Part 6
Note: Iniba ko ang way ng pagsulat, jusme. Tagal na nitong story na ito. Ngayon ko nalang binuksan.
-
MAAGA siyang nagising para asikasuhin ang kanyang paninda. Hindi naman niya nakalimutan ang pagtitinda dahil ito ang kanyang pangunahing pangkabuhayan.
Nang matapos sa ginagawa ay lumabas na siyang bitbit ang bayong na nilalagyan niya ng itlog. Marami na siya experience sa ganitong trabaho kaya mahirap bitawan.
"Hi." umiwas siya ng daan ng lumapit sa kanya si Felix na matagal nang may pagnanasa sa katawan niya. Hindi niya masabing siya dahil katawan lang naman nito ang gusto niya.
"Pakipot ka pa d'yan, baka mamaya niyan patay na patay kang tikman ako." pumihit siya paharap dito at sinamaan ito ng tingin. Isa sa mga ayaw niya ang kawalang respeto sa mga babae.
"Huwag mo akong simulan, Felix. Baka kalimutan kong kilala kita." tinalikuran niya na ito at naglakad na paalis. Naiinis siya sa presensiya ng lalaki at napupuno na siya dito.
"Oh iha, narito ka na pala. Akala ko ay humanap ka na ng ibang makukuhaan." bungad sa kaniya ng isang matanda, ngumiti siya dito at lumapit dito para magmano. Ito ang kinukuhaan niya ng itlog at parang nanay na ang turing niya dito.
"Ikaw naman po lola, isinama lang po kase ako ng kakilala ko sa tagaytay. Kamusta ka po?" tanong niya dito. Pumili na siya ng ilang itlog para kunin niya.
"Nako iha, matanda na ako kaya medyo nanghihina na." tumingin siya dito dahil napansin niya nga ang pagbaba ng timbang nito.
Ito lang kase pinagkikitaan ni lola na mas magbibigay pinansyal sa kanila, ang mga anak naman nito ay may kanya-kanya nang buhay. May mga anak na din ang mga ito. "Dapat lola pinakiusapan mo po ang mga anak niyo."
"Hindi papayag ang mga 'yon, iha. Naikwento ko naman sa'yo kung anong dahilan." naaawa siya sa matanda pero wala siyang magagawa para tulungan ito. May mga pangalan kasing iniingatan ang mga anak ni lola. "Ito na ba lahat, iha?"
Tumango siya at tinulungan ang matanda na ilagay sa karton ang binili niyang itlog. Inilagay niya naman agad ito sa basket niya para hindi madisgrasya. "Lola mauna na po ako, mag-iingat ka po dito."
Naglakad na siya paalis ng may mapansin siyang pinagkakaguluhan sa labas ng palengke. Hindi na niya nalang pinansin ito at naglakad na lang agad paalis. "Anna."
Napalingon siya ng marinig ang pangalan niya -- si Emigo. Preskong-presko itong lumapit sa kanya at nginitian. "Ginagawa mo dito?"
"Hinahanap ka. Hindi ko naman alam na mahilig sa gwapo ang mga tindera at mamimili dito." umiling nalang siya sa kahanginan nitong lalaking nasa harapan niya. "Oh bakit, hindi ka sang-ayon?"
"Hindi. Saka hindi ka naman gwapo." inirapan niya ito at tinalikuran na, naalala niya ang babaing bumastos sa kanya kagabi. Hindi talaga maaalis sa isipan niya ang mukha ng bruhildang babae. Tumalikod na siya dito at naglakad na, naramdaman niya ang pagsunod nito pero hindi tinapunan ito ng tingin.
"Still mad at me?" bahala kang mag-english diyan, pinapasakit niya lalo ang ulo nito. Sandali nga bakit ba hindi niya pansinin ang binata, eh wala naman itong ginawa sa kanya. Ni Wala nga silang label para umaktong nagseselos.
Sandali. Nagseselos ba ako, hell no. Huminto siya at humarap sa binata. Tinaasan niya ito ng kilay at ibinigay dito ang bitbit niyang itlog. "Gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ni Emigo.
"Buhatin mo hanggang sa bahay." medyo nangangalay na kase siya kaya ipinahawak niya na dito. "At para sa kaalaman mo, I'm not mad at you, masyado akong maganda para isipan mo 'yan."
Muli na siyang naglakad at palihim na ngumiti. Sumusunod lang sa paglalakad niya si Emigo na walang ni isa siyang narinig na reklamo dito.
Siya pa nga ang nakokonsensiya na pinapainitan niya ang gwapong nilalang na ito. "Hindi ka man lang nagdala ng payong, Migo?"
"Gusto kong maranasan na maglakad-lakad." humanga naman siya dito, totoo nga ang tinuran nito na hindi porke mayaman siya ay hindi na niya magagawa ang dapat niyang gawain.
Malapit na kami sa bahay ng matanaw ko ang kotse nitong nakaparada sa tapat ng bahay. "Sabe mo maglalakad-lakad ka. Eh, ano ang kotse na iyon?"
"Iniwan ko diyan tapos sumunod ako sa palengke." parang wala lang nitong sagot, natawa nalang siya sa kabaliwan nitong lalaki. Natanaw niya pa si Felix na nakatingin sa gawi nila ni Emigo, hindi niya nalang tinignan ito at hinila nalang si Emigo papasok sa bahay niya.
Pagkapasok nila ay nakabusangot na ang mukha nitong lalaki. "Oh, anong mukhang 'yan."
"Sino 'yong lalaking nakatingin sa'yo kanina." napansin pala nito si Felix, wala talagang matinong dulot ang taong 'yon. "May gusto ba 'yon sa iyo?"
"Baliw. Manahimik ka nga d'yan, gusto mo bang kumain?" Paglilihis niya ng usapan dito, mukhang nagseselos ito. "Woy, para ka kamong timang d'yan!"
UMALIS din naman agad si Emigo kaya itunuon niya ang sarili sa ginagawa, minsan ay napapangiti siya kapag naaalala niya ang inasal kanina ng binata.
Para kasi itong bata na naagawan ng laruan na nagmamaktol sa kaniya, ayaw pa kase nitong umalis dahil baka daw puntahan ko ni Felix dito. Pinagtulakan ko nalang ito na umalis kaya nakaalis ito.
"Anna!" tumayo siya at nagpunas ng kamay bago tumungo sa pintuan at bumungad sa kanya ang lalaking iniiwasan niya. Isasara niya na sana ang pinto ng iharang nito ang paa niya. "Hindi mo ba ako papasukin?"
"Lasing ka ba?"
"Hindi naman nakainom lang." lasenggo talaga ang taong ito itinulak niya ito para maisara ang pinto ang kaso matigas ang ulo ng lalaking ito. "Papasukin mo 'ko sabi."
"Huwag kang matigas ang ulo!" kinakabahan na siya sa inaakto nitong lalaking nasa harapan niya, "Please, nakikiusap ako sa'yo Felix. May ginagawa pa ako."
Kumuha siya ng lakas para itulak ang lalaki at nagtagumpay siya doon. Isinara niya mula gitna hanggang taas ang pintuan niya para hindi ito makapasok.
Kumatok-katok pa ito pero pinagpatuloy niya nalang ang kanyang ginagawa. Kailangan niyang makapagtinda ngayon dahil mauubos na ang perang panggastos niya. Hindi naman niya magalaw ang perang iniabot sa kanya ni Emigo dahil nahihiya siya.
Ilang oras pa bago siya magtinda kaya itinuloy niya ang isinusulat niya story sa notebook niya, maililipat niya na din ito sa isang platform dahil may cellphone na siya ngayon. Ito ay bigay sa kanya ni Emigo, speaking of Emigo tumunog ang cellphone niya at tumatawag ang binata.
Bumuntong hininga muna siya bago sagutin ang tawag, "Hello. Bakit ka napatawag?"
"I miss you." napanganga siya sa narinig, parang magkasama lang sila kanina tapos ngayon namimiss na siya nito. "I want you right now."
Pinamulahan siya ng mukha dahil sa narinig, hindi pa nga siya nakakabawe sa nangyari sa kanila tapos ito nanaman maririnig niya. "Gusto mo atang hindi na ako makita." malamya niyang sagot dito sa lalaki.
Hindi niya maiwasang hindi magalit sa lalaking ito dahil sa nangyari sa kanila pero nagpaubaya din siya kaya inisip niya nalang na nagustuhan niya din ang nangyari. "I can't live without you, Anna."
"Itigil mo 'yang kalokohan mo, Emigo." ibinaba na niya ang cellphone dahil gusto niyang tapusin ang isang chapter para bukas ay ibang chapter na ang sisimulan niya. Tinignan niya ang orasan niya at may ilang oras pa siya para tapusin ang sinusulat niya, mamaya din ay maliligo na siya.
Isinara niya ang notebook at napahilot siya ng sintido, naubusan siya ng isusulat kaya tumigil na siya mabuti nalang at natapos niya ang chapter. Sumasakit din ang ulo niya kaya tumayo siya para uminom. Naupo siya at tumunganga, namiss niya bigla ang magulang niya.
Kailan po ulit kayo magpaparamdam, pinunasan niya ang luha niya dahil sa pagkamiss sa mga taong nawala sa kanya. Bumabangon siya para sa sarili niya nalang at sa tingin niya naman ay masaya na ngayon ang mga magulang niya.
Miss na miss ko na po kayo, I love you po. Bumuntong hininga siya bago tumayo para maligo, malapit na ang oras para magtinda siya. Mabilis siyang kumilos dahil gusto niyang makapagpaubos ng maaga, kailangan niya din naman isipin ang kaligtasan niya.
Tinanggal niya ang pagkasarado ng pinto niya at binitbit na ang lagayan niya ng balot. Bitbit niya din ang sukang nasa bote.
Naglakad lakad na siya at isinigaw ang lagi niyang isinisigaw tuwing gabi. "Balot kayo dyan!" naglakad lakad lang siya hanggang sa may mga ilang bumili sa kanya kinausap niya din ang mga ito para maging suki niya. "Sige alis na ako, salamat sa inyo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro