Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 3

"Ilabas lahat ng tao. Alam niyo na kung sino ang uunahin."

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Napangiwi ako sa sakit nang subukan kong gumalaw. Napuruhan ang aking kanang binti.

Nagawi ang tingin ko sa aking tabi. Nakasandal ang ulo ni Raven sa may upuan. Patuloy ang pagdugo sa may noo niya. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero walang response.

I am trembling because of nervousness. All of a sudden, a hope lit up because soldiers came to be our rescuers.

Nabuhayan ako ng loob. Ng pag-asa.

"H-help..."

Nabaling ang tingin sa akin ng isang sundalo. Inulit ko pa ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin na may dalang first aid kit. Ako sana ang una niyang gagamutin pero umiling ako.

Itinuro ko si Raven na parang mahimbing na natutulog.

Nakuha agad ng sundalo ang ibig kong sabihin. Sinenyasan niya ang kasamahan. Mabilis silang kumilos. Nilagyan nila ng protective bandage ang ulo ni Raven. Maya-maya'y nakita ko ang babaeng sundalo na ngayon ay may dalang stretcher.

Una nilang binuhat ang aking kasamahan.

"Move along with your duties. Secure the top priority," the man ordered.

He has many badges on his shoulder. I think he is the commander. Strikto ang mukha at medyo matanda na rin.

Mula sa bulsa, inilabas niya ang black walkie-talkie.

"Requesting for medical back-up. Mitigate the situation. Provide care for casualties. Top priority."

Right. The top priority matters most. Those are people superior to us.

The priority is not to save all of the passengers but to secure the safety of the middle class.

Nung ako na ang bubuhatin, nagtatakang tiningnan ako ng commander. Matalas ang ipinukol niyang titig sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin. Baka mahalata nilang isa akong taga-lower class.

Buti na lang at nakalusot ako sa kanila. Sa ganitong pagkakataon kasi hindi na nila chine-check ang ID na kung saan nakasulat doon kung magkano ang sahod mo kada-buwan at saang class ka nabibilang.

"Stop."

Hinugot ko ang aking hininga. Buhat na ako ng sundalo. Malapit na kaming makababa sa bus pero biglang nagsalita ang commander. Madiin pa rin ang mga tingin niya na pakiramdam ko'y sinusuri niya ang buong pagkato ko.

Namumuo na ang malalamig na pawis sa aking noo. Ang tanging gusto ko lang ay makalabas na dito.

"Ang bag."

Inabot niya sa sundalong bumubuhat sa akin ang dalawa kong bag. Medyo nawala ang bigat na kanina ko pa nararamdaman.

"Thank you," wika ko sa matigas na Ingles. Iniiwasang mautal. Tuluyan akong nakahinga nang maluwag ng tumama ang sikat ng araw.

Ibinababa niya ako sa site kung saan may mga temporary tents para gamutin kaming mga nasugatan.

There are 15 beds with complete amenites. Luckily, isa ako sa mga napasamang mahiga doon at nagamot naman ako ng walang kahirap-hirap. Nilagyan ng nurse ng cast ang aking binti.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Napagpasyahan kong lapitan si Raven na tatlong kama ang layo sa pwesto ko. May pag-iingat akong kumilos, natatakot na baka lumala ang kalagayan ng aking kanang binti.

I called his name. He started to open his eyes. He smiled when he saw me. He seems better now.

"Ayos ka lang ba?"

I hate it.

I hate how people still care for others when they are also hurt. I hate Raven for that. He is too pure.

"Makinig ka Raven," bulong ko nang makalapit at naupo sa may tabi niya.

"Hindi nila pwedeng malaman na nasa lower class tayo. Baka mapalagay ang mga pangalan natin sa blacklist."

Halatang naguguluhan siya sa sinabi ko kaya wala akong nagawa kundi ipaliwanag sa kaniya ang sitwasyong kinalalagyan namin. Luminga-linga pa ako sa paligid at mas lalong hininaan ang boses para walang makarinig sa amin.

"Ibig mong sabihin, kailangan nating magpanggap na kabilang tayo sa mga middle class?"

Tumango ako. Mukhang nakukuha niya na ang ipinupunto ko.

I wonder if we are not found on the seats of middle class. Uunahin pa rin ba kami?

Maswerte pa rin kami ni Raven dahil maayos ang mga damit na suot namin. Presentable. Hindi halatang nagpapanggap lang kami.

Bumalik na ako sa aking higaan. Naghihintay na lang ng hudyat kung kailan kami pwedeng umalis. Pero sa sitwasyon namin ngayon baka mahirapan pa kaming makatakas.

Madaming matang nakamasid. Wala akong magawa kundi ang maghintay ng go signal mula sa medical team.

Kung tutuusin ang mga napuruhan lang talaga ay yung mga nakaupo sa likuran ng bus. Doon may pinakamalakas na impact. I am still lucky.

Si Raven naman ay napaumpog sa bintana. Maayos na siya ngayon. Nahihilo pa rin daw siya pero ayos na naman. Dumadaldal na ulit eh.

Dahil gumewang ang bus sa may malaking pader, napatapon din ako sa tabi kaya napuruhan ang binti ko.

"We have to lessen the patients, Doc."

I heard the head nurse talking to the assigned doctor.

"There are limited beds and the other medical team will be here for about four hours. The only possible way is to send some patients to their families. That way we can also ensure their safety. They are also in middle class..." the nurse explained.

Labinlimang kama lang ang naririto ngayon. Kulang na kulang sa mga middle-class. Isama pa ang mga taong nasa truck pero sa palagay ko mga lower class sila kagaya ko.

"Uhm, excuse me."

Napabaling ang dalawang nag-uusap sa direksiyon ko. Ngumiti ako sa kanilang dalawa bago nagsalita.

"I can volunteer. I mean, we."

"What do you mean?" the doctor asked.

"I can go together with my friend. We're both fine."

Nagliwanag ang mukha ng nurse dahil sa narinig. Sang-ayon sa aking mungkahi. Napa-yes ako sa isipan.

"Are you sure?" the nurse asked still smiling.

"I'm willing to help others," I said convincing them.

Pumayag din ang doktor na umalis kami ni Raven. Before that they insist to check our condition. When everything was done we're ready to go.

Sa pag-aakalang kami'y taga middle class, nag-provide sila ng sasakyan sa amin.

"Saan po kayo?" tanong ng driver. Base sa kaniyang pananagalog, isa siyang taga lower class.

Mostly, the lower class doesn't know how to speak English. Maalam ako dahil minsan na nga rin akong nasa gitna.

"Sa may Ranemo," sagot ko.

Napalingon sa akin si Raven, halatang walang alam sa lugar. Hindi ko na lang siya pinansin. Iyon ay lugar sa siyudad na malapit sa mga Morre.

Naging mapayapa ang byahe. Tatlong oras din ang itinagal namin. Sapat na iyon para makapagpahinga kami mula sa nangyari kanina.

"Wow, ang ganda."

I smirked at Raven. This is his first time in a city.

Inilabas niya ang kaniyang second hand cell phone para kumuha ng mga litrato. Napailing na lang ako.

"Picture tayo, Kesh."

Tumawa siya matapos makita ang picture. Nakasimangot kasi ako at medyo tinakpan ko rin ang aking mukha habang si Raven naman naka-thumbs up.

"Tara na."

Sumunod lang sa akin si Raven. Mabagal ako kung lumakad dahil sa cast na suot.

While walking he tells stories about different stuffs. Humahagalpak pa siya nang malakas. Okay na nga talaga siya.

"Naamoy mo na rin ba?"

Sinulyapan ko si Raven. Namumula na ang mukha niya kakatawa. Naniningkit pa ang mata. Hawak na niya ahg tiyan.

"Sobrang baho ng utot ni Mang Amboy!"

Tumawa na naman siya nang malakas. I gave him a nonchalant shrug.

Parang baliw.

"Tapos heto pa, kilala mo ba iyong maldita naming kapitbahay? Parang tanga! Nakabili lang ng rice cooker, minamaliit na agad kami!"

Tumaas ang kilay ko. Si Frena ang tinutukoy niya. Naalala ko bigla ang pangalan dahil minsan siyang umutang sa akin ng pera pero hindi naman binayaran.

Pinadalhan pa niya nga ako ng sulat na may nakalagay na 'Ang pour mo.'

Luh? Pour daw ako?

Gusto ko sana siyang i-correct, pinigilan ko lang talaga ang sarili ko.

"Kesh, ang galing mo talagang mag-Ingles kanina! Hanga na ako sayo ha. Turuan mo nga ako niyan tapos mag-away tayo sa susunod."

Sumakay na kami sa may tricycle. Itinuto ko sa kaniya ang direksiyon sa bahay ng mga Morre. Nang una'y tumanggi pa siya. Natatakot daw sa mga Morre dahil walang travel pass. Ipinakita ko namang may travel pass kami ni Raven kaya napapayag din namin.

Mag-a-alas tres na ng tanghali nang makarating kami sa mansion. Nagbayad kami ng 100. Tutal malapit lang naman.

Bago makapasok sa loob, dalawang security guard muna ang sasalubong. Ipakikita sa kanila ang travel pass.

They check it thoroughly. Ilang minuto rin kaming nakatayo doon sa huli naman ay pinapasok kami.

Ang bumungad sa amin ay napakagandang mansion. Spanish style ang bahay. Maging ang pader ay masasaliman ang karangyaan. May pathway din papunta sa main door. Sa tabing gilid ng pathway ay mga halaman o ang tinatawag na garden.

It actually looks refreshing.

Inilabas agad ni Raven ang cell phone niya. Kumikinang pa ang kaniyang mga mata. Magse-selfie na naman ata pero agad ko siyang pinigilan. May mga CCTVs dito eh. Isa pa, lahat ng mayroon ang mga elite ay very confidential. Lalong-lalo na sa mga Morre na siyang nakatataas.

Itinour muna kami ni Aling Hyela sa mansion. May siyam na kwarto dito bukod pa sa tutulugan naming mga katulong. Siguro maliit lang ito ng kaunti sa arena. Ganoon kalaki ang mansion na ito kaya maging ako ay hindi mapigilang mamangha.

Ang siyam na kwarto ay para sa mga bisita. Syempre, mayayaman din. Iilan lang daw ang pwedeng pumasok doon at kung lilinisin man dapat ay handled with care.

"Isipin niyo na lang na mas mahalaga ang mga gamit dito kaysa sa buhay niyo."

Iyon ang sabi ni Aling Hyela.

"Raven nga ano?"

Alistong tumango si Raven. Seryosong-seryoso siya ngayon.

"Ang mga asong aalagaan mo ay alaga mismo ng panganay na Morre. Huwag mong hahayaang kalimutang pakainin o kaya naman ay paliguan kung ayaw mong ikaw ang maging aso ng mga Morre."

Natakot si Raven sa naging banta ni Aling Hyela. Siya pala ang cook dito. Pinaliwanag niya pa ang ilang mga bagay. Madami siyang hinabilin. Sinabi niya pa na maswerte raw kami at walang Morre ngayon sa mansion.

Dinala naman niya kami sa may tutuluyan namin. Malaki pa iyon sa bahay ko sa Malaya, ang village na pinanggalingan ko.

Bukod ang kwarto ng mga lalaki sa babae. Dalawang malaking kwarto para sa babae at ganoon rin ang sa mga lalaki. Bawat kwarto ay may tatlong double decks. Anim na katao kada kwarto. May banyo na rin doon.

Madami kaming katulong dito. Given na iyon dahil sobrang laki talaga nitong mansion.

Nagbeep ang cell phone ko na regalo sa akin ni Mama nung naka-graduate ako sa elementary. Napakunot ako nang makita ang numero.

From:095771037**
Kesh, kinakabahan ako. send help :(

P.s. alam ko ang send help

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano niya nakuha ang number ko. Kinalikot niya siguro itong cell phone ko dati. Hindi ko pa rin sine-save ang number niya.

Ang tanging nakasave lang sa contacts ko ay ang number ni Mama. Dahil lagi din namang nagte-text sa akin si Raven, isinave ko na din ang kaniyang numero.

Nagreply ako sa kaniya.

Raven Wilfred

Help

Hala, nagsend ka nga ng help


"Anong pangalan mo?" tanong sa akin ng babae na kasing edad ko rin ata o mas matanda siya?

Katamtaman ang puti niya. Mahaba ang brown na buhok at may katangusan din ang ilong. Mataba ang kaniyang mga pisngi.

She looks so jolly. Bagay sila ni Raven.

"Darlyn Kesh," sagot ko.

"Ah, Dark kapag pinaikli? Sige, Dark na lang tawag ko sayo. Ako naman si Mela."

I never knew that even here in the city I would be called as Dark.

Nagpanic si Mela ng biglang narinig ang mahabang tunog na parang may sunog. Maging ako ay nagulat.

"Tangina, Dark! Bilisan mo. Magpalit ka ng uniform natin. Nandiyan na siya!"

Naguguluhan man ay sinunod ko na rin ang sinabi ni Mela. Plano ko pa naman sanang kumain.

Nahirapan ako dahil sa cast. Kaming dalawa lang ni Mela ang nandito, ang iba ay nagtatrabaho pa.

"Bilis! Bilis!"

Adrenaline rushed into my system. Ano bang nangyayari?

"Nandiyan na si Sir Ern!"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Si Ernest Andrei Morre?!"

Akala ko ba walang Morre na dadating?

"Sorry, Dark! Kailangan ko ng umalis. Sa main door ka pumunta."

Iniwanan niya na ako. Mas binilisan ko ang pag-aayos. Mas lalo akong nagtagal dahil sa binti ko na kumikirot pa.
Gusto ko mang takbuhin ang main door ngunit hindi ko magawa.

"Where are the others?!"

Isang sigaw ang bumalot sa mansion. It's like a thunder full of power and authority.

From that very moment, I just realize that...

I am trouble.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro