Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 4

Pagkatapos maligo ni Emigo ay nagtungo siya sa kan'yang kwarto upang magpahinga. Sa pagsalakpak ni Emigo ay naalala niya ang ginawa niya kay Anna.

'Siguro 'yon ang dahilan kung bakit gano'n ang inaasta ni Anna sa kanya.

Nawala ang konsentrasyon ni Emigo nang tumunog ang kan'yang cellphone.

"Who is this?" tanong niya sa kausap.

"Omg, nakalimutan mo na agad ako babe. Why? I'm Mellisa." Pagpapakilala ng kausap sa kanya. Napasapo siya ng mukha ng maalala niya kung sino ang babaeng kausap niya.

"What do you want?" baritonong tanong ni Emigo.

"Sweetie Emigo, Alam mo ang sagot kaya huwag mong tanungin kung ano ang kailangan ko." maarteng pagkakasabi ni Melissa. Kumunot naman ang noo ni Emigo dahil sinabihan niya na ito na tigilan na siya dahil kahit kailan hindi niya ito magugustuhan.

"Busy ako Melissa." walang ganang sagot ng binata.

"But---

Hindi na natapos nang babae ang sasabihin ng patayin ni Emigo ang telepono.

Naging tunog ang pagbuntong hininga niya, kaya naman ay napasapo nalang ang kamay niya sa mukha. 

Nang mahimasmasan ay tumayo siya at pumunta nang banyo para magbabad sa tubig, ilang minuto ang lumipas bago siya tumayo at nagtapis. Nagbihis siya at nahiga at dinamdam ang lamog ng hinihigaan. Doon niya lang napagtanto ang kahalagahan ng kama.

Ipinikit niya ang kaniyang mata at siya ay nakatulog.
-

Maagang nagising si Anna dahil maganda ang tulog niya ikaw ba naman ang makatulog nang napakahabang oras, umupo siya upang magpahinga ng biglang tumunog ang tiyan niya na tila naghahanap na ng kakainin. Napahawak siya sa kaniyang tiyan bago siya tumayo para pumunta sa banyo para makapag-ayos ng sarili. Sinigurado niya na maayos na ang kaniyang mukha bago siya lumabas ng kuwarto.

Bilang sumagi sa isip niya ang lalaki kung ito ba ay gising na ngunit agad niya rin napansin ang katahimikan nang paligid kaya agad niyang nasabe sa sarili na baka natutulog pa ito, dadaanan niya sana ang kuwarto nang lalaki ang kaso nagbago agad ang isip niya.

"Bakit ko pa siya pupuntahan. Tsk!" lumiko nalang siya patungo sa labas ng room nila at nagtungo sa elevator at pinindot ang numerong uno at ito ay umandar na paibaba. Lumabas siya ng hotel at ang init ng panahon ang sumalubong sa kaniya kaya naman napatakip siya ng mata.

"Ano ba 'yan bakit nakalimutan ko pang magdala ng payong. Tsk!" inis na sambit nito, isinangga niya nalang yung kamay niya para hindi matamaan ang mukha niya. Naglakad-lakad lang siya hanggang makarating siya sa isang karinderya at agad naman kumulo ang tiyan nito. 

"Woah! Ang sarap talaga ng mga lutong ganito." bulong niya sa kaniyang sarili. 

 "Ate isang caldereta at dalawang rice, tsaka isang coke mismo po." magalang nitong sambit sa matanda.

"Dito ba kakainin iha?" tanong ng matanda, tumango na lamang si Anna bilang sagot.Hindi rin nagtagal ay ibinigay na ng matanda ang order ni Anna. Nagdasal muna si Anna bago niya simulan na kainin ang kaniyang paboritong Caldereta. 

 "Ate, isang extra rice pa nga po." masaya nitong sambit sa matanda. Binigyan naman agad siya nito.'Burp'Agad napatakip nang bibig si Anna dahil maraming tao ang nakarinig sa kanyang kabusugan. 

 "Hahaha, sorry po." nahihiya ni Anna na paghingi ng paumanhin. Nginitian lang siya nang mga ito.Iniabot niya na ang bayad at tumayo na para makauwe na. Bago siya tuluyang umalis ay nagpasalamat muna siya sa matanda.

 Kumpleto na ang araw niya dahil nakatikim ulit siya ng paborito niyang pagkain.Dati ay lagi siyang nakakakain ng ganoong ulam pero nagbago 'yon nang mawala kaniyang mga magulang. 

FLASHBACK~

 Isang gabi nagkaroon ng matinding pag-aaway ang magulang ko na halos masira na ni papa ang lahat nang gamit namin. Lasing si papa ng panahon na 'yon at hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng away na iyon pero isa lang masisiguro ko dahil sa pamilya ni papa. Mula palang ay ayaw na nila kay mama dahil sa tabi-tabi lang raw nakuha ni papa si mama. 

Bilang anak at sa murang edad masakit malaman ang ganoong bagay. Labing dalawang taon palang ako ng mangyari ang hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko.

 "Walangya ka, ang pagtanggol kami sa kapamilya mo ay hindi mo magawa. Anong pag-iisip ang mayroon ka Cris!?" singhal ni mama sa kan'ya at dahil nga sa lango si papa sa alak ay inihagis niya ang lagayan namin nang damit.

 "Pwede ba!? Kahit ngayon lang manahimik ka muna! Hindi ako makapag-isip ng tama." anas din ni papa kay mama. Nasa tabi lang ako at umiiyak.Iyak lang ako nang iyak dahil ngayon ko lang nakita sila papa na ganito ang eksena.

 Ang mga damit namin ay nakakalat na sa sahig at ang mga upuan namin ay basag na ganoon din ang mga baso at pinggan namin. 

 "Kausapin mo ang pamilya mo Cris dahil ora mismo na may marinig pa ako ay hindi na ako mag-aatubili na sagutin sila! Sumusobra na ang pamilya mo Cris! Sumosobra na!" Umiiyak na sigaw ni mama at hindi ko inaasahan na lapitan siya ni papa at malakas na sinampal.

 "M-Mama koooo." sigaw ko at tumakbo kay mama. Niyakap ako ni mama. 

 "Huwag mong hayaan na masaktan pa kita dahil d'yan sa matabil mong dila Elsa. Baka nakakalimutan mong pamilya ko ang kinakalaban mo!"

 "Sabagay, sino ba naman kami ni Anna para sa iyo. Asawa't anak mo lang naman kami. Nakakatawa lang dahil ako na ang inaapi ako pa ang ginaganito mo." Kalmado na ni mamang sagot kay papa. Umiiyak parin kami ni maman at si papa ay nakatilig lang ang ulo sa amin nang siya ay umupo.

 "Sorry." biglang nasabi ni papa at nilapitan niya kami ni mama.

 "Sorry dahil hindi ko kayang kalabanin sila Elsa, patawarin mo ako dahil pinagbuhatan kita ng kamay. Sorry!" tila nawala ang tama ng alak ni papa. 

 "Okay."
Noong gabing din iyon ay niyaya kami ni papa na kumain sa Mcdo. Sumama kami ni mama at sumakay kami sa tricycle.Masaya kaming nabyahe ng biglang may truck na paliko-liko kaya umiiwas si pala ngunit isang truck pa ang nasa likod nito kaya sumalpok ang trycyle namin.

 -
Sa aksidenteng iyon doon ako nawalan ng mga magulang. Pasalamat pa ng iba na nakaligtas ako ngunit nawalan naman ako ng magulang. Umiyak ako ng umiyak araw na iyon habang nakatanaw sa katawan nila mama na puro galos at dugo. Matindi ang nangyari sa kanila. 

"Mama, papa. Gising na po kayo o!" Tumatangis kong pakiusap pero kahit anong pag-alog ko ay hindi sila gumigising.

 "Umalis ka riyan! Layuan mo ang anak ko." Sigaw ng magulang ni papa. Itinulak niya ako at napasalampak ako sa sahig. Nakaramdam ako ng galit, galit sa mga magulang ni papa.

 Umiiyak sila ngayon pero mas masakit sa akin ang pangyayaring ito. Paano na ako?Simula palang ayaw na nila kay mama dahil nakuha lang raw ni papa sa tabi-tabi si mama. 

Maykaya ang pamilya ni papa kaya ganoon nalang ang pagtataboy nila kay mama. 

 "Malandi kase ang nanay mo, kung hindi niya inakit ang anak ko ay hindi siya mapapahamak ng dahil sa malandi mong nanay! Napaka careless ng mama mo Anna! At nakakasigurado ako na pagdating ng araw ay gagayahin mo ang iyong magulang na lumandi. Malandi!" sa mura kong edad alam ko na ang ibig sabihin ng malandi dahil iyan ang lagi nilang sinasabe sa mama ko. 

 Isa 'yan sa mga linya na hindi ko makakalimutan. Naging matatag ako at umalis sa hospital ng gabing iyon. Naging palaboy ako pero nakita ako nang isang matandang babae na nagtitinda ng balot.

Kinupkop niya ako at itinuring na tunay na anak. Ngunit kinuha rin siya sa akin at tanging iniwan niya lamang sa akin ang apartment niya at kanyang mga paninda na balot. Simula noon iyon na ang naging hanap buhay ko. 

 END. 

 Hindi ko namalayan na lumuluha na ako, namimiss ko na ang magulang ko. 

Sana'y magpakita sila sa akin kahit sa panaginip lang. Pinunasan ko ang pisnge ko bago pumasok sa elevator at sa pagbukas nito ay may nakita akong isang babae na may nakakaakit na kasuotan para itong babaeng pakawala pero may class ayon sa kan'yang pantindig.

 Huminto ito sa mismong room na tinutuluyan namin ni Emigo.'

Sino kaya ang babaeng ito.

 Itutuloy.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro