18. Pursuit of Ambition
Nagising ako dahil nawala na ang pamilyar na init ng katawan na lumukob sa akin sa magdamag. Kaagad kong kinapa ang pwesto ni Cole, wala na siya doon. Tuluyan kong minulat ang mata ko at bumangon. Nang sulyapan ko ang relo, malapit nang mag-tanghali. Kaya pala nakaalis na si Cole, hindi man lang ako ginising.
Inabot ko ang cellphone ko. I needed to advise him to go see a doctor pa rin. Pero halos maitapon ko ang cellphone ko nang pagbukas ko no'n, bumungad ang litrato naming dalawa sa wallpaper screen. He was half naked in my bed and I laid next to him, half mouth open, with my brown curls sprawled all over the the yellow pillow and even on his face. He sure made it looked like we had sex the night before! I was about to change the wallpaper back to its original nang mag-ring iyon.
Si Paul. Napalunok ako, biglang kong naalala ang malaking pagkakautang ko sa taong ito. Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin siya. "Hi."
"Hey! Ahm... I hope I'm not disturbing you-"
"No. It's Sunday. Wala naman akong ginagawa. I'm glad you called. We're gonna talk about the art fixer, right?"
"Yeah. Can I see today?"
"Right. I will just fix myself and I'm on my way." Nang ibaba ko ang telepono. I sent him the name of the cafe where we can talk. Bago ko ilapag ang telepono, inisip ko pa kung imemessage ko si Cole. Pero matanda na siya, alam na niya kung kelan siya dapat na magpatingin sa doctor. Huminga ako ng malalim, ibinaba ako ang phone at nagtungo na sa shower. I should know where my priority stands. Hindi pwedeng puro ako Cole ng Cole dahil may buhay akong dapat na asikasuhin. Kailangan mong yumaman sa lalong madaling panahon. Kaya kilos! Hindi pwede ang papatay-patay sa taong may mataas na pangarap sa buhay.
I wore a semi-formal dress. Kakulay ng gatas iyon. Abot hanggang kalahating binti, hakab sa makurba kong balakang, and it also showed a lot of skin on my shoulders too. Tenernuhan ko iyon ng dangling earrings na kulay ginto. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Instead of using my favorite red lipstick, ginamit ko ang light peach shade na meron ako. Bagay naman iyon sa akin. Binigyan ako ng mala-anghel na aura. Nag-practice pa ako ng ngisi sa vanity mirror, yung ngiting pang-inosente, yung pang-anghel na walang bahid kasalanan at walang bahid ng motibo. Ang hirap. Nakakangawit sa bibig. Pero kailangan.
Nang dumating ako sa cafe, namataan ko na kaagad si Paul. In fairness naman sa lalaking ito, gwapo din talaga. Mukhang malinis at mukhang desente. Anak mayaman si Paul, kaya naman hindi ako pwedeng magkamali sa mga kilos ko. I walked towards his table in full confidence, bahagyang nakaangat ang noo ko, at kalkulado ang pagpatak ng heels ko sa sahig. Tumayo siya nang makita ako at ngumiti ng malawak. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang excitement.
Ngumiti ako sa kanya. Ngiting kyimi na para bang isa akong Ayala Sobel, heredera at tagapagmana.
He ordered my favorite coffee and cheesecake. Una naming pinag-usapan kung sino ang gagawa ng painting, when we got to the payment part doon na pinagpawisan ang kamay ko. Sigurado ba talaga si Cole na hindi ako pagbabayarin nito?
"I could send you the money as soon as the painting is done. 500 thousand, right?" I confidently said. Uminom pa ako ng kape at walang kakurap-kurap na nakatitig sa kanya. Sabihin mong wag na akong magbayad. Utang na loob. Mahal ko ang kidney ko!
"Around 500 to 600 thousand. Ok lang ba 'yon sa 'yo?"
Muntik na akong umubo. 600 thousand? Pagkatapos ng kidney ano pa ba ang pwede kong ibenta? "Oh, no problem. Just send me the documents to sign then I'll deposit the money to your account."
Imbes na sabihing wag na akong magbayad, ngumiti lang siya sa akin at tumitig sa lips ko. Hmm. Mukhang nagagandahan talaga sa akin ang isang ito. Kung magiging kami, ok lang na puhunan ang 600 thousand. Sigurado naman akong mababawi ko din kaagad ang perang iyon sa conjugal property na mapupunta sa akin. Sa itsura ng bar niya sa BGC, milyon-milyon ang ginastos niya. Hindi pa kasama ang magagandang painting na nakasabit doon na milyon din ang halaga. Mayaman siya at gwapo, hindi na masama.
Bahagya kong inawang ang bibig ko. I knew he wanted to kiss me, ganoon ako kaganda. Iniliyad ko din ng bahagya ang dibdib ko, lahat ng lalaki gusto ng malaking boobs. Si Cole lang ang hindi dahil kambing siya. Kaya naman alam kong asset ko iyon.
"Hindi ako makapaniwalang kaharap kita ngayon. Mas maganda ka pala talaga sa personal, Isabel." komento niya.
Mahinhin akong ngumiti. "Wag mo nga akong bolahin, baka maniwala ako. Hindi mo ba naisip na baka sinadya kong sirain ang painting mo para may pagkakataon akong makipagkita sayo ng ganito?"
Tumawa siya. "Bakit naman gagawin ng isang babaeng kasing ganda mo ang bagay na iyon?"
"Why do you think so?"
"I think you are very pretty...and very clever too."
Ngiti at kibit ng balikat ang sinagot ko. Still he would let me pay the goddamn painting!
"I like the color of your lips. Is that a Nyx matte shade?"
"Uh." Would Cole ever ask what product I was using for my lips? He wouldn't. "Oo." naisagot ko bago pa man dumaloy ang ibang isipin sa utak ko.
"By the way Isabel, gaano na pala kayo katagal magkakilala ni Engr. Nicholas Ramirez? You seemed very close to each other, pero hindi mo naman siya boyfriend right?"
"Hindi! Ilang weeks palang kaming magkakilala, ang alam ko kakauwi niya lang dito sa Philippines. We're working together on a project kaya madalas kami ang magkasama sa office at sa site."
"Alam mo ba kung may girlfriend na siya?"
Natigil ang pagnguya ko sa cheesecake.
Napansin niya iyon kaya tumawa siya. "Interested kasi 'yong friend ko, ahm, sa..sa kanya."
"Sinong friend?"
"Ha? Hindi mo kilala."
Tumango ako. Napakamot na ako sa ilalim ng tainga ko. Parang may mali sa kanya eh. Hindi ko palang masiguro kung ano. "Let's talk about you. Matagal ka na ba sa ganoong business, 'yong mga bar mo?"
"Ah yeah. Hilig ko kasi talaga ang party! Hindi ko nararamdamang nagtatrabaho ako." sagot niya. "Sa tingin mo anong gusto ni Cole sa isang partner?"
"Partner? As in work partner?"
"No. Ahm, like, partner in life."
Bakit hindi niya sabihing ano ang gusto ni Cole sa babae? Damn! Naiinis na ako. "I don't know. Basta naman maganda, payat at may vagina gusto niya eh."
"Vagina?"
"Sorry for the word. Wala lang akong ibang alam na term para doon. Pussy? I guess?"
He cringed. I knew it! May pa friend-friend pa. May gusto kay Cole 'tong hay*p na baklang 'to! Kaya pala interesadong makipag-kita dahil mangingisda ng impormasyon tungkol kay Cole.
"Alam mo ba ang size ng paa niya?"
"Hindi ko alam." Walanghiya. Sapatos pa ang balak iregalo? Bakla nga! "Alam ko ang size ng pen*s niya."
Shit. Ang dila Isabel. Wala ka sa palengke ngayon. Architect Isabel Funtalva ka ngayon! Napahawak sa bibig si Paul. "Totoo? You've seen it?"
Mag-sosorry sana ako sa kanya dahil sa bulgar kong pananalita pero hindi ko na nagawa. Nakaawang nalang ang bibig ko sa kanya. Nakakaloka. Ang ugat ko sa leeg, sasabog na.
"Ahm, it would be a great information to share to my friend." depensa niya.
"No. I was just kidding. We don't have that kind of relationship para malaman ko ang size niya."
That wasn't exactly true. Nakita ko na si Captain America, sa loob ng boxer of course, pero hindi na mahirap tantiyahin ang size no'n. I would say he was gifted in that department of his body too, para siyang litson na kambing, walang tapon si Cole lahat masarap, lahat pinagpala. At sa tingin ko..... sa tingin ko talaga kailangan ko nang itigil 'tong iniisip ko dahil sumasakit ang puson ko. Lintik!
"Paul. I need to go. Email mo nalang sa akin ang bank details mo pag kailangan na kitang bayaran."
"Uhm. I thought free ka today?"
"Kailangan ko nang umalis."
"Alam mo ba kung saan ang place ni Cole? I heard mahilig siyang mag-bar, alam mo kung saan siya tumatambay?"
Huminga ako ng malalim. Napipikon na talaga ako. "Sabihin mo d'yan sa friend mo, hindi niya kailangang I-stalk si Cole. Kung ang beywang niya at 24 inch below, magpaganda lang siya at bumukaka, ok na kay Cole 'yon." Kumuha ako ng ilang hundred bills sa wallet at nilapag iyon sa table. Tumayo na ako pero hinabol pa rin ako ni Paul.
"Do you have his phone number?"
"Yes, I do. But I can't give it to you. Business number niya ang meron ako at seryoso ang lalaking iyon pagdating sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho." tuloy-tuloy ang lakad ko, panay pa rin ang habol niya.
"Isabel, can we meet some other time?"
"No!"
Doon lang siya natigilan. Alam kong naging hard ako pero, my God, mas hard siya sa akin! Pinaasa niya akong interesado sya sa akin tapos si Cole lang pala ang kailangan niya. Nang dahil sa lintik na interview sa mga reporters na iyon kumalat na may espesyal akong kaugnayan kay Nicholas Ramirez kaya naman dagsa ang mga taong gustong makipag-kaibigan sa akin, kasama na si Paul! Kaya pala ang dami kong friend request sa Facebook! Mga manggagamit! Kasalanan talaga 'to ng kambing na 'yon lapit nang lapit sa 'kin!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro