22. Ang Die sa Diet
Gusto niyo rin bang malaman ang requirements para maging fling ni Cole?
"Are we seriously gonna pollow them?" malanding turan ni Rushell na nasa tabi ko, sabay kaming nagtago sa display ng mga bra at panty sa lingerie store ng mall na pinasukan ni Cole at ng higad-kulugong kasama niya. Naiimbierna na nga ako dagdag pa 'tong accent ng kaibigan ko.
"Alam mo Rushell, tigil-tigilan mo ako sa pollow mo dahil follow talaga 'yon! Taga call center ka tapos di mo alam magpronounce?"
"Local ang account ko no! Mapanghusga ka masyado!" sabay irap. Lumalaban din talaga eh. Kababata ko talaga 'to. Parang hindi kami nagkahiwalay ng maraming taon. "Ano ba kasing ginagawa natin dito? Kung ako sa 'yo, bantayan nalang natin na pumasok sa CR 'yong babae saka natin banatan! May pagkakataon na tayo kanina hindi mo pa sinunggaban!"
"Yan ka eh. Puro sunggab yang laman ng bunganga mo. Wag ka nga kasing maingay mamaya marinig tayo ni Cole, malakas ang radar ng kambing na 'yon limampu ba naman ang senses sa katawan!"
"Di ba tatlo lang ang senses?" ani Rushell.
Pinandilatan ko siya. "Lima ang itinuro sa elementary Rushell. Magkaklase tayo noon, at pinakopya pa kita ng sagot doon!"
"Ganun ba? Nakalimutan ko na. Anyway, wala namang kinalaman sa pera at talent sa sex 'yan kaya ok lang."
Namataan kong panay na ang kamot sa likod ng tainga si Cole. Panay na rin ang tingin sa cellphone. Naiinip na ang kambing. Alam na alam ko ang mga galawan niyang ganyan. Nakompirma ko ang hinala ko nang lumabas siya sa store at naiwan ang kasama niya. Nanatili kami ni Rushell sa kubling pwesto namin. Binantayan ko ang size ng bra at panty na kukunin ng babae. Pati na rin ang design. Muntik na akong matuyuan ng lalamunan ng isang kapirasong panty at bra na puro lace lang ang tumatakip ang inabot nito at dinala sa fitting room.
"Nasa labas pa si Cole. May kausap sa telepono." ani Rushell. Kasabay no'n ang pagring ng cellphone ko.
Shit. Ako ang tinatawagan niya! Kaagad kaming napaupo ni Rushell sa sahig dahil lumingon sa gawi namin si Cole. Taranta kong pinatay ang cellphone ko. Anak ng malanding kambing na may bangs naman oh, hindi niya ako pwedeng makita dito! Nang maglakad palayo si Cole saka lamang kami nakatayo ni Rushell. Sabay naming nilapitan ang section kung saan galing ang bra at panty na sinukat ng babae. Mas lalong bumuka ng bibig ko. Aba'y wala naman nang tinakpan sa kepay at boobsicles ang mga 'yon eh!
"Oh, ano ka virgin? Ganyan talaga ang sinusuot sa foreplay para ganahan ang partner mo! Yung sinusuot ko nga mas malala pa dyan." ingos ni Rushell sa akin.
"May mas malala pa dito?" amaze na amaze ako. "Ano?"
"Lubid. Tsaka takip ng wine sa utong."
"Gago!" Ayokong magmura pero napapamura ako sa bunganga ni Rushell.
"Totoo nga!"
"Kanina pa kita pinapatahimik. Lulubirin ko na 'yang bibig mo."
"Nagtatanong ka eh!"
Nang makabalik ang babae, nakita kong pinabalot na nito ang binili saka hinanap si Cole. Nagkita ang dalawa sa tapat ng isang Rolex store. Shit. Wag mong sabihing ibibili ni Cole ng original na Rolex ang kulugo na 'yon??? Naku, naku! Ako nga peke 'yong relo ko tapos... tsk!
"Inggit ka? Wala kang Rolex 'no? Pahiramin kita?"
"Sige, nguyain mo pa harapan ko na mas mayaman ka sa 'kin! Kapag benenta ko sa online 'tong virginity ko humanda ka, mas mayaman na ako sayo!"
"Virgin ka pa?" nanlaki ang mata ni Rushell. "Sabagay ang maldita mo na ang selfish mo pa, wala ngang papatol sayo pag ugali ang pag-uusapan."
Pinanlisikan ko lang siya ng mata. Mas lalong tumalim ang tingin ko nang namataan kong bumili nga ng relo ang dalawa! P*ta. Inggit na inggit ang buong pagkatao ko! Ang bilis niyang magbigay sa ibang babae, tapos sa akin ni pang snack ng goto sa canteen wala! Hindi man lang magbigay ng libreng gasolina sa mga empleyado. Unti-unti akong dumausdos sa pader na kinakapitan ko. Nakakapanghina ng tuhod. Ano bang ginagawa sa kanya ng babaeng iyon sa kama?
"Hindi niya ba girlfriend 'yan?" tanong ni Rushell.
"Hindi. Kabit niya 'yan."
Tumawa si Rushell. "At sinong asawa, ikaw?? Feeling asawa ka sa ginagawa mong 'to eh. Ipapaalala ko lang sayo, base sa kwento mo, empleyado ka lang niyang amo mo. Dapat nasa opisina ka nagtatrabaho pero nandito ka nakabuntot sa boss mo."
"Gusto ko rin ng Rolex," ang lalim ng buntong hininga ko dun. Ang galante ni Cole pagdating sa babae. Ano kayang hiring process para maging fling niya? 24 inch na beywang na naman? Lintik, di ko nga kaya 'yon! Buti sana kung interview lang, kahit sampu pa 'yan, at kahit panel pa 'yan ipapasa ko talaga 'yan. Kaso beywang ang labanan 'teh!
"Ayan na paalis na sila. Susundan pa ba natin?" ani Rushell.
"Wag na."
"Bakit hindi na?"
Tumingin ako sa relo ko, kailangan ko nang bumalik ng opisina kung hindi di ko matatapos lahat ng gawain ko sa araw na ito. "Bwesit na ako eh."
"Attitude, Ateng! Lumalabas na sa mga pores mo. "
Tumayo ako at pumasok sa Rolex store. Ginala ko ang paningin sa mga pambabaeng relo na nakadisplay doon. Ang gaganda. Tinaas ko ang noo ko, inayos ko din ang porma ng balikat ko. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin, nang makita kong maganda at mukhang mayaman na ako saka ko nilapitan ang babae na nag-assist kina Cole. Mukhang ito ang manager ng store.
"Excuse me," may hagod heredera ang tono ko.
"Yes Ma'am!" Ganoon nalang ang ngiti sa akin ng manager. "Can I help you?"
"Yes. I want to see the same item you gave to the couple who just came out."
Medyo nag-alangan ang mukha nito, nag-alala akong baka hindi pumayag na I-disclose ang item na binili ng dalawa. Kaya naman inunahan ko na. "That was my husband and his dirty little mistress. Yes, I'm being cheated on. Nakakahiya mang aminin sa isang stranger na kagaya mo, pero babae ka rin. Alam kong naiintindihan mo ako." Pinaypayan ko pa ang sarili ko. Inangat ko ang eyeballs ko sa pagkukunwaring naiiyak na ako.
"Yes. I'll be more than happy to show you the same item, Ma'am. You don't have to tell me about your relationship with Mr. Nicholas Ramirez. Nagulat lang po ako, ang alam ko wala pa siyang asawa. Malihim talaga minsan ang mga lalaki. Lalo't kasing gwapo niya. Anyway, ito na po yung item. The newest in our collections here. Ito na rin po ang pinakamahal. Marunong pumili ang kerida niya, Ma'am. Mukhang maalam."
Ngiwing ngiti ang naisagot ko. Kilala niya si Cole? Naloko na, ba't kasi sinabi ko pang asawa ako! Boba! Gusto kong sapakin ang sarili ko. Napansin ko pang tatawa-tawa si Rushell sa tabi ko.
"Wag nalang sanang malalaman ni Cole na nagkakilala tayo, ha?"
Tumango naman ang babae na kinaluwag ng dibdib ko. "Magkano ang relo?"
"750 thousand po."
Nalaglag ang panga ko, pati na ang balikat ko, kasama na ng apdo. Halos mabali ang takong ko at mawalan ako ng balanse! Mas malaki pa ang halaga no'n sa pagkakautang ko kay Paul na si Kulas Kambing naman talaga ang dahilan? "Sino ang nagbayad?" Baka mamaya nag eemote ako eh hindi naman pala si Cole ang nagbayad.
"Ginamit namin ang credit card ni Mr. Ramirez."
Anong ineemote mo? Asawa ka ba? Ni hindi ka nga girlfriend eh! Empleyada ka lang! Empleyada! Sana dinadagdagan niya man lang ang sahod ko 'no. Ako kaya ang pinaka magaling niyang Architect. Paano 'pag magpasya akong mag-abroad at doon na magtrabaho? Eh di naiwan siyang luhaan? Pasalamat siya mahal ko ang Pilipinas kaya hindi ako umaalis.
Pero kasi, Architect niya lang naman ako. Hindi siya baliw na magbibigay sa empleyada ng tig 750 thousand na relo. Willing naman akong gawin ang ginagawa ng mga ka-fling niya eh. Siya lang talaga ang ayaw sa akin. Mag-diet kaya ako? Oxygen diet. Yung diet na hangin nalang ang pagkain. Baka next month lang size 24 na ako. Yun ay kung hindi ako mada-die, sa diet na gusto ko at epektibo para sa akin. Ibang lalaki na nga lang. 'Wag ka na nga sa Kambing Isabel, bulaklak ka, hindi damo.
Ang bitter ko alam ko. Makabalik na nga lang sa opisina at nang makapagtrabaho! Pagkabukas na pagkabukas ko ng cellphone isang hindi rehistradong numero ang tumawag sa akin. Alinlangan kong sinagot iyon.
"Hello? This is Architect Funtalva, who's this?"
"Good afternoon Arch. Funtalva, I'm Attorney Raymond Lacuesta, I'm calling in behalf of your grandmother Eleanor Imperial. Can I talk to you about a special agreement your grandmother would like to deal with you?"
Kinabahan ako bigla. Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naalala kong sinabi ni Cole na tigilan ko na ang matandang iyon, at hindi na niya ako tutulungan kapag nagkaproblema pa ako. "S-Sure."
"Wonderful. This is urgent though, can we meet later this afternoon?"
"S-sure."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro