5 - (Oh Tukso) Layuan Mo Ako!
Author's Note:
For some reason, pag pumupunta ka ng page 2 ng chapter na ito, nabablangko. Pero pag bumalik ka ng page 1, andun na yung karugtong sa page 1. Ewan ko kung anong topak ito. Gusto atang pahabain ko ang chapter na to! Hmp!
-------------------------------------------------------
“You're up early. Going somewhere?” tanong ni Shin, isang umaga nang magkasalubong sila sa sala.
“Yeah, may pupuntahan ako.”
“I ask her if she's going somewhere and she answers, yes I'm going somewhere,” reklamo nu'ng isa. Sinipat nito ang suot niyang blazer na nakapatong sa blouse at slacks. “You seem to be all dressed up.”
“I'm meeting my dad for lunch later.” Leche flan, napapasalita na rin ako ng diretsong English ng mokong na 'to. Baka mamaya hindi na 'to matutong managalog.
“Your dad?”
“Oo. Tatay ko. Alangan namang sumulpot ako dito sa mundo ng mag-isa, siyempre may magulang ako, 'no.”
“I know that. But you never mentioned your parents before.” Sinundan siya ni Shin palabas ng apartment.
“Oh? Kailangan kong iexplain yun?” Tiningnan ni Bex kung nakatali ng maayos si Landshark sa puwesto nito sa tabi ng pinto, at kung kumpleto ang mga pangangailangan nito. “Food bowl, full... water bowl, full... litter box... check.”
Nagtaas ng kamay si Shin.
“Sorry,” ang sabi. “But why are you so... irritable all of a sudden?”
“I'm not irritable all of a sudden. This is my normal mood.”
“Being grouchy...?” Yumuko si Shin upang itapat sa kanya ang mukha at titigan siya ng diretsahan. “Come to think of it, maybe it's just low blood sugar. Hindi ka pa nag-breakfast, 'no?”
“Urrrgh. Get away from me.” Kinonyatan niya tuloy ito, sabay irap. “Aba't nagta-Tagalog ka na ngayon.” At kung kelan ako napapa-English eh dun ka pa nanagalog, mokong ka. Patawa-tawa ka pa diyan.
“You gotta eat breakfast before you go.” Hinatak siya ni Shin pabalik sa loob.
“Shin, I don't have time to eat, I've got to leave soon!”
“Kailangan mong kumain! This won't take long. I made some pancakes. And there's bacon and eggs. Do you want coffee, orange juice? Or both?” Hinawakan siya nito sa balikat at pinaupo. Tinanggal ang takip ng pagkain. Iniabot sa kanya ang kanyang paboritong mug na puno ng kape. Sinalinan din ng orange juice ang kanyang paboritong baso. Kunot-noong tinikman ni Bex ang kape.
“Shin, anong kape to?”
“Brewed.”
“Brewed? At kelan pa ako nagkaro'n ng coffeemaker...?”
“Kahapon. Tanya onee-san said you love coffee. So I got a coffeemaker and some fresh ground beans, and there you go.”
“Naku. Hindi mo naman kinailangang gumastos ng ganito. Ikaw na nga ang nagluluto dito and everything, pinapakain mo na nga lang ako.”
“Correct. But then you're the boss landlady and I'm just living here. Stop looking at me like that. Can't you just say 'thank you, Shin'?”
“Fine. Thank you, Shin. Okay na?”
“Finish your pancakes. I'm gonna go take a shower. And I'm gonna be disappointed if you don't clean your plate. You don't wanna disappoint the cook, right, Bex?”
* * *
Kahit binilisan ni Bex ang pagsubo at pagnguya, hindi pa rin siya natapos kumain bago makalabas ng banyo si Shin. Nakatapis lang ito ng tuwalya, at dumaan pa sa tabi niya. Humahalimuyak pa ang kung anong amoy ng sabong ginamit nito.
Walang hiya talaga tong mokong na to. Ang hilig magburles. Aakalain mo feeling niya'y fashion model siya't rumarampa sa runway. Eyes on your food, Bex.
Pero syet naman, ang bango.
Lumingon pa si Shin sa kanya.
“Eat a little more slowly or you'll choke on your food,” payo nito.
“Icho-choke kita diyan eh, neknek mo,” bulong ni Bex sa sarili.
Nasamid tuloy talaga siya.
Tapos, sa kakaubo niya't kakahabol ng hininga, na-realize na lang niyang hinahagod ni Shin ang kanyang likod. Bumalik pala ito at ngayo'y nakatayo sa likuran niya. Sa sobrang lapit, amoy na amoy na naman niya ang bangong iyon. Oh syet. Layuan mo ako huhuhu...
“I told you to eat more slowly!” Pinagsabihan pa siya nito.
“I'm okay,” giit niya. “Magbihis ka na nga doon!” Sabay lagok ng orange juice.
“Not until I'm sure you're okay. You might need the Heimlich maneuver or something.”
Heimlich maneuver...? Yun yong ginagawa sa taong as in seryosong seryosong nabulunan. Yung niyayakap ng taong nasa likuran niya tapos hinahatak siyang pataas para lumabas yung bumabara sa lalamunan niya...
Feeling niya tuloy, nag-init at nanlamig bigla ang buong katawan niya. Nasamid na naman siya sa iniinom.
-----------------------------
Note ulit:
Sa kung sino man ang nagbabasa nito... tell me what you think...? Ang kulit lang kasi talaga ni Shin eh no. Ano sa palagay n'yo ang susunod na mangyayari...?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro