Imagine with Park Jimin
Park Jimin as HIMSELF
Aina Bae as YOU
----
Third Person's POV
Kasalukuyan kayong nasa classroom ni Jimin at Kyle. Si Jimin ang boy bestfriend mo at si Kyle naman ang girl best friend mo.
"Ainaaaaaaaaa~" panglalambing sa'yo ni Jimin.
"Ano ba Jiminnie, may ginagawa ako oh." Suway mo sa kanya dahil kasalukuyan kang gumagawa ng props para sa performance niyo sa makalawa.
"Pansinin mo naman ako ooooooh~" paglalambing ulit sa'yo ni Jimin.
"Ano ba iyon?" Pagtatanong mo naman pero ngumiti lang siya.
"Alam niyo, kung hindi lang tayo mag bestfriend tatlo no, aakalain ko na talaga na kayo." Pag kukumento ni Kyle habang gumagawa ng props.
'kung pwede nga lang na kami na eh' isip isip ni Jimin.
Tumulong si Jimin sa pag prepara ng mga props niyo pero naghaharutan parin kayo. Nagpapahiran kayo ng glue sa kamay, nagpapahiran ng silver dust at kung ano ano pa.
"Jimin, may tanong ako." Biglang sabi ni Kyle
"Ano 'yon?" Pagtatanong niya kay Kyle
"If given a Chance, would you date Aina?" Biglang tanong niya. Nagulat ka naman dahil sa biglaang tanong niya.
"Oo naman. Siyempre." Walang alinlangang sagot ni Jimin.
"Eh ikaw Aina? If ever na manligaw sa'yo si Jimin, sasagutin mo ba?" biglang pag tanong niya sa'yo.
"Nope. I love him as my bestfriend." Sagot mo matapos ang tatlong minutong katahimikan.
And what you just said, was definitely a LIE. Alam mo naman sa sarili mo na mahal mo siya. Hindi mo nga lang alam kung ano ang nararamdaman niya. Ayaw mo mag assume dahil ayaw mong masaktan.
Biglang tumayo si Jimin at lumabas ng classroom ninyo.
"Baka naihi lang." Sabi naman ni Kyle kaya ipinagpatuloy mo nalang ang pag gawa ng props.
Dumaan ang limang buwan na hindi kayo nag papansinan. Kating kati ka na dahil gusto mo siya pansinin pero may kung anong pumupigil sa'yo.
Pagkatapos ng klase niyo, agad mo siyang hinabol dahil gusto mo siyang kausapin at itanong kung bakit hindi ka niya pinapansin at natiis ka niya ng limang buwan?
"JIMIN!" Tawag mo sa kanya. Ang bilis niya kasing mag lakad at hindi mo na siya mahabol.
Nung nakalabas ka na ng gate, nakita mo nalang siya na nag tatatakbo sa highway habang may isang bus na papunta sa kanya.
"JIMIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIN!!!!!!!!!!!!!"
**
Lumipas ang isang buwan at hindi parin siya nagigising. He's in coma.
"Jiminnie, please wake up. Hindi ko pa nasasabing mahal kita. Please. Sasabihin ko sa'yo ang mga salitang matagal ko ng tinatago. Please, wake up." Sabi mo habang umiiyak ng mahina.
Bigla niyang iginalaw ang mga kamay niya at unti unting nagising.
"Jimin?" Tawag pansin mo sa kanya. Ngunit hindi mo inaasahan ang sasabihin niya. At yun mismo ang mga salitang ikinaguho ng mundo mo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sino ka?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro