Min Yoongi (Part II of Taehyung's)
"So, uso nga talaga ngayon ang mga traydor, ano?"
"S-suga"
"Ganyan pala ang ginagawa mo behind my back, huh?"
Agad ko siyang sinundan dahil nag lalakad na siya palayo sa akin. Leaving Taehyung behind.
"Mali ka ng iniisip Yoongi." naiiyak na sambit ko sa kanya pero tinignan lang niya ako ng mga mata niyang walang emosyion. Naiiyak na ako.
"Kaya pala hindi kita nakita the whole day dahil may kalampungan ka." Walang emosyiong sabi niya sa akin.
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung bakit.
Nagsimula na siyang maglakad pero agad namang tumigil.
"Ikaw na talaga. Akala ko pa naman hindi ka kabilang sa mga babaeng malalandi, makakati, mga haliparot at iba pa. Yun pala, kamiyembro ka lang nila."
At tuluyan na nga akong napaiyak.
"Ganyan na ba ang tingin mo sa akin? Porket ba nakita mo akong nakahiga sa itaas ng isang lalake ay pagsasalitaan mo na ako ng ganyan? Hindi ba pwedeng makinig ka muna? Hindi ba pwedeng nadapa lang ako at si Taehyung yung sumalo sa akin kaya nasa itaas niya ako?"
Agad niya akong hinarap.
"Alam mo, sa paningin ko, humahanap ka lang ng butas para maghiwalay tayo eh. Kasi sawa ka na. Sawa ka na sa akin kaya humahanap ka ng butas para makawala ka. Akala mo ba na hindi ko alam na nambababae ka behind my back?"
bigla siyang tumungo. na mas lalong nag paiyak sa akin.
"Akala ko rin na hindi ka kabilang sa mga lalaking manloloko, mga paasa at iba pa. Pero akala ko lang pala yun."
Tinignan niya ako sa mata kaya tinignan ko rin siya ng nakangiti.
Yun nga lang, malungkot na ngiti.
"Min Yoongi, salamat sa apat na taon na magkasama tayo. Mahal na mahal kita. At dahil sobrang mahal kita, binibigay ko na sayo ang gusto mo. Ang maging malaya. Pinapakawalan na kita Suga." sabi ko at tumalikod na at pinuntahan si Taehyung na nakaupo parin.
--
SOBRANG IKSI AT SOBRANG LAME. Pasensya na. Pasensya na talaga. Wala kasi akong time eh. Kahit summer na, may practice parin kami. T__T Sorry talaga @ParkLuMin kung sobrang lame.
Pasensya na.
-Sky
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro