Prolouge
'BALOT PENOY!" iyan ang lagi niyang sinisigaw sa gabi.
Dahil sa hirap ng buhay ay siya'y nagtinda nalang ng balot para sa sarili niya, maaga kaseng nawala ang kanyang magulang ng dahil sa bagyo.
Upang matustusan ang pangangailangan ay nagtyaga siyang magtinda ng balot tuwing gabi kahit hindi maganda sa isang babae na nagtitinda ng gabi.
Hindi niya iniisip ito, basta ang lagi niyang sinasabe na 'Kaya ko to! Para sa furure."
Si Anna Liah Mae kase ay isang simpleng babae na may pangarap. Sa malaanghel niyang mukha, magandang hubog na katawan ay hindi maiwasan na may bumastos at magkagusto sa kanya.
"Bili kana kuya, balot!"
Hindi niya alintana ang matang nanlilisik sa kanyang sariwang katawan, tila gusto siyang gawing hapunan ngayong gabi.
Pero, umalis nalang ito dahil naramdaman niyang walang balak bumili ang lalaki.
Hindi mahirap ang trabahong ito, iyan ang laging sinasabe ni Anna. Dahil agad din naman itong nauubos minsan paglabas niya palang ng bahay ay nauubos na agad ang kanyang paninda pero ngayon, naging mahina ang kanyang benta.
'Wala ata ngayon ang mga suki ko'
Bulong nito sa kanyang sarili, kaya inabot siya ng madaling araw sa paglalako ng balot, mabuti nalang ay tumigil na siya sa pag-aaral kaya hindi hassle.
'Miss?'
Tawag sa kanya ng isang lalaki na may malaanghel na mukha, mukha pa itong mayaman. Nahihiya man ay lumapit padin siya upang alukin ng balot.
'Bibili ka ba sir?'
Tumango ang lalaki, at binili ang lahat ng natira niyang balot. Iaabot na sana ng lalaki ang pera pero sinadya niya itong ilaglag para masilayan ang maganda at maputis ng dalaga.
Napansin ito ng dalaga kaya nasigawan niya ito ng 'Manyak'.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro