37. Bitter-Hearted
This chapter is for the bitter-hearted:-D
Nakakailang hakbang palang ako palabas ng opisina, parang ayaw nang sumunod ng paa ko sa akin. Kusa din itong bumabalik sa pinanggalingan ko. Hinihintay ko si Cole. Buong katawan at pagkatao ko ang kalaban ko, gustong gusto kong hintayin si Cole. Magkape kami sa iisang baso habang magkadikit balikat na nagtatrabaho. Tapos kapag napapagod ako hihilig lang ako sa balikat niya hahalikan siya sa leeg tapos ok na energized na ulit ako.
Ganun ang gusto kong gawin. Kaya naman imbes na lumabas na ako ng pinto nakapangalumbaba ako sa desk ko habang lutang na iniimagine ang kagwapuhan ni Cole. Nakatitig siya sa akin, tapos ang ganda at ang sexy ko sa paningin niya. Ang sarap mangarap, nakakainis. Kaya naman nakabalik na si Cole nasa desk pa din ako nakalutang sa alapaap ang diwa.
Dala niya sa tray ang dalawang tasa ng kape na parang ang sosyal ng pagkakagawa, nakaguhit pa ang hugis puso sa puting foam na nasa ibabaw nito. "I know you love coffee. This one is a shot of expresso with milk."
Amoy palang gusto ko nang pumikit sa sarap. Tapos inangat pa niya ang baso, nag-slow motion ang paningin ko sa kanya nang halikan niya iyon sa gilid bago ibigay sa akin. Pinilig ko ang ulo ko. Kinurot ko ang sarili kong tagiliran para lang matauhan, pinaypay ko pa ang kamay ko sa mukha ko.
"Cole. Anong ginagawa mo?"
"Serving you coffee, what else?"
"Eh nilalandi mo ako eh!" akusa ko sa kanya.
"Hindi ah! I was just grateful na pinayagan mo akong magstay sa opisina mo."
Asar ko siyang inirapan. Pinaalala ko sa sarili ko kung gaano ka-hustler ang lalaking ito na magpaasa ng babae. Ganyan siya sa akin dahil walang nakakakita, dahil walang Naomi. Pero ipupusta ko lahat ng bilbil ko sa katawan na sa oras na dumating ang white lady niyang syota, hindi na naman niya ako papansinin. Kaya ako na ang nauna.
"I need to go down the lobby to meet someone." diretsong sabi ko na kinakunot ng noo niya.
"Sino?"
"Someone that matters not to you. Kakilala ko lang."
"Sino nga?" naging firm na ang tinig niya.
"Si Atty. Lacuesta."
Naningkit ang mga mata ni Cole. "Who's Atty. Lacuesta? The man at the cafe then? Why would you meet him?"
Inangatan ko siya ng noo. "Why not? He's a friend. We had an agreement we both have to discuss. Hindi porke kinansel mo na ang bargain natin ay hindi ko na itutuloy ang mga plano ko sa buhay. I have to carry on with or without you, Boss. Now if you'll excuse me, I need to go out."
"What? Anong ibig mong sabihin d'yan?"
"Kahit ano. Bahala ka na." Hindi ko naman talaga kailangang sagutin ang tanong niya, siya nga walang paliwanag bakit panay ang yakap niya sa white lady niya. Tinanong ko siya kung sila na ni Naomi, wala daw akong pakialam kaya bakit ko sasagutin ang tanong niya ngayon?
"So now you're going to go to random guy just to get pregnant? Are you fucking crazy??"
"Yes I am! I'm crazy. I'm a bitch and I'm a psycho! Itawag mo na lahat ng gusto mong itawag sa akin. Basta gagawin ko lahat ng gusto ko at walang makakapigil sa akin. Not even you! Who said about getting pregnant to a random guy? Syempre kikilalanin ko na muna ang tao. Who knows, I might follow your advise to get a decent relationship first before having a baby. Basta buhay ko na 'to, desisyon ko na 'to. Ngayong wala na ang bargain, hindi ka na kasali sa kahit na anong kilos at desisyon ko sa buhay."
Nang akmang paalis na ako. Hinawakan niya ako sa braso, tiningnan ko siya sa mata dahil doon. Kung sasabihin niya sa akin ngayon na wag akong bumaba, I swear to God, hindi ako bababa. I just needed one word from Cole. Pero imbes na sabihing wag akong umalis, ang sabi niya lang magsisimula ang trabaho ko after 20 minutes. Kaya naman ismid lang din ang sinagot ko sa kanya. Nakakainis!
Bumaba ako sa lobby na masama ang pakiramdam. Nakita kaagad ni Atty iyon at alam niya kaagad kung sino ang rason. Pumasok kami sa cafe na nasa loob ng R&R.
"Are you okay?" tanong niya.
"Oo naman. Sorry nga pala the last time hindi na kita nabalikan, siguro iniisip mong ang sama kong babae hindi mo na ako isasama sa party na kagaya nun kahit kelan!"
Tinawanan ako ni Atty. Kahit na hindi ko pa siya lubos na kilala at kahit na lumaki siya sa poder ng Lola ko imbes na ako, magaan ang loob ko sa kanya. Siguro kasi natural na charming sa tao si Atty. Hindi man siya kasing pogi at kasing lakas ng dating ni Cole, masasabi ko namang cute siya at natural na lovable. In regular mass standards minus the existence of Cole, gwapo talaga si Atty.Raymond Lacuesta.
"Your Lola was there. She even went to your room that night. Nagka-usap ba kayo?"
Napatunganga ako sa kanya. "Ha? Hindi? Bakit niya naman ako sinundan? Nag alala siya sa akin?"
"Siguro."
"Kalokohan. Wag mo nga akong paasahin."
Tumango-tango lang si Atty. "Sa tagal kong nakasama ang Lola mo, hanggang ngayon hindi ko pa rin siya mabasa. Kaya hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagpunta niya sa kwarto mo ng time na 'yon. Kumusta na nga pala ang contract? Are you working on it? May positive result na ba?"
"Nega. The only man I wanted to do it with said NO. I was greedy as hell when I signed the contract. Pero dahil sa pakialamerong 'yon hindi ko na alam kung ano ang gusto ko. Bahala na, kung aabutan ako ng oras ko sa contract nang hindi nabubuntis, so be it. I tried hard enough. Pero kung hindi ako kinakarma, nasasaktan naman ako."
"Si Engr. Ramirez."
"Di ba nga. Pati lalaking gusto ko unreachable."
Sinenyasan ako ni Atty. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Cole na pumasok ng cafe, nagorder sa counter tapos naupo sa likuran ko mismo halos magdikit na ang likuran ng mga ulo namin sa sobrang lapit niya. Nanlaki ang mga mata ko. Bigla akong naging uncomfortable. Paano ako makikipag-usap ng matino kay Atty kung nasa likuran ko siya at dinig na dinig niya bawat sasabihin ko.
Asar ko siyang nilingon. "Anong ginagawa mo dito?" asik kong ismid sa kanya.
"You even have to ask, are you blind?" he tilted his head to the coffee in front of him. Sinasabing nandoon siya para magkape just like everyone else.
"Di ba may coffee ka na sa taas?"
"Gusto ko pang mag-coffee, dito nangingialam ka?"
Pinanlisikan ko siya ng tingin. "Doon ka sa malayo!"
"Gusto ko ang pwestong ito. Swerte daw, based on feng shui."
Gusto kong matawa. "Kelan ka pa naniwala doon?"
"Ngayon lang."
Narinig ko ang pagtikhim ni Atty. "Sorry. Yung Boss ko kasi, abnormal."
"Anong sinabi mo?" bwelta ni Cole.
"Oh bakit nakikinig ka sa usapan ng may usapan? Wala kang magawa sa buhay mo?"
"Wala. Obvious ba?" pabalang niyang sagot, seryoso ang mukha niya na para bang mas pikon pa sa akin. Siya na nga itong bigla-bigla nalang dumidikit sa akin.
Pinandilatan ko siya. Tapos ay si Atty ang hinarap ko.
"Atty Lacuesta, can we just find another place to talk about the baby contract. Masyadong nakakasuffocate sa lugar na ito. Doon tayo sa lugar na hindi pwedeng sumunod ang mga kambing. Tara?" may lambing sa tinig ko at diniin ko talaga ang baby contract. Hindi nakalusot sa paningin ko ang pagdilim ng mukha ni Cole. May nasaling akong parte ng bloated niyang ego kaya siya nagkakaganyan, hindi ko lang matukoy kung anong parte iyon.
Nang pumayag si Atty, akmang tatayo na ako. Pero hindi pa man ako nakakapaglakad palayo kinabig na ni Cole ang braso ko.
"Where the hell do you think you're going? It's office hours already. Let's go."
"Teka!" pero walang sabi-sabi niya akong hinila palabas ng cafe ni hindi ako nakapag-paalam kay Atty. Sumakay kami sa private elevator kaya kami lang ang tao doon.
"Ano bang problema mo bakit ang bastos mo ha?" singhal ko sa kanya. "May kausap ako, nakakahiya doon sa tao!"
"Ang sabi ko sayo twenty minutes lang ang meron ka. At wag ka nang magreklamo, isara mo yang bunganga mo dahil naiinis ako sa 'yo!" singhal niyang pabalik sa akin.
"Hoy Boss lang kita sa opisina, personal na buhay ko na ang pinakikialaman mo. Nakialam ba ako nung ang lintik mong jowang white lady kapit ng kapit sayo parang palaka? Di ba hindi?"
Tumitig sa akin si Cole. "Nagseselos ka kay Naomi?"
"Wala akong pakialam sa girlfriend mo, ang sinasabi ko lang--"
"What made you think na girlfriend ko si Naomi?"
"Hoy Kambing, hindi ako bulag. Lagi mong kayakap ang babaeng 'yon. Kapag dito tayo sa opisina siya lagi ang kasama mo, pinapansin mo lang ako kapag walang tao at walang nakakakita! Tapos hinahalikan mo ako. Anong ibig sabihin nun? Siya ang legal na girlfriend tapos ako ang kabit??"
Humupa ang dilim sa mukha ni Cole. Nang magbukas ang elevator, nagpatiuna akong lumabas pero hinabol niya ako, hinawakan ako sa kamay sa gitna ng lahat ng kanyang mga empleyado. Napalunok ako nang makita ko ang awang na labi ng bawat isa sa kanila. Walang pakialam si Cole, diretso lang siya sa paghila sa akin patungo sa loob ng kanyang opisina.
"Naomi was my girlfriend. Totoong malalim ang pinagsamahan namin noon, I even proposed marriage to her! But we broke up, the reason was worse enough for me to call it quits with her. Hindi na ako makikipagbalikan sa kanya no matter how hard she tried. Hindi na kami pwede sa isa't isa, she broke a part of me that will never be restored. I no longer trust her. I no longer love her. I had nothing to do with her anymore. Kaya lagi ko siyang kasama dito sa opisina ay dahil malalaking kliyente mula sa abroad ang nirerepresent niya. She's gonna be the new image of the company as well. I am not the CEO, kahit alam mong ako ang successor ng kompanyang ito project engineer lang ang role ko sa ngayon. Wala ako sa posisyon na mamili ng kliyente at model ng kompanya."
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay. Alam kong nanginginig iyon kaya pinagsalikop ni Cole sa dalawang kamay niya.
"You were accusing me of hiding you from the public? Bakit Isabel, ano ba tayo? Ano mo ba ako? Ano ba kita? Come on, you tell me.."
Ilang beses akong napalunok. Hindi ko inaasahan ang mga tanong na iyon ni Cole. Hindi ako handa,wala akong baon na sagot kaya ako ang natameme. Buong akala ko nagkabalikan na sila ni Naomi.
Punyemas bakit ang lamig dito? Akala ko ba sira ang aircon??
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro