Panimula
Lahat ng tao gustong maging kakaiba...kaya ba nagkapare-pareho sila?
Mga mapanghusga.
Sa mga taong nakasasalamuha ko, iisa ang naririnig kong sinasabi nila...
Naiiba raw ako.
Minsan naisip ko, ako ba ang hindi nakakaintindi sa konsepto ng pangkaraniwan? O ako ang hindi nila naiintindihan?
Kailan ba masasabing hindi naiiba ang isang tao? Tuwing gagawin ang isang bagay na ginagawa ng karamihan? Pa'no kung hindi? Hindi na ba pangkaraniwan?
Nakalulungkot na ang mundong ginagalawan natin ay hindi ganoon kalawak ang pang-unawa sa pagiging kakaiba ng bawat isa. Sabi nila magpakatotoo ka...ngunit sa paraan na gusto nila.
Ang isang bata ay pangkaraniwang naglalaro, kung hindi n'ya iyon hilig, s'ya ba ay naiiba? Hindi 'di ba? Ang isang bulag ay pangkaraniwan na hindi nakakakita, ang bingi ay pangkaraniwan lang na walang pandinig, ang pilay ay pangkaraniwan lang na hindi nakalalakad.
Ang pagiging pangkaraniwan naman ay hindi naman nakabase sa pangkalahatang kakayahan ng karamihan. Hindi ako naiiba at hindi ko ginusto na maiba, pangkaraniwan lamang rin ako. 'Yun nga lang, hindi ako katulad ng karamihang tao.
Pangkaraniwan ako.
Pangkaraniwang nakikita ang buhay na wala sa paningin nila.
Sabi ng iba, maniwala raw sa nakikita ng ating mata...
Dapat ba akong maniwala sa realidad na hindi nila nakikita?
O mas dapat akong maniwala na ako'y talagang naiiba?
* * * *
A/N: Pansamantala ko munang inalis ang mga sumunod na kabanata, ibabalik ko na lang bukas(edited version). Maraming salamat at pasensiya na. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro