Beautiful Goodbye (One Shot)
Dear Claire,
Ito na lang muna ah? Di ko pa nagagawa yung sinuggest mo e. Medyo lutang pa si brain. Hihihi. May nasimulan na ako don pero feeling ko ang peyl. E eto bigla na lang kasing pumasok sa utak ko. Kaya mas free flowing. Pasensya kung masyado akong nagmamarunong sa love. Hahahaha.
Thank you ulit sa iyong birthday message! Nakasave pa yon sa phone ko. Ahihihi.
♥ Rach
=========================================================
Sa isang relationship, madalas napapansin naman agad kung nagwowork pa ba yun o hindi. Kaso nga lang, masyadong in denial yung mga taong involved dun. Mahirap naman talaga kasing aminin na yung relationship na pinaglaban mo ng ilang taon at inalayan mo ng dugo't pawis e mapupunta lang sa wala. Pero ganun talaga ang mga bagay sa mundo. They all come and go. Walang permanente maliban sa pagbabago.
Kaya nga rin siguro may mga lalaking gago. Kung makapagpalit ng syota, akala mo kung sino.
***
Para sa isang NBSB, mahirap nga ata talagang magtiwala ng basta basta. Lahat na lang pinagdududahan. Para bang lahat na lang ng taong nakapaligid sa'yo, may masamang balak. Puro kasamaan at hinagpis lang ang idudulot. Wala man lang kabahid-bahid ng kabutihan sa katawan. Pero may isang tao pa rin na darating sa buhay mo at babaguhin ang lahat ng nakasanayan mo. May isang taong darating at ipapakain lahat ng sinabi mo.
Ganun na ganun ang nangyari kay Haruko. Sinara niya lahat ng pinto pati bintana ng buhay niya para walang ibang makakapasok. Pero may butas pala yung isang bintana. Ayun. May isa tuloy na nakalusot.
Huling taon na ni Haruko sa college nung biglang dumating sa buhay niya si Luke. Wala naman talagang namamagitan sa kanila. Nagkatabi lang sila sa LRT tapos nalaglag yung panyo ni Haruko. Nag-unahan sila sa pagpulot nun tapos nagka-umpugan sila ng ulo. Pagkatapos nun, wala na. Ni sorry o thank you wala ng narinig.
Kaya nga siguro nakalusot si Luke. Kasi siya yung di nagsalita. Or sa case na 'to, din a niya kailangang magsalita. Actions speak louder than words nga di ba?
Ang buhay ng tao e hindi naman katulad sa fairytale. Dahil don, hindi perpekto ang mga prince charming. Magkakamali at magkakamali siya. Kaya don't expect for a super happy ending. Happy siguro pwede pa. Pero di naman pwedeng lagi kang masaya.
Leche lang di ba? Sobrang labo ng buhay. Sobrang unfair. Kaya yung sinasabing all is fair in love? Tangina. Isang malaking kalokohan yon.
"Luke, naaalala mo pa ba kung paano tayo nagkakilala?" Tanong ni Haruko sa kausap niya.
"Nagka-umpugan ulo natin. Pano ko ba naman makakalimutan yun? Dahil don, di lang spark ang naramdaman ko. Nakakita pa ako ng fireworks." Sagot naman ni Luke kay Haruko. Kung tutuusin, dapat nagtatatalon na si Haruko sa tuwa at kilig. Pero hindi e. Mali ang mga bagay na narinig niya. Mali yung galit na nararamdaman niya.
"Sadya bang naubos na yung spark at paputok kaya ganito?"
"Ha? Anong ibig mong sabihin Haruko?"
"Luke, wag kang magpanggap na di mo alam yung sinasabi ko! Nung una, ayaw kong maniwala na magagawa mong lokohin ako. Kaso ako na mismo yung nakakita e. Tangina. Ang sakit pala ng ganito." Napaluha na si Haruko at agad namang naglakad papalapit sa kanya si Luke.
"Huwag mo kong lalapitan."
"Haruko."
"Luke, isang tanong isang sagot. Sino bang mas mahal mo? Siya o ako?" Hindi nakasagot si Luke sa tanong ni Haruko. Dahil don, alam na ni Haruko ang sagot sa sarili niyang tanong.
"Alam mo, para kang sugat e. Kumakati habang gumagaling. Ang galing mong manloko at mambabae. Ang kapal ng mukha mo!" Sabi ni Haruko sabay sampal ng malakas kay Luke. Patuloy lang ang pagtulo ng luha ni Haruko at naglakad na siya papalayo kay Luke.
Dahil sa mga nangyari, napaisip si Luke sa mga nagawa niya sa buhay niya at sa buhay ni Haruko. Oo, mahal niya si Haruko at hindi niya naman gustong saktan 'to. Kaso nangyari na ang nangyari e. Nasaktan na ang nasaktan.
Hindi muna nagkita o nag-usap sina Haruko at Luke. Binigyan nila ang mga sarili nila ng panahon para mag-isip. Panahon para malaman kung dapat pa bang ituloy ang isang bagay na malabo na ang kahihinatnan. Isang bagay na kahit kailan, hindi ka na magiging sigurado pa.
Ang buhay naman kasi, wala talagang kasiguraduhan. Lahat nagbabago. Hindi exception ang feelings don. Kaya nga may mga taong mas lalong naiinlove. Yung tipong sa bawat araw na lumilipas, palalim nang palalim yung nararamdaman nila sa isa't isa. Mabuti sana kung ganun lagi yung case. Kaso hindi. Kung may mga taong mapalad sa larangan ng pag-ibig, meron din namang hindi. Yun yung mga taong sa bawat araw na lumilipas, mas lalo lang nagkakasakitan. Yung tipong kahit anong pilit na ayusin ang problema, ang tanging nangyayari lang e lumala yun.
Sa dalawang kaso sa pag-ibig, masasabi natin na nandun sa pangalawa sina Haruko. Sa simula pa lang naman kasi e nakasarado na ang pinto at bintana niya. Sadyang nakalusot lang si Luke dun kaya hindi malabong nakasara na rin ang puso't isip niya. Sa malamang lamang, wala ng happy ever after kasi, hindi naman prinsesa si Haruko at hindi naman ata si Luke ang kanyang prince charming.
Kapag nagkakalabuan kasi ang dalawang tao, maraming options na pwede nilang pagpilian. Una, mag-usap. Idiscuss nila lahat ng problema. Ilabas nila lahat ng sama ng loob nila sa isa't isa. Kasi minsan, sa ganung paraan naaayos yung mga gusto sa buhay nila.
Pangalawa, magsawalang kibo na lang forever. Isipin na wala silang problema. Na okay ang lahat. Kumbaga, maging in denial. Minsan kasi, iniisip ng mga tao na kapag hindi nila inintindi yung problema, kusa na lang mawawala yun.
Pangatlo, bigyan muna ng space ang isa't isa. Give them a week or two to think things through. Pagkatapos nun, saka nila pagdedesisyunan yung sitwasyon nilang dalawa. Dun nila malalaman kung dapat pa ba nilang ituloy yung relasyon nila o hindi na. Pero ayun nga lang, minsan sadyang may mga kerengkeng at sira ulong mga tao na imbis na mag-isip e maghahanap na agad ng iba. Imbis na maayos tuloy yung problema, lalong lumalala.
Pang-apat, magdesisyon na lang na maghiwalay at kalimutan ang mga nangyari sa kanila. Kadalasan, sa ganito humahantong ang mga magsyota na suko na talaga sa kasama nila. Kasi sa dinami-rami ng pwedeng gawin para maayos yung problema, mas marami pa yung nagagawa nilang mali. Na tipong sa bawat araw na lumilipas e mas nagkakasakitan lang siilang dalawa. Nagkakasawaan na rin sila sa ganung sitwasyon kaya nagdedesisyon na lang sila na tapusin ang lahat.
Panlima, tapusin ang lahat at piliin na maging magkaibigan na lang. Masasabi na isa 'tong demotion. Tipong naging kayo ngang dalawa, pero ang bagsak niyo rin pala e magkaibigan. Kumbaga, na-late ang pagka-friendzone. Medyo mahirap sa umpisa na gawin 'to lalo pa't alam niyo na may naging past na kayo. Pero kung sa pagkakaibigan din naman kayo nag-umpisa, isipin niyo na lang na naglandian lang kayo sa gitna. Nothing more. Nothing less.
Sa kaso nina Haruko, malabo ang mga maaaring mangyari. Katulad ng normal na buhay, walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay. Pwedeng magkaayos sila ni Luke. Pwede rin namang hindi. Pero para kay Luke, sigurado na siya sa gusto niyang mangyari. Kaya naman pagkatapos ng dalawang linggo ng hindi pag-uusap at pagkikita, naglakas loob na siyang puntahan si Haruko sa tinitiran nito.
Pinindot na ni Luke yung doorbell ng condo ni Haruko. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Pabilis nang pabilis yung pagtibok ng puso ni Luke nung panahon na yun. Pakiramdam niya e anytime, lalabas na yung puso niya sa kaba. Ngayon lang siya magdedesisyon ng ganito. Hindi niya alam kung tama ba talaga yung gagawin niya pero sa tingin niya kasi, ayun ang nararapat.
Mayamaya lang, binuksan ni Haruko yung pinto. Mababakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya inaasahang makita sa labas ng condo niya si Luke. Sa pagkakaalala niya e nasa "we need space" phase pa rin silang dalawa. Hindi siya nakapagsalita at hinayaan na lang niya na pumasok sa loob ng condo niya si Luke.
Kung kinakabahan si Haruko, mas lalong kinakabahan si Luke. Naisip niya na ito na ang huling chance niya para maitama yung mga mali niya. Naisip niya na ito na ang huling chance para matanggal yung sakit na nararamdaman ni Haruko. Huminga ng malalim si Luke bago siya nagsalita.
"Haruko, nag-isip isip ako. Na-realize ko na ang napakalaki kong gago. Kasi nasaktan kita. Hindi ko naman ginustong mangyari yun e. Maniwala ka, mahal na mahal kita Haruko. Kung papipiliin man ako sa inyong dalawa, ikaw at ikaw yung pipiliin ko.
Sorry kung naging tarantado ako. Nilinlang ako ng puso ko e. Tapos yung utak ko di pa nakisama. Trinaydor ako nung dalawang yun. Kung tutuusin, napakaswerte ko nga kasi hinayaan mo akong makapasok sa buhay mo e. Alam ko napakahirap para sa'yo na magtiwala basta bata. Kaso gago nga ako e. Sinira ko pa yung tiwala mo.
Wala naman talaga kasi akong balak na seryosohin yung sa kanya e. Ginawa ko lang yun nung nawala ka ng ilang buwan. Katuwaan lang. Kaso hindi ko alam kung anong nangyari. Bigla na lang kaming umabot sa point na 'to. Alam ko napakaimposible na magmahal ng dalawang tao. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Ang alam ko lang, mahal kita.
Hindi ko hinihingi na maniwala ka sa akin. Hindi ko rin hinihingi na patawarin mo ako sa nagawa ko. Alam kong maling mali yun. So nagdesisyon na ako. Haruko, ayaw na kitang saktan pa. Ayaw kong makita na ako na yung dahilan na pag-iyak mo. Ayaw kong malaman na ako na yung dahilan ng pagsama ng loob mo. Ang gusto lang ay sumaya ka. Pero wala e. Naging tanga ako.
Haruko, mahirap para sa akin 'to. Ayaw ko man sanang gawin 'to pero sa tingin ko, ito na yung nararapat kong gawin. Haruko, maghiwalay na lang tayo." Tumigil na sa pagsasalita si Luke at narinig na lang niya ang paghagulgol ni Haruko. Lumapit siya rito at niyakap niya si Haruko ng mahigpit.
"Sssh. Tahan na Haruko. Kung iniisip mo na pinili ko siya, nagkakamali ka. Mas pinili kong lumayo na lang sa lahat. Para rin 'to sa ikabubuti ng lahat. Please be strong for me. Gusto kong makita ka na masaya."
"Sa ganito na ba talaga matatapos ang lahat?" Tanong ni Haruko kay Luke.
"Haruko, gusto kong tandaan mo na hindi lahat ng goodbye e masama. Yung iba e mas nakabubuti sa iba. Saka ang pagpapaalam na 'to, mas makakapagpasaya sa atin. Trust me. In time, pagtatawanan mo na lang ang lahat ng nangyari sa ating dalawa. Kung magkikita man tayong dalawa sa hinaharap, gusto kong siguraduhin mo na mas masaya ka na. Na wala ka ng nararamdamang sakit o hinagpis. Alam kong kaya mo yan.
Mahal kita. Tandaan mo yan. Hindi yun nagbago." Hinalikan ni Luke si Haruko sa huling pagkakataon at umalis na siya sa condo nito. Sinubukang pigilan ni Haruko ang pagtulo ng luha niya pero hindi niya nagawa. Masakit pa rin talagang marinig ang lahat ng yun mula kay Luke. Minahal niya si Luke at alam niyang matatagalan bago mawala yun.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro