CHAPTER FOURTEEN
Sunshine's Point Of View
KAGAYA ng ipinangako ko sa kanya, naging masaya ako. Isang buwan na ang nakalipas magmula no'ng magpaalam ako kay Bryan sa huling hantungan niya. Mamimiss ko siya. Sobra. That day was one of my most painful days. Ang makita kong ililibing na 'yung taong minsang nagpasaya, naging bahagi, at naging mahalaga sa buhay ko. Kahit na hindi ko man aminin sa iba, alam ko sa sarili ko na hanggang ngayon ay may natitira pa rin akong pagmamahal para sa kanya. Sabi nila, "just move on because life goes on" kaya 'yon ang ginagawa ko ngayon. Sabi nga rin ni Bryan, "be happy" raw kaya susubukan kong maging masaya. At least, para sa kanya at para na rin sa kinabukasan namin.
Hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko kaya hindi pa masyadong nahahalata ni Patrick na buntis pala ako. Naghihintay lang kasi ako ng tamang panahon para sabihin iyon sa kanya.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
"Babe? Favor naman, oh? 'Yung damit kasi na susuotin ko ngayon sa shoot, naiwan. Please? Nasa kwarto ko lang 'yon, puwede pakihatid dito?" sabi niya sa kabilang linya.
"Okay, sige. Give me thirty minutes. Okay lang ba?"
"Sure. Wala pa naman 'yung ibang staff."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay binabaan ko na siya ng tawag. May kalayuan kasi ang lugar kung saan ang photoshoot niya ngayon kaya panigurado, aabutin talaga ako ng thirty minutes. Yes, he's now a model. Well, a freelance model. Kapag na-tripan niya lang. One time kasi na pumunta kami ng Boracay ay may lumapit sa amin, isang lalaki at isang babae. Tinatanong nila kung puwede raw ba nilang kuning model si Patrick.
"Excuse me."
Naglalakad kami ng mga oras na iyon ni Patrick nang may biglang lumapit sa aming dalawang tao, isang babae at isang lalaki. Pansin ko kaagad yung nakasabit na malaking camera sa leeg nung lalaki.
"Sir, can we have a minute?" tanong ng babae kay Patrick. Napatigil kami pareho sa paglalakad. Napalingon muna sa akin si Patrick bago magsalita.
"Sorry, we're busy."
"Sir, kahit mga ten to fifteen minutes lang po, please?"
"Sir, ganito po kasi 'yon. May photoshoot project po dapat kami ngayon pero 'yung dapat na model ay hindi lumitaw hanggang ngayon. Mukhang nang-indian na yata. Then, we saw you. You're the perfect match for our concept," sabat no'ng lalaki.
Mukha namang hindi sila nagsisinungaling. "I said, no."
Kaagad kong hinawakan ang kamay ni Patrick dahil pakiramdam ko ay masisigawan niya pa ang dalawang ito na nasa harapan namin.
"Please find someone else. Wag ako ang kulitin niyo. Nandito kami para magsaya. Please don't ruin the momentum."
Kaagad na umalis si Patrick sa harapan ng dalawa samantalagang naiwan naman akong nakatayo lang. Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Pasensya na kayo, ha? Pero baka may mahanap pa kayong iba d'yan na puwedeng maging model niyo."
Paalis na rin sana ako nang biglang nagsalita 'yung babaeng kausap niya kanina.
"Lagot na naman tayo nito kay Boss."
"Kaya nga, eh. Nasabi ko pa naman na nakahanap na tayo ng pamalit. Paano 'yan?"
Bago pa man ako tuluyang makaalis ay lumingon ako sa dalawa. Kita ko 'yung problemado nilang mukha. Bigla naman akong nakaramdam ng awa. Naramdaman ko rin naman na mukhang sincere sila sa sinasabi nila at hindi lang basta nanloloko.
Nagmadali akong maglakad para maabutan kaagad si Patrick.
"'Di ka ba naaawa sa kanila? Mukha naman silang nagsasabi ng totoo."
Napahinto na naman si Patrick.
"Ke nagsasabi ng totoo o hindi, still no. Nandito tayo para magsaya, maglibang."
"Sorry Babe, ha. Naawa lang kasi ako sa dalawa. I mean, hindi naman siguro sagabal sa saya natin 'yung fifteen minutes na hinihingi nila, 'di ba? And besides, ano pa at naging international model ka?"
Ngumiti ako sa kanya. Kita ko sa mukha niya na ayaw niya talaga. Pero at least, susubukan kong kumbinsihin.
"Ito lang, Babe. Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang 'to," pangungumbinsi ko. Ngumiti ako sa kany at mayamaya lang ay bumuntong-hininga siya.
"Okay, fine. Ngayon lang."
Ngumiti lang ako sa kanya saka siya inaya pabalik sa kung saan naroon pa rin ang dalawang kumausap sa amin kanina.
"Hi! Sabi niyo, fifteen minutes lang, 'di ba?" "Yes! fifteen minutes lang. We just need something to present to our boss."
"Our boss is a monster. Kapag nalaman niyang wala pa rin kaming nakukuhang model within an hour, lagot na naman kami nito," sabat naman ng babae sa amin.
"Alright then, pasalamat kayo at mabait itong kasama ko."
Napatingin sa akin si Patrick sabay ngiti.
Sinuklian ko naman siya ng isang matamis na ngiti rin. "Thank you so much for your time."
'Yon ang nangyari. Akala ko nga, 'yung araw lang na 'yon magiging model si Patrick. Pero base sa kwento ni Ara-'yung babaeng nakausap namin, nagustuhan daw ng boss nila si Patrick. Na-i-kwento niya 'yon noong minsang dinalaw ko siya sa shoot niya. Hindi ko nga alam kung maiinis ba ako sa kanya o mamamangha na lang, eh. Nakapantalon lang kasi siya no'n, walang damit pang-itaas at nakahawak ang kamay niya doon sa pantalon niya na para bang huhubarin niya 'yon kaya naman kita na 'yung nakasulat na Calvin Klein sa brief niya. Alam ko, napanganga ako ng mga oras na iyon dahil sa kagwapuhan niya at sa lakas ng dating ng kakisigan niya. Idagdag pa 'yung six-pack abs niya na ang sarap halikan. Kaya lang, ang dami kayang babae sa lugar na 'yon! Kainis lang, 'di ba? Nakita ko pa nga 'yung iba na napapakagat sa labi nila habang tinitingnan ang boyfriend ko. Tss. Sarap manabunot ng buhok sa kilikili!
Nakakaselos. Kasi 'yung iba, naglalaway na kakatingin kay Patrick, pero siya, dedma lang. Parang gusto ko ngang lumapit doon at takpan siya. Pero 'wag na. C-in-areer na rin naman ni Patrick ang pagiging model kaya hinayaan ko na lang din. Bahala silang maglaway sa kagwapuhan ngboyfriend ko tutal, sa akin rin naman ang bagsak niya.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Oh, hija? Napadalaw ka? Wala dito si Patrick, eh," salubong kaagad sa akin ni Tita nang makapasok ako sa bahay nila. Nakipag-beso muna ako sa kanya bago pa nakasagot.
"'Yon nga po ang ipinunta ko dito. May ipinapakuha kasi siya sa kwarto niya. Kunin ko lang po, ha?" paalam ko sa kanya. Um-oo naman siya at dumiretso na ako sa kwarto niya. As always, ang linis pa rin tingnan ng kwarto niya. Hiyang-hiya na nga 'yung kwarto ko sa kanya, eh.
Hindi naman ako nahirapan sa paghanap ng damit niya since nakahanda naman na pala 'yon sa may kama niya. Sadyang naiwan lang talaga. Kukunin ko na dapat 'yon nang matigil ako dahil may nakaagaw ng pansin ko sa side table. Isang frame. Mas lumapad ang ngiti ko nang makitang kami pala 'yon ni Patrick. 'Yon 'yung picture na magkahalikan kami sa may pool na si Tita ang may kuha. Ang sweet. Kinilig na naman tuloy ako bigla. 'Di nagtagal ay nagpasya na rin akong umalis na kasi baka kailangan na ni Patrick 'yung damit para sa shoot. Pero sa kamamadali ko, nabitawan ko 'yung damit kaya naman nahulog iyon sa paanan ko.
"Aish!" inis kong sabi sa sarili sabay pulot sa damit. Pero natigilan na naman ako nang may nakaagaw muli ng pansin ko. Kinabahan ako bigla na parang ewan. Isang maliit at kulay puting box 'yon kaya mabilis ko itong napansin. Out of curiousity ay kinuha ko ang box at binuksan.
Gano'n na lang ang pagkagulat ko sa nakita. It was a ring! Kulay silver na singsing. Teka, bakit may ganito si Patrick sa kwarto niya? Para kaya sa 'kin 'to? Kung para sa 'kin, bakit nasa ibaba lang ng kama? Nalaglag siguro.
"Omo!" Napahawak pa ako sa bibig. Don't tell me, may balak ng mag-propose sa 'kin si Patrick?! Wah! Kinikilig naman ako! Gusto pa yata akong i-surprise ng taong 'yon, eh. Haha. Pero sorry ka, Patrick, kasi nakita ko na.
Kinuha ko 'yung singsing sa loob at sinubukang ilagay sa kamay ko kung kasya ba, and yes! Kasya nga! Paano niya kaya nalaman ang size ng daliri ko? Haha. Pero mas na-excite pa ako nang mapansing may nakasulat pala doon sa ilalim.
P❤ S.
Now, I'm sure na sa akin nga mapupunta 'to. It is our initials! Patrick and Sunshine. Oww. Ang sweet naman ng boyfriend ko, may paganito-ganito pang nalalaman. One last look sa singsing at saka ko pa siya ibinalik sa lagayan at sa pwesto niya kanina. Todo ngiti pa ako nang lumabas sa kwarto niya. Lakas maka-good vibes ng singsing! Haha. Bahala na, mag-pi-pretend na lang ako na walang nakita at natuklasan sa kwarto niya.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Babe, I'm sorry. Late na ba ako?" tanong ko nang makarating na ako sa lugar na pag-shu-shooting-an nila. Hindi ko alam kung anong lugar 'to, ang alam ko lang, nasa may highway kami ngayon. Wala naman gaanong dumadaan na sasakyan o mga tao kaya walang istorbo. If I'm not mistaken, bale 'yung mga bundok ang magiging background nila.
"Okay lang. Hindi pa rin naman dumadating 'yung partner ko, eh." Partner? Bakit parang 'di niya yata nabanggit sa akin na may partner siya ngayon? 'Di pa man ako nakakapagsalita ulit ay nagpaalam na siya sa akin. Mi- make-up-an na raw muna siya.
"Oh, bakit hindi pa kayo nagsisimula?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita. May scarf siya sa leeg na kulay itim at may balbas din ito sa may baba. Sabi sa akin ni Ara, siya raw ang monster boss nila and agree naman ako. Mukha pa lang kasi, monster na.
"Boss, wala pa po kasi si-"
"Na naman?!" Nagulat naman ako sa biglaang pagsigaw niya. Gano'n din sina Jun at Ara na siyang kaharap ng halimaw. "Bakit ba palagi na lang late ang babaeng 'yon?!"
Natigil ako bigla. Babae? Ibig sabihin, babae ang partner ngayon ni Patrick? Bakit parang 'di ko naman yata alam 'to? Sa pagkakaalam ko lang kasi, solo lang si Patrick 'pag nag-shu-shoot. Bakit ngayon, may babae ng kasama? Napatingin naman ako kay Patrick, itatanong ko sana kung sino 'yung babae na tinutukoy ng halimaw kaya lang, nakapikit lang siya, sinusubukan yatang matulog. Bakit gano'n? Nalaman ko lang na babae ang makakasama niya, parang nagseselos na ako?
"And who are you?!" Nagulat na lang ako nang sa akin na pala siya nakatingin.
"Ah, Boss, siya po si-"
"I didn't ask you! Ang gawin mo, tawagan mo ang babaeng 'yon at papuntahin na dito!"
"O-Okay, Boss." Taranta naman si Jun nang kunin niya sa bulsa ang kanyang cellphone.
"I asked you, who are you?" Nakakatakot 'yung matatalas niyang tingin.
"I'm-"
"Are you his PA?" Nakaturo pa siya sa gawing likuran ko. Napatingin naman ako at walang-hiya! Naka-headset na pala siya ngayon. Alam siguro niya na maingay ang halimaw na 'to kaya inunahan na niyang lagyan ng headset. Nice, boy! Pero mas walang-hiya ang halimaw na 'to. Mukha ba akong personal assistant?! Sa ganda kong 'to? Okay, mahangin ang dating ko.
"No, Sir! I'm his-"
"I'm here!" Mas super walang-hiya! Kailangan ba talagang putulin palagi ang sasabihin ko? Pero teka. Boses ng isang babae. Hindi kaya...
Napatingin ako doon sa likuran ni Monster, nakaharang kasi, at doon ay nakita ko na siya. Maganda. Nahiya naman daw 'yung balat ko sa kanya. Hiyang-hiya rin 'yung flat shoes ko sa five inches high heels niya at sa suot niyang black fitted pants and white v-neck dress. Idagdag pa 'yung mga kung anu-anong burloloy niya sa katawan na bumagay naman sa kanya. Ang ganda talaga niya. Pero 'di ko maiwasang mainis. Ewan ko ba.
"As always, late ka na naman!" sigaw sa kanya ng isang halimaw. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Umirap lang kasi ito at tinabing lang si halimaw kasi nakaharang siya sa daraanan. Aba, may attitude!
"Who cares?" mataray niyang sabi. Naglalakad lang siya palapit sa akin. Teka, sa akin nga ba? Nagkamali ako kasi nilagpasan niya lang ako. Sinundan ko lang siya ng tingin at tumigil siya sa harap ni Patrick na ngayon ay naka-headset pa rin at pikit ang mga mata. I wonder kung tulog na ba siya niyan?
Pero ang sumunod na eksena ay hindi ko talaga inasahan. No, scratch that. Hindi ko napaghandaan. Naka- magnet lang ang katawan ko sa lupa at gulat pa ring nakatingin sa kanilang dalawa. 'Yung kabog ng dibdib ko, mas lalong bumibilis nang makita ko ang pinaggagagawa nilang dalawa. Later on, naramdaman ko na 'yung sakit ng pagkabog nito. Puta! Harapan talaga?
Kita kong tinanggal no'ng babae ang headset ni Patrick sa kaliwang tainga at saka nagsalita.
"You like it, huh?" sabi nito sa mapang-akit na boses. Napamulat naman ng tingin si Patrick at automatic na napatayo nang makita niya ang babaeng nasa harapan.
"Shit! What are you doing?!" sigaw niya sa kaharap. Too late reaction, Patrick. Nakita ko na. Kitang- kita pa rin sa mukha niya 'yung pagkagulat.
Alam niyo 'yung feeling na harap-harapan mong nakikita ang boyfriend mo na may kahalikang iba? Ang sakit, eh! Sobrang sakit. Lalo na no'ng makita ko kung gaano siya nasarapan sa mga halik na 'yon dahil sa tugon nito.
"Bakit, 'di ka pa ba nasanay?"
Ouch lang! Anong ibig sabihin no'ng sinabi niya? Na palagi na nilang ginagawa ang bagay na 'yon? Kailan pa? Bigla kong naramdaman ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Shit! May nangyayari bang hindi ko nalalaman? Napatingin naman si Patrick sa direksiyon ko, naroon pa rin 'yung gulat. Bakit, 'di ba niya inaasahan na makikita ko 'yung pagtugon niya sa halik? Akala niya ba, nakatalikod lang ako?
"Babe, it's not what you think," sabi niya pero napailing lang ako. Bago pa tuluyang magbagsakan nang sunod-sunod ang mga luha ko ay umalis na ako sa harapan nila. Pero 'di pa man din ako nakakalayo ay may humila na sa braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Please, let me explain. Nagkakamali ka lang ng iniisip," sabi pa niya pero sinampal ko lang siya.
"It's not what I think? Kaya pala. Kaya pala sarap na sarap kang tumutugon sa halik niya."
"I responded kasi akala ko, ikaw 'yung humahalik!" Napabuga ako ng hangin ng wala sa oras.
"Wow!" I said in disbelief. "Ganda ng palusot mo, ha?" I fake a smile.
"Babe naman..." Hinawakan pa niya ang mga kamay ko. "Kung inaakala mong niloloko kita, mali ang akala mo. Walang namamagitan sa amin ng babaeng 'yon. Ikaw ang mahal ko, alam mo 'yon, 'di ba?" Niyakap pa niya ako.
"Ako ang mahal mo but it doesn't change the fact na naghalikan kayo!" Napataas na ako ng boses.
"She insisted! Akala ko lang na ikaw 'yon kaya ako tumugon. Hindi ko sinasadyang mahalikan siya."
"Really? Pero bakit feeling ko, nagsisinungaling ka?" Tiningnan ko naman siya nang seryoso. Kita ko kung paano nag-iba ang expression ng mukha niya. "Iba ang pagkaintindi ko sa rason mo sa sinabi ng babaeng 'yon. Now tell me, hindi ito ang unang beses na nagkahalikan kayo, 'di ba?"
"Babe..."
"See? Hindi mo nasagot! Ibig sabihin, totoo ang iniisip ko." Mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko sa isiping iyon. Ang sakit.
"Hindi ko ginustong mahalikan siya, maniwala ka," pagmamakaawa niya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko pero tinabing ko lang iyon.
"Hindi mo ginusto pero paulit-ulit niyong ginagawa? Nice!"
"Argh! Please, listen to me!" Napaatras naman ako sa biglang pagtaas niya ng boses. Inaamin ko, medyo natatakot ako sa aura niya ngayon pero nagmatigas pa rin ako. Pinagmukha niya akong tanga.
"Ewan ko sa 'yo!" sigaw ko sa kanya sabay takbo. Napalingon pa ako saglit sa likuran ko para tingnan kung nakasunod ba siya. Pero nakakadisappoint lang, kasi nakita ko siyang naglakad palapit sa babae niya. Bahala siya! Bwisit! Paano niya nagawa sa akin 'to? Kung 'di pa ako pumunta dito, eh 'di hindi ko rin malalaman ang tungkol sa kanilang dalawa ng babaeng 'yon. Kainis!
▫▫▫🎈▫▫▫
Patrick's Point Of View
"See what you did?!" inis kong sabi kay Sheena.
Napaatras naman siya dahil sa takot.
"I-I'm s-sorry... I thought she was y-your personal assistant kaya..."
"Kaya hinalikan mo na naman ako?! God! How often do I have to tell you I already have a girlfriend? So please, tigilan mo na 'yan and back off!" Tinaasan ko siya ng boses. Ang hirap niyang makaintindi. Pinagsabihan ko na siya noon na itigil na niya ang ginagawa niya pero heto pa rin siya. She's really annoying!
"P-Pero Patrick... mahal kita!" humihikbi na niyang sabi. Mas lalo lang akong nairita sa pinaggagagawa niya.
"Bakit? Kapag hinalikan mo ba ako, may magbabago ba sa nararamdaman ko?" Natigilan naman siya sa sinabi ko. "Wala naman, 'di ba? Kasi, kahit na anong pagpupumilit ang gawin mo sa akin, kahit ipagsiksikan mo pa 'yang sarili mo sa 'kin, kahit mapudpod pa 'yang labi mo kahahalik sa 'kin, hindi pa rin mababago no'n 'yung katotohanan na mahal ko si Sunshine at hindi ikaw!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at napagtaasan ko na siya ng boses.
Nakita kong tumulo ang luha sa kaliwang mata niya pero wala akong pakialam.
"Pinagsabihan na kita noon pa, 'di ba? Na itigil mo na 'yan. Pero heto, ginawa mo na naman. And worse kasi nakita niya mismo ang ginawa mo. Ngayon, galit na siya sa akin. Galit siya at ayaw akong pakinggan at kasalanan mo 'tong lahat!"
Padabog kong kinuha 'yung damit na ipinakuha ko kay Sunshine kanina at pati na rin ang iba ko pang gamit at ipinasok iyon sa loob ng sasakyan ko.
"W-Wait, where are you going?" pigil niya sa akin. Tinabing ko naman ang nakahawak niyang kamay sa braso ko.
"Susundan ko si Sunshine," sagot ko nang 'di tumitingin sa kanya.
"Pero hindi pa tayo nagsisimula sa photoshoot!" pahabol naman na sabi ni Crisostomo. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan bago pa ako sumagot sa kanya.
"I'm sorry, Sir. Pero sa tingin mo ba, may gana pa akong ituloy 'to kung alam kong may isang taong galit sa akin ngayon?" Iyon lang ang sinabi ko at isinarado ko na ang bintana ng sasakyan ko. Pero may nakalimutan akong sabihin kaya binuksan ko ulit iyon at dumiretso ng tingin kay Crisostomo.
"By the way, I quit!"
Tumingin muna ako kina Jun at Ara bago pa ako nagpaharurot ng sasakyan.
▫▫▫🎈▫▫▫
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."
"Argh!!" Inis kong ibinato ang cellphone sa gilid ng sasakyan. Shit! Bakit nakapatay ang phone niya? Nasaan na ba siya? Please. Sana okay ka lang, Sunshine. Tsk. Malapit na akong makarating sa bahay namin pero wala man lang akong Sunshine na nadaanan. I tried to call her again pero gano'n pa rin.
"Oh, hijo-"
"Nagpunta ba dito si Sunshine?" mabilis kong pagputol sa sasabihin ni Mama.
"H-Ha? Kanina, no'ng kumuha siya ng damit mo."
"Hindi ba siya bumalik?"
"Hindi. Teka! Anong nangyari?" Hindi ko na pinansin pa ang tanong ni Mama at nag-diretso lang ako sa paglalakad. Baka nando'n lang siya sa bahay nila.
"Si Sunshine po?" tanong ko pagkarating sa kanila. Si Tita ang bumungad sa akin pagkarating ko.
"Wala. 'Di ba magkasama kayo?" tanong niya pabalik.
"Umalis po kasi siya bigla, eh," sumbong ko. "Bakit, anong nangyari?" May halong pag-aalala sa boses niya nang itanong iyon. Pero imbis na sagutin ang kanyang tanong ay nagpaalam na lang ako at sunod kong pinuntahan ay ang tambayan. Nagbabakasakaling nando'n lang siya. Pero nakaka-dismaya. Wala kasi siya doon nang makarating ako. Walang katao-tao. Napaupo ako sa sofa.
"Shit! Where are you?" Naihilamos ko na lang ang dalawa kong kamay sa sarili kong mukha. Kasalanan 'to ng babaeng 'yon! Tsk. Bakit ba 'di ko napansing siya pala 'yon? Akala ko talaga, si Sunshine. Ayst.
For the nth time ay tinawagan ko ulit siya. Pero out of coverage pa rin. Naman, oh! Bakit mo naman pinatay? Nasaan ka na ba? Argh! Gabi pa naman. Baka mapahamak siya. Tumayo ako. 'Di ko alam kung saan ko ba siya hahanapin. 'Di ako mapakali.
"Hello?" bungad ni James nang sagutin ang tawag.
"Bro! Magkasama ba kayo ni Sunshine ngayon?"
"Ha? Hindi. Bakit? Saka, bakit mo naman naisip na magkasama kami?"
"She's out of nowhere. 'Di ko na alam kung saan ko ba siya pupuntahan."
"Huh? Bakit, ano bang nangyari?"
"Saka ko na sasabihin. Hahanapin ko muna siya." "Sige." Ibababa ko na sana ang tawag niya nang marinig ko ang pahabol niyang sabi. "Nasubukan mo na bang tanungin si Sweety? Baka magkasama sila ngayon," sabi pa niya. Doon naman ay parang may narealize ako. Oo nga, 'no? Bakit hindi ko agad naisip? Tsk. "Sagutin mo," nababagot ko nang sabi sa sarili.
'Di pa rin ako mapakali. Bakit ang tagal niyang sagutin? Napahawak ako sa aking baywang. Bakit ayaw sagutin?
Natapos ang tugtog nang wala man lang sumasagot. I dialled again.
"H-Hello?" Thank, God! Sinagot na rin. "Magkasama ba kayo?" Hindi na ako nagpaligoy- ligoy pa. Alam naman siguro niya kung sino ang tinutukoy ko, 'di ba?
"Ha? Nino? Ni James? Hindi, ah!"
"Ni Sunshine."
"H-Ha? H-Hindi. Wala siya dito. 'Di ko alam."
"Bakit ka nauutal?" Natahimik naman siya bigla sa tanong ko. "Right, nand'yan nga siya." I know her well. Alam na alam ko kung kailan siya nagsisinungaling at alam kong hindi siya nagsasabi ng totoo ngayon. Dali-dali kong pinatay ang tawag at pumunta sa bahay nina Rhian.
▫▫▫🎈▫▫▫
Nakakailang pindot na ako sa doorbell pero parang wala namang nakakarinig. Nakakainis! Bakit ang tagal namang buksan? Inis kong pinindot ulit ang doorbell at nang 'di pa ako nakontento ay sumigaw na ako.
"Sunshine! Alam kong nand'yan ka! Lumabas ka d'yan! Kausapin mo naman ako, oh!" pagmamakaawa ko. Wala na akong pakialam kung magalit man sa akin ang mga kapitbahay dahil sa pang-iistorbo ko sa tulog nila. Gusto ko lang makita't makausap si Sunshine.
"Babe! Please, listen to me!" sigaw ko pero wala pa ring lumalabas.
"Babe, kausapin mo ako! Hindi ako aalis dito hangga't 'di ka lumalabas d'yan!"
Napatigil ako kasisigaw nang mapansing nagbukas ang pintuan. Akala ko, siya na. Pero laking dismaya ko nang malamang hindi pala si Sunshine 'yon.
"Patrick, ano bang ginagawa mo? Nakakaistorbo ka na sa mga kapitbahay, oh!" sabi niya sa mahinang boses pero alam mong naiinis at pinipigilan ang sariling sumigaw.
"I don't care! Please, Rhian, let me in. Alam kong nand'yan sa loob si Sunshine, papasukin mo ako. 'Wag mo siyang itago sa 'kin," pagmamakaawa ko. Kung wala lang itong gate na nakaharang, siguro ay kanina pa ako nakapasok.
"Umalis ka na."
"Rhian, please?" sabi ko sabay hawak sa kamay niya. "Hindi ako aalis dito hanggang 'di ko siya nakakausap."
"Galit siya sa 'yo, Patrick. Ayaw ka niyang kausapin kaya please lang din, pagpahingahin mo muna siya. Bumalik ka na lang bukas kung gusto mo," sabi niya.
So, nasa loob nga ng bahay si Sunshine? Umiling lang ako sa sinabi niya. Hindi ako aalis dito hangga't 'di ko siya nakikita't nakakausap. Mayamaya lang ay bumalik na sa loob si Rhian. Napa-upo na lang ako sa semento. Mayamaya ay may naramdaman akong pumatak sa kamay ko at kalaunan ay nagsunod-sunod na at lumakas pa ito.
Pambihirang ulan! Nakisabay pa sa kalungkutan. Pero 'di niya ako mapapatayo. Dito lang ako. Kahit mabasa pa ako, wala akong pakialam. Hihintayin ko dito si Sunshine sa labas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro