Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

39. Playful Circumstances


Meet the parent na nga ba ang drama ni Isabel ngayon?


Nanginginig ako sa galit nang makausap ko ang Boss ng escort service agency ni Rushell. Wala naman itong go signal mula sa kaibigan ko, malinaw na ipinaliwanag ni Rushell na isang beses lamang akong magiging proxy, but the man clearly wanted to make money out of me. Bukod sa kailangan kong sumipot sa Briton na customer ay kailangan kong sumama sa isa pang booking na hindi ko kilala ang kliyente at hindi ko alam kung ano ang limitasyon. Kapag hindi, hindi kailanman matatanggal ang litrato at pangalan ko sa website.

Well I can always sue the guy but it'll drag my name into deeper dirt. Ang iniiwasan ko ay makarating sa publiko ang bagay na iyon. Bukod sa masisira ang pangalan ko, madadamay ko sa kahihiyan ang kompanya ko. Malalaman ni Cole. Malalaman ni Eleanor. Kaya naman wala ako sa sarili buong maghapon, wala din akong nagawang matinong trabaho. Buong araw akong hindi kinausap ni Cole.

Kumatok ako sa opisina niya dalawang oras bago matapos ang araw. Tiningnan niya ako ng masama. Kaya kong tiisin iyon, ang hindi ko kaya ay ang tingnan niya ako na may pandidiri. At 'yon ang mangyayari kapag nakita niya ang litrato ko sa website ng agency ng mga kilalang escort service sa bansa. Kapag lumabas iyon walang mag-aabalang magtanong kung kelan ako nakapasok at kung paano. Iisipin nilang lahat na bayarang babae ako. Na nasa dugo ko, dahil dati namang ganun ang trabaho ng nanay ko.

"Kailangang kong umuwi ng maaga ngayon." mahina kong turan. Abala siya sa harapan ng computer niya. Hawak niya ang isang telepono at sinasabing may meeting siya at hinihintay siya ng kliyente sa boardroom.

"Nandito si Mama, gusto ka niyang makita. It's about the project. Hindi ka pwedeng umalis nalang basta kung kelan mo gusto."

Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko kayang harapin si Mrs. Ramirez sa estado ko ngayon na anumang oras magco-collapse sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. I tried to cheer myself up like I always do kapag may problema pero sa pagkakataong ito, drain na drain talaga ako. Isang malaking threat sa buong buhay at career ko ang website na iyon.

"Ma-masama ang pakiramdam ko. I'm sorry. Kailangan ko nang umalis Cole."

Ibinagsak niya ang telepono sa handle nito tapos ay diretso akong tiningnan sa mata.

"Anong problema mo?" tanong niya na kunot ang noo.

Umiling ako. "Wala. Masama lang ang pakiramdam ko."

"Tawagin mo ang assistant mo magpasama ka sa hospital, tapos bumalik ka dito. Maraming tanong si Mama tungkol sa design ng mall, ikaw ang kailangang sumagot no'n."

Humugot ako ng malalim na hininga. "Bukas. I need to go, now. I'm sorry." Atubili akong lumabas ng opisina niya. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nasa daan papunta sa bahay ni Rushell. Takot na takot ako, lahat ng iningatan kong karangalan at reputasyon over the years mawawala 'yon lahat kapag nagkamali ako ng galaw at hindi ko naayos ito. Walang ibang makakatulong sa akin kundi sarili ko lang din.

"Isabel, I'm so sorry friend I dragged you into this. Hindi ko naman alam na ganun kahayop ang bago naming Boss. Hindi ko din alam ang gagawin ko, hindi naman pwedeng magtayo ako ng unyon o kaya sunugin ko ang opisina namin di ba?"

"We will get this over and done with Rushell. Gagawin ko nalang ang dalawang booking."

"Hindi mo pwedeng gawin ang pangalawa, walang restrictions 'yon kahit ano pwedeng gawin sayo ng kliyente at kahit saan pwede kang dalhin! Delikado 'to Isabel. Magsumbong na tayo sa pulis-"

"Hindi pwede! Malalaman ni Cole. Matatanggap kong galit sa akin 'yon pero hindi ko matatanggap kapag pinandirihan niya ako. Rushell, alam mo kung gaano siya kaimportante sa akin, ayokong gumawa ng bagay na mas lalong maglalayo sa aming dalawa. Kaya nga gusto ko nang ayusin lahat ng mga tinatago ko sa kanya di ba? Dahil gusto kong masabi ko na sa kanya kung ano ang nararamdaman ko ng walang tinatagong kaba!"

"Lintik. Tinamaan ka talaga ng malala sa Engineer na 'yan. Eh playboy 'yan eh! Ang dami nang pina-iyak na babae, anong assurance mo na seseryosohin ka niyan? Naku naman Isabel.."

"Walang assurance. Wala namang ganun sa pagibig eh. Hindi mo masasabi kung kelan ka maiinlove at hindi mo madidiktahan ang puso kung kanino titibok. Hayop eh di ba? Pero 'yon talaga 'yon eh."

Malalim ang naging buntong-hininga ni Rushell. "Oh siya, tara na sa kwarto. Kailangan mong mag-ayos. Subukan nating patungan ng makapal na make-up yang mukha mo, kasabay ng panalangin na sana walang makakilala sa'yo sa party na 'yon."

Napahawak ako sa balikat ko. Wala naman siguro. Sumunod ako kay Rushell upang mag-ayos. I have to get through this one way or another.









Sinundo ako ng isang magarang limousine. Nasa loob no'n ang matangkad at napaka-gwapong foreigner. Matipuno ang katawan at walang kasing asul ang mga mata. Pakonswelo ko nalang na at least hindi naman nakakailang na kasama ang kliyente.

"Hi! I'm Isabel." hindi ko alam kung panu ba umastang escort. Walang manual ang trabahong ito bukod sa kailangan kong lumandi.

"I'm Kristoff, you look lovelier in person, Isabel." malapad ang ngiti niya sa akin. I wore a royal blue maxi dress that fits my body. Off shoulder iyon at kita ang malaking bahagi ng cleavage ko pero formal pa rin ang itsura. Wala akong kwintas pero malalaki naman ang blue diamond na nasa tainga ko. Hindi basta-basta ang party kaya ayaw kong umagaw ng atensyon at magmukhang waitress kaysa bisita. Napapadalas ang party na ina-attendan ko, kung hindi gate-crasher eh escort girl ako. Hay. Nakakadismaya.

Isang malaking exclusive na luxury villa ang pinuntahan ng kotse. Parang pagtitipon iyon ng mayayamang lider at negosyante galing sa iba't ibang bansa. Totoo naman ang sinabi ni Kristoff na legit at walang halong kabulastugan ang party. Kailangan niya lang talaga ng makakasama dahil halos lahat sa mga naroon ay may partner.

"Why didn't you bring your girlfriend instead?" tanong ko nang kapalagayang loob ko na siya, nasa party na kami at kausap ko siya sa isang sulok habang hawak ang kopita ng kumikinang na white wine. Tapos na siyang lumibot sa mga kakilala kaya nakapagpahinga na ang paa ko.

Tinawanan niya ang tanong ko. "I don't have a girlfriend." kumakamot siya sa batok. "I just came here to work. I came with you to blend well with other guests, I don't need complications."

"Right. Let's cheers to that!" nakatawa kong sagot kasabay ng pag-angat ko ng baso ng alak. Sa loob ko, hay salamat. Mas lalong gumaan ang gabi. Ngunit ang inakala kong kapayapaan ay pansamantala lang pala. Sa di kalayuan ay namataan ko ang pamilyar na mukha. Mukha na alam kong hindi ko pa nakikita sa personal pero nakita ko na sa picture. Tinitigan ko ng ilang beses ang mukha ng magandang babae na iyon e. Dahil kamukhang-kamukha siya ni Cole. Kung hindi ako dinadaya ng paningin ko si Mrs. Mira Ramirez iyon na nasa kabilang bahagi at gustong puntahan ni Kristoff.

"No!" protesta ko.

"Is there a problem?"

Alam kong sa likod ng lipstick at blush on ko namutla ako. Anong ginagawa ng Mama ni Cole dito? Dito talaga? Sa party na 'to talaga??

"No-nothing. I need to go to the ladies room, excuse me." mahina kong sabi. Ayokong gumuhit ang kaba sa boses ko. Nanginig bigla ang tuhod ko ng wala namang sapat na dahilan. Isabel, OA ha. Kastigo ko sa sarili. Guilty kasi ako. Escort girl ako sa gabing ito, at kung mamalasin dito kami unang magkikita ni Mrs. Ramirez. It's not as if my inaasahan akong future kay Cole, pero ewan ko ba, natatakot akong makita ni Mrs. Ramirez dito.

Kaya naman ng yayain akong magsayaw ni Kristoff, syempre wala akong karapatang tumanggi, panay ang iwas ko sa ginang. Hindi dapat tatama ang tingin niya sa akin kaya lagi akong nakatalikod dito. Kahit na masira ko na ang sayaw.Mabuti hindi napipikon si Kristoff, tinatawanan lang ako. Mas lalong lumala ang tensyon nang namataan ko ang pagpasok ni Cole sa ballroom.

Ang lintik kong mata may panahon pang I-slow motion ang entrance ni Cole, ilang segundo pa akong napatitig sa itim na formal suit niya na pormang-porma sa tangkad at sa matikas niyang tindig. Nang mga sandaling iyon parang nagbukas ang kalangitan sa tapat ng ulo niya. Lumiwanag ng malala, napalibutan siya ng mga paro-paro.

"Ouch!"daing iyon ni Kristoff. Naapakan ko ang paa niya. Nanlaki ang mata ko ng tumingin sa gawi namin si Cole. Tumalikod ako at bahagyang nagtago sa taong nasa unahan ko.

"I'm so sorry. It's my bad I don't know how to dance. Can we just get to the balcony upstairs? To..to drink more wine?" kandabulol kong sabi pero sinabayan ko ng singkit na mata at landi sa boses. Madilim ang parteng iyon ng balcony pero 'yon lang ang lugar na hindi ako makikita ni Cole. Mabuti na lamang at sumunod sa akin si Kristoff. Mabait naman ito at madaling kausap. We made our way through the dancing couples para lang marating ang hagdan papunta sa third floor ng malawak na villa kung saan mula doon ay kita ang malawak na lawn at malaking swimming pool sa ibaba. Kailangan ko din ng sariwang hangin. Nagpatiuna akong maglakad kay Kristoff, nang namataan kong palapit sa direksyon namin si Cole mas lalo kong binilisan ang pag-akyat ng hagdan. Hindi ko inasahan ang pagkalaglag ng blue diamond sa tainga ko.

Punyemas! Ngayon talaga na hindi ko pwedeng balikan dahil nasa likuran si Cole?? Nagtulo-tuloy ako sa pag-akyat,ni hindi ko na tiningnan si Kristoff. Magkita nalang kami sa taas. Pagdating ko doon, huminga ako ng malalim, napakapit ako ng mahigpit sa railings ng balcony habang nakatanaw sa asul na kulay ng pool sa ibaba na napapaligiran ng ilaw.

Natatabingan ng kurtina ang balcony kaya madilim. Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko. Inakala kong si Kristoff iyon kaya pumihit kaagad ako.

"Miss, you dropped your erring-"

Pero ang malamlam na kulay light brown na mga mata ni Cole ang tumambad sa akin. Hawak niya sa kamay niya ang kapares ng hikaw ko.

"Isabel?" tinig iyon ni Kristoff, dumating na din ito hawak ang dalawang kopita ng alak at binigay sa akin.

"Engr. Ramirez?" nanlaki ang mata ni Kristoff sa kanya pero nanatiling seryoso ang tingin ni Cole sa akin. Nang magbaba ako ng tingin nakipagkamay at maikling nakipag-usap siya kay Kristoff. All the  while walang tigil ang kabog ng dibdib ko. Lalo na ng kunin ni Kristoff sa kanya ang hikaw ko at ito mismo ang magsuot sa akin niyon.

"There you go. You look prettier with them." ani Kristoff. "By the way, Isabel, meet one of the most bankable Engineers in town, Cole Ramirez. Cole this is my date, Isabel."

Walang kaplastikan sa katawan ni Cole ni hindi siya umarte ng naaayon sa sitwasyon. HIndi man lang ngumiti sa akin. Diretso ang nagbabagang tingin sa akin parang tinutunaw ako. Napakapit ako ng mahigpit sa shoulder bag ko.

Ilang sandali pa narinig ko ang papalapit na boses ni Mrs. Ramirez, hinahanap si Cole.

God.Damn.It.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro