CHAPTER FIFTEEN
Sunshine's Point Of View
MASYADONG madrama? Overreacting? Gano'n na ba ako sa ginagawa ko ngayon? Oo, nandito nga ako ngayon sa bahay ni Princess, lumalayo kay Patrick. Wala akong ibang mapuntahan, eh. Nakakainis lang kasi talaga. Siguro nga nagiging OA na ako, pero wala akong pakialam. Ikaw kaya, makita mo 'yung boyfriend mong may kahalikang ibang babae, 'di ka rin kaya magmumukmok at iiyak nang bongga kagaya ng ginagawa ko ngayon?
"Ayaw umalis, eh. Gusto talagang pumasok," sabi sa akin ni Princess nang makapasok na siya sa kwarto.
"Hayaan mo siya," matigas kong sagot. 'Di na rin naman siya sumagot pa at tumahimik na lang.
Alam niya ang nangyari, sinabi ko kasi kanina. Siya ang tinawagan ko nang magkaproblema kami kanina ni Patrick.
"Alam mo, magpahinga ka na lang muna. Masama kasi para sa bata 'yang ginagawa mo, eh. Nagpapaka- stress."
Ngumiti lang ako sa kanya saka pa humiga nang maayos sa kama niya. Pero pagkalapat na pagkalapat lang ng ulo ko sa unan ay siya rin namang biglang pagbuhos ng ulan. Automatic rin akong napatayo.
"Si Patrick!"
"Nasa labas lang. Sabi niya kasi, hindi siya aalis hangga't 'di ka nakakausap." Tumayo ako at dumiretso sa may bintana. Binuksan ko iyon nang kaunti at sumilip kung nando'n ba si Patrick sa labas pero parang wala namang katao-tao. Wala rin 'yung kotse niya so siguro, umalis na siya.
Huh! 'Di raw aalis!
"Wala naman siya, eh."
"Gano'n? Oh siya, matulog na lang tayo. Bukas na lang kayo mag-usap dalawa," sabi niya sabay pwesto sa kama. Tabi kasi kami matutulog ngayon.
"Sorry Princess, ha? Sorry kung nang-iistorbo pa ako sa 'yo. Saka, salamat na rin."
"Nako, wala 'yon! Ikaw pa! Malakas ka sa 'kin, eh." Ngumiti na lang ako doon sa sinabi niya at pumikit na para matulog.
Siguro nga, parte na talaga ng tao ang salitang sakit. Kahit sino, makakaranas niyan. Pero may bukaspa. Lagi ko lang tatandaan 'yan. Baka sakaling pagdating ng bukas aymaging okay na rin ang lahat. Sana.
▫▫▫🎈▫▫▫
Nagising ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagkabangon ko ay siya rin namang pagpasok ni Princess sa kwarto.
"Gising ka na pala. Good morning!" nakangiting bati niya.
Ngumiti rin ako pabalik. "Morning."
"Gutom ka na ba? Tara, kain na muna tayo," aya niya. Mabilis ko namang iwinagayway ang mga kamay ko.
"Nako, 'wag na. Sa bahay na lang siguro ako.
Salamat," sabi ko.
"Ikaw bahala." Nagkibit-balikat na lang siya saka lumabas ng kwarto at sumunod naman ako. Pagkababa namin ay nagpaalam na ako sa kanya. Baka kasi hinahanap na ako ngayon sa bahay. Nakapatay pa naman ang phone ko kaya 'di ako matatawagan. Sinamahan niya ako hanggang sa may gate. Pagkabukas na pagkabukas ko sa may gate ay nakasalubong ko kaagad ang tingin ng ilang taong napapadaan banda sa 'kin.
Bakit sila tumitingin sa 'kin? Teka, sa 'kin nga ba? Napatingin ako sa kaliwa ko at gano'n na lang 'yung gulat na naramdaman ko nang makita ko siya.
"Oh my God!" Napatakip pa ako sa bibig ko saka dali-daling nilapitan si Patrick na ngayon ay pikit ang mga mata, nakaupo sa semento at nakasandal sa pader ng gate nina Princess. Dito siya natulog?!
"Bakit—oh my God! Patrick!" gulat ring sabi ni Princess.
"Patrick!" Tinapik ko siya sa braso at unti-unti naman niyang iminulat ang kanyang mga mata. At nang ma-realize niya kung sino ang gumising sa kanya ay dali- dali siyang tumayo.
"B-Babe..." Pagkasalita niya ay bigla ko siyang sinapo sa braso.
"Baliw ka ba? Bakit dito ka natulog? Umulan kagabi, hindi ka man lang sumilong?" inis kong sabi. Pa'no ba naman kasi, paano kung magkasakit siya? Alam kong nabasa siya ng ulan kagabi. Medyo basa pa kasi 'yung damit niya no'ng sinapo ko siya sa braso.
"Sabi ko naman 'di ba, hindi ako aalis dito hanggat hindi kita nakakausap." So, parang kasalanan ko pa na naulanan siya kagabi, gano'n? "Please listen to me, Babe, I am telling you the truth. Pinagsabihan ko na dati pa si Sheena na 'wag niyang gawin 'yon kasi nga, may girlfriend na ako, pero hindi pa rin siya naniniwala. Please, hindi kita niloloko."
Napatingin ako sa ibang direksyon. Sa isip-isip ko, pinagsasasabunutan ko na ang sarili kong buhok dahil sa kagagahan. Ang tanga ko kasi para hindi maniwala sa kanya, eh. Alam kong sincere talaga siya at nagsasabi siya nang totoo, ako lang talaga itong si gagita at ayaw kaagad maniwala, pinapairal ang galit.
"Tama na, umuwi na lang tayo," sabi ko na lang sa kanya saka siya inalalayan sa paglakad. Nasa gilid lang pala 'yung kotse niya kaya hindi ko nakita doon sa may bintana. Nagpaalam na rin kami kay Princess.
Pagkarating namin sa bahay ay idiniretso ko siya sa kwarto niya. Nanghihina siya, alam ko. Ramdam ko kasi 'yon. Pagkahiga ko sa kanya sa kama ay aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko dahilan para matigil ako. Sa totoo lang, parang napaso ako dahil sa init na dumaloy sa katawan ko nang mahawakan niya ang kamay ko.
"'Wag kang umalis. Please, dito ka lang..." nanghihina niyang sabi.
"Teka lang, Patrick. Mainit ka!" Sinalat ko pa ang noo niya at promise, mas mainit 'yon kaysa sa kamay niya. Taranta akong pumunta sa cabinet niya para maghanap ng bimpo at nang makakita ay inutusan ko kaagad ang maid nila na kumuha ng planggana at maligamgam na tubig.
Napatitig ako bigla sa mukha ni Patrick. Nakapikit siya at kitang-kita sa hitsura niya ang panghihina. Iyan ang resulta ng kagagahan mo, Sunshine!
Ilang minuto lang din ay dumating na ang katulong nila dala ang mga ipinakuha ko.
"Kaya mo pa bang gumalaw? Magbihis ka muna," sabi ko sa kanya pero walang response. Tinapik ko naman siya.
"Uy, ano na? Kaya mo pa ba?"
"Hmm..." ungol niya. Sabi ko nga, hindi na niya kaya. Tss. No choice ako. Ayoko namang matulog siya sa kama na basa ang damit. Kaya ang ginawa ko, hinubad ko ang kanyang damit. Dahan-dahan. Ano ba 'yan! Bakit parang kinakabahan ako?
Nang mahubad ko na nang tuluyan ang kanyang damit ay tumambad na sa akin ang kanyang katawan. Napalunok ako nang makita ko ang hitsura niya at ang pawis niyang katawan. Sunod ko namang tinitigan ay ang pantalon niya. Ano ba 'yan! 'Di ko pa nga nahahawakan 'yung pantalon niya, feeling ko, pulang-pula na ako dahil sa kahihiyan. Dahan-dahan kong tinanggal ang belt niya at ibinaba ang zipper. Pikit-mata at dahan-dahan kong hinuhubad ang kanyang pantalon.
Gusto kong mahiya sa sarili ko dahil sa ginagawa ko, pero binalewala ko na lang. Bakit pa nga ba ako mahihiya? May nangyari na rin naman sa amin, twice. At magiging asawa ko rin naman siya soon kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. I took off his pants, boxer shorts, and his brief! My goodness! Pagkatapos ay pumunta ako sa cabinet niya para maghanap ng susuotin niyang damit. Pagbalik ko sa kanya ay para akong ewan kasi nagulat pa ako sa nakita. Hubo't hubad lang naman kasi siya, walang kahit na anong saplot at kitang kita ko 'yung ano niya. Napasipol na lang ako dahil sa kaberdehang dumadaloy sa utak ko. Haha! Ang ganda ng view!
Pinunasan ko muna ng maligamgam na tubig ang buong katawan niya bago ko pa siya binihisan ng damit. Ang loko, wala man lang yatang kaalam-alam sa pinaggagagawa ko. Wala kasing reaksyon.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Babe... Babe... let me explain!"
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Nakatulog na rin pala ako. Pagkaangat ko ng ulo ko ay diretso akong napatingin sa direksiyon ni Patrick. Hindi ko maipaliwanag ang hitsura niya. Ang lungkot niya tapos parang natatakot na maiwanan. Nakapikit lang ang mga mata niya.
He's dreaming. And it's obviously about me. At nakakakonsensya lang kasi kahit sa panaginip, 'yon pa rin ang sinasabi niya. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya.
"Patrick, wake up," gising ko sa kanya. Kaagad namang namulat ang kanyang mga mata at nang makita ako ay mabilis niya akong niyakap nang mahigpit.
"I'm sorry." Pang-ilan na ba n'yang sorry 'to? "No. I'm sorry. Dahil sa 'kin, nagkasakit ka pa.
Kumusta na ang pakiramdam mo ngayon?" tanong ko sa kanya saka siya bumitaw sa yakap.
"Ahm. Medyo okay naman. Salamat sa nag- alaga." Ngumiti siya sa 'kin. Nang ngumiti ako pabalik sa kanya ay siya rin namang nangunot ang kanyang noo habang nakatingin sa suot niya. Uh-oh!
"Teka. Parang may nag-iba?" Nako, nako! 'Wag mo ng ituloy ang sasabihin mo, please!
"As far as I can remember, hindi ito ang suot ko kagabi." Sabi na nga ba, 'yon ang sasabihin niya, eh! At ang loko, hindi man lang tumalikod sa akin. Wala kasing pasabi, bigla niyang sinilip ang ilalim ng shorts niya. My goodness! Sa harap ko talaga?
"Oh? Pati brief ko, nag-iba na!" amaze niyang sabi. Tumigil ka nga d'yan! Feeling ko, anytime ay mamumula na ang mukha ko. E-Exit na ba ako? Huhu. Kahiya!
"Ikaw ang nagbihis sa 'kin kagabi?" takang tanong niya sa akin. Alanganin naman akong napangiti sa kanya.
"Y-Yes," utal ko pang sagot. Waaah! Sana ibahin na lang niya 'yung topic! Ayoko na nito!
"Ibig sabihin, nakita mo ang hubo't hubad kong katawan? Si ano... si Jun-jun, nakita mo nang hindi ko nalalaman?" Patrick, puwedeng tumahimik, you know? Hiyang-hiya na ako, oh! Grabe ka.
"Pinagpantasyahan mo ako kagabi, 'no?" Ngiting- ewan naman siya.
"H-Hindi, ah! Feeling ka masyado!" depensa ko. "Weh?"
"Ewan ko sa 'yo!" Tumayo na ako kasi parang kamatis na talaga ako dahil sa kahihiyan. Lalabas na sana ako ng kwarto nang may brasong nagpatigil sa akin. Niyakap niya ako galing sa likuran. Nandoon pa rin 'yung init sa katawan niya pero hindi na ito kasing-init kagaya ng sa kagabi. Malaking tulong talaga ang maligamgam na tubig sa kanya.
"'Wag kang umalis. Dito ka lang sa tabi ko, please?" Napasinghap ako nang mariin dahil ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa tainga ko.
"Ikaw kasi, eh!"
"Ito naman, parang nagbibiro lang, eh!" "Tss."
"Pero, 'di nga? Matigas ba siya kahit natutulog?" tiningnan ko siya nang masama.
"Patrick!"
"'Yung abs ko! Tinatanong ko lang, baka kasi nahawakan mo kagabi. Ikaw, kung anu-anong iniisip." Ngumisi pa siya nang nakakaloko. Tss. Ako ba o siya ang may kung anu-anong iniisip? Pasalamat siya at parang may lagnat pa siya, kasi kung hindi, nasapak ko na 'to... ng may kasamang pagmamahal!
Nag-make face na lang ako sa kanya. "Ay, teka lang! Nagluto ako kanina ng lugaw para sa 'yo, kunin ko lang," paalam ko sa kanya saka pa lumabas ng kwarto.
▫▫▫🎈▫▫▫
Patrick's Point Of View
Napangiti ako nang malapad nang makalabas na siya ng kwarto. Ang cute niya talaga kapag namumula siya! Haha. Napatingin ulit ako sa katawan ko. Ang swerte nila dahil may nag-alaga sa kanila habang tulog ako. Haha!
Ang swerte ko pala kagabi dahil may instant nurse ako. 'Di lang magaling mag-alaga, mahal ko pa! Kagabi, wala na akong ibang maalala maliban lang doon sa hiniga niya ako sa kama. Nanghihina na kasi ako ng mga oras na 'yon at inaantok na rin.
Akala ko, lalabas siya ng bahay nina Rhian no'ng umuulan, pero wala akong nakitang Sunshine na lumabas. Sabi ko naman, hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakakausap nang maayos. Hinintay ko siya hanggang sa umulan at doon na rin nakatulog. Pero bawi na rin naman ang lahat ng sakripisyo ko. Okay lang sa akin kahit nagkasakit pa ako ngayon, basta ang mahalaga ay nandito siya sa tabi ko ngayon, inaalagaan ako. Teka, ibig bang sabihin nito ay okay na ulit kami?
Mayamaya lang ay nakabalik na rin siya at dala- dala na ang niluto niyang lugaw daw para sa akin.
"Subuan mo 'ko," demand ko nang iabot niya lang sa akin ang pagkain.
"Ayoko nga! May kamay ka naman, ah?" "Nanghihina pa ako, eh!" parang batang sabi ko. I
know, I am acting so childish. Pero bakit ba? Natutuwa akong inaasar siya, eh. Ang cute niya.
"Para kang bata! 'Wag ka nga. 'Di bagay."
Aww. Pero nagmatigas pa rin ako. 'Di rin naman ako matitiis niyan, eh.
"Sige na." Maawa ka sa 'kin, mahal ko!
"Tss!" And she finally gave up! Sabi na, eh. 'Di rin ako matitiis ng mahal ko. Haha! Iyon, sinubuan niya nga ako. Noong una ay napaso pa ako, pero dahil sobrang caring ng nurse ko, hinipan niya muna iyon at saka pa isinubo ulit sa akin. Oh 'di ba? Ang bait ng yaya-slash- nurse ko. Pero sa lahat ng yaya, siya ang pinakamaganda. At mahal na mahal ko!
"Salamat ulit, Nurse!" pagbibiro ko pa pagkatapos kong kumain.
"No problem." Iniligpit na niya 'yung mga gamit at tatayo na sana nang hawakan ko ang kamay niya dahilan para matigil siya.
"May kailangan ka pa?" Pagmamahal mo. Lol! "Okay na tayo, 'di ba?" tanong ko. Nakatingin
lang siya sa 'kin. "Maniwala ka, walang kami ni Sheena. And promise, 'yon na ang huling beses na makikita mo kaming magkasama dahil nag-quit na ako," mahinang sabi ko. Mas gugustuhin ko pang 'wag nang career-in 'yung pagmo-model ko kaysa naman malayo sa akin si Sunshine. "What?! Pero 'di ba, nagustuhan mo na ang trabahong 'yon?" gulat niyang tanong. "Yeah. But not until now."
Hindi na rin naman siya sumagot pa. Pero kita ko sa mukha niya 'yung pagkadismaya. Parang siya pa 'yung nasasayangan kaysa sa 'kin. Aalis na sana siya pero nang makarating siya sa may pintuan ay napatigil siya. May nakalimutan ba siya?
"'Yung ano nga pala..." 'Yung alin? "'Yung..."
"'Yung?" Napataas ang kilay ko. Ano bang sasabihin niya sa akin?
"'Yung tungkol sa sing—never mind na lang." Tapos tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Okay? Anong ibig sabihin nun?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro