Dahil sa sobrang kahihiyan ko sa sarili, I decided not to wait for Cole anymore. Mag isa akong lumabas ng penthouse niya, sumakay ng taxi at dumiretso sa opisina. Along the way dumaan ako sa department store upang bumili ng bagong damit. Ayokong mag-ulit ng damit sa opisina dahil bukod sa baka isipin ng mga katrabaho kong naghihirap na ako (which is totoo naman) ay baka kung ano pa ang masamang tsismis na lumabas mula doon. Alam ko ang kalarakan ng mga professional na tsismosa, hindi nila kailangan ng apoy para may umusok, maghahabi sila ng kwento base sa kung anong nakita nila at sky is the limit na ang imagination nila!
Paano kapag nalaman sa opisina ang kahihiyang pinaggagagawa ko? Mas masahol pa ako sa malanding janitress na nagnakaw ng picture ni Cole para dalhin sa probinsya at ipagayuma! Muntik na akong maghubad sa harap niya, tapos libre! At wala siyang ideya kung ano ang ginagawa ko. Shit! Pa'no kung naghubad nga ako? Nag-echo sa utak ko ang mga pasaring niyang baboy ako. Holy-fucking-pig! Baka ipakatay niya ako at ibenta ng per kilo.
Shit! Shit! Shit! Namumula pati ang gilagid ko sa sobrang kahihiyan. Konswelo ko nalang hindi ko vinervalized sa kanya ang interpretation ko sa trabahong pinapagawa niya, kundi bigti.
Tanghali na nang makapasok ako sa opisina. Taas noo ako kagaya ng dati. Siniguro kong walang gusot sa itim na blazer ko, sa kulay cream na silk blouse at pencil cut skirt na suot ko. Inayos ko rin ang pagkakatali ng buhok ko, mas matindi pa kay Arianna Grande. Pinapula ko ng husto ang mga labi ko at ginamitan ko ng malalang eye shadow ang mga mata ko para magmukhang smokey at classy. Bawat isa sa mga empleyadong nadadaanan ko ay yumuyuko sa akin. Pagdating sa opisina isa akong kapita-pitang Architect, mataas ang breeding at sosyal ultimo pilantik ng daliri ko. Hindi sa pagmamayabang pero, idol ako ng halos lahat ng babaeng taga R&R. Para sa kanila, ako ang literal na imahe ng salitang 'success'.
Success my ass! Ni hindi ako nakapag-hi kay Captain America. At zero percent ang chance na magka-Rolex ako in the next 10 years of my life!
Palubog na ang araw nang magawa ko ang final draft. Matagal ko nang tapos iyon, hindi ko lang magawang ipasa kay Cole. Bakit ba ako kinakabahan sa opinyon niya? Dati rati naman excited akong ipakita ang ginawa ko sa mga engineers na naging kapartner ko. Ngayon kulang nalang mangatog pati dulo ng buhok at kuko ko sa kaba! Mamaya na nga lang.
Inopen ko ang browser ng computer ko. Ginoogle ko kung ano ang waistline at bustline ng mga kawayang international supermodel sa TV. 'Yung kahulma nina Leila at no'ng babaeng nakita kong kahalikan ni Cole. Nang lumabas ang resulta napamura ako. Height na 5'9" ang minimum tapos bust line na 34? Waistline na 24? Kumpara sa 27 na waistline ko at 30 to infinity and beyond na bust line ko? Napabuntong hininga ako. Ano 'to isang butil ng kanin ang kakainin ko araw-araw? Pambihira. Kalokohan! Inis kong isinara ang browser.
"Madam, kanina pa po tumatawag si Sir Nathan." ani Cherry nang pumasok.
"'Di ba sabi ko iblock mo ang number niya dito sa office?"
"Iba-iba pong number ang gamit niya. Umuusok na po ang telepono ko, hindi na ako makatawag sa mga kliyenteng binigay niyo."
"Damn it!"
"Madam, hindi po ba kayo naaawa sa kanya?"
"Bakit ako maaawa eh niloko niya ako?" taas kilay ko kay Cherry.
"Niloko po kayo?" halos hindi makapaniwalang tanong niya.
"Just do what I asked you to do Cherry. Tsi-tsismiss ka pa eh!" Ipakulam kita d'yan.
"Madam. Normal na ho ang maloko ng lalaki sa panahon ngayon. Hindi na bago. Wala nang interes pati mga tsismosa doon. Si Engr. Cole nga ang daming pinapa-iyak na babae on a daily basis! Ginagawa niyang ulam ang mga magagandang supermodels, iba-ibang putahe every meal, Madam!
Napatingin ako kay Cherry, sa sinabi niyang iyon mas lalo akong bumaon sa silyang kinauupuan ko. Ang lakas ng loob kong ibenta ang 'masebo' kong katawan kay Cole. Bakit hindi ko naisip na sa gwapo ng kumag na 'yon, blockbuster parang NFA rice ang katawan no'n? Na pila-pila ang mga babaeng higit na magaganda at higit na sexy ang handang ibigay ang sarili dito?
Engr. Cole Ramirez and his Captain America were just so out of my league. Hindi siya dapat ang lalaking tina-target ko dahil wala akong mapapala. Ni ayaw niya nga ako ng libre, lalo pa ng may bayad. Baka pagtawanan ako! Shit!
"Kaya po kung niloko kayo ni Nathan at humihingi naman po ng tawad. Patawarin niyo na Madam, wag nang choosy!"
"Cherry, umalis ka na nga! Bago magdilim ang paningin ko sa 'yo!"
"Hindi niyo lang po siguro talaga mahal."
Ang dami niya talagang opinyon! Kakalbuhin ko na to eh.
"Yon nalang ang sasabihin ko sa kanya, Madam? Na hindi niyo na siya mahal at may iba na kayo, para tumigil na."
Umikot ang mata ko. "Kahit na ano! Umalis ka lang sa harap ko at patahimikin mo ang impaktong manloloko na yan!"
"Sige po, ikaw po bahala." Akala ko ay aalis na ito pero sisinghot-singhot pa sa akin. Nilapit pa ang ilong sa leeg ko. "Madam, hmm, iba ang amoy mo ngayon. Parang amoy...hhmmmmm...amoy..amoy Engr. Cole ka!"
Napatda ako. Gustong manlaki ng mata ko pero pinigilan ko. "Anong sinasabi mo?"
"Ganyan ang amoy ni Engr. Cole lagi eh. Baka pareho lang kayo ng pabango na ginamit? Amoy lalaki ka Madam!"
"Eh kung pinapa-murder ko ang buong pamilya mo? Alis na!"
Natahimik ang utak ko nang makalabas si Cherry. Binalikan ko ang sinabi niya. Hindi ko daw totoong mahal si Nathan. Kinapa ko ang dibdib ko. Halos dalawang taon kong boyfriend si Nathan pero bakit ganun, wala man lang akong madamang kaunting panghihinayang sa kanya? Syempre nanghihinayang ako sa pera at sa apelyido pero bukod doon..wala na. Napakagago kasi niya! IIwanan ako ng limang taon para mag-asawa? Akala mo bakasyon lang ang hinihingi sa akin? Ano ako boba? Desperada ako sa pera, gusto kong yumaman pero hindi naman ako martir at ipokrita!
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Nagpasya na akong pumunta sa opisina ni Cole para magpasa ng document. Wala naman akong choice eh, magpapasa pa rin naman ako gaano ko man ito gustong I-delay. Prolonging the agony ang kabobohang tawag doon. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Gusto kong iphotoshop in real life ang size ng balakang at dede ko talaga eh!
Inabutan ko siyang nakayuko sa table niya kaharap ang sandamakmak na papel. Alam kong bukod sa proyekto naming dalawa, ino-oversee na rin niya ang R&R sa pangkalahatan. Habang wala ang Chairman, siya ang pinadalang pansamantalang titingin sa kompanya kaya naman sandamakmak ang trabaho ni Cole.
"Can I come in?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. Nakatutok ang mata niya sa computer at nagta-type doon.
Fine. Huwag kang sumagot, buong lifetime kitang tititigan mula sa pintong 'to, baka akala mo. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt na kulay puti. Bakat na bakat sa tela no'n ang lahat ng masasarap na laman na pinagpapantasyahan ng mga kababaehan. Para akong nakaharap sa isang hilera ng pagkain sa buffet tapos hindi pwedeng tumikim. Sad life, Isabel. I know right. Don't cry.
"Nang-iistorbo si Nathan sa buong opisina, kausapin mo 'yan at nang tumahimik na." sabi nitong hindi pa rin ako tinitingnan.
"Fine. Break-up sex siguro ang gusto ng gago. Gusto ko nga rin 'yon eh. Gusto ko ng ...." sex. Bumaba ang tingin ko sa bibig niya, papunta sa Adam's apple, papunta sa leeg. Epekto 'to ng pagiging virgin sa matagal na panahon. Normal lang 'to. Hindi ko kailangan ng psychologist para dito. Wala akong pambayad kaya isa-psycho analysis ko nalang ang sarili ko. Normal 'to.
Umangat ang ulo ni Cole, pakiramdam ko tumagos sa bungo ko ang talim ng tingin niya. "Akin na ang blueprint."
Walang sabi-sabi kong ibinigay iyon. Ilang minuto niya lang tiningnan ang papel, tapos ay kumuha siya ng pulang ballpen. May binilugan, may enikisan at may pinalitan ng mga numero ito doon. "Ulitin mo."
"Perfect na 'yan!"
"I'm your engineer. I'm the head of this project, I call all the shots here. 'Pag sinabi kong ulitin mo, ulitin mo."
Bakit ang sungit na naman niya? Bwesit! Ang sarap magmura ng malakas, kaya lang ay nasa opisina ako. Ito ang unang beses na nadecline ang design ko. Ni isa sa mga professors ko at sa mga seniors ko dito sa R&R wala pang nagdedecline sa gawa ko! Nasaktan ang pride ko ng husto, nagpipigil akong pinuhin ang lahat ng buto niya sa katawan!
"Fine!" padabog kong hinila sa kamay niya ang malaking papel, tumilapon iyon nang bitiwan niya. Asar akong yumuko para pulutin iyon. Kasabay ng pagyuko ko ang pagkapunit ng pwetan ng pencil cut skirt na suot ko. Lumikha iyon ng tunog kaya napatingin si Cole sa akin.
Nakakahiya! Tumayo ako ng maayos, sinapo ko ang pwetan ko. Lumabas ang kalahati ng pisngi ng pwet ko! Nakapa ko iyon. Bwesit. Bwesit. Bwesit. Kung bakit kasi pinilit kong pagkasyahin ang hindi naman talaga kasya!
"Let me see." ani Cole na nakalapit na pala sa akin.
Umiling ako at lumayo sa kanya.
"Would you rather go out like that? Makikita ka ng mga tao sa labas. Bakit kasi ang sikip na naman niyang palda mo?"
"Wala ka na do'n!"
Umiling-iling siya. "Hubarin mo."
Napadilat ako. Awang ang labi kong nagtanong. "Totoo?" Oh my god! Ito na ba ang katuparan ng naunsyaming pangarap? Diyos ko!
"Pumunta ka sa banyo, hubarin mo 'yan. Aayusin ko."
Napasinghap ako ng marahas. Pakiramdam ko tumalim din ang tingin ko sa kanya.
"Walang ibang tutulong sayo. Gusto mong pagtsismisan tayo dito? Anong iisipin nila sa punit mong palda paglabas mo sa opisina ko, aber?"
Ayaw niyang matsismis kami? Isa ba akong kasiraan sa kanyang reputasyon?
"Kanina lang wala kang pakundangan maghubad sa harap ko tapos ngayon—"
"Iba yon!" asar na singhal ko. "Akala ko kasi-"natameme ako.
"Ano?"
"Wala!"
Dali-dali akong nagpunta ng banyo. Hinubad ko iyon doon tapos ay binigay sa kanya ang palda. Sa siwang ng pinto ng banyo, nakita kong binaliktad niya iyon at nilagyan ng sandamakmak na stapler. Tapos ay binalik sa akin.
"Ok na?"
"Para lang 'yan makalabas ka ng opisina ko. You still have to change. Nasa'n na ang damit mo kahapon?"
"Nasa office ko." pinalaundry naman niya iyon kaya ok lang na isuot ko. Nakakahiya na talaga. Siya pa talaga of all people ang makakasaksi ng pagputok ng palda ko sa 'kin! Yuko akong nagtungo sa pinto para makalabas na sa lungga ng kahihiyan.
"Wag ka nang babalik sa Nathan na 'yon. Maraming ibang mayayamang lalaki d'yan na kaya kang panindigan at bigyan ng pangarap mong apelyido." aniya.
Napalingon ako. "Tama. 'Yon naman talaga ang gagawin ko. Makikipagdate ako kay Paul mamaya."
"Sinong Paul?"
"Paul Demontero. Ang may ari ng malaking night club sa BGC. Nakilala ko siya few months ago and he gave me his number."
Tumango si Cole. "Ok."
"Ok?"
"You're not the damsel in distress type, kaya mo ang sarili mo. I'm sure hindi ka na magpapauto sa pangalawang beses."
Ewan ko ba. Bakit parang nalungkot ako sa sagot niyang iyon. "Sige. Ibabalik ko sa 'yo ang blueprint bukas ng tanghali."
"Good."
Yun lang at lumabas na ako ng opisina niya. Na sapo pa rin ang pwet of course. Baka isipin ng mga empleyado nadali ako ni Cole sa pwet. Haha. Eh 'di wow.
***This story will be published under ABS-CBN BOOKS! Very very soon!***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro