Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2


"Pwede pong sukatin?" turo ko sa maroon off-shoulder dress. Buti na lang pumayag si Aling Nene.

Sikat siyang mananahi dahil kahit na mura ang damit iba naman ang kalidad ng mga ito. Idagdag pa na ang ganda ng mga telang ginagamit niya.

Sa huli, nagdesisyon akong bumili ng tatlong dress sa halagang 500 pesos. Nakadiscount pa ako dahil dati na rin akong naging mananahi ni Aling Nene. Kaya dito ko rin pinipiling mamili dahil may voucher kaming pwedeng gamitin ng limang beses.

"Iha, tama ba ang narinig ko na magtatrabaho ka raw sa mga Morre?"

Itinago ko ang gulat sa aking mukha. Hindi ako kinakausap ni Aling Nene. She barely speaks up with me. Before, she would only ask if I'm done with my job.

Tumango na lang ako bilang sagot. Mukhang napaka-big deal ng pagtatrabaho ko.

Tuwing napapadaan pa ako sa mga taong umpukan, naririnig ko ang pangalan ko. Usap-usapan! Kapag lumilingon ako sa grupo, ang iba'y naiwas ng tingin. Ang iba nama'y patuloy pa rin sa pagkwe-kwentuhan.

Kakabingi na. Sobrang sakit sa tainga. Tiniis ko na lang. Routine na nila iyon.

"Hoy, Dark!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Mang Amboy pala. Kabilang siya sa lower class. Ang trabaho niya ay nagtatahi ng mga sapatos sa kalye. Minsan tumatanggap din siya ng mga sirang payong para kumpunihin.

"Totoo ba?" bungad na tanong niya sa akin.

Wala man siyang binabanggit, alam ko na agad ang tinutukoy niya.

Funny how I become popular whenever something is up with me. Right now, I am talk of the town as they consider me as their target concern.

Tinanguhan ko na lang din siya. Ayaw kong humaba pa ang usapan. Bukas na ang luwas ko. Kailangan ko pang ihanda ang ilang mga bagay. Kagaya ng travel pass bilang identification.

Nagsimula na akong maglakad ulit at narinig ko pang sumigaw si Mang Amboy.

"Balato ko!"

Natawa ako. 'Ni hindi nga kami close. Sadyang kakilala ko siya dahil bago sumapit ang bahay namin, madadaanan ko muna ang bahay niya.

Napatingin ako sa pangalan ng two-storey building. 'Now I see you'

Nandito ako ngayon para kumuha ng picture. Kailangang idikit sa travel pass.

Pumasok ako sa comfort room para magpalit ng off-shoulder dress. Binasa ko ang aking labi at sinuklay ang buhok ko gamit ang aking kamay. Napangiwi ako sa ganit ng buhok ko.

I stared at the mirror. My black hair is now touching my shoulders. I used to have a short hair when I was welcomed in lower class. Madalas kong gupitan ang buhok ko para na rin maaliwas kung tingnan.

Kasama iyon sa rule. Mandatory na magpagupit ang mga babae ng apple cut samantalang ang mga lalaki naman ay nagpapakalbo. Uno pa nga ang gupit. Pero ang iba ay hindi iyon ginagawa sapagkat sila'y ipinanganak ng mahirap.

Halos 20 minuto rin ang nailagi ko sa comfort room. Naglagay pa ako ng pulbo na nabili ko kanina.

"One, two, three..."

A genuine smiled plastered on my face. Totoong ngiti na minsan lang makikita ng iba. Sa wakas, malapit ko ng makamit ang mga bagay na ipinagkait sa akin. Sa amin.

Binayaran ko ang 1 by 1 picture sa halagang 50 pesos. Dalawang copy lang iyon. Overpricing.

Wala naman akong nagawa kung hindi magbayad. Maraming mata ang nakatingin sa akin at simpleng hindi pagbabayad o kulang ang bayad, may naghihintay agad na parusa.

At dahil sa lagay ko sa lipunan, swertehan na lang kung isang taon ang piyansa sa kulungan.

Matinik ang mga mata ng opisyales sa 'gaya kong hamak na mahirap.

We are under controlled by the system and we act according to it.

"Oh, lapat-lapat. Kasya pa ang isa."

Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Isiniksik ko ang sarili ko sa upuan. Sampuan lang dapat sa magkabilang banda ang upo sa jeep na ito pero ang laman siguro ngayon ay aabot sa 26. Ang jeep ay pampublikong sasakyan na para sa mga lower class lang.

Pawis na pawis ako. Suot-suot ko pa rin ang off-shoulder dress. May ilang napapatingin sa akin. Sa kabilang banda ay nakita ko ang lalaki na malagkit ang tingin aa akin. Mas matanda siguro siya ng ilang taon sa akin. Awtomatikong tumaas ang kilay ko.

Inilagay ko ang bitbit na gray tote bag sa binti ko. Ang kanang kamay ay nakahawak sa bakal bilang suporta sa bigat ko kaya minsan napapa-angat ang suot kong bestida. Kahit sa lower class mayroon pa rin talagang mga taong mapang-abuso.

Huminto ang jeep sa may kalsada. Akala ko mababawasan na kami pero hindi pa pala. Tumigil iyon dahil may mga kagaya rin namin. Sila ay naghihintay sa waiting shed. Sa itsura pa lang, mahahalata mo ang agwat naming mga mahihirap mula sa middle at upper class.

"Psst."

Marami ang napalingon sa sumitsit. Maging ako ay napatingin. Nakita ko si Raven. Kaswal ang suot niya. Malayong-malayo sa itsura niyang laging nakasuot ng lumang jersey shorts at sando. Nagpapicture rin ata siya sa kabilang baryo.

Walang pasabing umandar ang jeep, ang mga sakay ay napatagilid. Agad akong kumapit. Muntik pa akong mahulog mula sa kinauupuan. Mas lalo tuloy akong pinagpawisan.

Grabe naman kasi! Kailan ba aalis ang mga pasahero?

Nagulat ako nang umupo si Raven sa may sahig. Sa harap ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko. Naguguluhan. Mas mahirap lalong magbalanse kapag nakaupo siya doon lalo na't wala naman siyang makapitan.

"Nakakapagod sumabit," seryosong sabi niya. Inayos niya ang tote bag na nasa lap ko pa rin.

Napalingon ako sa lalaking tumitingin sa akin kanina. Mukhang wala na siyang makita dahil nakaharang ang likod ni Raven sa direksiyong iyon.

"Pawis," sabi niya sabay abot sa akin ng puting towel. Tinanggap ko iyon.

Matapos huminto ulit ng jeep doon na lumuwag-lumuwag. May ilan na nag-unahan pa sa pagbaba. Pinaupo ko na rin si Raven sa may tabi ko.

Napatingin sa akin si Raven. Pagkatapos, umiwas din ng tingin.

"Saan ang baba mo?"

"Sa may sakayan ng tricycle," sagot ko. Plano kong maglakad papunta sa bahay para makatipid sa pamasahe.

"Sige. Hatid na kita."

"Huwag na magtatricycle ako. Sayang pamasahe mo." I lied.

"May pera pa naman ako," giit niya. Ipinakita ang ilang mga barya. Napairap ako sa sagot niya.

Pagkababa namin sa jeep, sinabi ko kay Raven na maglakad na lang kami. Pinaalalahanan ko ang sarili na magtipid. Dagdag ipon para sa pag-aaral ko.

Ang kulit niya kasi. Since day 1 na nakilala ko siya, he insisted to be friend with me. I declined. I don't want to be attached with people.

Baka mang-iwan na naman. Ako lang ulit ang matitira. At least now, I learned to be on a solitude mode.

Sobrang hirap dahil sanay akong katulong si Mama sa lahat ng bagay.

"Ano na namang pakay mo?" tanong ko. May hawak si Raven na kahoy na napulot niya kung saan. Napailing ako dahil bitbit niya ito hanggang sa makarating kami sa bahay.

Maliit lang ang tinutuluyan ko. Pang-isahang tao. Gawa sa kahoy. Ang tanging nakasemento lang ay sahig. Dating may nakatira raw dito at ngayon naman ay naninilbihan rin sa isang elite.

People in the upper class are using the poor to be their workers. Kapag may nag-offer, magandang tanggapin iyon dahil malaki talaga ang sahod. Tax free.  Provided na nila.

Sa estado namin, kahit walang-wala kang pera, may buwis na babayaran. Obligadong magbayad ng buwis kahit anong trabahong mayroon ka. Diskarte na nga lang kung paano kumita ng pera.

May mga pagkakataon na hindi nakakapagbayad ang iba kaya papipiliin ka kung gusto mong makulong o kaya'y magtrabaho sa bukid ng walang sahod.

Sabi ng opisyales na isang karapatan ang pagpili kaya may dalawang options.

However, the options are harsh that freedom seems so worthless.

"Sabi ni Nanay doon ka raw muna tumigil sa amin para malapit sa terminal at sabay naman daw tayong luluwas."

Pumayag na rin ako sa gusto ni Aling Myrna. May punto naman siya.

Kahapon ko pa naihanda ang mga damit na dadalhin ko bukas. Inilagay ko na lang din ang mga pinamili ko kanina sa bag. Inayos ko na rin ang travel pass.

Nagsaing muna ako ng kanin at nagpatong na rin ng itlog. Mahaba ang biyahe bukas at mahirap bumili ng pagkain sa siyudad kaya nagluto na lang din ako.

"Bakit biglaan ang pagtatrabaho mo? At sa mga Morre pa?"

Kita ko ang gulat sa mukha ni Raven matapos ko iyong tanungin ngunit mabilis niya iyong itinago.

"May pangarap din ako, Kesh."

Lahat naman ng tao may pangarap. Ang masaklap hindi lahat may kakayahang abutin ang mga ito.

The system limits our capability.

"Ikaw? Bakit sa Morre?" tanong niya pabalik.

Actually, wala naman akong pakielam kung kahit kanino ako magtrabaho. Lahat ng nakatataas, iba ang trato sa amin kaya hindi ako masyadong takot. Pare-parehas sila.

"Malaki ang sahod, eh," pagsasabi ko ng totoo. Kaya naman ako magtatrabaho dahil sa pera.

In this time where the status of one's person is evaluated in money, I have to move step forward and make money.

I'm 20. I should be on school, holding my pen while listening to lecture yet I am forced to take another path. To take this path.

"Buti napilit ka ni Raven," nakangiting sambit ni Aling Myrna.

Sometimes, she reminded me of my mother. The way she smiles at me, the way she cares for Raven.

"Kumain muna kayo. Nagluto ako ng sinaing na tulingan. Gabi na rin naman. Tiyak na gutom na kayong dalawa."

Nagdasal muna sila bago kumain. Itinungo ko ang aking ulo bilang paggalang. Pagkatapos, nagsimula na kaming kumain. Nagtatawanan pa ang dalawa habang kumakain.

They are so brave. They can still smile despite of everything they go through.

Bago matulog naghabilin pa si Aling Myrna kapag tumuntong daw kami sa siyudad. Lahat naman ng iyon ay alam ko na dahil dati akong kabilang sa middle class.

"Basta ha, ingatan niyong huwag mapasama sa blacklist."

Iyon ang kailangan naming iwasan. Ang mapasama sa blacklist. Once someone is blacklisted, there's no opportunity waiting on your door.

Sa madaling salita, walang chance na umangat ka sa lipunan. Mananatili kang nasa lower class.

At iyon ang dapat kong iwasan. Masisira ang plano kapag nangyari iyon.

I sighed heavily. Hindi ako mapakali. Nakahiga na ako ngayon. Hindi na rin ako makatulog sa kakaisip kung anong mangyayari sa akin sa siyudad. Sa kamay ng mga Morre.

"Gising na, Kesh. Baka maiwan tayo ng bus."

Napabalikwas ako ng bangon matapos kong marinig si Raven. Bihis na bihis siya ngayon. Maayos na siyang tingnan samantalang ako may muta pa sa mata.

Hindi na ako nag-abalang kumain pa tutal may baon na rin akong pagkain. Binilisan ko ang pagligo. Muntik pang mahulog sa basang sahig ang aking bestida dahil maliit lang ang espasyo ng banyo nina Raven.

I'm wearing a gray dress. Natatakluban non ang tuhod ko. Nagsuot din ako ng flat sandals na nabili ko sa tiangge sa halagang 90.

Isinukbit ko na ang aking bag. Dalawang bag ang dala-dala ko ngayon.  Ang isa'y tote bag na lagi kong bitbit. Bigay sa akin ni Mama iyon.

"Tara na."

Nagpaalam na si Raven kay Aling Myrna. Mangiyak-ngiyak pa nga siya dahil isang taon niya ring hindi makikita ang anak. Tumango lang ako sa kaniya bilang paalam.

Pansin kong malalim ang iniisip ni Raven. 'Ni hindi niya nga napansin na nasa may harap na kami ng terminal.

"Kung gusto mong mag-back-out, tumakbo ka na."

"Hindi. Nag-aalala lang ako kay Nanay. Walang magtatanggol sa kaniya." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses.

Sumakay na siya sa may bus pero bago iyon kailangan munang ipakita ang travel pass sa konduktor. Sa may right side, mga lower class ang pwedeng umupo tapos sa left naman middle class. Ang mga nasa upper class, may kaniya-kaniyang sasakyan. They never experience the inconvenience of commuting.

Naupo kami sa may pinakaunahan. Tahimik pa rin si Raven. Hindi ko na lang din siya pinansin.

Sa gitna ng byahe, nagmamasid-masid ako sa paligid. Dalawang oras na ang biyahe. Malayo pa sa siyudad.

Natigil ang pagmamasid ko ng biglang may tumunog na malakas. Nakakabinging sigaw ang narinig ko. Pati ako ay napasigaw.

Sumalpok sa amin ang malaking truck na nagdulot ng pagtumba patagilid ng bus sa may mataas na pader.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan at natutuliro. Tumilapon ako sa side ng mga taga-middle class. Nahihilo ako. Gusto kong tumayo pero parang namamanhid ang mga binti ko.

I never expect this to happen. I wanted to close my eyes but...

I saw Raven reaching for my hand.

I moved aside. Hindi ko na ininda ang sakit na nararamdaman.

Nilaksan ko ang loob at hinatak si Raven papalapit sa akin. Sobrang bigat niya. Pagod na pagod akong umupo. Katabi ko na si Raven na ngayon ay tumutulo ang dugo sa may noo.

Because in an accident like this, the top priority is not us.

It's the middle class.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro