Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Min Yoongi

Habang nagsasalita ang Math teacher niyo, di mo mapigilang antukin. Nilagay mo ang kamay mo sa ilalim ng baba mo at ang mata mo'y papikit pikit na. Inaantok ka kasi umuulan. At dahil malamig, gusto mong matulog.

"Okay, class dismiss." Rinig mong sabi ng teacher niyo.

'Hay sa wakas, makakauwi na rin at makakatulog.' isip isip mo. Gustong gusto mo na kasi umuwi para matulog.

At dahil umuulan sa labas, iniwan mo lahat ng gamit mo sa  locker mo dahil wala kang dalang payong. Ayaw mong mabasa ang mga gamit mo. Mas okay na ikaw ang mabasa kesa sa mga libro at notes mo.

Para kang Zombie habang nag lalakad. Nakayuko at nakapikit.

[Play the video at the side :) kung mag stop, play niyo ulit. haha]

Unfortunately, may nabangga ka kaya agad kang napadilat at bumungad sa harapan mo si Yoongi. Ang ex-bestfriend mo.

Nasira kasi ang pagkakaibigan niyo ng dahil lang sa pag amin mo sa kanya na mahal mo na siya.

"Oh babe, nanjan ka pala."

At umiwas ka din dahil may iba na siya. May ibang mahal na siya.

"Ah, oo." sagot naman sa kanya ni Yoongi. You really can't seem to find your words and you can't move. Para bang nakatadhana kang masaktan. Sabayan pa ng ulan at malamig na hangin.

"Tara babe." Sabi ulit ng babaeng kapit ng kapit sa braso ng taong mahal mo.

'please don't leave me here. Talk to me even though I'm the first one who left. Please Yoongi. Please.' isip mo habang nakayuko at nakayukom ang mga kamay.

Nanatiling ganoon ang posisyon mo hanggang sa naisipan mong para kang tanga kaya umalis ka nalang doon.

Ng nakayuko.

At umiiyak.

"Hoy! Umuulan! Wag ka ngang magpaulan! Masakitin ka pa naman!" sigaw ni Yoongi sa 'yo nung bigla kang tumakbo. Hinabol ka naman niya ng payong.

"Bakit ba kasi ayaw ng katawan ko sa ulan? I love Rainy season!" nakangiting saad mo sa kanya.

"Aish! Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na wag kang magpasing ulan?! Kakagaling mo lang tas nagpapaulan ka ulit!"

"Eh bakit ba?! Gusto ko eh!" Sabi mo at nag tampisaw agad sa ulan. Todo habol naman si Yoongi dahil ayaw niyang magkasakit ka.

Mahal ka niya. Siyempre. Bestfriend ka niya eh.

"Yoongi, may tanong ako sa'yo." Kinakabang sabi mo. Napagtanto mo kasi na kailangan mo ng sabihin ang nararamdaman mo para sa kanya.

"Alam mo ba yung pakiramdam na parang sasabog na ang dibdib mo sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao? Na siya yung naiisip mo pagkagising mo sa umaga, siya yung nasa isip mo tas bigla ka nalang ngingiti? Alam mo ba ang feeling ng in love Yoongi?" nakangiting sabi mo sa kanya.

"Yup. Alam ko yan. Bakit?"

"Talaga?! Aba't sino naman ang maswerteng babaeng nakabingwit sa puso ng bespren kong pusong bato?"

'Please, say my name.'

"Her name's Jamie." nakangiting saad ni Yoongi. Bigla ka namang napatulala.

One word to describe your feelings? Hurt.

You're hurt. Why? Because you assumed. You assumed that he loves you too. Unfortunately, you're the only one who fell. And everything that falls, gets broken.

"So, alam mo din ba ang feeling ng ganong parekoy?" nakangiting tanong niya sa'yo. Tumingin ka naman at tinignan siya sa mata.

"Oo. Alam na alam ko." sagot mo naman.

"Talaga? Sino ang maswerteng lalaki?"

"Ikaw."

Hindi mo mismo matukoy kung alin ang luhang pumapatak galing sa pisngi mo dahil lumusong ka sa ulan.

Tandang tanda mo pa yung mga panahong nag confess ka sa kanya at ang sagot niya sa'yo.

"Baliw ka ba? Hahaha! Wag ka ngang mag joke!"

Oh diba, Sisa-zoned ka na, hahaha-zoned pa, joker-zoned ka pa! Three in One.

Natawa ka nalang sa sarili mo at patuloy na naglakad. Masyado ka ng giniginaw pero hindi ka parin sumisilong. Imbes na dalian mo ang paglalakad dahil masakitin ka nga, binagalan mo pa lalo ang paglalakad.

Tumingala ka dahil hindi mo na maramdaman ang patak ng ulan sa balat mo.

"Sa pagkakatanda ko, sinabihan kita na hindi magpaulan, hindi ba?" Nakangiting bati niya sa'yo.

"Y-Yoongi."

Bigla kang nahimatay kaya dali dali kang sinalo ni Yoongi at isinakay sa kotse niya.

Pagkaabot niyo sa bahay niyo, binihisan ka na ng nanay mo at sinabihan si Yoongi na pwede na siyang pumasok ka na sa kwarto niya. May tiwala naman ang nanay mo kay Yoongi na wala siyang gagawing masama sa'yo.

Umupo si Yoongi sa gilid ng kama mo at tinitigan ka habang hinahawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha mo.

"Y-yoongi." Bulong mo.

"Hmm?"

"Mahal kita."

He just patted your head. Tulog ka kaya't hindi mo alam ang pinagsasasabi mo.

"Pwede bang ako nalang?" Bulong mo ulit at may tumulong luha sa mata mo kaya pinunasan ito ni Yoongi.

Nasasaktan man siya, alam niyang hindi pwede.

Mahal ka niya. Mahal na mahal. Ayaw lang niyang aminin at ginawang panakip butas si Jami para makalimutan ka pero hindi niya parin nagawa.

"Ako nalang please." Bulong mo ulit.

Sinagot ka naman ni Yoongi sa mga katagang ayaw na ayaw niyang sabihin.

"Ikakasal ka na sa madaling panahon. Wag mo na akong pahirapan please."

--

TAPOS NA YUNG EXAM NAMIN KAYA NAPAG ISIPAN KONG MAG UPDATE, Sa mga hindi naka gets sa flow ng story, feel free to ask :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro