-N-E. Grabe, hindi ko inaasahan na may boses pala siyang tinatago. I mean, he can sing! Bawat bigkas niya sa salita, nakakadagdag sa ka-guwapuhan niya. I must admit, he's hot when singing. Pero siyempre, mas hot pa rin 'pag naka-topless lang siya. Ay, bastos ko na!

Habang patuloy ang pagkamangha ko sa kanya ay di ko na namamalayang may mga batang kaharap na pala ako. Sabay-sabay nilang ibinigay sa akin ang tatlong red roses, isang heart-shaped balloon na may nakasulat pang, "I Love You, Sunshine!", plus isang malaki at cute na cute na kulay yellow'ng teddy bear. Oww, ang cute talaga! Nakangiti akong napatingin kay Patrick na ngayon ay kumakanta pa rin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakatitig lang pala siya sa akin habang nakangiti rin. Waah! Pa'no niya nagawa yun—ang mag-gitara habang nakatingin sa akin? Di kaya siya magkamali ng pag-strum? Huhu. Ako na ignorante. His beautiful voice was perfectly fit for that acoustic song. Sana maganda rin boses ko. Kainggit.

"I love you, Ms. Sunshine Bernardo. At kahit maumay ka pa kakarinig ang mga salitang 'yun, hindi pa rin ako titigil na banggitin ang mga salitang 'yun sa 'yo," promise, hindi talaga ako mauumay. "Mahal na mahal kita. Ikaw na naging buhay ko. Ikaw na bumuo sa nadurog kong puso. Ikaw na noong una'y napagkamalan ko lang. Mahal na mahal kita," nakaka-tats niyang sabi. Nilapag niya muna yung gitara niya sa upuan saka lumapit sa akin para hawakan ang mga kamay ko. Siya na talaga guwapo!

"Ayyiieeh!"

Ngayon ko lang na-realize, ang dami na palang tai na nakapalibot sa amin ngayon. Sa di kalayuan ay nakita ko si Princess, James, Miko, Darwin at Jecko na naka-ngiting pinagmamasdan kami. Nilibot ko pa ang paningin sa lahat ng tao at kitang-kita ko yung kilig sa mga mukha nila. Eeh! 'Wag nga kayong ganyan. Kikiligin din ako, eh!

"Nakakainis ka! Akala ko may kung ano nang nangyari sa 'yo. Akala ko may masamang nangyari sa 'yo. Akala ko magmumukmok lang ako sa importanteng araw na ito. Si Darwin kasi, eh!" hinampas ko pa siya sa kanyang braso. Nangilid lang yung luha sa mata ko. Kahit papaano ay nakakahinga na ako nang maluwag kasi ok naman pala ang lahat. Pero nakakinis pa rin. Pinakaba nila ako.

"H'wag ka nang magalit. Ano, nagustuhan mo ba? Sorry kung ito lang naisip ko."

"Ok lang. Ang sweet nga, eh. Di ko alam kumakanta ka pala," sabi ko habang pilit na pinipigilan ang sariling 'wag kiligin.

"Happy monthsary, Babe," sabi niya.

"Happy monthsary din, Babe!"

Niyakap naman niya ako at kasabay no'n ay ang hiyawan ng mga tao.

"Magki-kiss na 'yan!"

"Magki-kiss na 'yan!"

"Magki-kiss na 'yan!"

Kailangan sabay talaga? Napatingin naman ako sa puwesto nila Princess at pati sila 'yun na rin ang sinisigaw. Eeh! Nakakahiya ang daming tao, eh! Pero walang sabi-sabi ay hinuli na ng labi ni Patrick ang mga labi ko. Siyempre nagulat ako sa ginawa niya kaya naman natigilan ako.

"One... Two... Three.." sabay-sabay pa rin sila sa pag-bilang hanggang sa umabot na siya sa Ten. Humiwalay naman siya sa akin saka ngumiti.

"Sarap talaga ng halik mo," ngumiti siya nang nakakaloko. Waah! Feeling ko namumula na ang mukha ko. Kasi naman, eh!

"Haha. You're blushing, Babe!" sabi pa niya.

"Kasalanan mo," ganti ko sabay pout. Sana naman hindi mahalatang kinikilig ako noh?

▫▫▫🎈▫▫▫

Patrick's Point Of View

TODAY is a special day. Monthsary namin ngayon ng mahal ko—si Sunshine. Simple lang naman ang naisip kong gawin. Kakantahan ko lang siya sa harap ng maraming tao at iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong masaksihan ng mga tao yung pagmamahalan naming dalawa. Gusto kong malaman nila na ang taong nagngangalang, SUNSHINE BERNARDO ay siya na ngayong nag-mamay-ari ng puso ko. Corny.

Nang ma-set ko na ang lahat, kinausap ko si Darwin na puntahan si Sunshine sa kanila at papuntahin sa park. Binigay ko sa kanya ang address at sinabing siya na ang bahalang mag-dahilan, mapapunta lang siya sa park.

Prepared na ako. Siya na lang ang kulang. Nagtago muna ako saglit at nang may sumenyas na sa akin na nariyan na siya ay lumabas na rin ako. Good thing at nakatalikod siya kaya di niya namalayan ang pag-upo ko sa isang bench. Pagkalingon niya, nakita kong nagulat siya. Siguro hindi niya inexpect na kakanta ako ngayon. Hindi pa kasi ako nakakanta sa harap niya, ngayon pa lang. Buti na lang at hindi ako sintunado.

Ikaw by Yeng Constantino ang pinili kong kanta, original acoustic cover version ko. Yun ang pinili kong kanta dahil gusto kong iparating yung mensahe ng kanta sa kanya. Na ibinigay siya sa akin ni God, at siya lang ang mamahain ko habang buhay.

"I love you, Ms. Sunshine Bernardo. At kahit maumay ka pa kakarinig ang mga salitang 'yun, hindi pa rin ako titigil na banggitin ang mga salitang 'yun sa 'yo. Mahal na mahal kita. Ikaw na naging buhay ko. Ikaw na bumuo sa nadurog kong puso. Ikaw na noong una'y napagkamalan ko lang. Mahal na mahal kita," sabi ko pagkatapos ng kanta. Naghiyawan naman ang mga tao nang hawakan ko ang kanyang kamay. Kita ko yung pamumula niya pero tinawanan ko na lang.

"Magki-kiss na 'yan!" sigaw nila ng tatlong beses. Walang ano-ano'y hinalikan ko siya sa labi. Napangiti ako nang hindi siya gumagalaw. Palakpakan at hiyawan pa rin ang naririnig ko sa kanila.

▫▫▫🎈▫▫▫

"WAAAH! Grabe yung kilig ko sa inyo kanina! Ang sweet niyo, grabe! Nakakainggit kayo!" dapat ay marindi na ako sa paulit-ulit na linyang 'yan ni Rhian. Ang sakit sa tenga ng pagtili niya. Pero wala, eh, napapangiti na lang ako sa pinagsasabi niya. Kita ko pang kinikilig nga talaga siya. Nakisabay na lang ako sa tawa.

Dati, na-a-akward-an ako kapag magkasama kaming dalawa pero nang tumagal ay nasanay na rin ako. Nasanay na rin akong kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. Parang wala ngang namamagitan sa amin noon, eh. Hindi na kasi namin inuungkat pa ang nakaraan at naka-focus na lang ang atensiyon namin sa kasalukuyan. Masaya kami ngayon pareho—at yun ang mahalaga para sa amin.

"Tsk. 'Wag ka nga! Ayokong kiligin, ano ba?" si Sunshine. Kita ko namang pinipigilan niya lang ang kiligin. Tsk. Bakit ba pinipigilan pa niya?

"Ewan ko sa 'yo! Basta ako, kinikilig pa rin!"

"Gusto mo gano'n din ang gawin ko sa anniversary natin, Sweety?" umeksena naman si James. Niyakap pa niya si Rhian sa likuran.

"Yuck! Corny mo, Bro!" angal ng tatlo.

"Tsk. Gustuhin ko man, 'wag na lang."

"Bakit naman? Gusto nga kitang pakiligin, eh." si James.

"Kasi hindi ka pa kumakanta, nauna nang umulan sabay lindol pa. Sarap mong batukan 'pag kumakanta ka, eh." natatawa kong sabi sa kanya.

"Sakit mo namang magsalita, Bro! Ok naman boses ko, ah?" parang ewan 'to. Di ko na lang siya pinansin at niyakap na lang ang mahal ko sa likuran. Hayun, bangayan lang sila nang bangayan. Pinagtutulungan na nila si James. Tss. Humirit pa kasi.

Humiwalay siya sa yakap ko at naglakad. Di ko naman alam kung saan ang punta niya kaya naman, sinundan ko siya.

"Uy, bro! Sa'n kayo pupunta? Gagawa ba kayo ngayon?" tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko. Sa ngiti niyang iyon, alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin. Loko talaga kahit kailan.

"Ulol! Bawal mag-usap? Amg ingay niyo kaya d'yan!" sabi ko na lang saka sinundan si Sunshine. Napailing na lang ako. Imahinasyon talaga ng taong 'yun. Tsk. Tsk.

"Babe? Bakit parang di ka nagsasalita d'yan?" nasa may kusina kami ngayon, malayo sa kanila. Anong ginagawa niya dito?

"Ewan. Di ko rin maintindihan ang sarili ko, eh. Para akong kinakabahan... Ay, ewan!" huh? Bakit naman kaya siya kinakabahan?

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam."

"Ganito na lang," hinarap ko siya sa akin. "Para mawala yung kaba mo, gusti mo totohanin natin yung sinabi ni Darwin? Gawa tayo ng baby." natatawa kong sabi sa kanya. Pero siyempre joke lang 'yun, gusto ko lang mawala yung kabang bumabagabag sa kanya. Tiningnan niya ako nang masama. Uh-oh! Nagkamali yata ako ng binigkas. Para na siyang kakain ng buhay. Haha. Para hindi ako makain ay dali-dali akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ki at rinig naming lahat ang sigaw niya.

"Patrick Raveno, you're getting into my nerves! Humanda ka sa akin mamaya!" sigaw niya. Pinagtawanan naman ako ng mga kaibigan ko. Magsasalita pa sana ako nang sumigaw siya ulit.

"Darwin, hindi pa tayo tapos!"

Napalingon kaming lahat nang sabay kay Darwin saka sabay-sabay rin sinabing, "Hala ka!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro