1
RENZ sat on her arm chair. Nakabibingi ang katahimikan sa class room, pero tila naririnig na niya ang nangungutyang pagtawa ng kaniyang mga kaklase.
Sinabon na naman kasi siya ng kanilang guro na isang abogado. Sa totoo lang, habang binabasa niya kagabi ang mga topic na mako-cover sa diskusyon nila sa araw na ito sa paksang Criminal Procedure, napakadali niyang naunawaan ang mga ito. Mabilis din niyang namemorya. Kaya nagtataka siya kung bakit nablangko ang utak niya sa kalagitnaan ng pagre-recitation.
Hindi pa naiinitan ng puwit niya ang upuan ay may pinatayo na isa sa mga kaklase niya. Maayos nitong nasagot ang tanong sa kaniya ng guro.
Pagkatapos ng klase ay isinukbit ni Florenz Sara Banawa ang kaniyang backpack sa isang balikat. Paglabas ng classroom ay hawak ng isa niyang kamay ang cell phone at ang kabila naman ay wired earphones. Nang makapamili ng pakikinggang kanta ay isinuot niya ang earphones sa magkabilang tainga bago ini-play ang kanta.
Second year na sa law school si Florenz at nakatira sa isang boarding house malapit sa paaralan. The boarding house should be her second home, if the school could not be. Yet, she was feeling a kind of indifference with that place.
The boarding house was nice. It looked like the typical, old Spanish house used to depict a boarding house on TV sitcoms. May mga bintana ito na gawa sa capiz shells, may silong, at kailangang akyatin ang hagdan para marating ang unang palapag nito. Gawa sa semento ang pundasyon at ibabang bahagi ng bahay. Ang unang palapag at ikalawang palapag naman ay gawa sa purong kahoy.
Palaging malinis ang sala at kusina ng boarding house na pinaghahati-hatian nilang gamitin ng kaniyang mga ka-boardmates. Maayos naman ang banyo. Kahit nag-iisa lang ito ay hindi pa nararanasan ni Renz ang mabarahan ng inidoro o maputulan ng suplay ng tubig. But then, a house was not automatically homey because of the convenience it brings. Being there has to feel safe. It has to be peaceful. And those two things were lacking.
Renz wasn’t pertaining to her roommate Bloom Mariano. Bloom was nice. Dalawang taon na sila naghahati sa iisang kuwarto ngunit hindi pa sila nagkakaaway nito. Hinding-hindi sila nagnakawan ng gamit, nag-agawan sa electrical plug, o nagtalo sa paggamit ng banyo.
Ang sinisisi ni Renz sa kawalan ng kapayapaan niya sa boarding house ay ang mga kapitbahay.
Dahil sa mga ito, nagmamadaling tumakbo si Renz palabas ng university gate. Nakipag-unahan siya sa pagsakay ng jeep. Base sa orasan sa kaniyang cell phone, alas-dos pa rin ng hapon. Quarter to three o’clock. Alas-tres pa lang ay nasa boarding house na dapat siya.
Tumakbo uli siya nang ibaba ng jeep sa kanto. Nang makarating sa boarding house ay hindi na niya napansin pa ang mga nasalubong. Dumeretso siya sa kuwarto nila ni Bloom at isinara ang pinto. Ibinagsak niya lang sa sahig ang backpack. Walang nang bihis-bihis. Pagtanggal ng sapatos ay humiga na si Renz sa single bed sa isang sulok ng silid at ipinikit ang mga mata.
Hindi na namalayan ni Renz ang oras. She tossed and turned twice or thrice, yet her effort to relax failed to help her fall asleep. Habang patagal nang patagal, humahalili ang nerbiyos niya. It was like a trickle of rain at first, then raindrops shooting on a tin roof like bullets. Her anxiety was starting to kick in.
Imbes na makatulog, ninenerbiyos na nag-aabang siya kung malapit na bang masira ang kapayapaan sa silid. It was as if she was gazing helplessly at a ticking time bomb, a time bomb she could not diffuse.
Imagining a time bomb’s clock managed to make her feel dizzy. Maganda ang senyales ng hilo na ito, kasi ibig sabihin ay dinadalaw na siya ng antok. Her eyes slowly closed.
For twenty minutes, Renz finally felt adrift in the clouds. It had been so long since the last time she felt this comfortable . . .
Napabalikwas siya ng bangon nang may pumailanlang na boses mula sa kapitbahayanan. Nakamikroponong kumanta na naman ang mga peste roon.
Renz sat up and screamed, but no one seemed to hear.
It was drowned by the music and singing voice from the bass speakers of the videoke machine.
***
NAKAPALUMBABA si Renz sa study table habang palipat-lipat ang tingin sa nakabuklat na libro at sa notebook na sinusulatan. She was reading and making bullet points for each terminology that she would come across from the book. Determinado siyang makabawi sa recitation bukas.
Pero paano? Alas-onse na ng gabi ay nagwawala pa rin ang mga peste niyang kapitbahay na nagbi-videoke.
Renz groaned and shook her head. Tinitigan niya ang binabasa sa libro. ‘Focus. Focus. Focus.’
She tried using her earphones earlier. But as usual, it was useless. Imbes na sariling music ang marinig, talong-talo ito ng volume ng videoke sa labas. Sa ingay, hindi na namalayan ni Renz ang pagpasok ni Bloom sa kanilang silid. She was still wearing her school uniform—a white button-down blouse with short sleeves and gray slacks pants. Nakikisabay pa ang dalaga sa pagkanta ng nagbi-videoke nilang kapitbahay.
Bloom put her backpack down on her bed, which was positioned on a corner close to the door. Maliit lang ang distansiya sa pagitan nito at ng kama ni Renz na katabi ng study table at bintana.
“O, bakit sarado ang bintana?” pansin ni Bloom nang makalapit ito sa likuran niya. “Hindi ka ba naiinitan?”
“Ang ingay sa labas, e,” Renz muttered, her eyes still on the book. “Nakatutok sa akin ang electric fan kaya okay lang.”
“Pero mamaya paikutin mo na iyang electric fan, ha? Paabutin mo sa higaan ko.”
“Oo naman. Bakit pala late ka na nakauwi? ’Buti hindi ka napagalitan ni Nanay Cita,” tukoy niya sa landlady ng boarding house.
“Tumambay pa ako sa school namin, e. Isa pa, mapapagalitan ba ako ni Nanay Cita, e, matanda na ’yon. Sa mga oras na ito, nakatulog na ’yon,” mahina nitong tawa.
“Suwerte niya at mahina na ang pandinig niya.”
Bloom was already fishing out clothes from her drawer. “Hindi ka pa nasanay sa ingay dito. Mag-earphones ka na lang kapag matutulog.”
“Wala rin. Kahit mag-earphones ako, rinig na rinig pa rin ang mga hinayupak na ’yan.”
Mahinang natawa lang si Bloom na hindi rinig dahil sa ingay sa labas. Isinara na nito ang drawer at isinampay sa isang braso ang mga bihisang damit. Pagkatapos ay isinabit nito aa balikat ang isang pink na bath towel.
“Shower lang ako,” paalam nito.
Tumigil si Renz sa pagbabasa pero hindi niya nilingon si Bloom. “Sige.”
***
EVERYTHING was deep, dark blue. Smoky with a tinge of green in the midst of blue hues could only be seen overhead, right on the area that the muted light from the surface could touch. Aside from the greenish, blue waters above, whitish speckles were also dancing.
All of these, reflected on a pair of green spectating eyes with black, narrow-irises.
Small bubbles surrounded the creature when an apparition of three spirits appeared. Pare-parehong nakaputi ang mga ito at tila dahan-dahang isinasayaw ng hangin ang kanilang itim na mga buhok at kasuotan. Nakalutang lamang ang mga ito nang umusad palapit. Huminto lang ang mga ito ilang metro ang layo mula sa higanteng berdeng mga mata ng nilalang.
‘Kailan mo balak tapusin ang iyong misyon?’ sabi ng isa gamit ang isip. Nakatitig ito sa nilalang pero ni hindi man lang kumikibot ang mga labi.
Hindi kumurap ang malaking mga mata. ‘Misyon?’
‘Hindi ba’t sumumpa ka na lalamunin ang pitong buwan sa kalangitan?’ sabi naman ng isa, gamit din ang isip.
‘May natitira pang isa. Kailan mo ito lalamunin?’ gatong ng ikatlong ispirito.
‘Bakit n’yo ako tinatanong nang ganito? Hindi ba, nagtulong-tulong kayo para pigilan ako noon? Ano’ng nangyari?’
Hindi maalis-alis ang tingin ng tatlo sa malaking mga mata. Mga mata na mas malaki pa kaysa sa tatlong ispirito na mga kasingtangkad ng isang ordinaryong tao.
‘Kapag nilamon mo ang huling buwan—’ paliwanag ng isa. ‘Mag-iiba ang pag-inog ng mundo at ang taas ng mga alon. Mababago ang direksiyon at ihip ng hangin pero hindi ang mga panahon at klima, dahil maglalaho na ang mga ito. Mawawala na ang tag-tuyot at tag-ulan; ang tag-araw, tagsibol, taglagas, taglamig.’
Dinugtungan ng ikalawang ispirito ang paliwanag. ‘Ang mga epektong ito ang naiisip naming paraan para maibsan ang epekto ng pagbabago ng klima na sumisira sa kalikasan.’
‘Sa madaling-sabi, gagamitin ninyo ang uhaw ko sa paghihiganti para iligtas ang kinamumuhian ko na sankatauhan?’ kalmado ngunit matigas ang pagngingitngit sa mga katagang nasa isip ng nilalang. ‘Ang layunin ng paglamon ko sa buwan ay para mamatay sila. Hindi para tulungan ang kalikasan na kumakanlong sa kanila at nagkakaloob ng mga pangangailangan nila!’
Unti-unting lumitaw ang hugis ng nilalang sa madilim na tubig. Nakalutang sa ibabaw ng mahaba nitong nguso ang tatlong ispirito. Bahagyang kumintab ang mangasul-ngasul na itim nitong mga kaliskis nang tamaan ng puting liwanag mula sa tatlong ispirito.
‘Wala namang assurance na mangyayari ang ine-expect ng tatlong nakaputi.’
Nagtaka ang tatlong ispirito at ang nilalang: saan nanggaling ang boses na iyon?
Hindi na nila kailangang tumingala o luminga-linga. Matalas ang pakiramdam nila. Titingin sila sa direksiyon na pinagmumulan ng dayuhang presensiya, ngunit hindi sila natinag sa kani-kanilang mga puwesto dahil wala naman silang napakiramdaman.
‘Kapag nawala ang buwan . . . puwedeng tumaas masyado ang alon, o maging pantay ang taas ng tubig sa lahat ng dagat sa mundo. Kapag nawala ang buwan . . . puwedeng maging bayolente ang ihip ng hangin. Kapag nawala ang buwan, posibleng mawalan ng four seasons o kabaligtaran ang mangyari, mas tumindi ang epekto ng mga season na ito . . . Kaya sa tingin ko, pasuwertehan na lang.’
Walang nakaimik mula sa tatlong ispirito at sa nilalang. Ngunit bahagyang naistorbo ang kapanatagan ng tubig. The underwater rippled a little as the giant creature stretched out its big mouth into a sinister smile that exposed its fangs.
Napakurap si Renz at mula sa ilalim ng karagatan ay bumalik siya sa kuwarto nila ni Bloom sa boarding house.
“Ang weird ng panaginip ko,” hikab niya habang tumutuwid ng upo. Sa study table na pala kasi siya nakatulog.
Paglingon sa higaan ni Bloom ay wala na ito. Naalarma tuloy siya.
‘Pumasok na siya sa school? Ano’ng oras na ba?’
Hahanapin na sana ni Renz ang cell phone para i-check ang oras, pero bago pa siya nakakilos ay may narinig siyang boses.
‘Sino’ng may sabi na panaginip lang ang mga nakita mo, babaylan?’
Nanigas si Renz sa kinauupuan. “B-Babaylan?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro