Jeon Jungkook
Jeon Jungkook as himself
Christhine Delazaga as you
Read my author's note below after you read this. :) Thank you :* Also, play the music at the multimedia. :) ulit ulitin niyo lang pag natapos haha. Thanks :*
-
"Naka move on ka na ba sa ex mo?"
"Mahal mo pa ba?
Blablabla.. sawa na ako sa mga tanong na 'yan! Nakakairita na ha! So what if I haven't moved on yet? Why do they care of other people's life?! Can't they care about their lives first? Bwiset 'to!
It's summer but I don't have summer classes. I can't feel the summer anyway dahil palagi lang akong nasa bahay. I took summer classes para hindi na masyadong loaded yung schedule ko. Ginawa ko ang lahat para hindi ulit kami mag kita ng ex ko kasi masakit parin yung nakaraan. Pero sadyang puta yung tadhana dahil pinagloloko kami. 'yan tuloy, nagkanda buhol buhol ulit yung buhay namin. It's been 375 days since we broke up. Ang tagal na 'no? Ano ba kasi ang dahilan kung bakit siya nakipaghiwalay sa akin? Hindi ko din alam kung anong dahilan. Basta basta nalang siyang nakipag break sa akin. Basta basta nalang niya akong iniwan ng hindi man lang niya sinabi ang dahilan kung bakit. Nakikita ko siyang may kasamang babae palagi, at hindi ko maiwasang malungkot at mandiri.
Nalulungkot ako kasi, hindi na ako ang kasama niya. Nandidiri ako kasi lamang ako ng isang libong paligo kesa sa kinakasama niya ano!
Mej namamayat na siya, malaki ang eye bags, nangingitim na ang mata, ewan ko ba dun pero bakit ang gwapo pa din?
Tapos kung dadaanan ko siya, parang wala lang ako sa kanya. Yung totoo Jungkook? Hangin? Hangin lang ako? Nakakaletse ka na ha.
"Mr. Jeon, are you listening?!" nabalik ang ulirat ko nang tinawag ng professor namin si Jungkook. Nakatingin lang siya sa bintana at hindi tinignan ang professor namin.
"MR. JEON!!!!" Sigaw ng prof namin kaya naptingin na si Jungkook sa kanya. Pero blangko ang expression niya. Bakit kaya?
Bigla siyang tumingin sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.
Lumabas siya at dala dala niya yung bag niya. Lumabas din ako. Nagpaalam ako sa prof namin pero hindi ako pinansin. Bastos. Kaya lumabas nalang ako at sinundan si Jungkook.
Sinundan ko lang siya habang naglalakad siya. Hindi niya talaga ako nililingon.
"Jungkook." Naiiyak na ako. Hindi niya ako nilingon pero tumigil siya sa paglalakad. Narinig niya ako!
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang ako naman ay nagpatuloy rin sa kakasunod sa kanya.
Pumasok siya sa isang shop. Isang flower shop. Sinundan ko parin siya pero hindi na 'ko pumasok baka mairita eh. Impatient at short tempered pa naman 'yang si Jungkook.
Bumili siya ng white tulips at naglakad ulit sa kung saan. Naiiyak na ako. Nasasaktan ako. Para kanino ba 'yang bulaklak na 'yan?
Nangangawit na yung paa ko sa kakasunod sa kanya. Hindi ba uso mag jeep?
Nakayuko ako habang naglalakad kaya hindi ko napansin ang dinadaanan ko at nabangga ako sa likod ni Jungkook. Tinignan ko kung nasa'n kami.
Nasa sementeryo.
Bigla akong kinabahan. Anong gagawin namin dito sa sementeryo?
Umupo siya sa harap ng isang lapida.
"Huy Jungkook, kanina pa ako sunod ng sunod sa'yo. Hindi mo ba ako nakikita?"
Hindi siya sumagot. Pisti. Sino ba yung dinalaw niya? Hindi ko kasi maaninag eh. Medyo madilim na pero hindi ko makita yung pangalan sa lapida.
"Tin." bigla akong tinawag ni Jungkook. Nakaramdam agad ako ng saya.
Hinawakan niya yung lapida. Pitingini. Ba't kumakalabog ng sobra yung dibdib ko?
Unti unting lumiwanag ang pangalan na nasa lapida.
Christhine Delazaga
Born: April 17, 1994
Died: April 17, 2012
A-ako? P-patay na ako?
Biglang suminghot si Jungkook.
"Miss na miss na kita." He said between his sobs.
"Happy birthday Tin." Sabi niya ng nakangiti habang patuloy parin na dumadaloy ang luha niya.
"Sising sisi ako kung bakit kita hiniwalayan Tin. Ang totoo niyan, natakot ako. Natakot akong akuin yung responsibilidad ng pagiging ama. Ano ba ang kaya kong gawin? Hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral kaya hindi ko pa matutustusan ang magiging anak natin. Kaso, nung araw na wala na tayo, nalaman ko nalang na, nabangga yung taxi na sinasakyan mo ng isang ten wheeler truck habang pauwi ka. You and our little angel died. Kung sana, hindi kita hiniwalayan, buhay pa sana kayo ng anak natin."
Umiiyak ako habang pinakikinggan siya. Humahagulhol na siya sa kakaiyak.
"Ang masama pa no'n, dahil sa occupied ang utak ko, hindi ko naalalang birthday mo at nakipaghiwalay pa ako. Ang samo ko talaga." Tumawa pa siya na parang baliw.
Ewan pero hindi ko magawang magalit sa kanya.
"I opened your locker yesterday Tin at nakakita ako ng letter. Nakasaad dito yung araw yung araw na hiniwalayan kita. May mga bakas pa ng luha mo. Sorry ha kung inopen ko ng walang paalam ang locker mo."
Kinuha niya yung letter at binasa niya.
Jeon Jungkook,
Hindi ko alam kung bakit mo ako hiniwalayan. Sasabihin ko na sana sa'yo na buntis ako pero hiniwalayan mo ako. Hindi bale, kakayanin kong bumuhay mag isa sa anak natin pero hindi ko siya ipagkakait sa'yo. Ganyan kita kamahal Jungkook. Sisiguraduhin kong ikaw parin ang kikilalaning ama ng anak natin. Kahit sinaktan mo ako, ng sobra sobra, kakayanin ko ang lahat. Kahit ano mang pagsubok ang dumating. Dahil bukod sa'yo, may anghel na gumagabay sa atin.
Paglaki niya, ipapakilala ko siya sa'yo. Mahal na mahal kita at ng magiging anak natin Jeon Jungkook.
Love,
Christhine Delazaga
"Alam kong nandito ka lang Tin. Sana mapatawad mo pa ako Tin. Mahal na mahal parin kita."
---
Hi skyreaders! XD sorry kung ngayon lang ako nakapag update. As usual, I'm busy. :3 sorry talaga lalo na sa nag request nito na si @Kylle041502. Sabi ko sayo na matagal akong makakapag update eh. Pasensya ka na talaga ha? Pasensya na talaga kayo. Juthko. I'm studying, training and performing at the same time kasi guys. Pasensya na talaga. Mapapatawad pa ba? :( hahahaha ayan huh, mej mataas tong imagine na 'to. @Kylle041502, sana nagustuhan mo. If hindi, please let me know, okay? :)
Comments are highly appreciated :*
-Sky
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro