Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 9

"KAMUSTA naman ang paglabas niyong dalawa nung lalaki.."natulala siya sa kaharap ng magtanong ito tungkol kay Emigo, ngumiti siya ng makabawi. "... boyfriend mo ba 'yon?"

"Bakit mo naman naitanong 'yan, Felix?" naging malikot ang mata ni Felix kaya kumunot ang noo niya. "Nagseselos ka ba?" gusto niyang matawa sa naging tanong niya, masyadong mahaba ang buhok niya para tanungin ng ganoon si Felix.

"Oo." nagtanong pa siya kung alam naman na niya ang magiging sagot ni Felix. Pero hanggang kaibigan lang ang tingin niya doon. "Bakit hindi nalang ako, Anna."

"Kaibigan kita. At naging mahalaga ka na sa akin kahit na noon ay loko-loko ka." pilit niyang pinapagaan ang atmopshere na lumuluob sa kanila ngayon.

"Hindi lang ako pang-kaibigan lang, Anna. Dahil mas kaya kong higitan ang mga ibinibigay sa'yo ng lalaki na 'yon."

"Naririnig mo ba sinasabi mo, Felix. Umayos ka nga, aalis na ako." tumalikod na siya para umalis pero hinila siya ni Felix at nanlaki ang mata niya ng maglapat ang kanilang mga labi.

"Nice scene." itinulak niya si Felix ng marinig ang boses ni Emigo sa likod nila. Seryoso lang itong nakatingin sa kanila. "Ituloy niyo pa at masyado akong nag-eenjoy."

Hinarap niya muna si Felix bago lumapit kay Emigo. "Let me explain." hindi na niya inantay na sumagot si Emigo dahil hinila na niya ito papunta sa bahay niya. At nang makapasok ay hinarap niya ito sa kanya. "Mali 'yong nakita mo, hinila niya ako tapos"

"I don't need your fucking explanation, I saw it naman kung gaano tumagal ang labi mo sa labi niya." lumayo sa kanya ang binata kaya nang-init ang kanyang mata at tuluyan na ngang lumabas ang mga luha niya. "Hindi ka pa ba kuntento sa akin para magpahalik pa sa iba."

Mabilis siyang kumilos para sampalin ang kausap, sino ito para timbangin ang pagiging kuntento niya sa isang tao. "Wala pa sa kalahati ng nakita mo ang talagang nangyari para sabihin mo sa akin na hindi ako kuntento sa'yo. Sino ba ako para sa'yo, ano mo ba ako?" walang imik ang binata kaya pinili niyang lapitan ito.

"Pampalipas oras mo lang ba ako, Emigo." masakit para sa kanya na itanong ang ganoon sa lalaki dahil baka sampalin siya ng katotohanan na, oo pampalipas lang siya. Hindi niya kayang marinig ito sa taong kaharap niya. "Ano sumagot ka?"

"Oo." natigilan siya, mas lalo siyang napaiyak. "Pampalipas oras lang kita, ganaan ba gusto mong marinig sa akin. Ganaan ba tingin mo sa akin para maisip mo na pampalipas oras lang kita. Hindi ako pupunta dito para lang sa pampalipas oras na sinasabi mo."

"Excited ako palagi kapag pinupuntahan ka tapos makikita kitang may kahalikang ibang lalaki. How sweet, paano naman ako?" mas naiyak siya sa naging reaksyon ni Emigo, malungkot na itong nakatingin sa kanya. Gusto niya itong yakapin sa mga oras na ito pero wala sa katawan niya ang pagkilos. Nakatingin lamang siya sa binata.

"Hindi naman kasi ganoon ang nangyari, aalis na ako ng hilahin niya ako para halikan." gusto niyang isigaw dito ang katotohanang iyon pero maski dila niya ay umatras.

"Hindi mo ba gustong sagutin ang tanong ko?"

"Gusto kita, ah mali. Mahal na kita Emigo kaya masakit para sa akin na pag-isipan mo akong hindi ako naging kuntento sa'yo." sa wakas nasagot niya din ang tanong ni Emigo sa kanya.

"Mahal mo ako pero nagpahalik ka sa iba."

"Binigla ako, Emigo. Dala ng gulat kaya tumagal ang labi ko sa kanya. Do you really understand what im saying?" nakaramdam siya ng pagod sa pakikipag-usap kay Emigo, paikot-ikot silang dalawa. Naguguluhan na siya masyadong masakit sa ulo ang pinag-uusapan nila.

"If you really love me, just prove it." nang magkalakas ng loob ay hinapit niya ito at siniil ng halik. Naging anino siya ng sarili niyang katawan kaya marahas niyang itinulak ang lalaki sa kama.

"Sa tingin mo ba ito ang gusto kong gawain mo." napatigil siya sa pagbubukas ng zipper at napatingin kay Emigo. "I want you to be mine forever."

"Ha?" nalilito siya sa sinasabi ng kausap, mas lalong sumasakit ulo niya.

"Will you be my girlfriend, officially?" hinapit siya nang binata pahiga sa tabi nito. "If you say yes, let's rock now."

Si Emigo ang pumaibabaw sa kanya ngayon kaya nagulat siya, "What is your answer?"

"Uh, yes." hindi pa siya nakakabawi ng siilin na siya ng halik ni Emigo, nagpatinuod na lamang siya sa nararamdaman niya ngayon. Sa ngayon sa kanya na ng buo ang binata, at nakakasigurado na siyang may label silang dalawa.

Ito naman ang gusto niyang marinig sa lalaki, na yayain siyang maging kabiyak. Kagalakan para sa katulad niya ang maging nobya ng taong sumasakop sa kanya ngayon. "I love you, señorita."

"I love you too, ginoo." magdamag siyang inangkin ng binata sa iba't-ibang parte ng bahay niya. Kahit masakit na ang katawan ay nagpadala pa din siya, kakaiba ang apoy kapag ginagawa nila ni Emigo ang bagay na ito.

"I'm so glad to be you, i'm not into promises. But, for you mangangako ako na ikaw lang ang babaeng siyang tatakbo sa puso't-isip ko." kinikilig siya ngayon kaya para hindi makita ng binata ang kanyang pamumula ay sumubsob siya sa dibdib ng binata. "Huwag ka nga lang mapapagod."

"Walang rason para mapagod, lalo na't ikaw ang siyang nagbibigay rason para maging masaya ako." nag-angat siya ng tingin ng sabihin niya iyon. Masyado na siyang na-attached sa lalaking ito at ang hirap pigilan ng nararamdaman niya ngayon.

"Kainin mo ako." bulong sa kanya ni Emigo kaya pabiro niya itong nahampas sa dibdib. "Kakainin lang naman, ang damot mo." natawa siya sa kalokohang taglay ng binata, kahit na literal na maloko ito ay masasabi niyang minahal niya ito dahil sa kabutihan nito ng loob.

"Ikaw nalang ang kumain sa akin, Emigo. Kainin mo ako." dala ng nararamdaman ay pabiro niyang hinawakan ang ipinagyayabang nitong pagkalalaki at humalik sa lalaki.

"Sa susunod subukan natin na may balot sa ibabaw mo."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro