Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

Chapter 26



"Can you stop looking at me like that?" pikon na sabi ni Leila sakin.

Simula nung araw na yun hanggang ngayong magtatapos na ang taon ay inaasar ko pa din siya sa pamamagitan ng pagtingin sakanya ng malisyosong tingin.

I don't know how I look like, but I guess it's fine. She's uncomfortable.

"Ma! Kuya won't stop looking at me with mischief in his both eyes!" sigaw na sumbong niya kay Mama na nasa dining area at naghahanda para sa New Year's Eve.

"Leo, stop bothering her. That sister of yours won't stop nagging me because of you, anak!" sigaw pabalik ni Mama.

Bineletan ako ni Leila kaya tinignan ko ulit siya ng ganon.

"I hate you too!" sabi niya sabay padabog na umakyat sa taas para magkulong na naman yata. Ganyan siya tuwing napipikon sakin, magkukulong sa kwarto niya para magpalamig.

Kumukuha siya ng panibagong lakas na maddrain dahil na naman sakin. Lol.

* * *

[Guys! Happy New Year!] agad na bati ni Gen nang makapasok kami lahat sa video call.

Wala si Jane sa kadahilanang hindi ko alam.

[31 palang, Gen. Excited?] sabi ni Jasper sakanya.

[Ilang minutes nalang!] excited na sambit niya at pumalakpak pa.

"Happy New Year!" bati ni Leila na kakababa lang yata at sumingit nang makitang kavideo call ko ang lima.

[Happy New Year, Leila!] bati ni Maximus sakanya.

[Happy New Year, Lei!] si Jasper naman ang bumati.

[Happy New Year, L!] bati ni Dave at nagwave pa ng kamay niya.

[Leila!! Happy New Year!] maligayang bati ni Gen at kinaway pa ang dalawang kamay niya sa screen.

[Happy New Year, Yoda.] nakangiting bati ni Jin kaya napalingon ako kay Leila nang banggitin ni Jin ang pangalang Yoda.

"I said stop." sabi ni Leila sabay irap sakin at nagwalk out.

[Nyare dun?] tanong ni Maximus.

"Pissed off." sagot ko kay Maximus na parang di obvious.

[You never failed.] natatawang sabi ni Jin at napatawa ako dahil sa sinabi niya.

"It would be a disappointment if I failed." sabi ko at natawa yung apat maliban kay Gen.

Malamang kakampi siya kay Leila, sila lang naman ang meron sa isa't isa sa grupong to. Sila lang ang magdadamayan ganon.

Kapag binubully lang namin, syempre.

[Stop bullying her, Leo.] masungit na malungkot na sabi ni Gen.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko at tumango tango. "Yes, Doktora." sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay. Nakita ko namang ngumiti at napa-iling siya dahil sa ginawa ko.

I won't stop, tho.

[Countdown na guys!] deklara ni Maximus.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at nakitang totoo nga. Ambilis naman ng oras.
"4.. 3.. 2.. 1!!" sigaw naming lahat na nasa labas ng bahay at nagsimula na kaming makakita ng mga fireworks at makarinig ng mga putukan.

"Happy New Year!" sigaw naming lahat at narinig ko ding sumigaw ang mga kavideo call ko.

[Happy New Year, Tita and Tito!] agad na bati ni Gen at sumunod ang iba sa pagbati.

"Happy New Year to everyone!" bati ni Mama sa video call.

Iniba ko ang tingin ko at nakitang tumatalon talon si Leila.

Hindi naman na siya bata bakit siya nagtatatalon diyan?

Iniwan ko kay Mama yung iPad ko dahil kausap niya pa yung lima at lumapit ako kay Leila para pumunta sa harapan niya dahil di pa rin siya tumitigil sa pagtalon.

"You know that you won't grow by jumping like that every New Year, right?" natatawang sabi ko sakanya at agad naman siyang huminto nang mapansin ako dahil sa pagsasalita kong yun.

"I'm not jumping because of that." sabi niya sabay irap sakin at nag-iba ng tingin.

"Yeah, sure." sabi ko sakanya at nagsimula nang maglakad pabalik kay Mama para kausapin yung mga kaibigan ko.

"We're fine, dears." rinig kong sagot ni Mama sa kung sino mang nagtanong sakanya. Sumingit naman ako at nakitang nagkakagulo silang lahat sa kanya kanya nilang mga bahay maliban kay Gen dahil nga late ang oras nila sa Pilipinas.

[I miss you and Leila, Tita!] nakasimangot na sabi ni Gen kay Mama. Hindi siya naka-uwi ngayong New Year dahil napagdesisyunan ng pamilya niya na sa London nalang dahil nandon na rin naman na sila.

That's why her face is like a sad emoji right now.

"I miss you too, Dear. We'll see each other in Manila nalang." pagpapagaan ng loob ni Mama sakanya. I told Mama about what happened to Gen why she couldn't celebrate New Year here in the country.

Genevieve and Mama is kinda close dahil nga nakakapunta siya nun sa bahay nung college pa kami. Kapag umuuwi ako sa New York ay kasa-kasama ko silang lima dahil minsan ay gusto nilang dumalaw sa bahay. Kaya malapit din ang limang to sa magulang ko.

[Bro, I miss you.] pag-arte ni Maximux nang makuha ko na kay Mama yung iPad ko.

Pinakita ko sakanya ang middle finger ko at tumawa lang siya dahil sa ginawa ko.

[Choosy ah?] sabi ni Maximus sabay tawa.

Tinawanan ko nalang din siya dahil sa mga kalokohan niya.

[Tatawag daw si Jane. Happy New Year ulit sa inyo.] paalam ni Jin at hindi man lang hinintay ang mga sasabihin namin dahil nag-out na kaagad siya sa group video call.

Aasarin pa sana namin yun e. Galing talaga tumakas.

[Galing tumakas nun ah.] sabi ni Jasper at nakita kong uminom siya sa hawak niyang baso.

Nagsisimula na silang mag-inuman, napatingin naman ako sa mga magulang ko at nakitang champagne lang ang iniinom ni Mama at wine naman ang kay Papa.

No hard liquors? Aw, man.

Si Gen ay nanonood lang saming apat. Nagpprepare pa lang yata sila dahil nga mas ahead ang oras ng Pilipinas kaysa sa London.

[Drink moderately, Max.] paalala ni Gen kay Maximus kahit na alam naman naming lahat na hindi umiinom ng moderately ang taong yan.

[You wish,] sabi ni Dave kay Gen sabay tawa at uminom sa basong may lamang alak na hawak niya.

[Drink moderately, everyone.] paalala niya samin, hindi lang kay Max dahil pati si Jasper ay umiinom na din kasama ang kanyang mga pinsang lalaki na piloto rin sa pagkaka-alam ko.

Habang nanonood sakanilang lahat ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko.

Kinuha ko yun at binuksan at nakitang may text galing kay Soliel.

From: Soliel Luna

Happy New Year, Leo Blanco! :D

Napangiti naman ako dahil sa nabasa kong text mula sakanya. May emoji pa talaga.

Magrereply na sana ako nang may panibagong notif na lumabas sa taas ng cellphone ko kaya pinindot ko yun.

From: Magui Mendoza

Sorry for her text, she's drunk.

Napawi ang ngiti ko dahil sa text ni Magui agad ko namang nireplyan ang dalawa bago tumayo at naglakad papasok sa loob ng bahay para kumuha ng hard liquor.

To: Magui Mendoza

yeah, sure. no worries.

To: Soliel Luna

happy new year.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro