Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A girl can dream

Bumukas ang elevator at walang gumalaw sa aming dalawa. Matalim niya akong nilingon.

"After you." Unang salitang binitawan niya sa malamig na boses.

Mariin akong lumunok at pumasok na sa loob, sumunod siya gumilid ako sa tabi ng mga numero habang siya ay sa kabilang gilid pumwesto.

Hindi ko siya kayang tignan, yumuko lang ako at gusto na lang makarating sa tamang palapag, hindi ako makahinga ng maayos kapag nasa enclosed space kaming dalawa.

Nanlalaking nag-angat ako ng tingin ng makitang naglakad siya papalapit sa akin. Unti-unting nalaglag ang panga ko ng halos dumikit na ang dibdib niya sa balikat ko. Amoy amoy ko ang bango niya, napasinghap ako ng makitang pinindot niya ang eleventh floor.

Mariin kong ipinikit ang mata ko at isinarado ang aking bibig. Nakalimutan kong pindutin iyon dahil wala ako sa aking sarili! Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dito. Kapag may sumakay na ibang tao ay tiyak na makikilala siya!

Una akong bumaba ng makarating kami sa tamang palapag. Mabilis kong nilakad ang pintuan ng aking unit, mula sa pintuan ay hinarap ko siya at agad hinawakan ang mga slab wood na dala niya.

"Salamat, kaya ko na itong ipasok." Tipid akong ngumiti habang sinasabi iyon,hindi sinasalubong ang talim ng titig niya. Nakatingin lang ako sa inaabot kong gamit.

"I'll do it." Iwas niya ng gamit sa kamay ko.

Napanis ang ngiti ko at tumayo ng maayos. Lumunok ako ng isang beses at tumango, hindi parin ako makatingin sa kanya.

Habang nilalagay ko ang susi sa door knob ay kung anu-ano na ang nasa isip ko, sa likod ng pintuang ito niya ako hinalikan at sinabi yung mga salitang wala namang kahulugan. Dito rin nagsimulang umusbong ang mga pag-asa na paasa lang pala.

Kung susubukan niya muling ilapat ang malalambot niyang labi sa akin ay alam ko na ang gagawin.

Alam ko nga ba talaga? Sa mga titig pa lang niya nawawala na ako. Hindi na niya gagawin iyon Tasha, wag ka masyadong mag-assume.

Huminga ako ng malalim ng mabuksan na ang pintuan. Itinuro ko ang tabi baba ng study table ko para doon niya iyon ilagay. Kung hindi siya magtatagal ay talagang ikakabit ko yan ngayon para may pagkaabalahan.

Walang hirap niyang inilapag ang mabibigat na slab wood doon, pagtayo niya ng maayos ay bumuntong hininga siya at tumingin muli sa akin.

Ngayong nasa loob kami ng condo ay mas lalo lang akong hindi makahinga ng maayos. Kung magtatagal pa siya ay baka hindi ko na kayanin.

"Salamat ulit." Sa wakas ay sabi ko. Baka sakaling magpaalam na siya.

"Where are you planning to put these?" Tanong niya habang nakatingin sa ibinabang gamit tapos ay nilingon ako.

"Ah.. di-dito, para sa mga libro ko." Naiinis ako sa sarili ko dahil nauutal ako sa simple niyang mga tanong.

"You hire someone to do that?" Sa wakas ay tinignan ko siya, kita ko ang malalim niyang titig sakin ibang-iba sa talim nito kanina.

Umiling ako "Ako lang, inaral ko namang kung paano ikabi-"

"Where's your tools?" Putol niya sa sasabihin ko habang lumingon sa kabilang gilid para hanapin ang tinatanong niyang tools.

Lito kong kinuha ang drill sa cabinet malapit lang sa akin at ipinakita sa kanyang alam ko ang aking gagawin at kumpleto ako sa gamit.

Tinignan niya electric drill, at tumango, inilagay niya sa likuran ang isang kamay at hinugot ang kanyang t-shirt at hinubad iyon at tumambad ang nakasabit na sing-sing sa kanyang dibdib.

Halos malaglag sa lapag ang panga ko sa kanyang ginawa. Hindi ko akalain na may taong sobrang sexy sa simpleng paghuhubad lang t-shirt.

Jacob is in front of me now, shirtless! His muscular shoulders, trim waist, abs and mig-thigh..

Doon na ako tumigil at iniwas na ang mga mata. Anong ginagawa mo Jacob?! Patahimikin mo naman ang kaluluwa ko. Please.

Kinuha niya sa nanlalambot kong kamay ang electric drill at ipinatong iyon sa study table ko, mabilis niyang binuksan ang kahon ng slab wood at isa-isa iyong inilabas.

Tumayo siya at hinawakan ang magkabilang side ng aking study table, lumingon siya sa akin.

"May I?" Tanong niya bago iusog ang lamesa ko sa gilid. Dahan dahan akong tumango at wala ng masabi pa.

Walang hirap niyang inusog iyon sa gilid at kinuha ang ruler na nakalagay sa lagayan ko ng ballpen, kumuha din siya ng lapis doon.

Kita ko kung paano mag flex ang mga muscles niya sa likuran habang sinusukat ang paglalagyan ng book shelf. Parang may nagbara sa aking lalamunan habang seryoso niyang ginagawa iyon.

Parang kinakagat ang puso ko ng mga langgam sa mumunting kurot na nararamdaman ko doon.

Hindi ko alam kung ano ang pakay niya sa akin, para siyang ulan na biglang darating sa kalagitnaan ng sikat ng araw, tapos ay biglang mawawala at magiiwan ng dilim sa kalangitan. Just as quickly as that..

Agad akong pumasok ng aking kwarto ng walang paalam, pagsara ay nanghihina akong sumandal doon. Nagbuga ako ng hangin na kanina ko pa gustong pakawalan.

kailangan kong itatak sa isip ko na hindi naman niya talaga ako gusto, na naiipit lang siya sa mga binitawan niyang salita dahil sa sing-sing. Hindi ko maiwasang isipin na kung sa ibang pagkakataon kaya? Kung hindi ako ang babaeng iyon? Mapapansin niya kaya ako?

Inilabas ko ang mga gamit galing sa aking back pack at inayos iyon, inilagay ko sa side table ang dalawang cellphone ko, pinidot ko power ng Iphone para magbukas iyon pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit at nag hilamos sa cr.

Natigil ako sa paghihilamos ng marinig kong may sunod sunod na dumating na messages at notification sa iphone. Kinuha ko ang nakasabit na towel at ipinunas iyon sa basa kong mukha.

Kinuha ko ang iphone sa side table at nakita ang home screen.

Jacob (9 missed-calls)
Jacob (11 messages)

Napaawang ang bibig ko at nag-aalinlagang buksan iyon. Hindi ako sanay makita na ganito kadami ang mensahe niya, lalo na at hindi naman siya halos mag reply sa akin. Lalo na ang tawag, at siyam pa iyon! Kaya siguro tuluyang namatay ang iphone at nawalan ng battery.

Binuksan ko ang messages na nandoon at binasa.

Jacob:
-Wait for me in your condo.

-Where are you? Please pick up the phone.

-Why aren't you picking up?

-That's it! I'm coming over now!

-I'm outside of your unit please open the door.

-I hope you're just sleeping, and not just ignoring me. Goodnight, I'll come back tomorrow.

Lahat ng iyon ay messages ng gabi pag tapos concert! Ang bilis ng pag hinga ko ng ipagpatuloy ko ang ibang pang messages.

-Good morning, are you awake?

-As I said I'll come back there, I am on my way.

-Do you want something to eat?

-I am here now in front of your door, you are not answering my calls even my text messages. I am starting to get worried.

-Tasha...

Napahawak ako sa aking dibdib pagtapos kong mabasa ang lahat ng iyon. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling ang sakit. Parang minamaso ang puso ko sa sakit na nararamdaman

Sana totoo na lang siya, sana totoo na lang na kaming dalawa. Sana wala na lang Maureen. But I know that's too much and impossible to ask right? Masyadong makasarili ang hiling na iyon.

Biglang tumulo ang luha sa mga mata ko, agad ko iyong pinunasan ng palad ko, at huminga ng maluwag.Sinabi niyang gusto niya akong makilala, gusto niyang makilala ang nagbigay sa kanya ng sing-sing. I think I just have to leave it like that.

Kung gusto niya akong makilala ay hahayaan ko siyang kilalanin ako. Alam kong alam niyang gusto ko siya. Pero kailangan din niyang malaman na hindi niya dapat ibalik iyon. Hindi niya kailangang pilitin ang sarili niya na gustuhin ako.

Nagpalit ako ng v-neck white shirt at ruffled pink shorts, tulad ng lagi kong suot kapag nasa condo lang. Lumabas ako at nakita ko siyang seryoso parin na ginagawa ang shelf, may tumutulo na pawis mula sa kanyang ulo papunta ng kanyang sintido.

Natigil siya sa ginagawa ng makita ako, saglit siyang napatingin sa suot ko at agad ding nag-iwas ng tingin at lumunok ng isang beses.

Dumeretcho ako ng kitchen para ikuha siya ng malamig na tubig, naglakad ako palapit sa kanya at iniabot ito. Tumingin muna siya sa akin bago tumingin sa baso at kinuha iyon. Inisang lagok lang niya ang tubig. He must be really thirsty.

Ako naman ang napalunok, ang makita siyang half naked habang umiinom ng malamig na tubig sa harapan ko ay parang isang panaginip. Yung parang walang maniniwala kung ikukuwento ko.

Kinuha ko ang baso sa kanyang kamay at handa ng ibalik sa kusina iyon ng hawakan niya ako sa braso para pigilan. Napatingin ako sa kamay niyang naroroon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya para lang salubungin malamlam niyang mga mata.

"I.. was worried sick for two days, I'm glad that you're okay." Malambing niyang sabi.

Malungkot akong ngumiti. You don't really have to try so hard Jacob.

"Pasensya na, namatay ang telepono ko at ngayon ko lang nabasa lahat ng messages mo." Paliwanag ko.

Umigting ang kanyang panga at huminga ng malalim. "I'm sorry kung hindi ako nag-reply bago nagsimula ang concert, and.. if I did not invi-"

"Naiintindihan ko Jacob." Putol ko sa kanya. "Hindi mo naman obligasyong gawin iyon." Humina ang boses ko sa huling sinabi.

Nakita ko kung paano siya unti- unting nairita sa aking sinabi "What do you mean?" Kunot noo niyang tanong.

"Maraming beses akong babati sayo at i-congratulate ka sa mga achievements mo at ng The Chase, pero wag mo sanang isipin na obligasyon mong sumagot doon."

Wala siyang sinabi, nakatingin lang siya sa mga mata ko ng palipat lipat. Ng hindi ko na kaya ay inilipat ko ang mata ko sa kanyang dibdib.

"Alam kong ako ang nagbigay ng sing-sing sayo, pero maniwala ka.. isang lang din akong tagahanga mo. Hindi ako humihingi ng kanit anong kapalit."

Nakangiti kong inangat ang mata ko at sinalubong ang mga titig. Wala akong ibang nakita doon kung hindi indifference.

Bumaba ang kanyang paningin at pinanood niya kung paano ko dahan-dahang kinalas ang braso ko sa maluwag niyang pagkakahawak.

"Alam kong busy ka, ako na ang tatapos niyan." Pagiiba ko ng usapan.

"No, I'll finish it." Sigurado niyang sagot sa mariin na boses.

Tumango ako at hindi na nakipagtalo. "Dito ka na mag dinner, ipagluluto kita."

Alam kong nakakapagod ang mag kabit ng book shelf, sa uhaw pa lang niya kanina ay alam ko na. Ipagluluto ko siya bilang pasasalamat.

"I like that." Sabi niya sa namamalat na boses habang nakatingin sa akin. At sa tingin ko ay kumislap ang kanyang mga mata. Hindi ko alam.

Hindi ko makaila ang sinseredad sa kanyang sinabi, nangilabot ako at nanuot iyon sa buo kong sistema.

Binuksan ko ang tv. para kahit paano ay may ingay kaming marinig, tapos ay nag punta na ako sa kusina, hindi ganoon kalaki ang condo, kaya mula doon ay kita ko parin siyang gumagawa. Kinuha ko na sa ref ang mga kakailanganin ko. Adobong manok ang naisip kong iluto, bukod sa simple lang ay madali itong lutuin.

Kumalat sa condo ang mabangong amoy ng pag gisa ko ng bawang at sibuyas, hinahalo ko iyon habang binuksan saglit ang takip ng rice cooker, nakawala ang mainit na usok doon at tingin ko ay luto na ito kaya tinanggal ko na sa saksakan.

Dinig mula sa sala na balita na ang palabas sa tv. Pasulpot sulpot naman ang ingay ng electric drill na ginagamit ni Jacob.

Nakatalikod ako kung saan gumagawa si Jacob, pero may kung ano sakin na gusto siyang lingunin. Kaya ginawa ko iyon, para lang mahuli siyang seryosong nakatingin sa akin, habang ang dalawang kamay ay nakaalalay sa slab wood na nakadikit na sa wall.

Hindi manlang siyang nag-abalang iiwas ang kanyang tingin sa akin, bagkus ay sinalubong pa niya ang mga mata ko. At tulad ng dati, ako ang bumitaw at binaling na lang muli ang pansin ko sa niluluto.

Kinagat ko ang aking labi habang inilalagay ang manok sa kawali, pinipigilang kong ngumiti sa aking iniisip...

Na para kaming..

Well I guess a girl can dream..

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro