11. Drunken Social Climber
Tuloy-tuloy ang lagok ko ng alak. Nasa rooftop kami ng R&R kung saan kita namin ang kabuuan ng syudad na nakalatag sa aming paanan. Kasama ko si Cole. Tama, hindi niya ako iniwan. Pinagtanggol niya ako ng gabing ito at sobrang kinurot ang puso ko ng mga sinabi niya kay Nathan tungkol sa akin. He actually said I was special that I did not deserve to be trampled and stepped on. He said that in a very sexy manner I almost wet my panties back there! Umiiyak ako, pero natawa ako ng maisip ko iyon. Hanggang ngayon ba naman na durog na durog ako wala akong ibang maisip kundi ang kasexyhan ng lahat ng gawin ni Cole?
Pati ang itsura nito na nakabusangot at mahaba ang nguso habang inaagaw sa akin ang bote ng alak na tinutungga ko. Ang cute-cute niya talaga, ang gwapo-gwapo. Ang ganda ng mga mata niya, parang nakakaputok ng ovary at nakakalaslas ng hymen!
"Pinayagan mo akong bumili ng alak na ito tapos aawatin mo akong uminom?" sinisinok kong angil sa kanya. Alam kong wala na sa ayos ang buhok ko at gusot-gusot na din ang damit ko. Pihadong nagkalat na ang make up ko sa mukha, ang pangit ko na.
"Hindi kita pinayagan. Ang sabi mo sa 'kin, dadaan ka sa convenience store na 'yon dahil bibili ka ng napkin! Dahil emergency!"
"Hik Hik!" sinisinok ako habang tumatawa. "Gullible ka, naniwala ka naman."
"Wag kang mag alala sa susunod hindi na kita paniniwalaan." may irap nitong sagot.
"Totoo bang authentic 'tong relo ko, na para lang sa mga VIP?" pilit kong tinitigan ang relo ko. Umiikot ang paningin ko. "Weird, hindi naman mukhang mayaman na mayaman ang nagbenta sa akin nito. Gipit pa nga 'yon eh."
"Crazy. That's fake alright."
"Oh? So niloko lang din ako ng nagbenta sa akin nito?"
"Hm-Huh. Sino ngayon ang gullible?"
"Ang cute mo." sagot ko. Alam kong iniinis niya ako pero hindi ko maramdaman ang emosyon na iyon dahil sa napakagwapo niyang mukha. Tumingkayad ako at pinisil ng malala ang pisngi niya hanggang sa sumigaw siya sa sakit at mamula iyon ng todo.
"What the hell, Architect!" Pilit niyang iniwas ang mukha niya habang ako ay pilit ko iyong inaabot. Dahil panay ang atras ni Cole, nang bumangga ang sapatos niya sa nakausling bagay, nabuwal siya sa sahig, sumunod ako, pumatong ako sa kanya.
"Bakit ang gwapo mo, Idol? Alam mong Idol kita 'di ba? Ang gwapo mo na, ang talino mo pa, ang yaman-yaman mo pa! Ang laking kompanya ng R&R tapos ikaw ang may-ari??"
"Hindi akin ang kompanya. Sa pamilya ko—"
"Ikaw lang ang nag iisang tagapagmana. Nabasa ko 'yon! Hik!"
"Get off me, Isabel! You're pig-heavy! Damn it! Napipino na ang atay at apdo ko sayo!"
Tinawanan ko siya. "Hik! Alam mo, nang una kitang makita, alam mo kung ano ang una kong naisip?"
"I don't freakin care. I'd rather you get up and fix yourself—"
"I wanted to fucking rape you. You looked very tempting in your rugged bad boy suit back then. You are so..so fuckable and reypabol! How could you manage wetting all the panties of girls around you just like that? You're like a bonfire smoking aphrodisiac all over the place! Like holyshit!"
I watched his face grew intent and... curious.
"Sayang, hindi mo naman ako type. Perfect victim ka sana sa aking social climbing escapade! Gusto ko talagang yumaman, gusto ko ng maraming pera, gusto kong bilhin ang lahat ng meron si Eleanor Imperial! Gusto kong ipamukha sa kanya na kahit wala ang apelyido niya, nakabilang pa rin ako sa mundong ginagalawan niya! Bwesit na matanda na iyon, panira ng buhay! Kung hindi niya tinakwil si Papa hindi namatay sa hika 'yon nang pumasok na kargador at construction worker! Hindi sana nagpokpok ang nanay ko, hindi sana ako pinagtatawanan ng mga tao buong buhay ko! Kasalanan 'tong lahat ng matanda! Aagawin ko sa kanya lahat ng yaman niya, isinusumpa ko! Mapupunta sa pangalan ko ang lahat ng ari-ariang iningatan at pinagdamot niya buong buhay niya!
"Isabel.."
Napangiti ako. Tinitigan ko ang mukha ni Cole, ang sarap sa tainga 'pag binabanggit niya ang pangalan ko.
"Hm?"
"Tumayo ka na. Hindi ako makahinga. Ang bigat mo, kasing bigat ka ng isang buhos ng semento.."
"Hmp!" mas lalo kong dinagan sa kanya ang buong bigat ko. Hindi ako mataba, sadyang kawayan lang talaga ang trip niya. "Mrs. Isabel Funtalva Ramirez!" bigla kong bulalas. Sabay tawa. "T*ngina, namutla siguro na parang suka ang mukha ni Eleanor kapag ikaw ang napangasawa ko at naging Ramirez ang apelyido ko! Hik!" Tinungga ko ang alak ko, napamura si Cole nang mapatakan siya nito. "Ops! So-sorry, nabasa ka tuloy." hindi ako nag iisip, binaba ko ang mukha ko at sinimulang dilaan ang alak na natapon sa leeg niya, hanggang sa mukha. "Hmm, ang sarap nitong alak, magkano na nga ulit ito? Hik!"
"Isabel. Enough!" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat tapos ay binaliktad niya ang posisyon namin. Siya na sa ibabaw, ako na sa ilalim. Naabot na niya ang alak sa kamay ko, walang babalang hinagis niya iyon at nabasag.
Tinitigan kong maigi ang mukha niya. "Noong una kong mabasa ang libro mo, sabi ko sa sarili ko kahit matanda ka na at may asawa na, kakabit ako sayo!" sabi ko sabay tawa. Umiikot ang paningin ko, hindi ko na ramdam ang katawan ko. "Ngayon, wala ka ngang asawa, hindi mo naman ako gusto! Alam mo Cole, hindi nga ako mataba gaya ng sinasabi mo! Sexy ako ok? Sexzsy.." Kinuha ko ang kamay niya at dinala iyon sa tiyan ko. "Tingnan mo, wala akong bilbil d'yan. Mabalakang lang talaga ako. Matambok ang pwet ko at malaki ang dyoga ko."sabay kuha ng isa pa niyang kamay at dalhin iyon sa dibdib ko. Nakadamit ako't lahat pero ramdam na ramdam ko ang init ng kamay at buong katawan ni Cole. Tinangka niyang alisin ang kamay niya pero mas lalo kong idiniin iyon. "Ang sarap pala sa pakiramdam nito? Hmmm.." binitawan ko siya. Sinimulan kong tanggalin isa-isa ang butones ng blouse ko, init na init na ako, e.
"Isabel!Damn!" tumayo siya.Itinayo niya rin ako. Binalik niya sa ayos ang damit ko. "Do not do reckless things like this when you're drunk!"
"I will forget about this in the morning...like in the novels, and movies too. This is my first time being drunk. You know I have always been in control with my life, pero kanina, nang magdesisyon ka para sa akin na makipag-split ako kay Nathan, binasag mo ang kontrol na 'yon. At hindi ko alam kung ano pa ang kaya kong gawin para sa 'yo, Nicholas Ramirez. Idol kasi talaga kita eh. Ikaw ang nasa toktok ng pedestal ko, kung hindi dahil sa lahat ng inspirasyon na binigay mo sa akin, hindi ako magiging Architect Isabel Funtalva ngayon." sumisinok ako. Pilit kong binabalanse ang katawan ko dahil sa umiikot at gumagalaw ang kinatatayuan ko.
Bumuntong hininga lang siya. Alam ko namang hindi siya interesado sa lahat ng sasabihin ko, may gana pa akong magkwento. "Saan ka nakatira, ihahatid na kita. At 'wag mo na ulit akong bibigyan ng maling address Isabel kagaya ng ginawa mo kanina. Muntik na akong barilin ng may-ari ng bahay!"
Napahagikhik ako. May cute kasing bahay na may hello kitty decor sa pinto akong nakita kanina. Sabi ko kay Cole bahay ko 'yon at nawala ko ang susi. Kaya kinalikot niya ang gate at parang magic na nabuksan niya iyon. Hinablot ko ang hello kitty sa pinto, tapos lumabas ang may ari, tinutukan si Cole ng baril, pulang-pula siya sa takot! Tawang-tawa ako. Hindi ko alam kung magkano ang binayad niya doon sa lalaki para lang payagan akong dalhin ang hello kitty nang hindi kami binabaril na dalawa. Ang cute-cute niya talaga!
"Hmm, ohh." binigay ko sa kanya ang cellphone ko. "Hulaan mo ang password niyan."
"Anong gagawin ko dito sa cellphone mo?"
"Ibobook mo ako ng grab pauwi." sabi ko na may pungay ng mata at ngiti. Pero sigurado akong ang pangit ko. Sabog ang foundation at maskara ko mukha akong clown na hindi nabayaran sa perya. "Hulaan mo na ang password ko."
"How would I freakin know?"Sumimangot na naman siya. Ang gwapo niya talaga. Mas lalo siyang gumagwapo kapag naaasar siya at kapag napipilitan siya. Alam kong hindi niya gusto na nandito kasama ko pero pinipilit niya. Nagkibit balikat ako sa tanong niya.
"Forget it. Let's go home."sabi niya.
"Your penthouse? Uh. I am not sure if I can do threesome, Cole." namula ako, napakagat sa daliri. Sinundan ni Cole ng tingin iyon bago umikot ang mga mata.
"What threesome?" naguguluhan nitong tanong. "Threesome like..threesome?"
"Oo. Threesome. Kasama 'yong babae sa penthouse mo, di ba kanina?"
"Shit." humahangos na siya. Hindi ko alam kung dahil sa asar o dahil nauubos na ang pasensya niya sa akin. "I did threesome in the past but I'm not about to do that with you. You just told me I'm not your type remember?"
"Bakit mo ako iuuwi sa bahay mo? Ang sabi ko ibook mo ako ng taxi!"
"Hindi ko nga alam ang password mo! Isa pa, walang ibang babae sa penthouse ko. Yung nakita mo kanina, nasa penthouse niya 'yon, doon dapat ako pupunta, hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito kasama mo. Malapit ng sumabog ang ulo ko sayo!"
Humagikhik ako sa sagot niya. Pinagmasdan ko syang suklayin ng kamay ang buhok. Asar na asar na si Cole, ang pula na ng pisngi niya. Ilang sandali pa nakaramdam na ako ng pag ikot ng tiyan ko at pag-angat ng alak sa lalamunan ko. Isinuka ko iyon. Sumakit ng matindi ang ulo ko hanggang sa bumigay na ang katawan ko. Naramdaman ko nalang nasa bisig na ako ni Cole at siya na ng sumusuporta sa buong bigat ko. Hindi ko namalayang pagod na pagod na ako, pinikit ko nalang ang mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro