
Kabanata 1
"Grabe! Mukha siyang dagang binihisan! So dirty. So kadiri," natatawang wika ni Ellen.
Napatingin ako sa damit ko na tinagpian ng mga retaso dahil butas na ito. Napangiti ako nang mapait. Akmang aalis na ako pero biglang may humawak sa aking braso.
Sinulyapan ko si Felly, mas nilaliman niya ang hawak sa akin. Ramdam na ramdam ko ang matutulis niyang kuko. Parang anytime ay may lalabas na dugo sa tindi ng lakas na ginagamit niya huwag lang akong makawala.
"Napipi ka na ba?" bulong niya sa tainga ko.
Nagbingi-bingihan ako. Hindi sila pinapansin. Natatakot sa susunod na mangyari.
"You know what? I really pity you."
I know.
Paulit-ulit nilang ipinamumukha sa akin na hindi ako kabilang sa mundo nila. Pasimple kong ikinuyom ang aking kanang kamay.
"What's with the face? Lalabanan mo na ba kami?"
Halos itapon ako ni Felly nang binitawan niya ang aking braso. I looked at my bare reddened arms. Mahapdi na iyon.
"Fight us, Dark! Well, I know you can't. You're such a talunan," Ellen shouted like a mad woman.
Sometimes, I couldn't understand them. Ano bang makukuha nila sa akin pagkatapos ng lahat ng ito? Is it contentment? Perhaps, fulfillment?
Siguro nga dahil doon.
I am now merely surviving to be a toy for anyone's entertainment.
Natawa ako sa iniisip. What a society!
"Anong itinatawa-tawa mo?" Halata na ang gigil sa boses ni Felly. Mas lalo tuloy akong natawa.
I couldn't hold back my anger, frustation and irritation. It's like the only answer is to see them suffer. Just for a moment. Just for today.
Mas nilakasan ko pa ang tawa ko. Mukha na silang naaasar sa inaasta ko. Maluha-luha akong tumigil at tiningnan sila ng may seryoso ng mukha.
Felly is standing confidently with dark make-up and her signature lips: putting a matte shade lipstick. On her side, Ellen, even she's tall she uses her five inch heels. Irritation is evident on their faces.
Pinigilan kong matawa ulit.
"Ni hindi ko nga kayo nalapatan ng daliri, anong mali sa pagtawa?"
I burst again into laughter when Felly started to roll her eyes. Hindi bagay sa kaniya.
"Just reminding you that every corner has eyes and ears," Felly stated the obvious. I know everything more than she does though.
Sumang-ayon sa kaniya si Ellen sabay turo sa may poste na kung saan may naka-activate na CCTV. Tiningnan ko pa iyon. Napabuntong-hininga ako.
I feared everything and anyone in this village because of that camera. You have security but no privacy. And I prefer the latter.
Sa village na ito, not only in this village, but on this whole nation, lahat namo-monitor. Bawat galaw. Bawat maling galaw may parusa... and the one who has privilege?
The upper class or the rich.
Kapag may pera ka, may sandata ka. Money manipulates. It offer privileges.
Classes in the society are classified into three: upper, middle and lower class.
Sa upper class, bumubuhos ang limpak na ligaya dahil sa pera. Nasa kamay mo ang lahat kasi nga may pribilehiyo ka. They have the privileges to change the monetary system and rule the village. And worst? The rich can use people to be their dogs.
Iba naman sa middle class, dito naman may connection. You use your connection regardless of having a money or not. Connection matters, ika nga.
Connection has powers, it silences and makes everything go through but once the connection fades, it changes everything.
Mawawala ang lahat ng mayroon sayo dahil sa isang sistema.
At mas lalong ibang-iba kaming mga taga-lower class. Kakaunti ang oportunidad kapag kasali ka sa grupong ito. Because of the monetary system made by the upper class, we were classified as the poor.
Mayroon pang travel pass kung pupunta man kami sa lugar na sabi ng iba'y hindi raw kami belong. Kagaya na lang ng mga malls, cities, public library and such.
Sa monetary system na kung saan pera lang talaga ang pinaiiral, nawawalan kami ng kakayahan na gawin ang gusto naming gawin. Kaya kaawa-awa ang tingin ng nakararami sa amin.
Ganito pinapatakbo ang lugar namin. Naniniwala ang ilan na kayang disiplinahin ng pera ang tao. Pero hindi ako kabilang sa ilan.
They would go out of the boundaries just to please and make them their people. Napaka-immature ng mga mayayaman.
I used to live in such a fancy house. I used to have a normal life. I used to be in the middle but when we lose our connection, it was my greatest downfall.
Nawala sa akin ang lahat. Nawala ang mga bagay na kailanma'y hindi nabibili ng pera. Ang mga kaibigan ko at si Mama na tanging kasa-kasama ko'y di ko inakalang malalagay sa isang sitwasyon na puputol sa pisi ng koneksiyon.
But never did I wish to be on the upper class, thinking of those things make me want to puke.
All I want now is to study, babalikan ko pa si Mama.
"Hoy, Dark! Akala ko ba lalabanan mo kami? Are you afraid?"
I sighed heavily. Hanggang kailan ba ito matatapos?
Once again, I looked at their faces. All of a sudden, the old good memories started to flash. Nagkasakay kami sa may duyan, magaan ang pakiramdam at parang walang iniisip na problema.
"It is indeed true that today's ally will be tomorrow's enemy."
Pagkatapos kong sabihin iyon, mabilis akong tumakbo para takasan sila. Nakakapagod din ang lumaban. Lalo na kapag mag-isa ka lang.
Nang makalayo, binilisan ko na ang paglalakad lalo't maggagabi na. Kahit na sabihing bantay-sarado ang mga kalsada at eskinita ng CCTVs, wala pa ring katiyakan kaming mga nasa lower class. More likely, they are protecting the preeminence, the rich.
One time, a lower class was proven guilty in court but he's not really guilty of the crime. It was a well-planned plot. The man was now on jail. Framed-up because of the concealment on the recorded video.
Ang galing, 'di ba?
Hindi ko namalayan na nasa may tapat na pala ako ng bahay. Binalot ako ng pagtataka ng makitang bukas ang ilaw sa munti kong tinutuluyan. Hindi ko iniwang bukas ang ilaw, pagkaalis ko kanina. May nakita akong malaking bato sa tabi. Pinulot ko iyon.
Bihira lang ang may pumunta dito dahil liblib itong lugar.
Maingat at dahan-dahan akong naglakad para hindi marinig ang aking mga yabag.
Pipihitin ko na sana ang makalawang na seruda ng pinto pero mula sa bukas na binatana nakita ko ang anino ng lalaki. Hindi ko alam ang gagawin. Tatakbo ba ako o magtatago?
Dahil siya ay lalaki, siguradong mas malakas siya sa akin.
Hinanda ko ang sarili, hinigpitan ko ang hawak sa malaking bato. May pag-iingat pa ring binuksan ang pinto, tatakbo na sana ako sa lalaki pero bigla itong lumingon sa akin.
Nabitawan ko ang hawak.
"Raven," naiwika ko na lamang. Akala ko kung sino na.
"Luh? Bakit may hawak kang bato?" nagtatakang tanong niya sa akin. Kagaya ko, kabilang din siya sa lower class.
"Wala. Mamamatay sana ako ng daga. Nagkakanda-butas na eh." Pagdadahilan ko pa. Mukha naman siyang naniwala.
Grabe! Hindi ko maitatangging kinabahan ako nang sobra. Si Raven lang pala.
"Napadalaw ka?"
"Ah, oo. Balita ko pumayag ka raw na manilbihan sa mga Morre?"
Nasamid ako sa pag-inom. Kanino niya naman kaya nabalitaan iyon? Samantalang kaninang umaga pa lang ako nakapagdesisyon. Ang bilis talaga kumalat. Siguro dahil matunog ang Morre?
"Kailangan kong mag-aral..."
Tumango-tango si Raven. Tiningnan niya pa ako pero bigla ring umiwas ng tingin. I stared at him. His dark complexion blended well on his features. Kung hindi lang ganito ang lipunan, swak na swak ang timpla niya sa masa. But society as it is, your status first before anything else.
"Bantayan mo na lang muna itong bahay habang wala ako," bilin ko sa kaniya. Hindi pa rin ako sigurado kung babalik pa nga ba ako dito.
Sobrang hirap kasi eh. Pinakadulo itong lugar namin, malayong-malayo sa kabihasnan. Bago pa ako makaluwas, ang dami pang dapat pagdaanan. Pinakasentro naman ang mga taga-upper class. Hindi sila kalat-kalat. Kung ikukumpara sa amin na kung saan-saan mo lang makikita maliban na nga lang talaga sa teritoryo ng mga mayayaman.
"Kailan ba simula mo?" tanong niya ulit. Nakahiga na siya sa may kahoy kong upuan. Pinagkakasya ang kaniyang sarili. Pinalo ko nga para umayos na lang ng upo.
"Sa Martes na. Dalawang araw na lang simula ngayon."
Malapit na nga pala. Bigla kong naalala na bumili ng mga damit. Kakaunti ang mga matitino kong damit, iyong iba puro may butas pa.
"Ang bilis naman pala. Hindi ba sila malulupit? Baka alipustahin ka? Sila ang pinakamakapangyarihan. Sila ang namumuno."
Naisip ko na rin ang bagay na iyon. Malaki ang chance na pagbuhatan nila ako ng kamay dahil iba ang kanilang kinabibilangan. Wala naman akong choice kundi tanggapin pa rin ang offer na iyon. Malaki ang sahod. Mapapaaral ko ang sarili ko. Makakahanap ako ng trabaho. Higit sa lahat, mailalabas ko si Mama.
"Ayos lang. Kailangan ko talaga iyon... sayang naman kung tatanggihan ko? Isa pa, alam ko naman ang karapatan ko," wika ko, nag-aalinlangan pa rin.
The Morre's power is on another level. Hindi sila typical na mga politicians. Iyon ang bali-balita at totoo nga naman dahil sa pamamalakad pa lang nila, ibang-iba na.
"Karapatan? Alam mo ang karapatan natin, Kesh. Iba ang karapatan ng mahirap sa mayaman."
Oo nga pala. Ganito nga pala tumakbo ang mundo. Hindi balanse.
"Bahala na. Basta mag-aaral ako."
Desidido na ako. Whether something bad is bound to happen, I'm going to achieve my goal. The system is definitely my face-off but I am fueled with my utmost will.
"May sasabihin din pala ako."
Kumuha muna ako ng cup noodles at binigyan na rin siya ng isa pa.
"Ano iyon?" tanong ko sa kaniya habang hawak ang termos at nilalagyan ng mainit na tubig ang cup noodles. Napadaing ako ng biglang nagsala ang lagay dahil sa sinabi ni Raven.
"Sasama nga pala ako sayo."
"Ha? Ano? Paano nangyari iyon? May pass ka na rin?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya. Naguguluhan. Bakit biglaan?
"Magtatrabaho na din ako. Hardinero at taga linis ng mga aso ng mga Morre..." paliwanag niya sa akin. Ako naman ay nanatiling nakatingin sa kaniya at nagtataka. Bakit kailangang sa mga Morre pa?
"Anong dahilan mo?"
Kumain muna siya ng noodles at animo'y naghahanap ng maidadahilan. Bago siya makasagot, pinangunahan ko na uli siya.
"Sinusundan mo ba ako?"
Naidura niya ang noodles sa may maliit na lamesa. Pati ako'y nagulat. Namula ang kaniyang dalawang tainga. Binigyan ko siya ng tubig ngunit hindi niya iyon tinanggap.
"Hindi, ah!" tanggi niya agad. Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan. Nakakapagtaka lang talaga at sa mga Morre pa niya napiling manilbihan.
"Dapat lang. Hindi ko kailangan ng taong susuporta sa akin. Kaya ko na ang sarili ko."
Dahil doon, natahimik kaming dalawa. Tanging mga tunog lang ng kutsara na minsan lang kung dumampi sa cup ang naririnig namin.
Since the day I registered to be a lower class, I realized one thing. No matter how many people you have on your side, if things go wrong, they will leave you without considering the goodness you have done for them, the connections or the bond you shared together... they will step forward and never look out on you.
Because that's what exactly happen to me.
That's how I started to lose the sparks within me, the light, the every possible hope...
Ako nga si Dark. Isang solusyon lang para muling lumiwanag ang buhay ko... ang maging maayos ang lahat. Bago iyon dapat may pagbabago ng sistema.
That way, I could no longer be called as Dark. I will revive my name. Darlyn Kesh Endozo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro