
24. Lord, Give Me A Sign
Mahilig ka bang humingi ng sign kay God kapag may tanong na bumabagabag sayo?
Ang tanong alam mo ba paano i-interpret ng maayos ang sign?
Sundan ang susunod na kabanata sa buhay ng malandi nating Architect. Hahaha
Habang palabas ng restaurant lumilipad ang utak ko. Problema pala talaga ang lalaki. Pero di ba marami namang mayayaman ngayon na gumagamit ng IVF, artificial insemination, sikat na 'yon ngayon sa mga taong desperadong magkaanak. Healthy naman ang matris ako, kahit anong mangyari hindi ako ipagkakanulo nito. Tapos marami nang exclusive na clinic ngayon ang nagbebenta ng sperm. Kumalma ka Isabel, madali lang 'tong problema mo. Binigay na ng tadhana ito sayo 'wag mo nang sayangin. Ang motto mo sa buhay ay try and try until you die. Hanggat may buhay may pag-asa!
Lord, give me a sign! Kung may lalaki Kang itinadhana para sa akin ipakita mo na siya sa akin ngayon, dahil ngayon na ngayon ko na siya kailangan. Kung wala naman, kung itinadhana akong mag-isa, ok lang, basta payamanin Niyo ako. Ibigay Niyo na sa akin ito.
"Aray!" Napamura ako, nabunggo ko ang glass door ng restaurant dahil tuloy-tuloy ang lakad ko at wala sa daan ang atensyon ko. Halos umikot ang mundo ko, nahilo pa ako dahil sa pagkakauntong ng noo at buong mukha ko sa makapal na salamin ng restaurant. Dahil nawalan din ako ng balanse, alam kong babagsak ako sa sahig, napatili ako at napapikit. Pero hindi nangyari iyon dahil may bisig na sumalo sa akin. Hawak niya ako sa beywang, at sapo sa likod.
"Hey, are you ok?"
Tanong ni Atty. Lacuesta na bahagyang nakakunot ang noo sa pag-aalala. Lord, ang sabi ko give me a sign. Wala akong sinabing give me a bukol and a pilay. Pero teka...ito na ba ang sign? Pinapakita Mo na sa akin kung sino ang nakatadhana sa akin? Ang bilis naman ng sagot Mo, Lord. Express! Napalunok ako, hindi pa man ako nakakabawi, ay may humila nang bigla sa braso ko. Natagpuan ko ang sarili ko na nakasandal sa matigas at matipunong katawan ng isa pang lalaki.
I instantly recognized the other man's scent. Halos magdikit ang labi ko sa leeg niya.
"Tumayo ka ng maayos, ang bigat mo." bulong niya sa akin. Sinasabi ko na nga ba. Itinukod ko sa sahig ang dalawang paa ko para suportahan ang sarili ko. Ang nangyari nabangga ako sa pinto, nasalo ako ni Atty. Lacuesta, pero buong kababalaghang iniluwa yata ng isang malaking black hole si Engr. Cole Ramirez, hinablot niya ako mula sa butihin at gwapong abogado.
"Anong ginagawa mo dito?" salubong ang kilay na tanong niya. Tapos ay matalim ang matang sumulyap kay Atty. Lacuesta. Ano na nga ulit ang pangalan ng abogadong ito? Rayver? Raymar? Blu-Ray? Ray Ban? X-Ray?Ray-uma? Ahh, alam ko na. Raymond. Balik kay Cole. "Sino siya?" sunod na tanong niya.
"This Atty. Raymond Lacuesta, Attorney, Boss ko, si Engr. Cole Ramirez."
Kagaya ng inaasahan ko, malawak na ngumiti si Raymond inilahad ang kamay kay Cole, pero tiningnan lang iyon ni Cole hanggang sa kusang ibaba ng abogado ang kamay nito.
"Isabel. Mauna na ako." paalam pa ni Raymond sa akin. Nakangiti akong tumango sa kanya. Tapos ay sumimangot at pinagpantay ng husto ang nguso ko nang bumaling kay Cole.
"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay kong tanong. Panira ng moment! Panu kung 'yon na ang destiny ko, tapos tinaboy niya? Naku! Kapag ako napuno, lalasingin ko 'to, gagahasain ko 'to para tapos na problema ko!
"Ako ang naunang magtanong kaya ikaw ang maunang sumagot."
Ang sungit. Nireregla pre? "May pinag-usapan kami."
"Why would you talk to a lawyer? What's going on? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"Wow. Ano kita, boyfriend? Asawa? Boss kita, ok. Pag may kinalaman sa trabaho sasabihin ko sayo."
"May kinalaman din ba sa trabaho ang pagtawag mo sa akin sa madaling araw para sunduin ka in the middle of nowhere? Don't argue with me, just answer the damn question, ang dali lang ng tanong ko."
Nairita ako. Alam kong hindi ko kailangang sagutin ang tanong niya pero napaka-commanding ng dating niya, titig pa lang pakiramdam ko gusto ko nang ikwento ang buong buhay ko sa kanya pati kung paano ako umutot sa public. "Alam mo namang gusto kong yumaman di ba? Gumagawa ako ng paraan."
"How can talking to a lawyer get you any richer? It doesn't make sense, unless mayaman 'yon at 'yon na ang bagong target mo after Nathan Villasanta. What are you up to this time? May kinalaman ba ito sa Lola mo? I told you to never get involve with her. Ever."
"Walang kinalaman sa Lola ko 'to ok?" biglang lumabas nalang sa bibig ko. Nag-iwas ako ng tingin tapos ay nagpatiuna nang lumabas ng restaurant. Ayokong nang makipag-argumento sa kanya dahil alam kong hindi rin naman ako mananalo. Sumunod siya sa akin hanggang sa kotse.
"Don't lie to me." Bakit ba big deal sa kanya na hindi na ako makipag-usap sa Lola ko?
"Sa ganda kong 'to mukha ba akong sinungaling?" Hindi madaling utuin si Cole, pero hindi rin naman ako pwedeng umamin. Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Ngumiti ako ng pagkatamis, kinurap-kurap ko ang mata ko at pinuno ng hangin ang bibig ko hanggang sa bumukol ang magkabilang pisngi ko. Nagpraktis ako sa salamin kaya alam kong cute ako.
Pero walang epekto, nagsalubong lang ang kilay niya na para bang naiinis pa. "Mukha kang busog na baboy na punong-puno ng B-Meg sa bibig." Diniinan pa niya ang pisngi ko para lang lumabas ang lahat ng hangin doon. Asar kong pinalis ang kamay niya at pinanlisikan siya ng tingin.
"Oo na. Naniniwala na ako."
"Na maganda ako?"
"Na hindi ka sinungaling." Bumuntong hininga siya. "I just don't wanna see that hurt in your eyes again, no'ng sinundo kita sa probinsya. That was not a very pretty sight. Hindi na dapat maulit 'yon." bigla niyang sabi sa akin na seryoso ang mga mata. Parang hinaplos ang puso ko sa matinding senseridad na kaakibat noon. Parang totoong-totoo ang concern niya sa akin. Parang isa akong napakahalagang parte ng buhay niya na gusto niyang ingatan. Naramdaman ko ang biglang pagtibok ng kakaibang ugat sa puso ko. Ugat na noon ko lang naramdaman na nag-eexist pala sa loob ng dibdib ko.
"Of course. I would never lie to you about anything. Boss kita eh."
"Right. So, what now? Bakit may kausap kang abogado?"
Talaga? Hindi siya titigil? Niliko-liko ko na ang usapan, hindi pa rin siya naligaw? Hindi ko alam kung kambing ba talaga siya , o pusa eh! Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang ugat na naramdaman kong tumubo sa puso ko parang nakakabobo. Nakakawala sa sarili. Ayokong magsinungaling kay Cole pero ayoko din naman siyang galitin o bigoin. Siya ang taong nagpasaya sa akin at nagpabalik ng katinuan ko noong halos mabaliw ako at mag-isa sa gitna ng madilim na kalsada. He came to rescue me when he never had to.
"Alam mo Cole ang tsismoso mo, basta. Wag ka nang makialam d'yan. Wala akong ginagawang masama, 'wag kang mag alala hindi mo ikamamatay 'tong ginagawa ko at hindi rin ikalulugi ng kompanya mo. Sige na, magkita nalang tayo sa opisina. Baka may date kang naghihintay sayo naka-istorbo pa ako. Umalis ka na, puntahan mo na ang babae mo, magpakasawa ka sulitin mo ang Rolex na binigay mo, total ang mahal pa naman no'n."
Nang sumakay ako sa kotse, sumakay din siya sa driver's seat. "How did you even know about that? Sinundan mo ba ako kanina?"
"No way! Bakit ko gagawin iyon? Ano ako, may crush sayo? Hoy, excuse me!"
Tumawa si Cole. "Namumula ka. Wala akong sinabing crush mo ako tinatanong lang kita kung panu mo nalaman."
"Nakita ka ni Rushell, sa mall.. Nagkwento siya sa 'kin kaya nalaman ko. Hindi kita crush noh!"
"Did you ask her to follow me? And for the record, I didn't say anything about you having a crush on me."
Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Bakit ba kasi ganito nalang ako ka-uncomfortable at ka-comfortable kay Cole? Magkahalo, hindi ko na tuloy alam kung saan ako lulugar. "Nagkataon lang na gusto ding bumili ng Rolex ni Rushell, anong akala mo ikaw ang may-ari ng buong mall, ikaw lang ang anak ng Diyos na may karapatang bumili ng Rolex para sa ka-fling??"
"I was just asking. Why do you have to sound so accusing?"
"Eh ikaw eh. Bumaba ka na nga, uuwi na ako. Antok na antok na ako kailangan ko ng pahinga, pwede ba 'yon? Simula ngayon kailangan ko nang alagaan ang sarili ko, kailangan ko nang matulog sa tamang oras at kumain ng mga healthy foods, kailangan kong I-ready ang sarili ko dahil magkaka-baby na ako!"
Bumuka ang bibig ni Cole sa narinig mula sa akin. Pwede kong sabihin sa kanya ang parteng ito ng kasunduan pero hindi niya kailangang malaman ang dahilan.
"Magkaka-baby? Ilan? Labindalawa? Hingin ko ang dalawa, 'yong batik ha?"
"Anong akala mo sa 'kin aso??"
"Baboy."
"Hayop ka."
"What do you want me to say? You're not even pregnant!"
"I will be. Soon. Bumaba ka na! Iniinis mo lang ako!"
Naging mapanuri ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko. Pero saglit lang iyon dahil bigla na namang naging blanko ang ekspresyon ng mukha niya. "I'll go home with you. Hindi ako pwedeng umuwi ng penthouse dahil may nag aabang sa akin doon. At kagaya mo pagod ako, kasalanan mo. Gusto ko ding matulog, kaya sa bahay mo ako matutulog."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Hindi pwede-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hawak na niya ang bibig ko. Naka-usli ang nguso ko sa pagitan ng mga daliri niya. Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakatitig sa nguso ko. Nanlaki ang mga mata ko. Yung kakaibang ugat ko sa puso, nagwala. Walanghiya, hindi ako nagpa-palpitate sa tone-toneladang kape pero pagdating sa kanya amoy palang, parteda wala pang tikim, pakiramdam ko nagkakanervous breakdown ako.
"Just shut up and drive." he said.
Napatitig ako sa perpektong mukha ni Cole na mas gwapo pa ng ilang daang beses sa malapitan. Bigla kong naisip ang nakatagong sleeping pills sa drawer ko. Tapos naimagine ko din na tumitigas naman 'yon at functional kahit tulog ang isang lalaki.
Shut up and drive pala ha. Wag mo akong sisihin dahil ikaw ang lumapit hindi ako. Palay na ang lumalapit sa manok, aarte pa ba? Syempre tuka na kaagad, walang paligoy-ligoy. Bwahahaha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro