Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26. The Seduction Game


Find out what Isabel has gotten herself into this time:)

Isabel. Focus. The road to your dreams is paved with delectable temptations. Maraming kang pagdadaanang pagsubok, aakitin kang mag u-turn, kumaliwa o kumanan para lang hindi makarating sa paroroonan. Ang isipin mo lang lagi ay kung gaano kalaki ang hacienda ni Eleanor. Kung gaano kadaming Rolex ang pwede mong mabili, at kung gaano kaganda sa pakiramdam na mapatunayan mo sa lahat na hindi ka sinungaling. Na isa kang tunay na dugong bughaw, isa kang Imperial.

At si Cole, isang pansamantalang bahagi lang siya ng buhay mo. Huwag kang aasa na ang isang kagaya niya ay mags-stay sayo kapag sinabi mo. Sa dami ng babaeng pinaiyak niya, magaganda at mayayaman, what made you think you're special? Huwag kang lukaret dahil madami nang nahulog sa bitag na 'yan. Mga babaeng tanga gusto ng bad boy, thinking na kapag minahal at inalagaan nila ng lubos ay magiging good boy na. Tangna, fairytale 'yon. Walang ganun sa totoong buhay. Pinanganak ka sa totoong mundo, gising ka sa katotohan. Huwag kang magtulog-tulugan! Hay naku, kung pwede lang na tuktukan ang sarili.

Si Cole ay isang temptastyon. Isang gwapong-gwapo, malaman at masarap na distraction! Gusto ng puso kong dumikit sa kanya pero sinasabi ng utak ko na lumayo na. Nakared alert na si Cole sa sistema ko. Kapag nagpatuloy ako sa ginagawa kong 'to baka makalimutan ko kung ano talaga ang pinaglalaban ko. Dapat kasi sini-sex ko talaga 'tong si Cole para tantanan na ako. Iyon naman ang ginagawa niya sa mga babaeng tapos na niyang ikama di ba? Iniiwasan niya ang mga iyon na para bang biglang tinubuan ng cancer sa mukha. I'm sure pag nag-sex na kami, iiwasan niya rin ako.

Ayokong mangyari, pero 'yon kasi talaga ang nararapat na mangyari bago pa niya ako maakit na tantanan si Eleanor at dumepende nalang sa kanya. Ngayon palang kailangan ko nang layuan si Cole, kundi sigurado, ako ang talo bandang huli. At ayokong natatalo, hindi ako pumapasok sa kahit na anong bagay na alam kong dehado ako. Kahit gaano pa kasarap ang temptasyong nakahain. Advance akong mag isip lagi.

"Why do we need two push carts?" naguguluhang tanong niya nang makarating kami sa supermarket. "Ganoon ba karaming ingredients ang kailangan mo?"

"Nakita mo namang tubig nalang ang laman ng ref ko. Ipagshopping mo na ako! Total andito na tayo at andito na sa akin ang wallet mo. Walang bawian, binigay mo na eh." nakatawa kong sagot.

Napakamot lang siya sa gilid ng leeg. Pero sinunod din ang sinabi kong kumuha pa ang isang push cart. Great! Lahat ng pagkaing mahal na hindi ko afford bilhin simula nang malubog ako sa utang ay kinuha ko na. Pang matagalang supply ang kailangan ko kaya nakatuon ang atensyon ko sa expiration date ng mga imported na de latang nilalagay ko sa cart. Kapag matagal ang expiration, hakot na kaagad!

"Isabel talaga bang ganito karaming spam, corned beef at sausage ang kailangan ng katawan mo? Puro processed foods 'tong mga 'to."

"Ikaw ba kakain? Ako naman eh!"

"Kung ikaw ang kakain bakit hindi nalang feeds ang bilhin mo, 'yong nakasako."

"Alam mo ikaw dapat sa damuhan kita dinala, hindi dito. Dapat pina-pastol ka kapag gutom ka. Maling area pala tayo?" ganti kong nakaangil sa kanya.

Naningkit lang ang mga mata ni Cole pero hindi na nagsalita. Tahimik siyang nakasunod sa likuran ko habang naghahakot ako ng pang isang taong supply ng grocery. Gusto kong tubuan ng mata sa likod, kanina nang hindi pa siya pumapasok alam ko supermarket 'tong lugar na ito. Ngayong nandito siya sa loob nagmistulang isang malaking venue ng reality show sa TV ang lugar. Sa suot niyang simpleng jeans at T-shirt, artistang-artista ang kumag! Napaka-gandang lahi, wala na akong hahanapin pang iba. Kung gusto ko ng perpektong anak sperm lang ni Cole ang makakagawa no'n. By hook or by crook kasama na pati fork, kailangan kong makamit iyon.

"Cole," paglingon ko sa likod ko wala na siya. Naroon na siya sa men's section kung saan namimili siya ng razor. Dahil nasa ilalim iyon ay bahagya siyang tumuwad. Walanghiya, ang tambok ng pwet ng loko, muntik na akong mahiya. Ang sexy ng galawang patuwad niya na 'yon napakagat nalang ako ng labi. Paminsan-minsan pinapasok niya sa likurang bulsa ang kamay niya, takte, sana kamay nalang ako. Sana kamay ko nalang iyon. Matigas kaya ang pwet ni Cole? O malambot? Hay*p na yan. Just by looking at him from across the aisle, sa loob ng isang supermarket sa harapan ng sandamakmak na pagkain, nawewet ako! Hindi na tama 'to. Makasalanan talaga ako. Mareng Karma kailangan ko ng parusa. Ang pangalang ng parusa Cole Ramirez ha? Wag kang magkakamali tatadyakan kita!

"Are you done?" he mouthed. Malayo siya sa akin kaya nabasa ko nalang sa bibig niya iyon.

"Not yet. Shit. I'm cumming." I mouthed.

"Ok."

Hay. Wala siyang kaide-ideya kung ano talaga ang totoong sinabi ko. I'm cumming tapos Ok? Tch.

Halos mapuno ang trunk ng kotse ko pati na din ang likurang upuan. Yes! Buhay na ako ng kalahating taon nang hindi lumalabas ng bahay.

"Yey! I'm so happy!" tili ko pa nang nasa loob na kami ng kotse. "So tapos na ang donation ng cash, donation naman ng sperm tayo?"

"My sperm is not up for donation obviously. I chose cash."

"Sayang. Dapat pala sperm or sperm lang ang choices no?" tudyo ko. "Ok lang, money makes the world go round anyway, madami akong napamili, hindi na masama."

"Money doesn't make the world go round, Isabel." irap niyang komento. "Stop patronizing money so much, it's not healthy."

"Kung hindi pera, eh ano pala?"

"You want a real answer? It's that little D word."

"Anong D?"

"Desire. People wanted money to get what they desire the most. So if you think about it, money is just a pawn in the game. It's always the first to be easily taken and eaten." seryoso niyang sabi. "I have a question. What if.. what if somebody offered you money in exchange for sex, would you take it?"

"Sa mga katulad mong mayaman money might really be just a pawn in the game. Sa mga katulad kong pinanganak na walang makain, ang pera ang nagpapatakbo sa buhay ko. Sa larong chess, ang pera ang hari ko. Kapag namatay ang hari, patay din ako. Kanya-kanya tayo ng disposisyon sa buhay Cole. Iba tayo ng langit na tinitingala. Kaya para sagutin ang tanong mo, if the price is right why not? Hindi naman ako virginal na tatanggi sa grasya, practical akong tao." Virgin lang ako pero hindi ako virginal.

"I've given you my money, isn't it enough already?"

"No. Never. Gusto ko pa ng hacienda ni Eleanor. Gusto ko ng apelyidong maganda, yung hindi puchuchu at pang-kanto. Gusto kong maging langit na tinitingala ng lahat. Alam kong hindi mo ako maiintindihan dahil buong buhay mo nasa taas ka na, hindi mo naranasan ang maapakan at ibaon sa lupa ng paulit-ulit. Kaya ako Cole, kahit puri dangal kidney, daliri at atay ko ibebenta ko."

Cole's face went blank again. Kaya hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ko. Wala siguro siyang pakialam kaya blanko ang mukha niya. "Pero kapag sayo libre puri nalang, basta ba sa loob ang fireworks, buntisin mo lang ako quits na tayo. Di ba utang mo pa sa akin ang buhay mo? Sabi nga ni Hammurabi an eye for an eye, a tooth for a tooth. Ibig sabihin no'n kapag nangutang ka ng itlog, itlog din ang ibayad mo. Eh buhay ang utang mo sa akin? So bata nalang ang kabayaran."

Hinintay ko ang sagot niya.

"Ano, wala kang sasabihin?"

"I don't know what to say. Why do you need a baby anyway? So you can pass on the bitterness, the greediness and the grudge in your heart?"

Napalunok ako. Nasa mata ni Cole ang pagkondena sa pagkatao ko at parang hindi iyon kayang tanggapin ng puso ko. Pero nagdesisyon na ako hindi ba? Si Cole ay temporary, hindi siya mananatili sa buhay ko ng matagal na panahon. Ano ngayon kung makikinig ako sa kanya ngayon? Kapag iniwan niya ako it wouldn't even matter. masisira na ang plano ko, mawawasak pa ang pangarap at puso ko. Kaya bakit ako magpapaapekto sa kanya?

"Daming sinabi. Sex lang ayaw pa. Hindi naman kita dadaganan. Ikaw sa ibabaw. Takot na takot? Nangako ka sa akin na utang mo sa akin ang buhay mo, kahit anong hilingin ko ibibigay mo. Kahit pa bata!"

Gumuhit ang inis sa mata ni Cole. Hindi na naitago ng poker face niya ang iritasyon. "You wanna have sex with me for a baby? Well, make me."

"Is that a dare?"

"Yeah. No foul play. No drugs. No tricks."

"Fair enough. Anong pamagat ng larong 'to the seduction game? I'm Arch. Isabel Funtalva and what I want, I get. I'll make you want to have sex with me like I'm the only woman in the world."

"I'll do this because you are right, I made you a promise and I intend to keep it. But remember, this is just a game. So no falling in love. If you fall in love with me, you stop. End of the bargain, you lose. Then were even."

"Mas mabilis malaglag ang panty ko kesa sa puso ko Engr. Ramirez, paano ba yan? So talo ka na agad?"

Nginisian niya ako. "Tingnan natin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro