Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

36

Chapter 36



"Thank you for today, I really appreciate it." nakangiting sambit ni Soleil nang maihatid ko siya sa tapat ng bahay niya.

"You're welcome." sabi ko sabay halik sa kanyang noo. "Get inside now and have a goodnight sleep." sabi ko sakanya tsaka siya nginitian.

Ngumiti naman siya pabalik at tumango. Bago umalis sa harap ko ay tumingkayad siya at hinalikan ako sa pisngi ko. Nabigla naman ako sa kanyang ginawa kaya hindi ako nakagalaw nang ngumiti siya sakin at naglakad patungo sa loob ng bahay niya.

Kumaway siya sakin nang nasa loob na siya ng gate ng bahay niya, kumaway naman ako pabalik kahit na bigla pa din ako sa ginawa niya iyon.

Dumbfoundedly. I walked towards my car and open the door to the driver seat then hopped in. I revved the engine and drove myself back to my condo unit.

* * *

"Away ulit kayo?" Jin asked.

Months have passed after our first anniversary. And I don't know why but after that, she acted cold all of a sudden.

Hindi ko sinagot si Jin at uminom lang ng whiskey na nasa baso ko. Andito kami ngayon sa condo ko dahil bigla nalang pumunta dito si Jin.

"Did you already talked to her?" tanong niya sakin.

Ofcourse I'll talk to her.

"Busy daw siya, wag ko daw guluhin." sabi ko sabay tingin sa cellphone ko na hawak ko kanina pa simula nang babaan niya ko.

Hinagis ko ang cellphone ko sa kabilang upuan dahil nakakabadtrip tignan yon.

"Maybe she's PMS-ing?" may pag-aalinlangang hula ni Jin.

"Yeah, sure." sabi ko.

Kakatapos niya lanh last week. Ano yon? Na-late?

"Give her some time," sabi nalanh ni Jin dahil wala na yata siyang maisip na dahilan kung bakit umaakto na naman ng ganon si Soleil.

Ilang oras lang akong nakatunganga sa harap ng TV kasama si Jin nang biglang tumayo si Jin sa kinauupuan niya.

"Damn, it's already 11:30" sambit niya habang nakatayo. Inangat ko ang tingin sakanya. "Uwi na ko." sambit niya sabay tapik sa balikat ko. "Don't worry too much." sabi niya sakin at ngumiti pa.

Tinanguan ko nalang siya bilang sagot. Naglakad naman siya mag-isa papuntang pintuan ng condo ko para lumabas.

Labas pasok naman yun dito na parang bahay niya.

Binalik ko ang tingin ko sa pinapanood kong Netflix Series. Hindi ko na nasundan ang mga pinagsasabi nila dahil kay Jin. Hindi ko man lang nagawang i-pause kanina.

Umiling ako at pinause yun para tumayo at naglakad patungong kusina. Naghanap ako nang makakain sa refrigerator at nang makita ko ang cake na binili ko ay nilabas ko yun para kumuha ng isang slice. Kumuha ako ng kutsilyo para magslice sa cake at nilagay yun sa platitong kinuha ko din. Binalik ko ang cake sa loob ng refrigerator at pagkatapos ay kumuha ako ng tinidor at naglakad pabalik sa sala para magpatuloy sa panonood.

Naglagay ulit ako sa aking baso ng whiskey at pagkatapos ay pinlay na ang pinapanood ko kanina.

* * *

Napahawak ako sa ulo ko nang may marinig akong ringtone.

Ang ingay.

Binalewala ko yun dahil alam kong titigil din yun ngunit nagkamali ako nang tumunog ulit yun pagtapos matigil sa pag ring.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa at napahawak sa ulo ko dahil sa biglaan kong pagbangon. Tinignan ko ang lamesa na nasa harapan ko at nakitang naubos ko ang isang bote.

Nagiging katulad na ko ni Maximus.

Nabalik ang tingin ko nang tumunog ulit ang cellphone ko kaya labag sa loob akong tumayo at lumapit sa cellphone ko na nasa kabilang upuan.

Incoming call...

Soleil Luna

Agad kong sinagot ang tawag kahit na hindi ko pa alam kung anong oras na.

"Good morning." bati niya sakin, bakas ang lamig sa tono niyang iyon.

"Morning." sagot ko.

"Kakagising mo palang?" bakas sa kanyang boses gulat.

"Kind of" sagot ko sabay kibit balikat.

Naglakad ako papuntang kusina at uminom ng tubig ma hindi malamig.

"I'm sorry about yesterday." sambit niya malayo sa topic namin.

"I'm sorry too." seryoso kong sabi.

"Wala kang kasalanan, you don't have to say sorry." sabi niya.

"Sa tingin ko may mali din ako." sabi ko habang ginagalaw ang baso sa kamay ko.

"Leo," sabi niya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "We both know it's my fault for acting up so suddenly. And stop saying sorry for the things you shouldn't be sorry for." sabi niya at narinig ko ulit ang isa pang buntong hininga.

"Okay, I'm s—" natigil ako sa sasabihin ko nang marealize kong hihingi na naman ako ng pasensya.

Putangina lang.

Bat nga ba ako sorry ng sorry?

I heard her chuckle on the other line. "Get back to work, you're already late." sabi niya kaya inilayo ko sa tainga ko ang cellphone ko at tinignan ang oras.

Late na nga ko, walang duda.

"Okay. See you." sabi ko tsaka binaba ang tawag.

Napangiti naman ako dahil naayos ulit namin ang problema namin. Ganto lagi ang nangyayari, nirereach out niya naman ako dahil nagrereflect yata siya at narerealize niyang may mali siya.

Nilapag ko sa counter ang cellphone ko at naglakad papunta sa kwarto ko para maligo na at magbihis dahil kagaya ng sabi ni Soleil.

Late na ko sa trabaho ko.

Hindi naman ibig sabihin na kami na ay pwede na kong pumasok kahit na anong oras. I have to be a responsible employee of her company para ganon din ang gawin ng iba kong mga katrabaho.

Nang matapos ako sa pag-aayos sa aking sarili ay naglakad ako pabalik sa kusina bitbit ang bag ko para kuhanin ang cellphone kong nasa counter.

Binuksan ko yun at doon ko lamang napansin na lowbatt na ako. Agad naman akong napabuntong hininga at nilagay nalang iyon sa bulsa ng aking suot na slacks.

Naglakad ako papuntang pintuan at nadaanan ko ang sala kong madungis.

Nakalimutan kong ayusin ang kalat ko dito sa lamesa. Agad kong binaba ang bag ko ang kinuha ang walang laman na bote ng whiskey at nilagay iyon sa counter table. Pagkatapos ay nilagay ko sa lababo ang platitong pinaglagyan ko ng cake kagabi. Tinanggal ko din sa saksakan ang TV ko na nakalimutan kong patayin kagabi.

Nang matapos sa pagliligpit ay kinuha ko na ang aking bag at naglakad na palabas ng condo unit ko at pumasok na para magtrabaho.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro