CHAPTER EIGHTTEEN
Sunshine's Point Of View
"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko.
"Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan.
"Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may humawak na sa kamay ko.
"Really, Doc? S-She's pregnant? Magiging tatay na ako?" utal niyang sabi. Kahit hindi ko makita ang expression ng mukha niya ngayon, alam kong nakangiti siya base sa tono ng pananalita niya. Bakit gano'n ka, Patrick? Nakuha mo pa ring maging masaya kahit alam mong pinagdudahan at sinaktan kita? Bakit hindi ka nagagalit?
"Yes. Well, congratulations dahil wala namang masamang nangyari sa mag-ina mo. Advice ko lang, iwasang ma-stress si misis dahil 'yung baby ang maaapektuhan," sabi pa ng doctor. Hindi na sumagot si Patrick kaya sa tingin ko ay tumango na lamang ito.
"So, paano? Maiwan na muna kita. Congratulations again."
"Thank you, Doc." Ramdam kong hinalikan ni Patrick ang kamay ko saka ito hinaplos sa kanyang mukha. Imumulat ko na sana 'yung mga mata ko pero bigla siyang nagsalita kaya hindi ko na muna itinuloy.
"I'm sorry, Babe. Hindi ko naman alam na buntis ka pala, eh. Hindi mo rin naman sinasabi. Kung alam ko lang, sana pala, hindi na lang kita ipinagtabuyan kanina. I'm sorry." Hinalikan niya ulit ang kamay ko at pagkatapos ay ang noo ko naman. Kunwari ay nagigising na ako. Dahan-dahan akong kumilos at saka ko iminulat ang mga mata ko.
"Babe?" tanong niya. "Gising ka na!" masayang sabi niya. "Sabi ng doctor, buntis ka raw? Alam mo na ba 'to? Kung alam mo, bakit hindi mo man lang sinasabi sa 'kin? Sana sinabi mo na lang. Naiinggit pa naman ako no'n kay James nang ibalita niya sa 'ming magiging tatay na siya," pagkukwento niya sa akin. Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng nagawa ko sa kanya ay heto siya ngayon, nakangiting nagkukwento sa 'kin.
"Ano, kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?"
"Babe..." pagpapatigil ko sa kanya. Ngumiti naman ako sa kanya nang matipid. "I'm fine. Thanks." Napangiti na rin siya dahil sa sinabi ko. Matagal na katahimikan ang namagitan sa amin pagkatapos. Nang hindi ko na nakayanan ang katahimikan ay napaiyak na ako. Patuloy lang sa pag-agos ang luha sa mga mata ko.
"Shit! What happened? Saan 'yung masakit? Ano? Sumagot ka naman! Bakit ka umiiyak?" tarantang tanong niya. I know, nagiging overacting na siya, pero sa mga oras na 'to, wala na akong pakialam kung nagiging OA na siya. Gano'n ba talaga siya mag-alala sa 'kin?
"Hoy, sumagot ka!" sabi pa niya nang hindi pa rin ako sumasagot sa kanya.
"S-Sorry," tanging nasambit ko lang. "Huh? Para saan?"
"Sorry, kasi ang tanga ko. Sorry, kasi pinagdudahan na naman kita. Sorry, sana hindi na lang ako naniwala sa babaeng 'yon. Sana nakinig ako kay Princess. Sorry, kasi nasaktan na naman kita." Mas lalo pa akong humagulgol dahil sa mga nagawa ko.
"Sshh... tahan na." Niyakap naman niya ako at ang mukha ko ay nasa dibdib na niya.
"Sorry. Sana mapatawad mo pa ako."
"Stop crying, Babe. Please. I know, nainis nga ako sa 'yo pero hindi ako galit. Naiinis lang ako sa isiping pinagdududahan mo lang ang pagmamahal ko sa 'yo. Pero hindi ko kayang magalit sa taong mahal ko. Stop crying now," pagpapatahan niya sa 'kin. "Pero sana, 'wag mo ng ulitin 'yon, ha? Masakit kasi sa part ko 'yung pinagdududahan mo lang pala ako." And with that, nanikip na naman ang dibdib ko. Tumigil na rin ako sa kakaiyak pero may luha pa ring lumalabas sa mga mata ko kahit papaano.
Kasalanan 'to ng babaeng 'yon. Ipagdasal na lang niya na hindi ko siya makikita ulit dahil kung hindi, baka makalbo ko siya.
"I promise."
"Oh my god! Really?" eksaheradang reaksyon ni Princess.
"Yes. At nakakainis nga kasi sa ganoong sitwasyon pa niya nalaman ang totoo," kwento ko. Sinabi ko na kasi sa kanya 'yung tungkol sa pagdala sa 'kin sa hospital at doon nalaman ni Patrick ang pagdadalang-tao ko.
"Mabuti naman. Eh 'di masaya na ang lahat! Hahaha!" Tumawa pa siya na parang ewan. "'Yung bruha nga pala. Nagkita na ba kayo?" tanong niya bigla.
Umiling ako. "Nako, pasalamat na lang siya at hanggang ngayon ay hindi pa. Dahil 'pag nagkataon, sasabunutan ko siya hanggang sa makalbo siya," inis kong sabi.
"Ay, ang hard. Pero I like it! Hahaha! Magdadala na rin ako ng gunting, ha? For emergency." Tumawa pa siya. Natawa rin ako dahil sa sinabi niya. Baliw.
"So, ano nang plano mo ngayon?" Bigla na siyang sumeryoso. Ano namang ibig sabihin nito?
"What do you mean?"
"Ngayong alam na ni Patrick na buntis ka, ano nang next step mo?"
"Hindi ko pa alam."
"Kailan niyo pala balak na magpakasal?" biglang palit niya ng topic.
"Actually, hindi pa namin napag-uuspan 'yan.
Kayo?" balik tanong ko naman.
"Depende. 'Di pa naman kasi siya nagpo-propose sa 'kin, eh."
"Gano'n?"
"Yeah. Ay, wait..." Natigilan siya. Unti-unti namang nanlaki ang mga mata niya at pagkatapos ay ngumisi pa siya. "May naiisip akong bright idea," sabi pa niya.
"Ano naman 'yon?"
"What if... sabay na lang kaya tayong magpakasal?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig. Taas-baba naman ang ginagawa niya ngayon sa kanyang kilay.
"What?!"
"Double wedding! Isn't it exciting?" Shocked pa rin ako. Ano bang dapat na maging reaksyon ko? Matuwa? Ewan. Alam kong magandang idea nga 'yon, pero kasi, hindi naman gano'ng klase ng kasal ang iniisip ko dati, eh. Kahit na kailan, hindi ito sumagi sa isip ko. Ang gusto ko lang kasi ay maging simple ang pagpapakasal ko.
"Much better kung mag-uusap muna tayong apat," suhestiyon ko. Hindi naman kasi puwedeng kami lang dalawa ang mag-uusap tungkol dito sa plano niya, 'di ba?
Double wedding. Sounds interesting. Bright idea na pagsabayin kaming apat na ikasal. Pero kasi... basta, hindi ko ma-explain! Hindi naman kasi ito ang kasal na gusto kong mangyari, eh. But, oh well. Kung papayag naman sina Patrick at James, bakit hindi, 'di ba? It would be great too, if ever.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Babe," tawag sa akin ni Patrick. Nasa labas kami ngayon. Wala lang, trip lang naming maglakad-lakad. Papahangin lang daw. Buti na lang at hindi masyadong masakit ang sikat ng araw kaya okay lang. Naramdaman ko rin na hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"I love you." Ramdam ko 'yung ka-sweet-an nang sabihin niya 'yon sa 'kin. Ngumiti pa siya. Bigla namang parang tumalbog ang puso ko dahil do'n. Bakit gano'n, ilang beses na niya akong sinasabihan ng katagang 'yon pero sa tuwing naririnig kong sinasabi niya 'yon sa 'kin, tumatalbog palagi ang puso ko at parang may nagkakarera doon. Hindi na 'ko nasanay. Ngumiti naman ako sa kanya pabalik.
"I love you, too," sabi ko sabay kurot sa tungki ng kanyang ilong at tumawa. "Mahal na mahal kita. Sobra. Ikaw na ang forever ko, 'di ba?" tanong ko.
"May forever ba?" kunot-noong tanong niya sa 'kin.
"Meron kaya!"
"Bakit sabi ng iba, wala?"
"Depende na 'yon sa tao. Kung mahal niyo ang isa't isa, magkakaroon kayo ng forever. Kahit maraming problema pa man ang dumating, basta't matatag ang isang relasyon, magkakaroon talaga ng forever. Nasa tiwala rin 'yan." Napangiti na rin siya sa sinabi ko. "Pero ewan ko rin. Depende na kasi talaga sa isang tao kung maniniwala ba sila sa forever o hindi, eh. Magkakaiba tayo ng mga pananaw sa buhay. May mga couples din kasi na opposite ang paniniwala nila. 'Yung isa, naniniwala sa forever, pero 'yung isa naman ay hindi, but still, going strong ang relationship nila and they are contented with it."
Magsasalita pa sana ako pero napatigil din dahil bigla ko na lang naramdaman ang malambot niyang labi na lumapat sa labi ko. Pero hindi pa man 'yon umaabot ng limang segundo ay inilayo na niya ang mukha niya sa 'kin. No! Bumalik ka!
"Ayokong mag-promise na ikaw ang magiging forever ko at ayokong isipin mo na ako ang forever mo. Pero isa lang ang maipapangako ko sa 'yo, mamahalin kita hangga't nabubuhay ako. Kahit dumating man 'yung araw na magsawa ka na sa 'kin, mamahalin pa rin kita. They say that promises are meant to be broken. But I'll assure you that that's the promise I won't break and will never be. Itaga mo pa sa puso mo. Mahal na mahal kita, Sunshine Bernardo. Ikaw lang."
Napakagat ako sa sariling labi. Feeling ko kasi, any moment ay tutulo na ang luha ko. Ramdam na ramdam ko 'yung pagmamahal niya sa 'kin nang sabihin niya 'yon. Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit na mahigpit pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Masyado pa kasi akong na-fa-flatter dahil sa speech niya. Na-touch ako nang bongga! Nakakakilig!
At hindi pa man ako nakakasagot sa nakakaiyak niyang promises ay naramdaman ko na naman ang halik niya sa pangalawang pagkakataon. But this time, matagal na. One second, two, three, ten, twenty. Ayoko ng magbilang! E-enjoy-in ko na lang ang moment na 'to. Tumugon ako sa halik niya. I don't care kung may makakakita man sa 'min or maybe, wala naman talaga kasi kanina ko pa napapansing wala masyadong dumadaan dito.
Dear Lord, thank you so much for your kind consideration—este, thank you po pala dahil ibinigay mo sa akin ang nag-iisang Patrick Raveno. Thank you po, kasi pinagtagpo mo kaming dalawa. Thank you, kasi kahit may mga problemang dumaraan, nalalagpasan pa rin namin. Siya na po ba ang forever ko? Sana, oo ang sagot, 'no? Pero sabi nga niya, 'wag ko raw isipin na siya na ang magiging forever ko. Mamahalin lang daw niya ako hanggang sa huli. May pinagkaiba ba? Ewan ko. Siguro, doon namin makikita ang forever—sa pagmamahal na meron kaming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro