Jung Hoseok
At dahil may napaiyak ako sa mga previous chapters ko, eto. Mag-uupdate ako. Am I forgiven? Hahaha! :D This is dedicated to you. Salamat sa pagbasa at pagsuporta sa mga gawa kong di naman masyadong maganda. ._. By the way guise, umabot ng 3K ang BTSI. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya ng malaman kong naka tatlong libong reads ako. Huhuhuhu *sobs*, o siya, baka mapahaba na tong spits ko hahaha.
PS. Lame update ahead J
--
Lee Nami as You
--
“Tignan niyo kung sino ang nandito bro. Miss, nawawala ka ba?” pang aasar ng kaklase kong si Jung Hoseok kasama ang tropa niya. Nandito kasi ako sa canteen. Paano ako mawawala kung kabisado ko na ang buong lugar ditto? Tanga lang?
“Tanga ka ba oh tanga? Paano ako mawawala kung kabisado ko na ang lugar at pasikot sikot ditto sa school? Tss. Bobo.” Sagot ko sa kanya. Eh sa nakakaasar siya eh! Nung mag sasalita pa sana siya eh, inunahan ko na.
“Wag ka nang magsalita kung puro katangahan at kabobohan lang ang sasabihin mo.” Sabi ko sabay lakad paalis ng canteen. Nakakawalang gana na kumain kapag may nakikita kang isang Jung Hoseok.
Bumalik ako sa classroom at as usual, pinagtitinginan na naman nila ako. Ano ba nagawa ko sa mga ‘to? Masama na pala ngayon ang magbasa ng libro o ang mag aral? Hindi naman ako nerd eh. Grade conscious lang. Scholar kasi ako dito sa paaralang ‘to kaya dapat lang na mag aral akong mabuti. Dapat nga ako ang tularan ng ibang estudyante eh! Sa halip na gamit sila ng gamit ng kanilang cell phone, eh magbasa nalang sila ng libro.
Naramdaman kong may umupo sa kilid ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Oh? Bakit mo ‘ko tinignan? Ganyan mo na ba ako kamiss at di mo na kayang hindi makita sa isang araw ang mukha ko?” Pagyayabang na naman ni Hoseok.
“Alam mo kabayo—”
“Luuuh! Kung makapag kabayo ‘to, kala mo kung sinong dyosa.” Naasar niyang sabi pero hindi ko pinansin.
“Alam mo kasi Hoseok, wala kang mapapala sa akin kapag ako ang inaasar asar mo. Well, makakatikim ka ng suntok, sipa, mura at sabunot pag ipapatuloy mo pa yang kagaguhan mo. Kaya kung ako sayo, mag aral ka nalang ng mabuti.” Seryosong sabi ko sa kanya. Bigla naming sumeryoso ang mukha niya. Wow. Perstaym to ha.
“paano mo nasabing kagaguhan lang tong pinaggagagawa ko?” Seryoso pero madiin niyang sabi sa akin.
“Paano mo nasabi na kagaguhan lang? Gaguhan na pala ang bagong term ng ‘pagmamahal’?” seryosong sabi niya parin. Hindi naman ako makasagot.
“Gago na kung gago pero mahal na mahal kita Nami. Kaya palagi kitang inaasar dahil gusto kong mapansin mo’ko.”
“Mahal kita Nami. Mahal na mahal.” Seryosong pahayag niya. Nung magsasalita na sana ako, inunahan niya ako.
“Mamili ka. Liligawan kita tapos sasgutin mo ‘ko, or Sasagutin mo ‘ko pag nanligaw ako sa’yo?” nakangiting saad niya pero kita parin ang sinseridad.
“Bahala ka kung anong gusto mong gawin sa buhay.” Sagot ko at napangiti siya.
Biglang pumasok yung prof naming kaya natuon ang attention niya sa harap. Gusto ko naman si Hoseok eh, naasar lang ako sa kanya minsan. Ay hindi pala, palagi pala. Pero ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako inaasar. Nagpapapansin lang pala ang mokong.
Hindi ko naman maitago ang ngiti ko.
--
AKO PO AY TAOS PUSONG NAGPAPASALAMAT SA MGA READS, VOTES AT COMMENTS DITO SA STORYANG ITO. HUMIHINGI RIN AKO NG PAUMANHIN DAHIL MATAGAL AKONG HINDI NAKAUPDATE. (Caps para damang dama niyo.) nakauwi ako galing sa performance keme namin kagabi ng 12:30AM. 1:34AM na habang tinatype ko ‘to. Oh diba, lahat ng nandito sa bahay, tulog na tapos ako hindi pa. HAHAHAHA. Tinype ko nalang. Hohoho. In-off yung wifi namin kaya ngayon ko lang napost. Hahaha! Mianhaeyo :’<
So eto na, Jung Hoseok’s Imagine. Next up si Kim Taehyung.
PS. SOBRANG SAYA KO DAHIL MAY PINOST SI CRUSH SA WALL KO. NAKAKAHEARTHEART HAHAHAHAHAHA! <333
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro