Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Part 1

Kahit na inaantok pa ay maagang gumising si Anna, para mamili ng itlog para may ibenta mamaya.

Humarap siya sa malaking salamin upang suklayan ang mahaba niyang buhok, inayos niya din ang kanyang sarili bago lumabas sa tinitirahan niyang apartment.

Ang mga lalaking madadaanan niya ay halos mahulog na ang mata sa kakatitig sa kanya. Titig na may kasamang pagnanasa kaya hindi maiwasan minsan na may mga babae na sumusugod sa apartment niya upang siya'y kausapin.

Naalala niya tuloy yung naencounter niyang lalaki na hindi niya kilala. Bago lang kase ito sa kanyang paningin.

'Mr maniac' iyan ang bansag niya sa lalaki kanina.

Hindi niya maiwasang mamula dahil makalaglag panty ang itsura ng lalaki, ngisi palang nito maaakit kana.

Pero ibahin niya ako. Dahil ako si Anna Liah, isang simpleng birhen na babae.
Napasampal tuloy siya sa mukha niya dahil sa naisip.

"Iha, anong problema mo. Tila nalugi ka sa itsura mo." napalingon ako kay Lola, ngumiti ako dito bago ako sumagot. "Nako Lola, puyat lamang po ako. Pabili nga po ng limang tray ng itlog penoy."

"Ah ganoon ba iha, bakit kase hindi ka matulog muna mamaya ka pa naman magtitinda. Ikaw iha, mag-iingat ka lalo na't delikado para sa isang tulad mo ang lumabas pa ng ganoong oras."

Pangaral ng lola sa kanya, "Opo lola, salamat sa pag-aalala." sabi ni Anna sa matanda.

"Ito na iha." Iniabot niya ang bayad sa matanda bago kunin ang kanyang biniling penoy. Nagpaalam na ito sa matanda at pumunta sa kabilang tindahan upang bumili ng makakaen.

Pagkatapos niyang bumili ay naglakad na siya pauwe, pagkarating niya sa apartment ay inihiga niya ang kanyang sarili sa malambot niyang higaan.

"Woah, kamusta na kayo diyan ma at pa? Ako ito, dalaga na at okay lang. Sana'y gabayan niyo po ako." naisambit nalang ni Anna ng dahil sa pagod.

Bata palang kase siya ng mawala ang kanyang mga magulang, tungkol sa kanyang mga kamag-anak. Hindi nila tinanggap si Anna dahil anak daw ito ng isang malanding babae.

Hindi naman malandi ang kanyang ina, sadyang kapwa lamang nagmamahal ang dalawa.

Nagpahinga muna si Anna, dahil antok na antok na talaga siya dahil kulang pa ang tatlong oras na tulog nito.

Lumipas ang oras at alas singko na ng hapon nang siya'y magising. Tinignan niya ang oras at nang makita niya ay agad siyang napabalikwas upang kumilos na para simulan ang kanyang ritwal sa paggawa ng balot.

Inihanda niya ang itim na planggana at tubig, inilapit niya din sa tabi niya ang mga itlog para isa'isa itong hugasan.

Agad siyang natapos sa paglilinis sa mga itlog kaya inilagay niya na ito sa isang malinis na kardero upang pakuluan.

Nag-antay ng ilang oras si Anna, bago matapos ang pinakuluan niya. Kaya nagtungo muna ito ng banyo upang maligo upang makasimula ng magtinda.

Isinuot niya ang isang itim na paimbaba na kilala sa tawag na leggings at isang jacket panlaban sa lamig.

Inilagay niya ang mga itlog sa bayong, at isinama niya nadin sa bayong ang suka at asin. Handang-handa na siyang lumarga na biglang may narinig siyang pamilyar na tunog na nang-gagaling sa kanyang kumakalam na tiyan.

"Ano ba iyan, kung kelan ready na ako! Teka nga may binili ako e. Asan na ba iyon?" hinanap niya ang tinapay na binili niya kanina kaya naman umupo muna siya sa upuan tapos kumaen.

'Blurp'

Sinigurado niya muna na sarado ang kanyang kwarto bago lumarga upang magtinda.

"Balot, bili na kayo!" Sigaw ni Anna, ang mga nakarinig ay tinawag siya. Isa na dito ang lalaking may gusto sa kanya.

Si Felix, pero hindi niya ito type dahil sa bali-balitang playboy ito.

"Ang ganda mo talaga Anna, Sana'y maging akin kana." ngumiti lang ang dalaga sa binata, pero wala siyang pakealam sa paghaharot sa kanya ng lalaki. Dahil ang plano niya ay mabuhay hindi para humarot sa tulad niya.

Tsaka wala pa sa isip ni Anna ang ganitong usapan, dahil lumaki nga siyang may respeto at maayos na buhay at tanging sarili niya lang ngayon ang inaasahan niya.

"Salamat sa pang-uuto mo Felix pero wala sa isip ko ang magsyota." napangisi nalang ang lalaki dahil napakailap talaga ng dalaga sa kanya.

"Sus, kunyare kapa Anna. May pagnanasa kadin naman sa mala'adonis kong katawan." pagyayabang ng lalaki kaya napasimangot ang mukha ni Anna.

Sana nga lang may pagnanasa, kaso wala siyang pagnanasa sa binata dahil hindi ganitong lalaki ang tipo niya.

"Salamat sa pagbili." umalis siya sa harap ng binata at pinagpatuloy ang pagbebenta.

Mas okay pang magbenta ng balot, kaysa pumasok sa isang relasyon na hindi mo naman masasabing pang matagalan.

"Babae?" lumingon ang dalaga sa tumawag sa kanya, nakasakay ito sa kotse kaya hindi niya maaninag ang mukha ng binata dahil nakasuot ito ng salamin.

"Bakit ho?" lumapit siya sa binata at tinanggal naman nito ang kanyang salamin.

"Ikaw!" inis na sigaw ng dalaga, dahil namukhaan niya ang lalaki. Ito yung lalaking manyak. Si Mr. Maniac

"Yea, The one and only. Perpect!" halos tignan na ng binata ang katawan ni Anna. "Pabili ako ng limang balot, samahan mo na din ako." pag-anyaya sa kanya ng binata.

May pag-aalinlangan siya dahil baka may gawain itong masama pero nagoffer ang binata na bibilhin niya lahat ng tindang balot ni Anna.

Sa una ay ayaw ni Anna pero sa huli'y sumama na din ito. Unang beses niyang makasakay sa kotse, halatang mamahalin at mabango. Halatang lalaki ang may-ari.

"Are you okay miss, by the way may I know your name?"

"Yes, I'm okay. Don't mind me. Anna!" sabi nalang ng dalaga dahil hindi siya sanay sa pakikipag-usap sa hindi niya kilala.

"Your name is pretty, like you baby. I'm Emigo Buenavictus." pagpapakilala sa kanya ng binata, mas lalo siyang nailang ng ngumiti ito sa kanya.

Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkailang dahil sa nakakalokong ngiti ng binata. Laking pasalamat niya ng huminto ang kotse sa isang park.

Agad siyang bumaba upang umupo sa isang monoblocks. Sumunod naman ang binata at tumabi sa kanya.

"If you don't mind, this place is my favorite." panimula ng binata habang kumakaen ng balot, tahimik lang ang dalaga na makinig sa sinasabe ng binata.

Iniisip niya na bakit nakikipag-usap sa kanya ang binata. Eh' Isa lamang siyang hamak na mahirap.

"Sorry, ayaw mo bang kasama ako?" tanong ng binata sa kanya kaya napalingon siya dito, hindi niya kase makuhang kumbinsihin ang sarili na kausapin ang binata.

"Hindi naman sa ganoon, naninibago lang ako dahil may isang mayamang tulad mo ang nakikipag-usap sa isang tulad kong dukha."

Umiling ang lalaki, parang may nasabi naman akong mali sa kanyang pandinig.

"Hindi naman basehan ang katayuan ko sa buhay para makipag-usap sa tulad mo. Mayaman lang ako, pero tao padin ako na pwedeng makipag-usap sa kung sinong gusto ko, Pantay pantay lang tayo sa mundong kinakatayuan natin babae." pangaral ng binata sa dalaga, dito humanga ang dalaga dahil ibang iba ang lalaking kaharap niya sa mga nakakasalamuha niyang mayaman.

Yung ilan kase ay ginagamit ang katayuan nila sa buhay para mang-apak ng ibang tao at manlait. Minsan pa'y ginagamit nila ang pera upang makuha nila ang kanilang mga ninanais.

"May punto ka sa iyong tinuran lalaki, pero paano ako makakasigurado na hindi ka katulad nila?" Tanong ng dalaga sa binata, dahil sa gusto niyang marinig mula sa tinig ng lalaki ang katotohanang hindi siya katulad ng mga ibang kilala niya.

"Subukan mong kilalanin ako babae, ibibigay ko sayo ang lahat ng naisin mo. Maiba ako, ang laki ng bundok mo. Anong size ng cup mo?" pilyong tanong ng lalaki kaya napangiwi ang dalaga, Gwapo nga pero malibog.

"A-Aray!" daing ng lalaki dahil naihampas niya ang bitbit niyang bayong na wala ng laman.

Hindi naman hayok sa balot ang lalaking ito, bulong ni Anna sa kanyang sarili.

"Umayos ka lalaki, dahil kung hindi ka marunong rumespesto ng babae ay maaari mo na akong ihatid sa lugar na kung saan mo ako nakita."

Inis na sambit ng dalaga, ayaw niya sa mga lalaking walang respeto sa babae dahil ang babae ay dapat minamahal hindi binabastos at sinasaktan.

"Sorry na." umiwas nang tingin ang binata dahil kailanman ay hindi niya nagawang rumespeto ng babae maliban lang sa kanyang yumaong ina.

"Okay lang, hindi mo maiaalis sa akin ang mainis sa mga ganyang mga lalaki, Dahil ang babae parang isang perlas sa dagat, kailangan mo munang languyin bago mo tuluyang makuha."

wala sa sariling nasabi iyon ng dalaga, para sa kanya iba ang ibig sabihin nito pero yung pagkakaintindi ng binata ay kasalungat sa kahulugan na nais niyang sabihin .

"Oo nga, kailangan paghirapan mo muna. Kahit na malalim kailangan mong sisirin upang masayo ng tuluyan ang perlas na iyong ninanais."

tumango-tango lang ang dalaga, na wari'y hindi naintindihan ang kapilyuhang sinasabe ng binata.

"Teka nga, bayad mo muna?" tumayo ang dalaga kaya natulala ang binata, nakatingin ito sa malulusog na dibdib ng dalaga. "Hoy!" bumalik sa reyalidad ang binata ng siya'y tawagin ng dalaga.

Dumukot ang binata sa kanyang pitaka ng dalawang perang papel at iniabot sa dalaga, nagtaka ang dalaga dahil sobra-sobra ang perang ibinigay sa kanya ng binata.

"Teka, bakit sobra ang perang ibinigay mo sa akin?" tanong ng dalaga sa binata, sinagot lang siya ng binata na. "Sayo na iyan, bayad ko na rin sa pagsama mo sa akin."

"Pasensya pero ibigay mo lamang ang tamang bayad para sa kinain mo."

Pilit niyang ibinabalik ang pera sa binata pero hindi siya nagwagi, kahit man labag sa kalooban niya ay tinanggal niya ang sobrang pera. Itatabi niya nalang ito.

"Salamat, ihatid mo na ako Emigo dahil mag-aalas dos na ng madaling araw."

Inihatid naman siya ng binata sa apartment na tinutuluyan niya. Nagpasalamat siya sa binata bago bumaba, tinawag siya ng binata kaya lumingon siya.

"Pwede ko bang makuha ang number mo?"

Ngumiti ang dalaga at sinabeng, "Wala akong cellphone kaya wala kang number na mahihingi sa akin. Sige na mag-iingat ka lalaki. Sayang ang kagwapuhan mo!"

Ngumiti ng malaki ang binata at tuluyan ng nagpaalam sa dalaga. "Goodnight."

Ipinatong ni Anna ang kanyang bayong sa maliit na mesa at naglinis ng katawan. Sa bawat pag-agos ng tubig sa kanyang katawan ay siyang nagbibigay sa kanya ng sarap sa pakiramdam.

Pinunasan niya ang kanyang sarili bago magsuot ng panty, nagsuot lang siya ng pantulog pero hindi na siya nagbra kaya bakat ang kanyang malulusog na dibdib.

Humiga siya sa kanyang malambot na unan, at bago magpalamon sa dilim ay pumasok sa kanyang isip ang mala'adonis na katawan ni Emigo, yung gwapo at malinis niyang mukha at ang tangos ng ilong.

Kumbaga, Perpect package. Imposibleng magustuhan ako non ni Mr. Maniac.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro