Paunang Salita
This story is dedicated to the brave Filipino and American Soldiers who sacrificed their lives during The Battle of Bataan and the infamous Bataan Death March. To the World War 2 veterans who are still alive up to this day, this is also dedicated to you. Your bravery and heroism above and beyond the call of duty will never be forgotten.
Ang kwentong inyong matutunghayan ay isang Historical Fiction. Ibig sabihin ito ay hango ay sa isang tunay na pangyayari sa kasaysayan ngunit kathang isip at gawa-gawa ko lamang ang mga tauhan at ibang pangyayari. Ang anumang pagkakahalintulad sa aktwal na tao, buhay man o patay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
Ang kwentong ito ay naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas hanggang sa labanan at Martsa ng Kamatayan sa Lungsod ng Bataan.Kahit na fictional ang mga tauhan, kumakatawan sila sa mga totoong bayaning nakipagdigma sa mga Hapon. Nais kong maging tapat at totoo sa tunay na nangyari, bilang paghahanda, ako ay nagresearch tungkol sa mga mahahalagang pangyayari noong mga panahong iyon, kasama na ang pamumuhay bago ang giyera, mga petsa, at paraan ng pakikidigma nang sa ganoon maging accurate ako sa kung ano ang tunay na nangyari. Gayunpaman, hindi ko maipapangako na magiging 100% accurate ang kwentong ito, wala ako sa aktwal na pangyayari at ginawa ko lang ang aking makakaya upang mailahad ang pangyayaring naganap halos walampung taon na ang nakalipas. All historical inaccuracies and inconsistencies are mine. Ngayon pa lang ako ay humihingi na ng tawad.
Noon pa man, interesado na ako sa World War 2. Mahilig akong manood ng War movies and documentaries, hindi lang tungkol sa Pilipinas kundi pati na rin sa Europa. Bukod sa Spanish Colonial Era, ito ang pinakagusto kong paksa sa Philippine History. Maraming may gusto sa Panahon ni Ferdinand Marcos, Martial Law at People Power Rebolusyon, pero para sa akin ito ang mas kaaya-ayang pag-aralan. That does not mean that I like War. No, as much as possible, ayoko ng maulit pa ang digmaan at sana wala ng World War 3.
Gusto ko ang subject na ito for a lot reasons. Ang ikalawang digmaang pandaigdig ay hindi lamang kwento ng digmaan at hidwaan, ito ay kwento ng katapangan sa kabila ng matinding panganib, ito ay kwento ng katatagan sa gitna ng matinding hirap at pagdurusa, ito ay kwento ng kabutihan sa kabila ng hindi masikmurang kasamaan at kasakiman, ito ay kwento ng pagiging makatao sa gitna ng walang humpay na patayan at pakikidigma. Ito ay kwento ng mga bayani at kalaban, kwento ng mga nanalo at natalo, kwento ng mga lumaban at nagpaapi, higit sa lahat ito ay kwento ng pag-asa at pananalig.
Kwento ito ng ating mga ama, ina, lolo, lola at ng ating iba pang mga ninuno. It shaped who we are today, ito ang pangyayaring habang buhay na bumago sa ikot ng mundo. Nawa ay magustuhan niyo ang aking interpretasyon tungkol sa mahalagang pangyayaring ito.
Maligayang pagbati at maligayang pagbabasa sa aking akda!
johnmg95, Author of Bataan 1942: Ang Huling Gunita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro