Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

PAGKAGISING niya ng umaga wala na siyang nakitang Israel sa kwarto niya. Mabuti na din 'yon dahil kagabi pa siya naiinis dito.

Pumasok na siya banyo para maligo dahil excitement ang nararamdaman niya ngayon para sa sarili niya pati sa babaeng mahal niya.

Mabilis lamang siyang natapos at nakatapis na lumabas ng banyo pero hindi niya inaasahan na nasa loob na nang kwarto niya ang dalaga.

"How's your sleep?" pumunta siya sa lagayan niya ng damit at short para kumuha ng kailangan niya. Isang simpleng white shirt lang ang kinuha niya at fitted short. 

"Okay lang naman." Sagot ng dalaga ng humarap siya dito, nakatingin ito sa kanya. "Pero inaantok pa ako."

"Matulog ka na lang ulit."  Sinunod naman siya ng dalaga dahil agad itong nahiga sa kama niya, Samantalang siya naman ay nagdamit na para tabihan ang dalaga.

Hahalikan niya na sana ito ng may kumatok sa kwarto niya, ilang beses ba siya bibitinin ng mga tao sa bahay na ito. "Wait me up."

Pagkabukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang katiwala nila, kabisado niya na ang emosyon na ginagamit nito. "Mas maaga pa ata ito sa inaasahan ko. Kumpleto ba mga kapatid ko?"

"Kanina pa sila nasa baba, ikaw nalang ang inaantay nila madame."

"Okay, susunod ako." Isinara niya ang pinto at lumapit sa dalaga, gigisingin niya na sana ito ng maalala na pagod ito. May ibang araw pa naman para maipakilala niya si Anna sa mga magulang niya.

Lumabas nalang siya ng kwarto at naglakad pababa sa hagdan, naringgan niya ang ingay na nanggagaling sa sala. At doon niya nga nadatnan ang pamilya niya. "Son, come here."

"Hmm?" lumapit siya sa mga ito at nakita ang mga kapatid na sumeryoso, what is happening here. "What's wrong with the look."

Hindi sumagot ang mga kapatid niya kaya humarap nalang siya sa magulang nila. "Gusto kong makilala mo ang isa sa anak ng business friend ko, you know Mrs. Lacoste, right?"

"What do you mean?" iritable niyang tanong dito, hindi niya nagugustuhan ang gustong iparating ng mga ito sa kanya.

"Pakasalan mo ang anak niya para mas makilala ang pamilya natin, you know her naman. Sikat ang pamilya ng mga Lacoste." tumayo siya bigla para tumigil sa pagsasalita ang magulang, hindi maganda ang naririnig niya ngayon at hindi niya kailangan ng ibang babae dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya.

"Stop this nonsense topic, I'm not agree with that idea, so stop." tinalikuran niya na ang mga ito ng may maalala siya kaya humarap muli siya sa mga ito, "I'm already taken, if you don't mind."

Tumuloy na siya paglalakad paakyat at nang makapasok sa kwarto ay doon siya nagpakawala ng hininga, hindi niya susundin ang kasunduhan nito dahil wala namang mangyayaring matino sa gusto nila. "What happened?"

Nagulat siya sa biglang pagsasalita ni Anna kaya muntik na niyang mabasag ang frame na nakalagay sa wall mabuti nalang ay mabilis niya itong nahawakan. "Please, huwag mo na uulitin 'yon."

"Sorry, hindi ko sinasadya na magulat ka gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa'yo at mukha kang naiinis."

"They're here already."

"Who?"

"My parents, and also my siblings." bumalatay ang gulat sa mukha ng dalaga pero agad nitong binago sa pamamagitan ng pagngiti.

"Then, anong sinabe nila para magkaganyan ka."

Lumapit siya sa dalaga at hinawakan niya ang kamay nito, "Gusto akong ipakasal ni mom sa anak ng business friend niya."

"Pumayag ka," hindi niya mabasa ang emosyon ng kausap kaya nangangamba siya na baka ano ang iniisip nito ngayon. "o hindi?"

"Hindi kita ipagpapalit sa kung sinoman, señorita. Gustuhin man nila na magpakasal sa iba ay ikaw pa din ang pipiliin ko, kase ikaw ang lakas at kahinaan ko." hinapit niya ang dalaga at hinalikan ito, bakas ang pagkabigla dito pero sumabay nalang ito sa halik niya.

At sa pagitan ng halikan nilang dalawa ay ang muling pagkaudlot sa gusto niyang mangyari, balak niya sanang hindi ito pansinin pero ang dalaga na mismo ang tumigil sa halik.

"Go, open the door."

Pagkatapos nito ay aalis sila sa lugar na ito at sa condo nalang niya tutuloy, hindi healthy para sa kanilang dalawa ang lugar na ito lalo na't maraming nanggugulo sa kanilang 'quality time'

"Bro, taken ka na pala. Sino 'yong babaeng bumihag diyan sa puso mo?" napasinghap siya ng makita ang apat na kapatid na nakatingin sa kanya, itong si Israel naman ay seryoso lang kilala na kase nito ang babaeng tinatanong ni Mauwi.

"Is none of your business guys, leave me alone." isasara na niya sana ang pinto ng harangin ni Israel ang pinto, sinamaan niya ito ng tingin pero hindi ito nagpatinag hanggang sa malaya na sila na makapasok. Patay talaga sa akin ang lalaking ito, ipapasako ko talaga ito at itatapon sa bermuda.

"Oh. She's here," anang ni Luigi na nakatingin kay Anna at bakas ang pagkabigla ni Anna sa apat na kulupong na bumungad sa kanya. Itinulak niya ang mga ito palayo kay Anna at pinagbantaan ang mga ito.

"What is your name 'ate'?" tanong ng Luigi kay Anna na magiliw naman nitong sinagot, hinayaan niya nalang ang mga ito. At kapag may pangit na tanong ay agad niyang kinokontra ang mga ito.

"Umalis na nga kayo dito, bigyan niyo naman kami ng privacy." Hindi siya pinakinggan ng mga ito at itong si Anna naman ay wiling-wili sa pakikipag-usap sa mga kapatid niya.

"What is happening here?"

NAGULAT siya o sila na may pumasok sa loob ng kwarto ni Emigo, base sa kasuotan nito ay halatang mayaman at sopistikada kung manamit. At base sa reaksyon ng mga kasama niya ay natunugan niya kung sino ang taong ito.

"Mom, why are you here. I think you and Dad --"

"I changed my mind. So,  who's this girl?"

Nilapitan siya ni Emigo at hinawakan sa kamay, nang tinignan niya ito ay halatang hindi niya gusto ang nangyayari. "May I know who is she?"

"She's my girlfriend mom. So stop!" kahit naguguluhan ay mas inintindi niya ang sitwasyon, at sa itsura ng mommy nila ay bakas dito na hindi siya gusto nito para kay Emigo.

"And, I don't like her. She looks nothing."

"Mom, stop it." pigil ni Israel sa mommy nito, gumaan ang pakiramdam ni Anna sa ginawa ni Israel dahil kahit kakakilala lang nila kagabi ay naging mabait na ito sa kanya. "Go to your mom, I know your tired."

"I know what I'm doing, Israel. And Emigo, if I know she's the one of your flings, after the sex thing --"

"Oh crap, stop being nonsense mom. I loved her, so please leave me alone." hinila siya ni Emigo palabas ng kwartong 'yon at nagpatinuod na lamang siya hanggang sa makarating sila sa garden ng bahay.

"Halatang hindi ako gusto ng mommy niyo." anang niya ng huminto sila sa Garden. Hinarap siya ng binata at biglang niyakap. "You okay?"

"Gusto kong maging okay para 'di ka mag-alala pero alam kong hindi ka okay, sorry."

Masaya na siya sa narinig na iniisip nito ang nararamdaman niya pero hindi naman gugustuhin na magkaroon ng sama ng loob ang mag-ina, kailangan niyang mas pag-isipan ang magiging hakbang niya. Sa ngayon kailangan niyang maging matatag at maging malakas para sa sarili at magiging anak nila.

"Magiging okay din ang lahat."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro