
52. Finale
We've come this far.. maraming maraming salamat sa suporta Helliannes! I love you!
"What are you doing here Mrs. Imperial?" diretsong tanong ni Cole sa matanda, hawak niya ang kamay ko na para bang kahit na anong mangyari ay hindi niya ako isusuko. Bahagya akong nakakubli sa likuran niya pero parang mga balaraw na tumatarak sa aking ang mga titig ni Eleanor.
"I came here to claim your end of the bargain." taas-noong turan ng matanda.
Humigpit ang hawak sa akin ni Cole.
"What bargain, what's going on here? Cole? I allowed her to enter the room because she said she's your grandmother Isabel. Hindi ba totoo?" maang na tanong ni Mrs. Ramirez.
"Tell her I am, Isabel. Tell the Ramirez family what you and I have agreed on before all this happened. I brought my lawyer with me and all the documents you have signed in case you forgot one single item stipulated in the contract."
"I no longer want to continue my business with you . Sabihin mo kung magkano ang kailangan kong bayaran for breaching the contract but I can't--"
"Its not how much, its how long." sagot ng matanda.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot ang noong tanong ko. Dumapo ang tingin ko kay Atty. Lacuesta. He looked apologetic pero sa sitwasyong ito alam kong wala din siyang magagawa. Naisulat na ang kontrata at napirmahan na iyon.
"It's a good thing that I have such a brilliant and cunning lawyer to create the contract, he made it fail-proof. Naisip niyang baka mangyari ang sitwasyong ito kaya sinali na niya sa kontrata. The contract you have signed is unbreakable. If you dare breach it you will be imprisoned, kahit sino pa at kahit gaano pa kalakas ang impluwensya ng mga taong magtatanggol sayo. Dadalhin mo lang sila sa kahihiyan."
"What the hell are you talking about old woman? You think I will just watch you threaten my children in front of my face? No way! I invited you here because I thought that was the most human thing to do because you are her grandmother. I didn't know you have the attitude of a stinking pig, I should've asked the guards to throw you away!" namula sa galit si Mrs. Ramirez. Ito ang pumagitan sa amin ng Lola ko, samantalang hawak ni Cole ang pisngi ko at nakapalibot ang braso niya sa balikat ko.
"Isabel, alam mo kung ano ang pinirmahan mo. Ngayong nakahanap ka ng kakampi basta mo nalang tatalikuran ang usapan natin? Manang-mana ka sa ama mo, nang matagpuan ang ina mo na walang kwenta basta nalang akong tinalikuran! Aalis ako ngayon pero hindi pa tayo tapos."
Bato man ang anyo ni Eleanor ko, matapang man ang mga salitang binitiwan niya, hindi nakaligtas sa paningin ko ang sakit na gumuhit sa mga mata niya doon sa huli niyang sinabi. Posible nga kayang nangungulila lang ang matanda kaya niya nagagawa ang lahat ng ito? At dahil alam niyang wala na akong balak ibigay sa kanya ang apo sa tuhod na hinihingi niya ay nalulungkot lamang siya?
Nang alalayan ito ni Atty. Lacuesta palabas, bigla ang pagbugso ang kahungkagan sa puso ko.
"I will never let her hurt you again, Isabel. Huwag ka nang matakot sa kanya. Wala nang dahilan para masaktan ka pa niya." pilit na inaapula ni Cole ang luha sa mga mata ko. Ayokong maging dramatic, hindi naman ako pala-iyak, ganito ba talaga pag buntis emotional at ...mapagpatawad?
"Cole, I need to finish my business with her." sabi ko habang tinatanggal ang dextrose na nakakapit sa balat ko. Nag-alala si Cole sa ginawa ko, inagaw niya ang kamay ko at diniinan ang parteng dumugo.
"What do you mean..? huwag mong sabihing..."
"Trust me. Ok? I know I have ruined it but trust me just this once please?" masuyo kong hinawakan ang pisngi niya bago siya hinalikan sa mga labi. Natagpuan ko ang sarili kong hinahabol ang Lola ko sa hallway ng hospital. Tinawag ko siya pero hindi niya ako nilingon. Kaya naman kahit nanghihina binilisan ko ang pagtakbo para lang maabutan siya. Yumakap ako sa likod niya. Napatigil siya ngunit hindi ako gumalaw at hindi rin nagsalita.
"Lola..."
"Anong kahangalan ang ginagawa mo? Dumudugo 'yang kamay mo bumalik ka doon!" asik niya sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
"Patawarin niyo na si Mama. Patawarin niyo na si Papa sa pag-iwan sa inyo. Matagal na 'yon Lola, sana subukan niyo nang burahin sa puso niyo ang kasalanan nila sayo." humihikbi kong turan.
"Tinraydor ako ng sarili kong anak! Pinagpalit ako sa isang bayarang babae. Tinalikuran niya ang lahat ng mga pangarap ko para sa kanya, hinding-hindi ko sila mapapatawad."
"Paano ako Lola? Anong kasalanan ko sa inyo para parusahan niyo ako ng ganito? Lahat tiniis ko, lahat tinanggap ko para lang kilalanin niyo ako pero..."
"Kamukhang-kamukha mo ang ama mo naaalala ko ang kasutilan niya kapag nakikita kita, kaya ayokong--" binitiwan ko siya at humarap ako sa kanya. Tinitigan ko ang mukha ni Lola Eleanor. Matanda na siya at halata na ang kulubot sa balat niya pero hindi maipagkakailang napakaganda pa rin nito at napakaenggrande ng postura.
"Lola sana maintindihan niyo na nagmahal lamang si Papa. Hindi siya namili, kahit kay Mama siya sumama sinubukan niya pa rin ang umuwi sa inyo ng napakaraming beses kasi mahal niya kayo! Alam niyo 'yan. Si Mama kahit na minsan siyang naging bayarang babae, nang makilala niya si Papa at bumuo sila ng pamilya naging matinong babae siya. Hindi nila kasalanan na nahulog ang puso nila sa isa't isa, naiintindihan ko ang nararamdaman ninyo pero sana maintindihan niyo rin na pinili nilang mahalin ang isa't-isa pero hindi nila ginustong saktan kayo."
Matagal na tumitig sa akin ang matanda. Gusto niyang pahiran ang luha ko pero nakita kong nag-alangan siya doon. Gusto kong matuwa sa progress na nakikita ko sa relasyon naming dalawa.
"Tigilan mo na ang kakaiyak mo buntis ka masama 'yan sayo."
Tumatango akong nagpunas ng luha. "Mas masama sa akin kapag pinakulong niyo ako...gusto niyo bang lumaki sa kulungan ang apo niyo sa tuhod?"
Sinungitan niya ako ng tingin.
"Hindi ako kamukha ni Papa. Kamukha niyo po ako, magkasing tapang nga tayo at magkasing tigas ng ulo."
"Tsk. Pumunta ka sa hacienda paglabas mo dito."
Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga po?? Pwede na??"
"Pumili ka ng lalaking may napakalaking kompanyang inaasikaso sa tingin mo makakaya ka niyang bantayan bente-kwarto oras? Hindi. Kaya doon ka muna sa bahay."
"Paano po si Cole?"
"Aba pumunta siya kung gusto niya. Hindi ikaw ang mag-aadjust para sa lalaki. Kilala ko ang background ng lalaking 'yan, alam kong maraming babae ang nakapaligid sa isang iyan at hindi marunong pumirmi sa iisang lugar. 'Yang mga lalaking kagaya niyan kailangan na makatikim ng hirap para hindi ka basta-basta iwanan. Aalis na ako. " binalingan niya si Atty. "Ikaw na ang bahala dito." inabot ni Lola Eleanor ang kontrata na hawak nito kay Atty. Lacuesta.
Bago sumunod si Atty. Pinunit nito ang kontrata. "Congratulations!" anito.
"Ang dunong mo doon sa kontrata ah!" asik ko dito.
"I can't help it. I'm the best lawyer in town.. and you're the best actress!"
Tumatawa kong pinahid ang luha ko."Kaysa naman makulong ako di ba? Ano ba naman ang konting luha."
"Seriously. Pumunta ka ng hacienda, kailangan ka ng matanda doon."
Bumuntong-hininga ako. Mahihirapan si Cole na bisitahin ako pero ano ba naman ang konting sacrifice para maging maayos na ang lahat? Gusto kong paglabas ng anak ko wala ng kahit na katiting na isyu at problemang emosyonal sa buhay ko. Gusto kong ibuhos lahat ng pagmamahal ko sa bata at magagawa ko lang iyon kung makikipagbati ako sa nakaraan ko. Tama si Cole, tama an ang hinanakit at sama ng loob na kinikimkim ko. Ako lang din ang mahihirapan, mas mabuti nalang na umahon at harapin ang bukas na masaya. Walang halong negativity.
"I will.."
Nang makalabas ako sa hospital at masiguro ng mga doctor na maayos ang kalagayan ng bata pormal akong pinakilala ni Cole kay Mrs. Ramirez at sa mga kamag-anak niya sa R&R. Ilang gabi akong nanatili sa mansyon nila Cole bago ako nagpaalam na kailangan kong umuwi sa Lola ko sa probinsya. Sa una ay nag-alangan si Cole, marami siyang trabaho sa R&R at hindi araw-araw ay mapupuntahan niya ako sa probinsya, pero giniit kong sandali lang naman ang setting na iyon, hanggat hindi pa kami kinakasal titira muna ako sa Lola ko para magkaroon kami ng pagkakataon na magkaayos at mapunuan ang lahat ng mga taong naging malayo ang loob namin sa isa't isa.
Pagkatapos ng ilang buwan kong pamamalagi sa hacienda napatunayan kong masungit at istrikto lang talaga ang matanda pero mapagmahal naman ito. Kahit wala si Cole sa tabi ko araw-araw hindi naman nagkulang ang matanda sa pag aalaga at pagmamahal. Kausap ko si Cole sa video call gabi-gabi at sa tuwing makakaluwag siya sa trabaho ay bumibisita siya sa akin.
Nasa bintana ako ng malaking mansyon ng hacienda habang pinagmamasdan ko si Cole na kamutin ang ulo sa sunod-sunod na utos ng matanda na manbungkal ng lupa para sa hardin nito ng mga rosas. Alam ko kung bakit inip na inip na ang mukha ni Cole. Kasi mamayang gabi babalik na naman siya sa Maynila, hindi pa siya nakakayakap at nakakahalik ng matagal sa akin.
"Pagod ka na?" nakangisi kong tanong.
Isang maiksi ngunit madiin na halik sa labi ang sinagot niya sa akin. "Hindi 'no. Para ito lang. Sigurado ka bang babalik ka na sa trabaho pagkatapos ng kasal?"
"Oo naman. Nagpaalam na ako sa Lola, pinagbigyan naman niya ako, sasama siya sa Maynila sa akin."
"Pero kaya mo na ba?"
"Cole, buntis lang ako, wala akong sakit. Kaya kong magtrabaho, hindi porke't papa ng baby ko ang may-ari ng company ay pwede na akong maghayahay, tuloy ang buhay ok? Mahal ko ang trabaho ko, alam mo 'yan."
"Ikaw ang bahala, kung ano ang gusto mo 'yun ang susundin natin."
Hay, kung alam ko lang na magkagaganito ang buhay ko, sana hindi na ako nag-imbak ng sandamakmak na sama ng loob noon. Gwapong fiance, mayaman na hacienderang Lola, ubod ng yaman na biyenan, ano pang hihilingin ko di ba? Parang bumaba ang langit at hinalikan ako.
"Cole, alam mo ba, sa kabilang bakod ng hacienda ni Lola may malawak na taniman ng mangga. Matandang dalaga daw ang may-ari. Sabi sa bayan sobrang sarap daw ng mangga niya kaso hindi niya binibenta..baka naman pwede mo akong kuhanan.."
"Ayaw ngang ibenta di ba?"
"Eh gusto ko eh. Sige na baby..please?"
"Anong magagawa natin kung ayaw ibenta?"
"May alam akong daan kaso hindi ko kayang umakyat."
"Nanakawin natin?"
Kagat labi akong tumango. Umawang ang labi ni Cole sa akin.
"Sige na."
"Naalala mo nung muntik na akong mabaril dahil sayo?"
"Walang baril ang matanda."
"How did you know?"
"I don't.."
Umikot ang mata niya.
"Sabi ni baby gusto niya ng mangga. Daddy pleaseeee....?"
Walang nagawa si Cole kundi ang magkamot nalang ng batok. Pinakita ko sa kanya kung saan dadaan. Kinailangan niyang akyatin ang mataas na bakod na namamagitan.Mataas iyon at punong-punong ng mga nakakapit na ligaw na halaman.
Shit! Haha! Tawang-tawa ako sa kilig na nararamdaman habang nakikita ko si Cole na pinagpapawisan habang umaakyat, kahit na nakadamit siya ay bakas na bakas sa manipis nitong tela ang matipuno niyang katawan. Napakagwapo ni Cole. Napakagwapong magnanakaw ng mangga! Halos tumili ang puso ko sa kilig, hindi ko alam kung anong meron at sobrang excited akong panoorin siyang umakyat ng mangga sa kabilang bakod. Nakikita ko siya mula sa mataas na tree house na pinagawa ng Lola ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong biglang sumulpot sa kung saan ang matandang may-ari ng property sa kabila. Naabutan nito sa taas ng puno si Cole at pilit na pinapababa. Naku po. Nakita ko ang pag-pinggot ng matanda sa tainga ni Cole, imbes na maawa ako. Hindi ko alam kung bakit gusto kong tumawa ng malakas.
"Binigay niya sayo?" tanong ko pagdating niya hawak-hawak ang kumpol ng mangga. Nahiga siya sa tabi ko sa maliit na kama na nasa tree house. Pawis na pawis siya kaya pinunasan ko muna bago inisa-isang amoyin ang manggang hilaw na dala niya. "Bakit niya binigay? Di siya nagalit?"
"Bakit ayaw mo? Gusto mo ba magalit siya? Piningot nga ako eh!" may halong asar ang tono ni Cole. Lumalabas talaga pagkasuplado nito kahit anong panggap.
"Galit ka na niyan? Kung galit ka hindi ko nalang kakainin 'yan. Galit ka pala eh!"
Napahilamos siya sa mukha at asar na umupo. "Ang arte ng baboy na 'to akala mo ang gaan. Kainin mo 'yan pinaghirapan ko yan."
"Galit ka eh."
"Hindi."
"Bakit nakasimangot ka?"
"Hindi nga!"
"Engr Boss? Kung hindi ka galit kiss mo nga ako?"
Simangot ang sagot niya. Naiinis siya eh, alam ko. Hinalikan niya ako sabay kagat sa ibabang labi ko napasigaw ako sa sakit no'n. Hahampasin ko na sana siya pero nginitian niya ako ng pagkatamis pakiramdam ko isang malaki at mortal na kasalanan kung dadapo ang kamay ko sa balikat niya.
I can't wait to marry this glorious, adorable man next week. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking pinangarap ko, pinagpantasyahan, sinubukang gayumahin, sinubukang gahasain ay akin na ngayon. Akin na akin na. Alam kong maraming nega sa paligid ang nagsasabi ng walang forever, well kung wala pa, ako ang gagawa. Dahil sa dami ng hirap ko dito kay Cole, kahit si Mareng karma babangasan ko kapag inagaw 'to sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro