Part 8
MAGANDA ang gising niya dahil sa ipinaramdam na espesyal sa kaniya ni Emigo kagabi kaya ito siya ngayon nagwawalis sa harapan niya. Pakiramdam niya ay gusto niyang magsipag sa ibang larangan, inayos din niya ang mga tanim na matagal niyang hindi ginalaw.
Masaya siya sa ginagawa kaya hindi niya maiwasang mapakanta -- Eyes, nose, lips ang kinakanta niya. Napakinggan niya lang ito sa daan kaya medyo sablay-sablay ang pagkanta niya. "Magaling ka palang kumanta, Anna!"
"Oh ikaw pala 'yan, Felix. Magandang umaga sa'yo gusto mo magkape?" pang-aalok niya dito pero ang mata niya ay nakatuon sa ginagawa, ayaw niya namang maging bastos kaya binitawan niya ang paso at hinarap ito.
"Saka hindi maganda boses ko, oh ano kape ka?" pagtatanong niya ulit dito, nginitian niya ito ng pagkatamis dahil wala ng rason para sungitan o iwasan ito.
"Hindi na. Tapos na din naman ako kanina, maiba ako blooming ka ata ngayon." natawa siya sa sinabi ni Felix, nahampas niya pa ito sa braso ng pabiro.
"Hindi naman sadyang maganda lang ang umaga ko." itinuloy niya ang ginagawa para matapos na pasikat nadin ang araw kaya kailangan bilisan ang pagkilos.
"Anna."
"Hmn?"
"Pwede ba kitang yayain mamaya na lumabas, kase ano may bagong bukas na kainan d'yan sa may plaza. Kung gusto mo lang naman --- no pressure." tinignan niya ito at nginitian, hindi siya pwedeng magdesisyon ngayon ng hindi nagsasabi kay Emigo. Pero ayaw niya namang mapahiya si Felix. "Okay lang kung hindi."
Sasagot na sana siya ng may bumisina sa likuran nila at nang lingunin niya ito ay kotse ni Emigo. "Sige Anna, balik nalang ako mamaya."
Humingi siya ng pasensya kay Felix, may oras pa naman para makapag-isip siya. Huminto sa harapan niya ang kotse at lumabas doon si Emigo na malapad ang ngiti. "Good morning, señorita. How's your sleep?"
"Maganda naman at mas lalong pinaganda ng makita kita." Tama ba itong naririnig ko, nagiging matamis na akong babae. Baka madiabetes bigla si Emigo at iwanan ako. Natawa siya sa naisip.
"Me too." okay na sana ang lahat ng biglang may nagsalita nalang bigla. Pamilyar ito sa kanya kaya nilingon niya --- Melissa. Anong ginagawa ng isang ito dito sa lugar namin. Tinignan ko si Emigo pero nagkibit-balikat naman ito.
Gusto niyang mainis pero pinilit niyang maging okay, kayganda ng umaga niya tapos masisira lang sa mukha ng impaktitang bruhilda na ito. Baka nakakalimutan niyang hinamak niya ang magulang ko. "What the hell, this is your freaking house."
"Bakit nandito siya." bulong niya kay Emigo na nakatingin lang sa malditang babae.
"Ow. Ayaw mo ba akong sumama kay Emigo, how rude you are. Hindi naman kagandahan ang lugar niyo para ipagdamot mo."
"At sino po ba ang nagsabing ipinagdadamot ko ang lugar namin. At excuse me, kung ayaw mo dito pwede ka ng makaalis. Ang arte arte mo wala ka namang class." hinawakan ni Emigo ang kamay niya kaya hindi na niya sinagot pa si Melissa. Totoo naman ang sinabi niya.
"How dare you!"
"Go leave, Melissa." mahinahon na may pagtitimpi na pigil ni Emigo dito. Gusto niyang matawa dahil sa itsura ni Melissa. "Sinama kita dito para humingi ng tawad at kung hindi mo gagawin, maluwag ang daan. Makakaalis ka na."
"But i wan--" Hindi na nito natapos ang sinasabi ng hilahin niya papasok si Emigo. Isinara niya pinto pero kumatok naman ang babae, pinagbuksan niya ito at napailing nalang siya ng hawiin siya nito dahilan para makapasok ito ng malaya. "I'm not here for nothing, so. I'm so sorry!"
Tinaasan niya ito ng kilay dahil sa paghingi nito ng sorry sa kanya. "At kung hindi mo tanggapin, choosy ka pa ba?"
"If you want to sorry to someone you hurt, please be nice. Nagmumukha kang impaktita sa ginagawa mo."
Lumapit siya kay Emigo na nakatingin lang sa kanilang dalawa ni Melissa. "Tahimik mo ata."
"Iniisip niya ako." pagsingit nanaman ng isang ito, sasakalin ko talaga ito kahit na humingi na ito ng sorry.
"May gumugulo ba sa isip mo?"
"Sawa na raw siya sayo."
Sinamaan niya ng tingin si Melissa pero lumaban lang ito sa kanya, malditang bruhilda. "Mukha ka namang mayaman pero maski respeto hindi mo nabilis."
"I'm just stating the truth." hindi na lang niya pinansin ang asungot at tumuon ang tingin kay Emigo.
"I'm fine. Don't mind me. Dinner tayo mamaya."
"Oo ba."
"I'm in."
"No!" duet nilang dalawa ni Emigo, gusto pa nitong sumingit sa date nang may date. Bakit hindi siya maghanap ng ibang makakadate.
"Fine." gusto niyang matawa sa inasta ng babae, mukha naman pala siyang mabait pero maldita mode nga lang palagi. Sinisira niya image niya kung sakali ngang may image na iniingatan.
"Saan tayo kakain mamaya?" tanong niya dito kay Emigo na nilalaro ang kanyang daliri. Nakakakiliti pero hinayaan niya na lang.
"May nadaanan kase akong bagong bukas diyan sa plaza kaya ikaw agad ang naisip ko." Patay. Nakalimutan niya si Felix, kakausapin niya nalang siguro ito na sa susunod na araw na lang. Hindi naman aalis ang tinutukoy nilang bagong bukas. "Bakit hindi ko alam 'yan?"
Nagkibit balikat lang ang binata at nagulat siya sa paghalik nito sa labi niya. Gusto niya pa sanang halikan ang binata ng may bigla nanamang tumikhim sa gilid. "Aware naman siguro kayo na andito ako 'no. God!"
"Umuwe ka na lang kase." panunukso niya dito na deep inside ay totoo. Gusto niyang mawala man lang ito ngayon dahil gusto niyang makapiling ng solo si Emigo.
HINDI alam kung paano sisimulan na kausapin si Felix, nahihiya siya na tanggihan ito. "Felix."
"Oh Anna, may sagot ka na?" nakangiti ang binata sa kanya kaya bigla tuloy umurong ang dila niya pero ayaw din naman niyang umasa ito sa wala kaya pinilit niyang sabihin nalang.
"Hindi ako makakasama sa plaza, niyaya kase ako ni Emigo na pumunta doon." sinuri niya ang reaksyon ng binata pero ni wala siyang nakikitang kung anong reaksyon dito. "Sorry talaga, pwede naman bukas nalang."
"Okay lang naman 'yon, marami pa namang araw. Saka don't say sorry masyado ka lang maganda kaya dalawa kami na nagyaya sa'yo." at doon niya nakita ang pagngiti nito, humingi ulit siya ng sorry at nagpasalamat na din dahil naintindihan siya nito. "Mag-iingat ka'yo mamaya."
"Salamat, Felix. Sige mauna na ako mag-aayos pa kase ako." tumango lang ang binata kaya naglakad na siya pabalik sa kanila. Bumuntong hininga siya ng maupo. Ang problema naman niya ngayon ang susuotin niya mamaya, wala naman siyang matinong damit dahil hindi naman siya mahilig bumili.
Isang malakas na katok ang gumalat sa kanya kaya nawala siya sa pag-iisip. Tumayo siya para pagbuksan ang pinto at bumungad sa kanya ang isang lalaking 'di pamilyar sa kanya. "Ikaw po ba si Ms. Anna?"
Tumango siya dito kaya may inabot ito sa kanyang box. "Para saan po ito?" nakakagulat naman at may box siyang hawak ngayon. Ni hindi naman siya umorder ng damit ngayon.
"Delivery po. Papirma nalang dito." kahit naguguluhan ay pinirmahan niya ang itinuro ng lalaki. "Salamat." umalis na ang lalaki kaya nagpalinga-linga siya sa labas bago pumasok.
"Sino kaya nagpabigay nito." bulong niya sa sarili, inilapag niya ito sa lamesa at tinanggal ang ribbon at takip nito. "Oh may letter pa."
"I'm so happy to be part of your life, enjoy!" napangiti siya sa nabasa at isang tao lang ang isinisigaw ng isip niya. Si Emigo, dahil ito lang naman ang sa tingin niyang gagawa nito sa kanya. Dinampot niya ang dress sa kahon, isa itong Dress na kulay asul at saktong sakto lamang sa hubog ng katawan niya.
Ang sexy naman nito masyado bulong niya sa sarili.
Sinimulan niya ng mag-ayos ng tumuntong na ang oras, isinuot niya ang dress at humarap sa maliit na salamit. Hindi niya maiwasang puriin ang sarili at mamangha sa itsura niya.
Inilugay niya lang ang kanyang buhok at naglagay ng lip gloss sa labi niya. Hindi niya feel ang lipstick dahil sapat na sakanya na kumulay lang ang labi niya.
Tinignan niya ang kabuuan sa huling pagkakataon dahil may bumusina na sa labas ng bahay. Isinikbit niya ang bag at lumabas na. Nakita niya si Emigo na prenteng-prente na nakasandal sa kotse nito.
"Mas lalo kang gumanda." Pagpuri nito sa kanya ng makalapit siya, hindi niya tuloy maiwasang mamula dahil sa nararamdaman niya. "Let's go."
Pinagbuksan siya nito ng pinto kaya pumasok na siya. Hindi lang ito gwapo, gentleman pa. Thankful din siya na nakilala niya ang isang ito.
"Gusto kitang angkinin ngayon dahil dyan sa mga tingin mo." napaiwas siya ng tingin sa sinabi ni Emigo, pati ang pagtingin niya dito ay may kapalit. "I'm just kidding. Maybe, later."
"Baliw ka. Umalis na tayo!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro