Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

KABANATA 6

Nasa gitna na sila ng biyahe at abala sa pagkain ng sandwich si Amanda na siyang ibinaon sa kanya ng kanyang Inang nang biglang nagsalita si Miguel.

"Pinabibigay po pala ni Senyorito sa inyo," wika ni Miguel sabay abot ng parihabang maliit na kahon ngunit ang mga tingin nito ay nakatuon pa rin sa daan.

Kunot-noong tiningnan naman ni Amanda ang kahon at nagpasalamat kay Miguel. Itim na kahon iyon na agad naman niyang binuksan. Bumungad sa kanya ang tila isang mamahalin na selpon.

Walang ano-ano ay ini-on niya ito at nagulat nang bigla na lamang itong tumunog. Agad niyang binasa kung sino ito at tila nahagip naman ang kanyang paghinga at muntik pa siyang mabulunan.

Si Alfonso ang tumatawag sa kanya.

Sinagot naman ito agad ni Amanda. Kahit papaano ay marunong siyang gumamit ng selpon dahil na rin sa mga kakilala niya. "Hello?" sagot niya at narinig naman niya ang tila pagbuntong-hininga ni Alfonso.

"Do you like it?" Walang pag-aalinlangang tanong ni Alfonso.

"Masyado yata itong mahal," sagot naman ni Amanda.

"I am asking you if it is to your liking. Don't make me repeat it again," malamig na wika ni Alfonso.

Tumango-tango naman si Amanda na animo ay nakikita ito ni Alfonso. "Opo, Senyorito. Maganda po," sagot niya habang inaayos ang kanyang sandwich.

"I'm glad. Ako lang ang nasa contacts mo at si Miguel na muna ang magsisilbing mata ko para sa'yo. Update me always too." Iyon lang at pinatay na nito agad ang tawag.

Nagtatanong naman ang mga mata ni Amanda habang ibinababa niya ang selpon mula sa kanyang tainga. Hindi pa rin siya makapaniwalang mayroon na siyang selpon ngunit para bang hindi naman niya alam kung ano pa ang gagawin dito bukod sa tawag at mensahe. Bago niya inilagay sa loob ng kanyang bag ay inilagay na niya muna ito sa silent mode dahil baka ikapapahamak niya pa ito mamaya. Minsan na siyang nakahawak ng selpon sa unang naging kaibigan niya noon sa kanyang eskwelahan ngunit agad din itong lumipat ng ibang mapapasukan.

"Malapit na po tayo," wika ni Miguel at doon lamang napagtanto ni Amanda na malapit na nga sila sa eskwelahan.

Tahimik din si Miguel gaya ni Mang Berto ngunit ramdam ni Amanda na mabait si Miguel.

"Maraming salamat po," wika ni Amanda nang makababa sa sasakyan at isinara ang pinto.

Pagkapasok nang pagkapasok niya sa gate ay nabunggo naman siya ng pagkatigas-tigas na bagay.

"Amanda? Here let me help you with that," Isang pamilyar na boses ang nagsalita ngunit tila hindi pa maimulat ni Amanda ang kanyang mga mata dahil sa pagkakabangga. Tao pala ang kanyang binangga akala niya ay isang pole.

"Hey, sorry. Are you okay?"

Dahan-dahang iminulat naman ni Amanda ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang malapit na mukha ng isang lalaki. Agad naman siyang napaatras na muntik naman niyang ikinatalisod mabuti na lang din at agad siyang nahila.

Nagulat naman si Amanda dahil ang taong nasa kanyang harapan ay walang iba kung hindi si Enzo

Iniabot naman ng binata ang mga gamit na naihulog ng dalaga.

"Enzo?" tanong niya at bahagyang natawa naman ang binata habang hawak-hawak pa rin sa pulsohan ang dalaga.

Ngumiti namang pagkatamis-tamis ang binata. "You remember."

Doon na lang din binitawan ni Enzo ang pagkahahawak niya kay Amanda. "You go here?" tanong nito at tumango naman si Amanda. "Ang liit naman ng mundo. I go here too," sagot naman ni Enzo na ikinagulat naman ni Amanda.

"Dito ka rin pala nag-aaral?" tanong ni Amanda at nagsimulang maglakad. Sumabay din ang binata sa kanya.

"Third year college sa kabilang building kami," sagot niya at nagulat naman doon si Amanda.

Hindi niya aakalaing third year na ito dahil sa pagkaaakala niya ay parehong edad lang sila.

"Ako naman nasa fourth year highschool. Kuya pala dapat ang itatawag ko sa'yo kung ganoon," ngiting pagsagot naman ni Amanda.

Natigilan naman si Enzo at napakamot ng kanyang batok. "No, don't call me that."
Tumango-tango naman si Enzo. "Dito ka pa rin ba magko-kolehiyo?" tanong ni Enzo at tumango naman si Amanda.

Wala namang ibang pag-aaralan si Amanda at nagpasasalamat na siya na pinapaaral pa siya ng mga Alonto.

"That's great. How about we go lunch together after your exam?" dagdag na tanong ni Enzo at sandaling napaisip naman si Amanda.

"Sige," sagot niya at agad naman silang tumigil sa paglalakad. "Dito na ako, Enzo," dagdag ni Amanda nasa harapan na kasi sila ng kanilang building.

Tumango naman si Enzo at nagpaalam. "See you later."

Naguguluhang napatingin ulit si Amanda sa gawing direksyon ni Enzo kung saan ito ulit naglakad. Para kasing inihatid lamang siya nito.

ILANG oras din ang kanilang naging pagsusulit bago magtanghalian. Inunat naman ni Amanda ang kanyang kamay at paa pati na rin ang kanyang leeg.

Mabuti na lang at nakapag-aral siya kahit papaano. Agad naman siyang nahikab at agad na naalala ang kanyang selpon na nasa loob ng kanyang bag.

Nagulantang naman siya nang makita niyang nakailang missed call si Alfonso sa kanya. Napakamot naman si Amanda ng kanyang ulo at inisip kung alam ba nitong araw ng pagsusulit nila ngayon.

Agad naman siyang tumipa upang magpadala ng mensahe kay Alfonso. Doon lang din niya napansin na walang nakalagay na Senyorito sa pangalan ni Alfonso sa kanyang contacts. Lalagyan niya ito mamaya dahil tila nakawawalang respeto kasi ito kung pangalan niya lang ang nakapaskil.

To Alfonso: Senyorito, sorry kung hindi ko po agad nasagot ang tawag ninyo. Exam po kasi namin ngayon at naka-silent po ang cp ko.

Iyon lang at agad niyang ibinalik sa loob ng kanyang bag ang kanyang selpon.

"Amanda? May naghahanap sa'yo," puna ng isa sa kanyang mga kaklase at doon niya lang napagtanto na tila lahat ng kanyang mga kaklase ay nakatingin sa labas.

Doon ay nakatayo si Enzo mismo sa labas ng kanilang pintuan. Agad namang napatayo si Amanda dahil nakalimutan niya ang kanilang usapan dahil na rin sa mga missed calls sa kanya ni Alfonso.

"Enzo."



PS: This is Enzo Gabriel

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro