CHAPTER ELEVEN
Sunshine's Point Of View
"Sunny! Sunny, wake up!"
Mula sa pagiging blurred ay unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko at kita ko na ngayon ang mukha ng bestfriend kong alalang-alala na nakatingin sa akin. What happened?
"Oh my God! Pinakaba mo naman ako do'n, eh!" sabi pa niya. Napaupo naman ako at inilibot ang paningin habang nakahawak ang mga kamay sa ulo na siyang sumasakit na naman. Nasa tambayan ba kami ngayon?
"What happened?" kaagad kong tanong.
"Nag-collapse ka kanina," mabilis niyang sagot. "Ano, may masakit pa ba sa 'yo? May sakit ka ba? Bakit di mo sinasabi sa akin?" sunod-sunod niyang tanong. Kita kong nag-aalala talaga siya.
"Huh? W-Wala akong sakit, noh! Masyado lang siguro akong napagod kaya nahimatay." sagot ko naman saka ngumiti. "H'wag ka ngang OA d'yan!" tinawanan ko pa siya na siya namang nakapagpakunot ng kanyang noo saka ako hinampas sa braso nang hindi naman kalakasan.
"Nagawa mo pa talagang tumawa nang ganyan, samantalang alalang-alala naman ako." singhal niya. "Buti na lang at nadala ka kaagad dito kung hindi, ewan ko lang."
Natahimik naman ako sa sinabi niya. Teka, bakit nga ba dito ako dinala, bakit di na lang sa hospital? At saka... Ang lakas pala ni Princess, ah?
"Salamat nga pala. Alam ko namang mabigat ako kaya pagpasensiyahan mo na," sabi ko na medyo natatawa. Ugh! Makapagpabawas nga ng timbang minsan. Lately parang tumataba na ako, eh. Haha.
Pero yung ngiti ko ay biglang nawala nang makita ko yung nakakunot niyang noo.
"Pinagsasabi mo?"
"Yung tungkol sa bigat ko. Di ka ba nabigatan sa akin?" takang tanong ko naman. Tapos ay parang may na-realize siya.
"Uh-ha! Akala mo siguro ako ang nagbuhat sa 'yo papunta dito, noh?" tumpak! "Hindi, ah! It was Arkin. Sabi nga niya sa hospital na lang daw idiretso pero sabi ko dito na lang sa tambayan since malapit lang naman."
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sino naman si Arkin? Parang wala yata akong kilalang gano'n.
"Who's Arkin? Parang wala ka namang nababanggit na ganoong pangalan sa akin," sabi ko.
"Remember the guy na napagkamalan mong 'ex' mo? Nalaman kong Arkin ang pangalan niya. Sa sobrang taranta ko kanina di ko malaman ang gagawin. Buti na lang at nakita ko siyang bumalik at may pinulot na something. Siguro wallet niya yun, nahulog nung nagkabanggaan kayo kanina. Kaya ayun, no choice na ako kaya siya na ang tinawag ko. Buti na lang at mabait siya. Nagpakilala muna siya bago umalis. Bait niya, noh?" mahaba niyang eksplenasyon saka ngumiti. Natahimik naman ako.
So, totoo ngang hindi siya si Bryan? Totoong napagkamalan ko lang siya? Nagkamali pala ako. He's not Bryan-my ex, he's Arkin. Pero bakit gano'n? Bakit magkapareho silang dalawa? Mula sa tindig, boses, pananalita, mukha at pati na rin sa galaw. Bryan na Bryan talaga. Pero how come na magkaibang tao pala sila? Magkaiba ba talaga or... Maybe, twin brother siya ni Bryan? Pero hindi, eh. Ang tagal na naming magkakilala ni Bryan pero ni minsan, wala siyang nababanggit sa akin na kakambal niya. Ang alam ko lang ay nag-iisang anak lang siya.
Naramdaman kong parang sumasakit na naman ang ulo ko kaya napahawak ako sa noo ko.
"Ayan ka na naman, ang dami mong iniisip. Baka mamaya mangyari na naman yung nangyari kanina. Naku, talaga! Baka himatayin na rin ako sa sobrang nerbiyos." eksaheradang sabi ng kaibigan ko. Napangiti na lang ako.
"Asan nga pala sila?" naitanong ko na lang.
"Si James, kanina pa naka-uwi. Nagka-emergency raw. Si Patrick naman, pupunta daw ng Pharmacy, naghahanap ng gamot para sa 'yo. Baka kasi kung ano na pala 'yan. Yung tatlo naman, ayun, inosente at walang kaalam alam sa nangyayari." napailing pa siya. Tumango-tango na lang din ako.
Maya-maya ay bigla akong nakaramdam ng pagkasuka. Nung feeling ko ay paakyat na siya sa lalamunan ko ay dali-dali kong tinakpan ang bibig ko at tumakbo papunta sa lababo. Suka lang ako nang suka kahit kaonti lang naman yung lumalabas. Ang pait pa. Naramdaman ko naman yung isang kamay na hininas-himas ang likuran ko.
"So, no need to ask you. It's confirmed!" nagmumog muna ako sabay kunot noong napatingin kay Princess.
"Confirmed? Na ano?"
"Huh! H'wag ka ngang pa-celebrity d'yan! Don't tell me, ikaw mismo sa sarili mo hindi mo alam?" ano ba 'yan! Mas lalo lang akong naguluhan sa sinabi niya, eh. Napansin siguro niya na loading pa ako kaya nagsalita na rin siya.
"Duh! You're pregnant!" say what!?
"H-Huh? Ako, b-buntis?" di nga?
"Yep. I have three signs na makapagpapatunay na buntis ka nga." confident niyang sabi. "First, gusto mong kumain ng mangga or anything basta maasim-"
"Eh, sa nagugutom ako, eh." pagputol ko sa sasabihin niya. Pero umiling lang siya at nagpatuloy lang sa sinasabi.
"Second sign, nahimatay ka."
"Kasi nga napagod ako at maraming iniisip kaya gano'n." putol ko pa rin sa kanya.
"Eh anong rason mo ngayon sa pangatlo? Nagsusuka ka kahit wala namang lumalabas?" natahimik ako.
"Ah... Eh..."
Bakit gano'n? Imbis na matuwa ako kasi sa wakas ay nagbunga na yung pagmamahalan namin ni Patrick, ay parang di ko siya tinatanggap? Ewan. Bakit nga ba? Eh, ang dali lang naman sabihing, "ok, buntis nga ako. Congratulations!". Pero bakit ganito? Tsk. Abnormal nga talaga ako.
Naibaling ko naman ang paningin sa kanya. Nanliit ang mga mata ko. Parang may something?
"Bakit alam mo ang mga yun? Don't tell me sa movies na naman?" masyado ba akong LR? Nakikita ko na kasi ang ganitong scene sa isang movie. Na kapag ganito, buntis nga. Pero bakit parang ang hirap tanggapin para sa akin na buntis nga ako? Abnormal na ba talaga ako? O sadyang hindi pa talaga ako handang pasukin ang mundo ng pagiging magulang?
"Eh, gaga ka naman pala, eh! Why did you make love if you're not yet ready?" tanong ng konsensiya ko. Tsk. Ewan ko sa 'yo!
"Of course, alam ko ang bagay na yun kasi sa sarili ko mismo, nangyari na rin ang nangyayari sa 'yo ngayon."
"Pinagulo mo lang utak ko, eh! Ano namang ibig mong-OH MY GOD!" eksaheradang late reaction ko. Napatingin naman ako sa nakangiti niyang mukha. Ngiti na para bang sinasabing, "Yes" kahit di pa tinatanong. Teka, di ba ako nagkamali ng dinig sa sinabi niya? Nagkamali lang ba ako ng interpretasyon sa sinabi niya o totoo talaga ang hinala ko?
"D-Don't tell me... Buntis ka?" di-makapaniwalang tanong ko. Tinakpan naman niya kaagad ang bibig ko.
"Shh. 'Wag ka ngang maingay! Baka mamaya marinig ka pa ng mga mokong at sabihin 'agad kay James. Tsk. Di ko pa sinasabi, balak ko kasi siyang i-surprise." nakangiti niyang sabi. Napangiti rin ako dahil sa tuwa.
"So, totoo ngang buntis ka? Wow! I'm so happy for you, Princess!" masayang sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Ako rin! Congrats din sa 'yo!" sabi niya. "Wow. Ang astig lang, noh? Sabay pa talaga tayo. I bet, sabay rin tayo sa panganganak nito kung sakali." natawa naman ako doon sa sinabi niya. Di ko pa nga sure kung buntis nga ako, eh tapos nasa panganganak na yung imahinasyon na. Haha.
Ang saya. Ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala yung nararamdaman ng mga soon to be mommy. Noong una, kinakabahan ako na ewan, to the point na inaayawan ko pa. Pero nung malaman kong ganoon din si Princess, sobrang saya ko. Grabe. Di ko masyadong maipaliwanag itong nararamdaman ko ngayon.
"Pero kung sure nga yung sa akin, please, keep it as a secret na lang muna, ah? H'wag mong sabihin kahit kanino. Promise, di ko sasabihin kay James yung sa 'yo, basta 'wag mo rin sabihin kay Patrick ang totoo."
"Anong 'wag sasabihin sa akin?" uh-oh. Patay! Kagat-labi akong napalingon sa kanya, hoping na sana imahinasyon ko lang ang boses niya. Pero hindi, nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan saka kunot-noong lumapit sa amin. Waah! Anong gagawin ko? What to say? Isip. Isip. Di niya dapat malaman 'to, noh! I'm a big fan of surprises kaya gusto ko siyang i-surprise.
"May sikreto ba kayo na di ko dapat malaman?" napatingin siya sa amin ni Princess. Yung tingin na parang naghihintay lang talaga sa sagot.
"Ah... Ano kasi Babe," ano bang sasabihin ko?
"Hmm?" takte!
"Ano... Sabi ko kasi kay Princess na... Na 'wag nang sabihin sa 'yo yung nangyari sa akin kasi alam kong mag-aalala ka." tanging nasabi ko lang. Wushu. Wish ko lang na bumenta yun sa kanya. Nakita ko namang medyo nawawala yung pagkakunot ng kanyang noo.
"Ah, yung pag-collapse mo? Haha. Sinabi na niya sa akin kanina. Eto nga, oh, bumili ako ng gamot para sa ' yo. Gamot daw 'yan para sa mga taong nahihimatay." huh? Anong gamot yun? Kinuha ko na lang iyon at ngumiti.
"Thanks," sabi ko sabay palihim na humawak sa tiyan saka ngumiti. Ang bait ng magiging daddy mo, baby, oh! Kita mo? Binilhan niya ako ng gamot.
Tapos, walang sabi-sabi ay hinalikan niya ako sa labi. Lang'ya!
"Ikaw lang yung kagagaling sa pagkahimatay na nakangiti. Problema mo?"
"Tss. Bawal ngumiti?" pasalamat siya magiging daddy na siya. Yun kaya rason bakit ako nakangiti.
"Tss. Basta, sa susunod mag-iingat ka na, ok? 'Wag kang magpakapagod." sabi niya sabay halik ulit. Kiss addicted talaga. Pero sweet naman. Yiih.
"Aww. Maghalikan daw ba sa harapan ko?" reklamo naman n Princess na ngayon ko lang ulit napansin na nasa harapan pala namin siya. Pagkatapos niyang sabihin yun ay may kung ano namang kinalikot si Patrick sa phone niya at maya-maya lang ay may kausap na siya doon.
"Hello. James! Asan ka? Si Rhian, naiingit sa halikan namin ni Sunshine. Punta ka dito, halikan mo rin siya. Bilis! Chance mo na 'yun. Sige. Bye!" tapos binaba na niya. Spell nganga? PRINCESS AND AKO. Masyadong mabilis ang pagkasabi niya no'n. Pero nang mag sink-in na sa utak ko yung mga sinabi niya ay saka lang ako humagalpak ng tawa. Haha. Kita ko namang napasimangot na lang ai Princess. Siya na cute pag naka-pout.
▫▫▫🎈▫▫▫
"MOM, dad... May sasabihin po ako sa inyo," kumakain kami sa hapagkainan nang basagin ko ang katahimikan. Nakita ko namang napainom si papa ng tubig. May clue na ba sila sa sasabihin ko? Kinakabahan na ako. Balak ko na kasing sabihin sa kanila yung totoo. Pero natatakot ako kasi baka magalit sila. Kasi nga di pa kami kasal ni Patrick pero may nabuo na kaagad. Yes, kahapon, sinamahan ako ni Princess na magpakonsulta sa doktor tungkol sa kalagayan ko and it's confirmed. I am pregnant. Ok naman siguro yun sa mga magulang ko, diba? Hindi naman sila tutol sa relasyon namin kaya ok lang siguro kung may nabuo man.
"Huhulaan ko," mas lalo pang bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa kaba nang magsalita si mama. Napangiti naman siya. "Magiging lola na ba ako?" waah! Alam na nga nila. Masyado ba akong obvious?
"O-Opo," naiilang kong sagot sa kanya.
"Waaah!" napahawak naman ako sa dibdib dahil sa sobrang gulat. Now I know kung kanino ako nagmana sa ka-OA-han. Tsk. Sumigaw raw ba? Adik din itong mama ko, eh. Pero mahal ko naman. Niyakap niya ako.
"I'm happy for you, hija! Sa wakas, magkakaapo na ako! Hahaha. Ibabalita ko ito sa mga kaibigan ko," excited niyang sabi. Pero pareho kaming natigilan nang biglang magsalita si papa. Napakaseryoso ng mukha niya.
"Diba sabi ko hindi pa ako handang maging lolo?" ang seryoso talaga. Magagalit na ba siya niyan sa amin?
"Ay, si daddy ang arte! Ayaw mo nun? Lola na nga rin ako, eh!" niyakap naman ni mama si papa sa tagiliran.
"Tsk. Yun na nga ang problema ko, eh!" nagulat ako nang nagtaas na ang boses niya. Galit nga 'to. "Ang guwapo ko para tawaging lolo!" eh?
Loading...
Loading...
Loading...
Wait... Ok? Joke ba yun? Tatawa na ba ako? Pero kung joke yun, nakangiti dapat siya. Pero hindi, ang seryoso talaga ng mukha niya. Seryoso? Yun ang problema niya?
"HAHAHAHA!" tawa ni mama. Hinalikan naman niya si papa sa pisngi. "Si daddy talaga, oh! Pinakaba mo naman kami dun! Haha. Don't worry, di ka nag-iisa. Masyado rin akong maganda para tawaging lola."
Napangiti na rin naman si papa dahil sa sinabi ni mama. Napangiti na rin ako. Ang cool ng parents ko.
"Anyways, it's a good news then. This must be calls for celebration."
"H'wag na po," tutol ko.
"Huh? Bakit naman?"
"Di pa kasi alam ni Patrick na buntis ako. And I want to surprise him. Sana hayaan niyong ako ang magsasabi sa kanya."
Lumapit naman si mama sa akin at niyakap ako. "Of course, dear. Kami na lang muna ng daddy mo ang mag-c-celebrate." she just gave me a kiss then bumalik na siya sa pwesto niya.
So, this is it,pansit! Ilang buwan na lang ay matatapos na ang unang kabanatang buhay ko. Papunta na ako sa chapter two: Ang pagiging magulang. Drama. Huhu! Ican't wait! Lumabas ka na, Baby! Mommy is excited na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro