Park Jimin
Kakagising mo lang at nagtagal ka sa higaan mo. Malamang kasi tinatamad ka pang tumayo. Feel mo pagod na pagod ka which is tama ka naman.
For two weeks, kulang kulang ang tulog mo.
Ganito kasi yung schedule mo.
8:30 AM-4:30 PM ang klase mo.
4:30 PM-10:00 PM ang practice mo.
11 ka nakakauwi ng bahay niyo. Tapos nagigising ka ng 4 para mag prepare at gumawa ng mga assignments mo.
5 hours lang ang tulog mo. Oh diba? Ang saya ng buhay mo.
Buti nalang at tapos na ang contest na sinalihan niyo kaya may panahon ka ng magpahinga.
Pero sa sobrang stressed mo this past few weeks, nakalimutan mo na birthday mo pala ngayon.
Pauli ulit ka nag isip kung ano ba ang meron ngayon. Pakiramdam mo kasi na may isang mahalagang event ka na nakalimutan.
Oo. Ganyan ka kastressed para makalimutan ang birthday mo. Marami ka pang projects, assignments at activities na namiss kaya kailangan mong humabol dahil graduationg ka.
"Nak! Ang tamlay mo ata?" Tanong sa'yo ng nanay mo pagkababa mo.
"Ah, pagod lang nay." Sabi mo naman. Tumango naman ang nanay mo at hindi na nagtanong pang muli. Pagkatapos mong mag almusal, pumunta ka ulit sa kwarto mo at matutulog ka ulit.
Nang nakatulog ka na, biglang pumasok si Jimin sa kwarto mo. Si Jimin ay ang boyfriend mong hindi mo na napg tutuunan ng pansin dahil nga sa sobrang hectic ng schedule mo. Pero iniintindi ka niya at hindi na muna siya nangagambala sa'yo.
Pagkatapos i'prepare ni Jimin ang surprise niya sa'yo, umupo siya sa gilid ng kama mo at tinitigan ka. Nung naramdaman niyang magigising ka na ay lumabas na siya ng kwarto mo.
Pagkagising mo, nakita mo na ang kwarto mong puno ng balloon at may mga naka paskil na pictures niyong dalawa ni Jimin.
Yung naka heart sign na picture niyo, yung wacky, yung habang tulog siya ay pinicture'an mo siya, mayroon ding picture na nagkiss kayo.
Yung mga pictures niyo na nakapaskil sa ding ding mo ay nakaporma ng 'HAPPY BIRTHDAY BABY'
Nakita mo ang mga balloon na may nakasulat na 'pop this sht haha' oo. ganyan yung nakasulat.
Iniisip mo kung paano mo papuputukin yung lobo, at dahil mabait ang boyfriend mo, naglagay siya ng sewing kit sa mesa ng kwarto mo. Napatawa ka naman.
"Loko talaga." Nakangiting sambit mo sa sarili.
Tatlong balloon ang nasa kwarto mo. Iba ibang kulay. Una mong pinutok ay yung kulay pink.
'Hey Baby. Siguro nakalimutan mo na birthday mo ngayon. Pagod ka kasi lately eh. Ni wala ka ng time para sa akin pero okay lang naman. Iintindihin kita at naiintindihan din kita. Passion mo kasi ang pagsasayaw kaya hindi na ako nag reklamo kahit gustong gusto ko ng magreklamo dahil palagi kang pagod. Ayaw ko yun. Ayokong napapagod ang mahal ko kaya please, para hindi ka magkasakit, drink plenty of water and eat a lot. Wala akong pakealam kung tataba ka basta wag ka lang mag diet. Pumapayat ka na eh.'
Napangiti ka naman sa isinulat niya sa'yo. Medyo naiiyak ka dahil nga sa mga pinagsasabi niya. Ang sunod na pinutok niya ay yung kulay white.
'Naalala mo pa ba nung nagkakilala tayo? Tinatawag mo pa akong pandak nun eh. Tae. Haha! Pero hindi naman ako napipikon. Alam mo ba kung bakit? Kasi matagal na kitang pinagmamasdan sa malayo. Hindi ko lang alam kung paano kita i'aaproach. Ang galing mo kasing sumayaw eh! Idol! Naisip ko nalang na pumasok sa grupong sinasalihan mo para mapansin mo'ko. Nakapasok naman ako sa grupo pero hindi ako kasali sa line up. Masaquette. Haha!'
Para kang baliw na tumatawa mag isa dahil sa mga pinagsasasabi ni Jimin sa'yo. Jammingero ang pandak. De joke. Sunod mong pinutok ay ang kulay pula.
'Hey Babe, Baby, Inay, Mama, MahalKo, Asawa, Maw, Moy, Myel, HAPPY HAPPY BIRTHDAY. You know how much I love you, right? Mahal na mahal na mahal kita. Walang makakapaghiwalay sa atin. Kung may paraan lang para magtagal tayo. Gusto na nga kita buntisin eh para hindi ka na mawalay sa akin. Hahaha! Biro lang. Sasamahan kita hanggang 70 years old na tayo. Wala kasing forever eh :) wag ka magalit ha? Ayoko sa forever. Maging realistic tayo. Wala naman talagang forever eh. Diba? Ikaw pa nga mismo nag sabi nun. Haha! Basta, Iloveyoutothemoonandback. Mahal na mahal kita. Be healthy and be happy always baby. Happy Birthday ulit.'
Hindi mo na mapigilan pa ang luha mo dahil masyado ka ng na'o-overwhelm sa mga pinag gagagawa ng boyfriend mo.
Biglang pumasok si Jimin sa kwarto mo na may dalang cake.
"Happy Birthday to you~ Happy Birthday to you~ Happy birthday happy birthday, Happy Birthday to you~" Kanta niya sayo at nilagay sa harap mo ang cake na may nakasinding kandila.
"Make a wish." nakngiting sabi ni Jimin sa'yo kaya pumikit ka at humiling.
'I hope I can be with Jimin 'till 70' isip mo at binlow yung candle. Nilapag naman ni Jimin ang cake sa kama mo at niyakap ka.
"Thank you Jimin. Iloveyousomuch." Tuloy tuloy na sabi mo.
"I love you more. Happy birthday."
--
HELLO!!! LONG TIME NO UPDATE. HAHAHAHAHA! Again, sa mga gustong mag pa'dedicate or mag request ng imagines or scenarios, just leave a comment or just PM me :) haha. Okay na ba tong update ko? Sorry kung natagalan. Iloveyou <3 hahaha!
- Sky
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro