Kim SeokJin
Kim SeokJin
--
Habang nagsusulat ang BESTFRIEND mong si Jin, eh hindi mo mapigilang mapaisip. Kung gaano ka ka-blessed dahil biniyayaan ka ng isang KAIBIGAN na tinuturing kang KAPATID.
Oh diba, masyadong masakit? Friendzoned na nga, sisterzoned pa.
'Wala na bang mas sasakit pa dito? Bukod sa katotohanang mamatay na ako, wala na bang mas sasakit pa dito?' you thought.
Jin lifted his head up para tignan ka.
"Okay ka lang?" nag aalalang tanong niya sa'yo.
"Yep." sagot mo naman ng wala pag alinlangan.
"Jinjja?"
"Oo nga. Ang kulit neto."
Tumango naman siya at nagsulat ulet kaya tinignan mo uli siya.
Sa ngayon, hindi niya pa alam na may sakit ka. Sakit sa puso. Sakit na walang lunas, sakit na nakakamamatay.
"Ah, tama. May sasabihin ako sa'yo." nakangiting saad niya sa'yo.
"Ano 'yon?"
"Kilala mo si Penelope, hindi ba?" tanong niya sa;yo. Tumango ka naman kaagad.
"Sobrang saya ko. Haha" Sabi niya na halatang masaya na may kasamang tawa pa.
"At bakit naman?"
"Pumayag na kasi siyang ligawan ko siya."
'Pigilan mo ang sarili mo. Please. Wag kang umiyak. Wag sa harap niya.' isip isip mo. Obvious naman na nasaktan ka, diba?
Huminga ka muna ng malalim bago ka sumagot. Knowing your illness, hindi ka dapat mastress. Lalo na ang emotionally stress. Bawal yun sa'yo at alam mo yun kaya pinipilit mong kumalma.
"Oh talaga? Congrats best!" Sigaw mo at sinapak pa siya sa braso niya. Ngumiti naman siya.
Uminom ka ng tubig dahil pinipilit mo paring pakalmahin ang sarili mo sa narinig mo.
"Gustong gusto ko talaga siya best." Biglang sabi ni Jin kaya muntik mo ng maibuga ang iniinom mo. Buti at nakontrol mo ang sarili mo.
Hindi mo na kinaya ang sakit na nararamdaman mo kaya bigla kang tumayo dahilan ng pagtingala niya sa'yo.
And as if on cue, may tumatawag sa'yo.
[Sa'n kana? Ngayon flight natin sa States para maipagamot ka. Ang sabi mo mag papaalam ka lang sa kaibigan mo. Ilang oras na ang lumipas. Umuwi ka na.]
Binaba mo ang tawag at tinignan si Jin.
"Ah Jin, mauuna na ako ha. Hinahanap na kasi ako ni Mommy. Nga pala. May ibibigay ako sa'yo." Sabi mo sabay halungkat ng bag mo.
"Oh. Eto. Buksan mo yan. One year after this day ha? Pag bubuksan mo yan ngayon, magtatampo ako sayo. Sge ka." Sabi mo trying to hold back your tears.
"Oo na. Pero ano ba 'to?"
"Sulat malang! Duh! Sige, una na ako. Bye Jin. Mag ingat ka. Hahaha! Congrats uli sa inyo ni Penelope." Sabi mo sabay lakad papaalis kay Jin.
Kay Jin na bestfriend mo, kay Jin na kuya mo, kay Jin na para mo naring magulang, at higit sa lahat, kay Jin na mahal mo.
Habang naglalakad ka, tumulo na ang luhang kanina mo pa pinipigilan.
Pag uwi mo sa bahay nyo, walang imik kang pumasok sa kwarto mo at palihim na umiiyak habang inaayos ang mga gamit na dadalhin mo papuntang States.
Pinababa ka na ng mommy mo pero lutang ka parin. Iniisip mo parin si Jin. Iniisip mo parin ang mahal mo hanggang sa umabot na kayo sa States, si Jin parin ang laman ng puso't isipan mo.
---
Isang taon na ang lumipas mula nung umalis siya. Walang tao sa bahay nila. Umalis na daw. Kaya pala binigyan niya ako ng sulat.
Kagaya ng sabi niya, bubuksan ko daw ang sulat kapag tapos na ang isang taon kaya binuksan ko na ang sulat niya sa akin.
Dear Seokjin,
Hi. ^^ siguro kapag binabasa mo 'to, wala na ako. Tinupad mo naman siguro yung sabi kong isang taon mo pa dapat babasahin tong letter diba? Pag binasa mo na wala pang isang taon, mumultuhin kita! Hahahaha!
May sakit ako Jin. Matagal na. Ayoko lang sabihin sayo dahil maiiwan parin naman kita. Mahal kasi kita eh kaya ayaw kitang saktan. Oo Jin. Mahal na mahal kita. As in super mahal! <3 pero alam ko namang may gusto ka ng iba eh kaya hindi ko nalang sinabi sayo. Alam mo bqng dqhil sayo kaya pupunta kami ng states? Dahil mag papa-opera ako. Pero malabo na maka-survive ako dahil 20% nalang ang chance na pwedeng hindi ako mamatay. Pinanghahawakan ko parin yung 20% na yung para sayo. Pero sorry Jin. Kung wala parin ako sa bahay ngayon eh, pinaglalamayan na ako. Sorry talaga kung iniwan kita.
Be happy always SeokJin! Iloveyouveryverymuch.
Kung bakit kasi hindi pa ako umamin sa kanya. Kung bakit si Penelope pa ang sinabi ko. Eh hindi naman siya. Bwiset.
Ayaw tumigil ng luha ko. I just lost my bestfriend, my sister, my love, my life and my everything.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro