1 - The Alarmed
I hate the sound of the ring of the alarm clock.
Kaya nang tumunog ito kinaumagahan ay kaagad ko itong dinakma at inihagis nang malakas sa pader ng kuwarto ko.
For some unknown reason, hindi ako nasasayangan kung masira man iyon dahil lagi naman akong may bagong alarm clock sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Maybe I have an unlimited supply of them as it looked to me.
Bumangon ako at pinulot ang alarm clock sa sahig. Hindi naman iyon nasira pero napansin kong tumalsik ang dalawang baterya nito sa di-kalayuan. Yung isa ay gumulong sa ilalim ng kama, dahilan para mapayuko ako at abutin iyon gamit ang aking kaliwang kamay.
Sa pagdakma ko nito ay agad ko rin itong ibinalik sa loob ng alarm clock. As soon as I successfully put the battery back on its socket, I felt glad somehow that I did.
Muli ko itong ipinatong sa bedside table katabi ng isang lampshade na hindi ko naman nakasanayang sindihan tuwing gabi. Nasanay akong natutulog nang nakapatay ang mga ilaw.
Lumabas ako ng kuwarto at agad na nagtungo sa kusina. I am living alone for two years, with a special company of Lolita. My precious Persian cat.
Pinakain ko si Lolita ng kaniyang agahan bago ako nagtimpla ng sarili kong kape. As soon as I finished preparing my morning coffee, I heard the delivery man of our morning newspaper threw my copy outside my house's front door.
Dala ang tasa ng mainit na kape ay nagtungo ako sa pintuan. I opened it and like what I expected, there's a fresh copy of newspaper lying just outside my door.
I picked it up and went inside.
Habang binabasa ang balita sa diyaryo ay bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. It's like this just happened before, the same news, the same moments that seemed to have happened already.
I wonder why I feel like this had happened before. Sort of a deja vu.
As soon as I put the newspaper on top of the center table in front of me, someone barged inside my house by breaking the front door with a forced kick.
Napatayo ako nang wala sa oras nang makakita ako ng isang lalaking may tattoo sa braso na agad akong tinutukan ng baril sa mukha.
I raised my hands up, hoping for him not to shoot me.
But before I could even mutter a word, I heard the final sound that my mind would ever remember before I met the pitch black darkness of death...
~~~
Bumangon ako dulot ng malakas na tunog ng alarm clock.
I looked beside me and I saw the same clock again.
Due to my hatred of its noise, I decided to throw it outside of the window.
"Buwisit!"
Napaupo ako sa gilid ng kama habang sapo ang aking dibdib. Nanaginip ako nang napakasama. I even touched my face and felt great that it's all just a dream. Buo pa naman ang aking mukha.
Parang totoo talaga ang mga nangyari sa panaginip ko. Someone barged inside my house, pointed a gun on my face, and boom. I'm dead in point-blank.
Nakahinga ako nang maluwag nang masiguro kong isang masamang panaginip lang ang lahat. It's been a long time since I started having this recurring dream of being brutally killed by some random people.
Ni hindi ko sila maalala kahit na subukan kong alalahanin ang mukha nila. I tried to remember my dreams as clear as I can, pero sa huli ay hindi ko pa rin sila maalala.
I shook my head as I stood up. Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na 'to. Masyado lang yata akong stressed sa trabaho.
Managing a bank is a big responsibility. My life is really threatened by the line of my work. Every day is a hardcore survival for me.
Lumabas ako ng kuwarto at naabutan kong naghihintay sa akin sa kusina ang alaga kong pusa. Her name is Lolita, at siya lang ang natatanging kasama ko sa bahay na ito.
She's a Persian cat and she was patiently waiting for me beside her empty bowl for food. Agad ko siyang pinakain ng isang branded na wet food para sa mga pusa bago ako nagdesisyong magtimpla ng sarili kong kape.
I like the brew of black coffee. It's like the fuel of my engine. Hindi aandar nang maayos ang sistema ko oras na hindi ako makainom ng kape sa umaga.
When I miss a cup of coffee, that whole day will become incomplete for me. Para bang may kulang sa iyo pero hindi mo alam kung ano 'yon, but it's really just the spirit of caffeine calling.
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay may narinig akong tunog mula sa labas. I smiled as the copy of my morning newspaper has been delivered outside already.
Lumabas ako ng pintuan at pinulot ang diyaryo sa sahig. I looked around, trying to see if there's someone lurking from the alley. So far, I couldn't sense any danger.
I see nothing at all except for the delivery guy on bikes whose throwing copies of newspaper around the neighbourhood.
Mula nang sunod-sunod akong nanaginip nang masama. I became paranoid enough to the point that I never trust people so easily even if they're well known. Gaya ng mga artista, mga pulitiko. Mga mukhang masisiguro ng iba na hindi makabasag-pinggan pero nasa loob pala ang kulo.
Pero anong magagawa ko, I'm just living my own life. And I'll start my day to read the morning news of today.
Napakamot na lang ako ng ulo nang mabasa ang mga balita. Hindi ko maintindihan pero parang pamilyar na sa akin ang mga nangyari rito.
The bank that I'm managing has received an award. I'm getting a salary raise. Basically a very good news, but it seems like a common thing for me now.
Tumingin ako sa direksiyon ng pintuan. I waited for someone to barge in. Pero sa loob ng ilang segundo ay wala namang pumasok sa loob ng bahay ko.
Nakahinga ako nang maluwag. It was all just a dream. Why am I overthinking about it. Mukhang kailangan ko na talagang mag-exercise sa umaga, it will calm my senses and start my day a lot better than before.
Matapos kong uminom ng kape ay naghanda na ako sa pagpasok. Nagsuot ako ng uniporme at pumili ng necktie na aking gagamitin mula sa aking koleksiyon. I decided to pick the black one as I feel like it radiates a positive vibes for me today.
And before I get out of my house, I left Lolita some food for her while I'm at work.
Sa paglabas ko ng pinto ay agad akong lumapit sa nakaparada kong sasakyan sa garahe.
Huminga ako nang malalim, sinipat ang mga bahay sa paligid. Nothing is unusual, everything is just what it is.
Sa paghakbang ko ng aking paa ay may narinig akong malakas na putok ng baril. Kasunod nito ang biglang pagkabasag ng salamin ng pintuan sa aking likuran dahilan para agad akong maghanap ng mapagtataguan.
But before I could even hide for my life, another shot has been fired and—
The alarm went ringing so loud again.
Bumangon ako at dinakma ang alarm clock bago ko ito buong lakas na inihagis sa labas ng bintana, ulit!
Hindi na tama 'to. Panaginip na naman ba ang nangyari? Why is this certain moment keeps on happening again and again.
Gigising ako ng ganitong oras, maghahanda sa pagpasok. And moments later on, I'll find myself being murdered by someone I don't even know!
"Pusang-gala," nilamukos ko ang kumot na nakabalot sa akin at saka ko rin ito inahagis sa ibaba ng kama.
I looked at my hands as I think of what's happening. Hindi na ito isang panaginip lang. Isa itong bangungot sa loob ng isang pang bangungot.
Hanggang kailan pa ba ako paulit-ulit na magiging ganito? How long would I relive this nightmare again and again?
I fucking hope that I'll wake up in reality next since I feel this is yet far from over.
Walang gana kong tinungo ang kusina at nakita ko si Lolita na naghihintay sa akin para siya ay pakainin. At kahit na punong-puno na ako sa mga nangyayari ay nagawa akong pakalmahin ni Lolita nang lapitan niya ako at himas-himasin ang aking binti.
I smiled despite the chaotic situation that I'm currently facing.
Pinakain ko si Lolita ng catfood at dali-dali akong lumabas ng bahay. Hindi na ako nagtimpla ng kape dahil pakiramdam ko ay masosobrahan na ako.
The taste of coffee that I just had before still lingers in my tounge and I don't feel like having another cup of coffee, specially not this time.
Sa paglabas ko ng pinto ay tiyempong nakita ko ang paparating na delivery boy ng diyaryo sa village kung saan ako nakatira.
As he stopped by in front of my lawn, I decided to call him. Pero hindi niya ako pinansin at naghagis lang siya ng diyaryo sa aking direksiyon.
Sinambot ko ang diyaryong inihagis niya at muli ay binasa ko ang mga balitang nakasulat doon.
At gaya ng mga naunang panaginip na mayroon ako, the news were still the same. Walang pagbabago, it was still about me having my salary increase for making the bank that I'm managing become one of the most trusted bank in the country.
Sa galit ay nilamukos ko ang diyaryo at itinapon sa basurahan na malapit sa akin.
Ilang saglit pa ay may nakita akong babae na naglalakad sa tabi ng kalsada. She was smiling like a doll with a fixed expression.
Dali-dali ko siyang nilapitan at saka niya ako tiningnan sa mga mata.
"Good morning," aniya.
Awtomatiko akong bumati ng magandang umaga sa kaniya na siya namang sinagot niya ng, "I'm so glad today. The weather is fine and the sky is clear."
Napakamot ako ng ulo. "Miss, anong araw ngayon?"
I tried asking her just to make sure of something.
Pero hindi niya ako sinagot. She just smiled at me with a reaction as blank as a clean sheet of paper.
And that's it, bigla na lang niya akong nilagpasan na tila walang nangyari.
Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin. I looked around me, everything seems so fine and usual. Pero bakit ganito, why do I feel like something is really wrong?
My fear is about to fade but someone had made my fear consume me.
Sa di-kalayuan ay may nakita akong lalaki na tumatakbo patungo sa aking direksiyon dala ang isang patalim. Isa ba 'yong kutsilyo?
Alam kong ako ang target niya dahil ilang beses nang nangyari sa akin 'to. Para akong nasa isang pelikula na may sirang plaka at paulit-ulit lang na nauulit ang ganitong scenario.
I decided to run into my house but the man is quite faster than me.
He had managed to barge inside my house having me cornered in a bad spot.
I decided to focus on his face. And I know what is about to happen next. He walked towards me with a clear intent of murder in his eyes.
At sa paglapit niya sa akin ay agad niya akong inundayan ng saksak..
...sunod-sunod na mararahas na saksak sa aking dibdib.
~~~
I woke up just in time before the alarm even begin ringing.
At bago pa ito tuluyang mag-ingay ay nakabangon na ako at sinipa ko ito palayo sa akin. Nakita ko kung paano ito mawasak nang humampas ito sa pader.
I saw pieces of shattered glass and other small parts of it on the floor, making me feel satisfied by the growing anger inside of me.
Nakakaloko na kasi. Hanggang kailan ba ako mauuwi sa ganitong pauli-ulit na panaginip. Gising na ba talaga ako? Am I already in reality or not?
Sinampal ko ang mukha ko nang malakas. I felt the tinge of pain on my cheeks. Masakit, naramdaman ko naman ang sakit.
Sana naman ay gising na talaga ako dahil kung hindi pa rin ako nagigising hanggang ngayon ay hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.
Nagmadali akong lumabas ng kuwarto. Tinungo ko ang sala at nahagip pa ng aking paningin si Lolita na tahimik na namang naghihintay ng makakain niya.
As I looked outside my house, there's nothing unusual just as same as before. Walang sinuman ang nasa labas, walang anuman ang nakababahala kung titingnan ko ang kapaligiran ko nang mabuti.
Nang isara ko ang pintuan ay doon ko na naitanong sa sarili ko kung ano nga bang nangyari at ganito ang kinahantungan ng panaginip ko.
I tried my best to remember what happened yesterday. Ano bang mga ginawa ko bago ako natulog. Sino ba ang mga taong nakausap ko bago ito mangyari.
Pero sa kabila nang matinding konsentrasyon sa mga ala-ala na hindi ko matandaan ay bigo akong makuha ang mga kasagutang hinihingi ko.
I couldn't remember anything. Ni hindi ko alam kung may kakilala ako, ni hindi ko rin maalala ang mga mukha nila. All I know is I'm a bank manager of a well known bank in the country.
Na nakatira ako nang mag-isa sa isang bahay kasama ng alaga kong persian cat na pinangalanan kong Lolita.
Mula ro'n ay wala na akong maalala pa.
Sumakit ang ulo ko. Nahihilo ako sa matinding kalituhan na dulot ng bangungot na ito.
Hanggang sa bigla akong makarinig ng sunod-sunod na mga yabag mula sa labas. Sumilip ako sa bintana at may nakita akong lalaking paparating.
This time, he's holding a handgun.
I prepped myself to come to the kitchen. Mabilis akong humugot ng kutsilyo sa knife rack at agad kong hinablot si Lolita para dalhin sa kuwarto ko.
As I run upstairs, my cat jumped off my hands.
Tumakbo si Lolita paibaba ng hagdan. Just before I could reach her back, the sound of the door opening followed suit.
I saw the perpetrator's shadow coming in. His handgun was prepared to shoot anyone it will encounter.
Agad akong nagtago sa loob ng kuwarto ko. Sa likod ng pintuan.
Huminga ako nang malalim nang maramdaman kong ilang metro na lang ang layo ng lalaking iyon sa akin.
My heart beats faster than before. Hindi pa ako nakararanas ng ganitong kaba kailanman. At mas lalong hindi ko rin inaasahan na mauuwi sa ganito katinding sitwasyon ang bangungot na ito.
The man entered my room slowly. At sa pagpasok niya ay kaagad ko siyang inundayan ng saksak sa likod. I stabbed him countless times and slashed his throat for the final time.
And just before I could even react by what I have done, things around me turned in slow motion.
I saw how the man's blood splattered on the walls. Like droplets of rainfall falling in slowly.
And then—
The alarm clock began ringing again.
"Putang-ina!"
Sumigaw ako nang ubod nang lakas, sobrang lakas na pakiramdan ko ay mapuputulan na ako ng litid sa aking leeg.
Hindi ko na maintindihan kung anong nangyayari. I just killed the man! I have survived. But why am I still here? Why am I still waking up like this?
Halos maluha na ako sa yamot dahil sa paulit-ulit na pangyayari. Napapagod na ako. Hindi ko na gusto ang kalagayang kinasadlakan ko.
Maybe I'm already dead and my soul is continuously being punished in hell. And this is my punishment.
I went downstairs and straight to the kitchen.
Wala nang kuwenta pa kung lalaban ako. I already did my best. Whatever I do will always lead me to the same situation and it sucks.
Humugot ako ng kutsilyo at kaagad na nilaslas ang aking leeg.
And the alarm clock began ringing once more.
But this time, I didn't move at all.
Walang buhay akong nakatitig sa kisame. Nagbibilang ng bawat segundong lumilipas habang patuloy na pinakikinggan ang walang humpay na pagtunog ng alarm clock.
I remember how much I hated the sound of the alarm clock could make me. But this time, it sounds like a music into my ears.
Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko, the same man entered my room with a weapon in his hands.
This time, I smiled at him as he shot me with a shotgun on my face...
~~~
"Shit," bulong ng isang lalaki habang nakaharap sa monitor ng kaniyang computer.
Napakamot siya ng ulo nang makita niyang may mali sa programming ng isa sa mga non-playable characters ng larong kaniyang dini-develop.
Ilang beses niya nang sinubukang laruin ang unang level ng larong kaniyang ginagawa na pinangalanan niyang 'Hitmen'. Kung saan ang natatanging objective lamang ay patayin ang mga main target.
Ngunit dahil hindi umaayon sa code niya ang unang target na kaniyang ginawa ay minabuti na lamang niyang burahin ito at palitan ng bago.
Ilang araw siyang naghirap na magsimula ulit ng panibagong coding sa kaniyang bagong karakter. Pero sulit ang bawat gabing pinagpuyatan niya.
Sa loob ng isang buwan ay natapos na rin niya sa wakas ang larong kaniyang ginagawa.
At muli ay pinindot niya ang 'New Game' button.
The ringing sound of an alarm clock greeted him...
- 30 -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro