Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4 - Bahala Na Si Batman!

“I don't get it. Are you mad at me...?” patuloy na urirat ni Shin habang sinusundan nito si Bex papasok ng apartment.

“No.” Sabay pasok ng kuwarto at kandado ng pinto.

“Aw come on, Bex... what have I done?”

“Wala nga sabi ko! Now I'm going to work, so could you go away and leave me alone?”

“Okay! Okay, fine-- geez.”

Maya-maya'y narinig na niya ang mga yabag nitong papalayo.

Bumagsak si Bex sa kama niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya kay Shin. Lagi siyang naiirita dito na nahihiya na hindi niya maipaliwanag.

Whenever I see him coming, I want to run the other way! Aw shucks. What's happening to you, Bex? Get a grip! May trabaho ka pang naghihintay na gawin!

Work. Need to work. Work is good.

Bumangon siya at naupo sa harap ng computer.

* * *

Naalimpungatang bigla si Bex. Nagkakagulo sa labas. May nagsisigawan. Kumakahol si Landshark.

Ugh, nakatulog pala ako sa harap ng computer! Syet, ano'ng nangyari? May sunog? May magnanakaw? Anooooo?

Dali-dali niyang isinuot ang tsinelas at lumabas ng kuwarto.

Sa kusina, nagkakagirian sina Shin at Tom. Pilit silang pinapakalma ni Roy. At the same time, tila pinagbabawalan ni Shin ang Blackstars na lumapit sa mesa; kada may sumusubok lumapit, hinahataw niya ito ng sandok, humihiyaw ang tinatamaan, at umaalma si Tom.

“I told you! You can't touch it yet, it's for Bex!”

WHACK!

“AAAAGGH!!” hiyaw ni Jun, na tinamaan sa braso.

“RUFF! RUFF! RUFF!” si Landshark.

“Ano ba pare! Wag kang manghataw sabi eh!” si Tom.

“I told you to leave it alone so I won't do this!”

“Anong kaguluhan ito?” bungad ni Bex.

“Sorry po 'Te Bex,” sabay lingon sa kanya ni Tom. Lumingon din ang ibang Blackstars. Sabay biglang nag-about face din kaagad lahat.

“Ooops! Sorry, 'Te Bex!” si Dan, na pinakamabagal pumihit.

Saglit na napatanga si Bex sa inasal nila. Nang tumingin siya kay Shin, nakatawa ito.

“Ba't ka nakangisi?” sita niya.

“The view,” patikhim na sagot nito.

“Tarantadong 'to...” Umabante ulit si Jun, sabay atras din kaagad para hindi maabot ng sandok.

Napatingin tuloy si Bex sa sarili.

Awww syet! OH NO!

Napa-about face din siya at dali-daling isinara ang butones ng suot na blouse. Nakalimutan pala niyang magbihis at naka-business attire pa rin siya.

Argh! I hate these blouses! Ayoko nang magsuot ng ganito! Hindi na ako bibili pa ulit ng ganitong style ng blouse, promise!

Pumihit siya ulit at pinilit gawing pormal ang pagmumukha.

“Ano'ng nangyari? Bakit kayo nagkakagulo dito sa loob ng bahay?”

“Siya kasi 'Te Bex!” sumbong ni Troy.

“Si Shin kasi 'Te Bex ayaw kaming papasukin ng kusina!” si Neil.

“Disrespectful brat. I'm older than you. Why are you calling me just Shin?”

“Eh ano pala'ng gusto mo? Kuya? Manigas ka,” si Jun.

“Kids...”

“Pero 'Te Bex...” daing ni Jun.

“Kids. Tahimik muna kayong lahat.” Isinama na rin niya si Shin sa mga tinutukoy.  Umalma ito.

“What? What do you mean, 'kid'?”

Nagkrusimano si Bex.

“Oo. Kids. Kayong lahat. Tumahimik muna kayo. Isa isa lang! Roy. Ano'ng nangyari?”

“Eh...” Nagkamot ng ulo si Roy. “Kasi naman 'Te Bex. Naubusan ulit kami ng bigas... Kaso ayaw kaming papasukin ni Shin ng kusina. Kaya ayun.”

“Shin?” tanong ni Bex.

“I was cooking. I didn't want them to come in and mess something up.”

“Kailangan mo ba talaga silang hampasin? Kukuha lang naman sila ng bigas sa lalagyanan.”

“They wouldn't listen to me!” Nagkrusimano din si Shin. “You mean to say they regularly come in here and get your food?”

“Marami naman akong pagkain!”

“Oh yeah, when you remember to buy some,” pasarkastikong sagot.

“I went shopping yesterday, okay?” Itinuro ni Bex ang cabinet. “Gaano karaming bigas ba ang kailangan n'yo, Tom?”

“Salamat, 'Te Bex.”

“We love you, 'Te Bex,” pahabol pa ni Jun.

“O, tapos na ang gulo ha? Babalik na ako ng kuwarto.”

“Sorry po sa istorbo, 'Te Bex!” si Roy.

“Wag na kayo ulit magkagulo, okay? Hay naku. Bumibilis ang pagtanda ko nang dahil sa inyo!” Sabay exit sa kusina.

* * *

Tinatapos ni Bex ang isang document nang katukin ni Shin ang pintuan ng kuwarto niya at tawagin ang pangalan niya.

“What?” angil niya.

“It's dinner time!”

“Fine, so...?”

“Come and eat?”

“Mamaya pa ako kakain!”

“But I cooked this for you...!”

“Ha?”

“Come on out, it's going to get cold!” Kinatok ulit ni Shin ang pinto.

“Okay fine! Tigilan mo na yang pagkatok, naman eh.”

“I won't stop until you open the door.” Kumatok ulit ito.

Binuksan ni Bex ang pinto at inirapan siya.

“Oh, come on, roommate...” reklamo nito. 

“Roommate?”

“Aren't we roommates?”

“Hindi tayo magkasama sa iisang kuwarto! Sinusuwerte ka!” Narinig niyang may ibinulong ito sa sarili. “Ano'ng sinabi mo?”

“Housemates, then?”

“Mukha ba itong Bahay Ni Kuya?”

“Just quit the complaining already and come eat.” At nang hindi pa rin siya gumagalaw, hinawakan na nito ang braso niya at inakay siya patungong kusina.

“Kaya kong maglakad.” 

“Fine. You sit down and help yourself and I'll just take these next door then. Be right back.” Kinuha ni Shin ang dalawang pinggang may takip ding pinggan, at tinungo ang pinto.

Oh my. Ang sarap ng amoy. Kahit gustong magpigil, inangat na ni Bex ang plastic food dome na nakatakip sa pagkain. 

Nakaupo na siya nang bumalik si Shin.

“Chicken katsu, yakisoba, onigiri, fried tofu, miso soup. And my strawberry cheesecake for dessert. I hope you like it.”

“Whoa. Ang dami naman nito, Shin!” Nakalimutan bigla ni Bex ang inis.

“I already shared some with Lorena and Carrie and the boys, don't worry.”

“Okay na kayo ng mga bata?”

“If you mean the boys, they accepted the food.” Nagkibit-balikat si Shin, sabay sulyap sa kanya. “What do you mean calling me a kid?”

“Mas bata kayong lahat sa akin. So lahat kayo, kid brothers ko.”

“Do I look like a kid to you?” pagmamaktol nito.

 “O, wag ka nang magreklamo. Pwede na tayong kumain?”

“I guess.” Pero hindi nagtagal, napangiti din si Shin. “Do you realize this is the first time we've eaten together since the day I arrived?”

“Talaga?”

“Well, the first day doesn't count.” Sabay ngiti ulit sa kanya.

Leche, bakit mo ako pinatatamaan niyang pamatay na ngiti na yan, sa loob-loob ni Bex. Lumayo ka, please. 

“We should eat together more often,” pagpapatuloy ni Shin. “I mean, it's okay with me if I cook for both of us. It's what I do anyway. Just as easy to cook for two as it is for one.”

“Shin, hindi mo naman kailangang mag-abala pa...”

“I want to, okay? And I've noticed your schedule. You just eat when you remember to eat. At least this way, you're sure to get your meals on time.”

Nagkatitigan sila. Tumagal. Si Bex ang unang bumawi ng tingin.

“O—kay...” sabi niya. “Salamat sa alok.”

“My pleasure.” Lalong lumuwang ang ngiti ng kausap niya.

Peste talaga yang ngiting yan. Napa-agree ako. Ngayon ipagluluto pa raw ako. Umiiwas na nga eh! Taksil talaga itong tiyan at dila ko.

Whatever! Basta! Bahala na nga si Batman!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro