Kim NamJoon
Park Dani as YOU
Please play Goodbye by Secondhand Serenade at the Multimedia if meron man. Naka mobile kasi ako hahaha!
Enjoy reading!
--
11/30/14
Dear Diary,
Habang palinga linga ako kanina sa simbahan, nakita ko siya. May kasama siyang babae. Ayun siguro yung ipinag palit niya sa akin. Maganda siya, kaya siguro iniwan ako ni NamJoon. Ang sakit lang. Nakita ko pa siyang tumatawa kasama ang babae niya. Ganoon din ba siya kasaya nunh kami pa? Sana oo.
Love,
Dani.
--
11/30/14
Dear Diary,
Pagpasok ko palang sa simbahan kanina, nakita ko na siya. Nakatalikod palang siya pero alam na alam kong siya yun. Humanap kami ng upuan ng best friend ko na si Jamie. At nung nakaupo na kami, napansin kong palinga linga siya at parang may hinahanap. Nung sa palagay kong lilingon siya sa akin, humarap agad ako. Bigla naman akong tinanong ni Jamie kung ayos lang ba daw ako, sinagot ko naman siya ng oo kahit sa loob looban ko, masyado na akong nasasaktan. Kung sana hindi ko siya hiniwalayan, hindi sana ako magkakaganito.
Love,
NamJoon
--
12/01/14
Dear Diary,
Unang araw ng Desyembre kaya dapat masaya ako kasi malapit na ang pasko. Pero hindi eh. Habang naglalakad ako palabas para bumili ng coke para sa lunch namin eh nakita ko nanaman si NamJoon. At kasama niya ulit yung girlfriend niya yata. Sino ba ang hindi masasaktan kung masisilayan mo ang ex mo na mahal na mahal mo pa kasama ang current girlfriend niya ngayon na tumatawa habang naglalakad. Ni Hindi niya nga yata alam na ako yung babaeng dumaan pa sa harap nila. Inaamin kong, umasa akong papansinin niya ako pero wala eh. Ni ha ni ho, wala. Dinaanan niya lang ako. Masyadong masakit. Minahal niya ba talaga ako?
Love,
Dani
--
12/01/14
Dear Diary,
Nakita ko siyang lumabas ng bahay nila na nakashorts lang. Medyo napangiwi ako kasi ayaw ko siyang nagsusuot ng maikling mga damit/shorts. Sisigawan ko na sana siya pero naisip kong wala na pala akong karapatan na umakto ng ganoon sa kanya. Kasama ko kanina si Jamie. Wag na kayong mag taka. Palagi kaming magkasama. Siya yung nagaalaga sa akin eh. Hahaha! Mahal na mahal ko si Dani. Mag best friends lang kami ni Jamie at isa pa, may asawa't anak na yun hahaha! Nasa France nga lang.
PS. Hinding hindi ko makakalimutan si Dani. Mahal na mahal ko siya. Kahit sa kabilang buhay pa.
Love,
NamJoon
--
12/05/15
Dear Diary,
Isang taon na ang lumipas ng huli kong makita si NamJoon. Kahapon. Kahapon lang ako nagkalakas ng loob basahin yung Diary niya. Kabilin bilinan kasi sa akin ni Jamie na basahin ko na daw yun pag isang taon na ang lumipas pagkatapos ng mga pangyayari.
Isang taon na ang nakalipas mula nung inilibing siya.
December 3, 2014. Idineklara ang pagkamatay ng pinakamamahal kong lalaki. Namatay siya dahil sa isang sakit. Sakit na hindi ko inakalang magkakaroon siya. Sakit sa puso ang dahilan ng pagkamatay niya. Bigla siyang inatake nung araw na dinaanan niya lang ako at bumigay na siya. Napag alaman ko ding may asawa't anak na si Jamie na best friend lang pala ni NamJoon. Napagalaman ko din na ang sakit niya ang dahilan ng paghihiwalay namin. Gusto kong magalit sa kanya dahil hindi niya sinabi sa akin na may sakit siya. Pwede ko naman siyang alagaan eh. Nakakainis siya. Iniwan niya ako ng walang pasabi.
Nakasaad sa Diary niya ang lahat ng hinanakit at pagsisisi niya sa ginawa niyang pagpapasakit sa akin noon. Nakasulat din doon ang tungkol sa sakit niya at higit sa lahat, nandoon din ang mga sulat na nagsasaad na mahal na mahal niya ako na siyang lalong nagpaiyak sa akin. Magdamag akong umiiyak. Pinipilit kong kumain dahil alam kong magagalit siya kapag nalipasan ako ng gutom.
Dearest NamJoon, I love you so much. Wag kang mag alala, papunta na ako diyan sa kinaroroonan mo. Magsasama ulit tayo at magmamahalan ng walang hanggan. Mahal na mahal kita. Hanggang sa kabilang buhay. Hinding hindi kita malilimutan.
Love,
Dani.
-END-
Kayo na bahala mag interpret ng ending. Thank you for reading :)
PS. I need your reactions. :3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro